2 Samuel 12 – TCB & NUB

Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 12:1-31

Sinaway ni Natan si David

1Ngayon, isinugo ng Panginoon si Propeta Natan kay David. Pagdating niya kay David, sinabi niya, “May dalawang taong nakatira sa isang bayan. Ang isaʼy mayaman at ang isaʼy mahirap. 2Ang mayaman ay maraming tupa at baka, 3pero ang mahirap ay isa lang ang tupa na binili pa niya. Inalagaan niya ito at lumaking kasabay ng mga anak niya. Pinapakain niya ito ng pagkain niya, at pinapainom sa baso niya, at kinakarga-karga pa niya ito. Itinuturing niya itong parang anak niyang babae. 4Minsan, may dumating na bisita sa bahay ng mayaman, pero ayaw niyang katayin ang baka o tupa niya para ipakain sa bisita niya. Kaya kinuha niya ang tupa ng mahirap at ito ang inihanda niya para sa bisita niya.”

5Labis na nagalit si David sa mayaman at sinabi niya kay Natan, “Isinusumpa ko sa Panginoon na buhay, na dapat patayin ang taong gumawa niyan. 6Dapat niyang bayaran ng hanggang apat na beses ang halaga ng isang tupang kanyang kinuha dahil wala siyang awa.”

7Pagkatapos, sinabi ni Natan kay David, “Ikaw ang taong iyon! Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Dios ng Israel: ‘Pinili kitang hari ng Israel at iniligtas kita kay Saul. 8Ibinigay ko sa iyo ang kaharian at mga asawa niya. Ginawa kitang hari ng buong Israel at Juda. At kung kulang pa ito, bibigyan pa sana kita nang mas marami pa riyan. 9Pero bakit hindi mo sinunod ang mga utos ko, at ginawa mo ang masamang bagay na ito sa paningin ko? Ipinapatay mo pa si Uria na Heteo sa labanan; ipinapatay mo siya sa mga Ammonita, at kinuha mo ang asawa niya. 10Kaya dahil sa ginawa mo, mula ngayon, palagi nang magkakaroon ng labanan at patayan sa pamilya mo, dahil sinuway mo ako at kinuha ang asawa ni Uria upang maging iyong asawa.’

11“Ito pa ang sinasabi ng Panginoon: May isang miyembro ng sambahayan mo ang maghihimagsik laban sa iyo. Ibibigay ko ang mga asawa mo sa taong iyon na hindi iba sa iyo at sisiping siya sa kanila na kitang-kita ng mga tao. 12Ginawa mo ito nang lihim pero ang gagawin koʼy makikita nang hayagan ng buong Israel.”

13Sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako sa Panginoon.” Sumagot si Natan, “Pinatawad ka na ng Panginoon at hindi ka mamamatay sa kasalanang ginawa mo. 14Pero dahil sa ginawa mo, binigyan mo ng dahilan ang mga kalaban ng Panginoon na lapastanganin siya kaya siguradong mamamatay ang anak mo.” 15Nang makauwi na si Natan, ipinahintulot ng Panginoon na magkasakit ng malubha ang anak ni David kay Batsheba. 16Nakiusap si David sa Dios para sa bata. Nag-ayuno siya sa loob ng kwarto niya, at natutulog siya sa lapag gabi-gabi. 17Pinuntahan siya ng mga tagapamahala ng kanyang sambahayan para pabangunin, pero ayaw niya, at ayaw din niyang kumaing kasama nila.

18Nang ikapitong araw, namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sabihin sa kanya na patay na ang bata. Sinabi nila, “Paano natin sasabihin sa kanya na patay na ang bata? Hindi nga niya pinapansin ang pagdamay natin sa kanya noong buhay pa ang bata, paano pa kaya ngayong patay na ito. Baka kung ano ang gawin niya sa sarili niya!”

19Napansin ni David na nagbubulungan ang mga alipin niya, kaya pakiramdam niya, patay na ang bata. Nagtanong siya, “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila, “Patay na po siya.” 20Pagkarinig nito, bumangon si David, naligo, nagpahid ng mabangong langis at nagpalit ng damit. Pumunta siya sa bahay ng Panginoon at sumamba. Pagkatapos, umuwi siya, nagpahain, at kumain. 21Sinabi ng mga lingkod niya, “Hindi po namin kayo maintindihan. Noong buhay pa ang bata, nag-aayuno po kayo at umiiyak, pero ngayong patay na ang bata, bumangon kayo at kumain!” 22Sumagot si David, “Oo, nag-ayuno ako at umiyak noong buhay pa ang bata dahil iniisip ko na baka kaawaan ako ng Panginoon at hindi niya payagang mamatay ang bata. 23Pero ngayong patay na ang bata, bakit pa ako mag-aayuno? Mabubuhay ko pa ba siya? Darating ang panahon na makakapunta ako sa kinaroroonan niya, pero hindi na siya makakabalik sa akin.”

24Dinamayan ni David ang asawa niyang si Batsheba, at nagsiping sila. Nabuntis si Batsheba at nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan nila siyang Solomon. Minahal ng Panginoon ang bata, 25at nagpadala siya ng mensahe kay Propeta Natan na pangalanang Jedidia12:25 Jedidia: Ang ibig sabihin, mahal ng Panginoon. ang bata dahil mahal siya ng Panginoon.

Sinakop ni David ang Rabba

(1 Cro. 20:1-3)

26Sa kabilang dako, sumalakay sina Joab sa Rabba, ang kabisera ng Ammon, at malapit na nila itong masakop. 27Nagsugo si Joab ng mga mensahero kay David para sabihin, “Sinalakay po namin ang Rabba at nasakop na namin ang imbakan nila ng tubig. 28Ngayon, tipunin nʼyo po ang mga natitirang sundalo at tapusin na ninyo ang pagsakop sa lungsod para kayo ang maparangalan at hindi ako.”

29Kaya tinipon ni David ang natitirang sundalo at sinalakay nila ang Rabba, at nasakop nila ito. 30Kinuha ni David sa ulo ng hari ng mga Ammonita12:30 sa ulo ng hari ng mga Ammonita: o, sa ulo ni Milcom. Si Milcom dios ng mga Ammonita. ang gintong korona at ipinutong ito sa kanyang ulo. Ang bigat ng korona ay 35 kilo at may mga mamahaling bato. Marami pang bagay ang nasamsam ni David sa lungsod na iyon. 31Ginawa niyang alipin ang mga naninirahan doon at sapilitan silang pinagtrabaho gamit ang lagare, piko, at palakol, at pinagawa rin sila ng mga tisa. Ito ang ginawa ni David sa mga naninirahan sa lahat ng bayan ng mga Ammonita. Pagkatapos, umuwi si David at ang lahat ng sundalo niya sa Jerusalem.

Swedish Contemporary Bible

2 Samuelsboken 12:1-31

Natan anklagar David

1Herren sände Natan till David. När han kom dit sa han:

”Två män bodde i samma stad, den ene rik och den andre fattig. 2Den rike ägde många får och stora boskapshjordar. 3Den fattige ägde inget annat än ett litet lamm som han hade köpt och fött upp. Lammet växte upp hos honom och bland barnen i familjen. Han gav det av sin egen mat och han lät det dricka ur sin egen mugg och det låg i hans famn som om det varit hans egen lilla dotter. 4Nu kom det en gäst till den rike mannens hem, men i stället för att slakta ett djur från sina egna hjordar till middag åt gästen, tog han den fattige mannens lamm och lagade till det.”

5David blev rasande och sa till Natan: ”Så sant Herren lever, den man som gjort något sådant förtjänar döden! 6Dessutom ska han ersätta lammet fyrdubbelt12:6 Enligt Septuaginta sju gånger om., eftersom han gjorde detta och var så obarmhärtig.”

7Då sa Natan till David: ”Du är den mannen! Herren, Israels Gud, säger: ’Jag smorde dig till kung över Israel och räddade dig undan Saul. 8Jag gav dig din herres kungadöme och hans hustrur i dina armar12:8 Det var vanligt på den här tiden att den nya kungen övertog den gamla kungens harem, men Natan kanske bara använder bildspråk för att beskriva att David fick kungamakten. och jag gav dig hela Israel och Juda. Om det inte hade varit tillräckligt, så skulle jag ha gett dig ännu mycket mer. 9Varför har du då föraktat Herrens ord och gjort något så ont? Du har mördat Uria med svärd och tagit hans hustru. Du lät ammoniterna döda honom med svärd. 10Från och med nu ska ett hotande svärd alltid hänga över din familj. Genom att ta Urias hustru har du visat ditt förakt för mig.’

11Så säger Herren: ’För den här sakens skull ska jag se till att din egen familj blir din olycka. Ja, jag ska överlämna dina hustrur åt en annan man, en som står dig nära och han kommer att ligga med dem mitt på ljusa dagen. 12Det du gjorde i hemlighet, det ska jag låta ske mot dig i dagsljus inför hela Israel.’ ”

13”Jag har syndat mot Herren”, bekände David. Natan svarade: ”Ja, och Herren förlåter dig. Du behöver inte dö. 14Men du har gett Herrens fiender tillfälle att förakta honom och därför kommer ditt barn att dö.”

Davids och Batsebas barn dör

15Sedan återvände Natan hem. Och Herren lät barnet som Urias hustru födde åt David bli svårt sjukt. 16David bad Gud om att han skulle skona barnet. Han åt ingenting. Han gick hem och om nätterna låg han på bara marken. 17De högsta tjänstemännen i palatset försökte få honom att stiga upp från marken och äta tillsammans med dem, men han vägrade. 18När sju dagar hade gått dog barnet. Davids tjänare var rädda för att tala om det för honom.

”Han var alldeles utom sig när pojken var sjuk”, sa de. ”Vad ska han nu ta sig till när vi berättar att han har dött?”

19Men när David såg att de viskade till varandra, förstod han vad som hänt. ”Har barnet dött?” frågade han. ”Ja, han är död”, svarade de. 20Då reste sig David från marken, tvättade sig, smorde in sig med olja och bytte kläder. Sedan gick han in i Herrens hus och tillbad. Efter det återvände han till palatset, bad om mat och åt när de serverade åt honom. 21Hans tjänare undrade varför han betedde sig så. De sa till honom: ”Medan barnet fortfarande levde, grät du och vägrade att äta, men nu när barnet har dött, går du upp och börjar äta som vanligt.”

22David svarade: ”Jag fastade och grät medan barnet levde, för jag tänkte: ’Vem vet, kanske kommer Herren att vara barmhärtig mot mig och låta pojken leva.’ 23Men varför ska jag fasta nu när han är död? Kan jag någonsin få honom tillbaka? En dag ska jag gå till honom, men han kommer aldrig tillbaka till mig.”

24David tröstade Batseba. Han gick in till henne och låg med henne. Och hon födde en son som han kallade Salomo. Herren älskade det barnet 25och lät hälsa genom profeten Natan att han för Herrens skull skulle kallas Jedidjah, Herrens älskade.

David besegrar ammoniterna

(1 Krön 20:1-3)

26Joav anföll Rabba i Ammon och intog kungastaden12:26 Kungastaden tycks vara lika med vattenstaden i v. 27.. 27Joav skickade detta meddelande till David: ”Jag har anfallit Rabba och intagit vattenstaden. 28Mönstra nu resten av armén och belägra och inta staden! Annars gör jag det och då får den bära mitt namn.”

29Då mönstrade David hela sin armé och tågade mot Rabba. Han anföll staden och intog den. 30David tog kronan från Milkoms12:30 Milkom, som bl.a. i Septuaginta tolkas som ett namn, kan också översättas kung. huvud. Den var gjord av guld, prydd med infattade dyrbara stenar och vägde över 30 kilo. Den sattes på Davids huvud. Han tog också en stor mängd krigsbyte från staden. 31Befolkningen där satte han i arbete med sågar, järnhackor och yxor eller med att tillverka tegelsten som han brukade göra med alla ammonitiska städer. Sedan återvände David och armén till Jerusalem.