2 Timoteo 2 – TCB & CRO

Tagalog Contemporary Bible

2 Timoteo 2:1-26

Ang Mabuting Sundalo ni Cristo Jesus

1Kaya ikaw Timoteo, bilang anak ko sa pananampalataya, magpakatatag ka sa tulong ni Cristo Jesus. 2Ituro mo rin sa mga mapagkakatiwalaang tao, na makakapagturo rin sa iba, ang mga aral na narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi.

3Makibahagi ka sa mga paghihirap bilang isang mabuting sundalo ni Cristo Jesus. 4Dapat katulad ka ng isang sundalong nasa serbisyo; hindi siya nakikisangkot sa iba pang gawain para mabigyan niya ng kasiyahan ang kanyang opisyal. 5Ganoon din naman, dapat katulad ka ng manlalaro; hindi siya makakakuha ng premyo kung hindi siya sumusunod sa tuntunin ng laro. 6At dapat katulad ka rin ng masipag na magsasaka; hindi baʼt siya ang unang karapat-dapat na tumanggap ng bahagi sa ani? 7Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo, at ipapaunawa sa iyo ng Dios ang lahat ng ito.

8Alalahanin mo ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, na nabuhay mula sa mga patay at nagmula sa angkan ni David. Ito ang ipinapangaral ko 9na siyang dahilan ng paghihirap ko hanggang sa ikadena ako na parang isang kriminal. Pero hindi nakakadenahan ang salita ng Dios. 10Dahil dito, tinitiis ko ang lahat ng paghihirap alang-alang sa mga pinili ng Dios, para makamtan din nila ang kaligtasang nakay Cristo Jesus at ang buhay na walang hanggan. 11Totoo ang kasabihang,

“Kung namatay tayong kasama niya,

mabubuhay din tayong kasama niya.

12Kung magtitiis tayo,

maghahari rin tayong kasama niya.

Kung itatakwil natin siya,

itatakwil din niya tayo.

13Kung hindi man tayo tapat,

mananatili siyang tapat,

dahil hindi niya maikakaila ang kanyang sarili.”

Ang Karapat-dapat na Alagad ng Dios

14Ipaalala mo sa kanila ang mga bagay na ito, at pagbilinan mo sila sa presensya ng Dios na iwasan ang walang kwentang pagtatalo. Wala itong mabuting naidudulot kundi kapahamakan sa mga nakikinig. 15Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Dios, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan. 16Iwasan mo ang makamundo at walang kwentang usap-usapan, dahil lalo lang napapalayo sa Dios ang mga gumagawa nito. 17Ang mga aral nilaʼy parang kanser na kumakalat sa katawan. Kabilang na sina Hymeneus at Filetus sa mga taong ito. 18Lumihis sila sa katotohanan dahil itinuturo nilang naganap na ang muling pagkabuhay ng mga patay, at ginugulo tuloy nila ang pananampalataya ng iba. 19Ganoon pa man, nananatiling matibay ang saligang itinatag ng Dios, at may nakasulat na “Alam ng Panginoon kung sino ang sa kanya,”2:19 Bil. 16:5. at “Dapat lumayo sa kasamaan ang bawat taong nagsasabi na siyaʼy sa Panginoon.”

20Sa isang malaking bahay, may mga kasangkapang yari sa ginto at pilak, at mayroon ding yari sa kahoy at putik.2:20 putik: sa Ingles, “clay.” Ginagamit sa mahahalagang okasyon ang mga kasangkapang yari sa ginto at pilak, at ang mga kasangkapang yari naman sa kahoy at putik ay sa pang-araw-araw na gamit. 21Ang mga taong lumalayo sa kasamaan ay nabibilang sa mga kasangkapang ginagamit sa mahahalagang okasyon. Nakatalaga sila sa Panginoon, kapaki-pakinabang sa kanya, at laging handa sa lahat ng mabubuting gawain. 22Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso. 23Iwasan mo ang mga walang kwentang pakikipagtalo at kalokohan lamang, dahil alam mong hahantong lang ito sa alitan. 24Ang lingkod ng Dios ay hindi dapat nakikipag-away, kundi mabait sa lahat, marunong magturo at mapagtimpi. 25Kailangang mahinahon siya sa pagtutuwid sa mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling sa ganitong paraan ay bigyan sila ng Dios ng pagkakataong magsisi at malaman ang katotohanan. 26Sa ganoon, maliliwanagan ang isip nila at makakawala sila sa bitag ng diablo na bumihag sa kanila para gawin ang nais nito.

Knijga O Kristu

2 Timoteju 2:1-26

Dobar Kristov vojnik

1Timoteju, sinko, jačaj u milosti koju nam daje Isus Krist! 2Što si od mene čuo pred mnogim svjedocima, prenesi pouzdanim ljudima koji će to moći prenijeti drugima.

3Dijeli sa mnom tegobe kao dobar vojnik Krista Isusa. 4Kristov si vojnik; ne zapleći se u svagdanje poslove jer inače nećeš moći ugoditi vojskovođi. 5Pokoravaj se Božjim pravilima, baš kao sportaš koji ne može dobiti nagradu ako se propisno ne natječe. 6Ratar koji naporno radi treba prvi uživati u plodovima svojega truda. 7Razmisli što ti govorim. Gospodin će dati da razumiješ sve to.

8Nemoj nikad zaboraviti da je Isus Krist rođen kao potomak kralja Davida i da je uskrsnuo od mrtvih. To je Radosna vijest koju naviještam. 9Zbog nje trpim nevolju i okovan sam poput kakva zločinca. Ali ako sam ja okovan, Božja riječ nije. 10Voljan sam sve podnijeti zaradi onih koje je Bog izabrao da postignu spasenje i vječnu slavu u Kristu Isusu.

11Ove su riječi istinite:

Umremo li s njim,

s njim ćemo i živjeti.

12Podnesemo li nevolje,

kraljevat ćemo s njim.

Ako ga se odreknemo,

i on će se nas odreći.

13Ako mu ne budemo vjerni,

on će ostati vjeran

jer ne može sâm sebe zanijekati.

Djelatnik potvrđen od Boga

14Podsjećaj ljude na to i zaklinji ih pred Bogom da se ne prepiru. To ničemu ne koristi, a na propast je onima koji slušaju. 15Marljivo se trudi da se pred Bogom pokažeš prokušanim, dobrim djelatnikom koji se nema čega stidjeti i koji točno razlaže riječ istine. 16Svjetovne i isprazne rasprave izbjegavaj jer one vuku u sve veću bezbožnost. 17Takve se riječi šire poput gnjileži. Takvi su Himenej i Filet. 18Zastranili su od istine tvrdeći da se uskrsnuće već zbilo. Time su potkopali vjeru nekih.

19Ali Božja istina stoji čvrsto poput temelja s natpisom: “Gospodin poznaje svoje”2:19 Brojevi 16:5. i “Tko god tvrdi da pripada Gospodinu neka se kloni zla.”2:19 Vidjeti: Izaija 52:11.

20U bogatoj kući ima posuda načinjenih od zlata i srebra, ali i od drva i gline. Jedne se rabe u časne, druge u nečasne svrhe. 21Bude li se dakle tko čuvao čistim od toga, bit će posuda korisna Gospodaru—časna, posvećena, čista i prikladna za svako dobro djelo.

22Kloni se svega što potiče mladenačke strasti! Teži za pravednošću, vjerom, ljubavlju, mirom sa svima koji čistog srca zazivaju Gospodina.

23Kloni se nerazumnih i neobuzdanih rasprava jer znaš da one završavaju svađom. 24A sluga Gospodnji ne smije se svađati, nego prema svima mora biti blag. Treba biti sposoban poučavati i otrpjeti 25te blago prekoriti protivnike ne bi li im Bog darovao obraćenje da spoznaju istinu. 26Tada će se prenuti iz đavolske zamke grijeha u koju su bili uhvaćeni i ispunjavali njegovu volju.