2 Samuel 4 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 4:1-12

Pinatay si Ishboshet

1Nang marinig ni Ishboshet na anak ni Saul, na pinatay si Abner sa Hebron, pinagharian siya ng matinding takot pati na ang lahat ng mamamayan ng Israel. 2May dalawang tauhan si Ishboshet na namumuno sa pagsalakay sa mga lungsod ng mga kalaban: sina Baana at Recab. Mga anak sila ni Rimon na taga-Beerot, mula sa lahi ni Benjamin. Ang Beerot ay sakop ngayon ng Benjamin 3dahil tumakas ang mga unang naninirahan dito papuntang Gittaim. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila roon bilang mga dayuhan.

4(Ang isa pang anak ni Saul na si Jonatan ay may anak na nalumpo, si Mefiboset. Limang taong gulang ito nang dumating ang balitang napatay sina Saul at Jonatan sa labanan sa Jezreel. Nang marinig ng tagapag-alaga ni Mefiboset ang balita, binuhat niya ito at tumakas. Pero dahil sa pagmamadali, nabitawan niya ang bata at nalumpo.)

5Isang araw, nagpunta sa bahay ni Ishboshet sina Recab at Baana na mga anak ni Rimon na taga-Beerot. Tanghaling-tapat nang dumating sila habang nagpapahinga si Ishboshet. 6-7Pumasok sila sa bahay na kunwariʼy kukuha ng trigo. Dumiretso sila sa kwarto ni Ishboshet kung saan nakahiga ito sa kama niya at pagkatapos, sinaksak nila ito sa tiyan. Pinutol nila ang ulo ni Ishboshet at dinala nila ito sa kanilang pagtakas. Buong gabi silang naglakbay sa Lambak ng Jordan.4:6-7 Lambak ng Jordan: sa Hebreo, Araba.

8Pagdating nila sa Hebron, dinala nila kay David ang ulo ni Ishboshet at sinabi, “Narito po ang ulo ni Ishboshet ang anak ni Saul na kalaban nʼyo, na nagtangka sa inyong buhay. Sa araw na ito, ipinaghiganti kayo ng Panginoon laban kay Saul at sa angkan niya.” 9Sumagot si David, “Sasabihin ko sa inyo ang totoo sa presensya ng Panginoon na buhay, na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. 10Noon ay may taong pumunta sa akin sa Ziklag at sinabing patay na si Saul, akala niyaʼy magandang balita ang dala niya sa akin. Sa halip, ipinadakip ko siya at ipinapatay. Iyon ang gantimpalang ibinigay ko sa balitang inihatid niya sa akin. 11Ngayon, anong gantimpala ang ibibigay ko sa masasamang taong gaya nʼyo na pumatay ng isang inosenteng tao sa sarili nitong tahanan at sa sarili niyang higaan? Hindi baʼt nararapat na patayin ko kayo para mawala na kayo sa mundo?”

12Kaya iniutos ni David sa mga tauhan niya na patayin sina Recab at Baana, at sinunod nila ito. Pinutol nila ang mga kamay at paa ng magkapatid, at ibinitin ang kanilang katawan malapit sa Imbakan ng Tubig ng Hebron. Pagkatapos, kinuha nila ang ulo ni Ishboshet, at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron.

Persian Contemporary Bible

دوم سموئيل 4:1-12

ايشبوشت كشته می‌شود

1وقتی ايشبوشت پادشاه شنيد كه ابنير در حبرون كشته شده است، هراسان گشت و تمام قومش نيز مضطرب شدند. 2‏-3ايشبوشت دو فرمانده سپاه داشت به نامهای بعنه و ريكاب. آنها پسران رمون بئيروتی از قبيلهٔ بنيامين بودند. (با اينكه اهالی بئيروت به جتايم فرار كرده و در آنجا ساكن شده بودند، ولی باز جزو قبيلهٔ بنيامين محسوب می‌شدند.)

4(در ضمن، شائول نوهٔ لنگی داشت به نام مفيبوشت كه پسر يوناتان بود. هنگامی كه شائول و يوناتان در جنگ يزرعيل كشته شدند، مفيبوشت پنج ساله بود. وقتی خبر مرگ شائول و يوناتان به پايتخت رسيد، دايهٔ مفيبوشت، او را برداشت و فرار كرد. ولی هنگام فرار به زمين خورد و بچه از دستش افتاد و پايش لنگ شد.)

5يک روز ظهر، موقعی كه ايشبوشت پادشاه خوابيده بود، ريكاب و بعنه وارد خانهٔ او شدند. 6‏-7آنها به بهانهٔ گرفتن يک كيسه گندم به كاخ او آمدند و مخفيانه به اتاق پادشاه رفتند. سپس او را كشته، سرش را از تنش جدا كردند و آن را با خود برداشته، از راه بيابان گريختند. آنها تمام شب در راه بودند 8تا به حبرون رسيدند. ريكاب و بعنه سر بريده شدهٔ ايشبوشت را به داوود تقديم كرده، گفتند: «اين سر ايشبوشت، پسر دشمنت شائول است كه می‌خواست تو را بكشد. امروز خداوند انتقام تو را از شائول و تمام خاندان او گرفته است!»

9اما داوود جواب داد: «به خداوند زنده كه مرا از دست دشمنانم نجات داد، قسم 10كه من آن شخصی را كه خبر كشته شدن شائول را به صقلغ آورد و گمان می‌كرد كه مژده می‌آورد، كشتم. آن مژدگانی‌ای بود كه به او دادم. 11حال، آيا سزای مردان شروری كه شخص بی‌گناهی را در خانهٔ خود و در رختخوابش به قتل رسانده‌اند، كمتر از اين بايد باشد؟ بدانيد كه شما را نيز خواهم كشت.»

12بعد داوود به افرادش دستور داد كه هر دو را بكشند. پس آنها را كشتند و دستها و پاهايشان را بريده، بدنهايشان را در كنار بركهٔ حبرون به دار آويختند؛ اما سر ايشبوشت را گرفته، در قبر ابنير در حبرون دفن كردند.