2 Hari 15 – TCB & APSD-CEB

Tagalog Contemporary Bible

2 Hari 15:1-38

Ang Paghahari ni Azaria sa Juda

(2 Cro. 26:1-23)

1Naging hari ng Juda ang anak ni Amazia na si Azaria15:1 Azaria: o, Uzia. nang ika-27 taon ng paghahari ni Jeroboam II sa Israel. 2Si Azaria ay 16 na taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 52 taon. Ang ina niya ay si Jecolia na taga-Jerusalem. 3Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng ama niyang si Amazia. 4Pero hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar,15:4 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng mga insenso roon.

5Binigyan siya ng Panginoon ng malubhang sakit sa balat,15:5 malubhang sakit sa balat: Sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang salitang Hebreo nito ay ginamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13. na hindi gumaling hanggang sa araw nang kamatayan niya. Nakatira siya sa isang bukod na bahay. Si Jotam na anak niya ang siyang namahala sa palasyo ng Juda at sa mga mamamayan. 6Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Azaria, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. 7Nang mamatay si Azaria, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Jotam ang pumalit sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Zacarias sa Israel

8Naging hari ng Israel ang anak ni Jeroboam II na si Zacarias nang ika-38 taon ng paghahari ni Azaria sa Juda. Nakatira siya sa Samaria at naghari siya sa loob ng anim na buwan. 9Masama ang mga ginawa niya sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ng mga ninuno niya. Sumunod siya sa mga ginawang kasalanan ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel.

10Nagplano ng masama ang anak ni Jabes na si Shalum laban kay Zacarias. Pinatay niya si Zacarias sa harap ng mga tao at siya ang pumalit bilang hari. 11Ang iba pang pangyayari tungkol sa paghahari ni Zacarias ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

12Kaya natupad ang sinabi ng Panginoon kay Jehu, “Ang mga angkan mo ay maghahari sa Israel hanggang sa ikaapat na henerasyon.”

Ang Paghahari ni Shalum sa Israel

13Naging hari ng Israel ang anak ni Jabes na si Shalum nang ika-39 na taon ng paghahari ni Uzia15:13 Uzia: o, Azaria. sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng isang buwan. 14Pinatay siya ni Menahem na anak ni Gadi nang dumating ito sa Samaria galing Tirza. Si Menahem ang pumalit kay Shalum bilang hari.

15Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Shalum, pati ang balak niyang pagpatay kay Zacarias ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

16Nang mga panahong iyon, nilusob ni Menahem ang Tifsa at ang mga lugar sa paligid nito hanggang sa Tirza, dahil ang mga naninirahan dito ay ayaw sumuko sa kanya. Pinatay niya ang lahat ng naninirahan dito at hinati ang tiyan ng mga buntis.

Ang Paghahari ni Menahem sa Israel

17Naging hari ng Israel ang anak ni Gadi na si Menahem nang ika-39 na taon ng paghahari ni Azaria sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng sampung taon. 18Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawang kasalanan ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanang ito sa buong paghahari niya.

19Nang pumunta si Haring Tiglat Pileser15:19 Tiglat Pileser: Siya rin si Pul. ng Asiria sa Israel para lusubin ito, binigyan siya ni Menahem ng 35 toneladang pilak para tulungan siya nito na mapatibay pa ng husto ang paghahari niya. 20Kinuha ni Menahem ang mga pilak sa mga mayayaman ng Israel sa pamamagitan ng pagpilit sa bawat isa sa kanila na magbigay ng tig-50 pirasong pilak. Kaya huminto sa paglusob ang hari ng Asiria at umuwi sa bansa niya.

21Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Menahem at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel. 22Nang mamatay si Menahem, ang anak niyang si Pekaya ang pumalit sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Pekaya sa Israel

23Naging hari ng Israel ang anak ni Menahem na si Pekaya nang ika-50 taon ng paghahari ni Azaria sa Juda. Sa Samaria siya nakatira, at naghari siya roon sa loob ng dalawang taon. 24Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawang kasalanan ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanang ito.

25Nagplano ng masama ang anak ni Remalia na si Peka laban kay Pekaya. Si Peka ang kumander ng mga sundalo ni Pekaya. Kasama ng 50 tao mula sa Gilead, pinatay ni Peka si Pekaya pati sina Argob at Arie sa matatatag na gusali ng palasyo sa Samaria. Pinalitan ni Peka si Pekaya bilang hari.

26Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Pekaya at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

Ang Paghahari ni Peka sa Israel

27Naging hari ng Israel ang anak ni Remalia na si Peka nang ika-52 taon ng paghahari ni Azaria sa Juda. Sa Samaria siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 20 taon. 28Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa mga ginawang kasalanan ni Jeroboam, na anak ni Nebat, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanang ito.

29Nang panahon ng paghahari ni Peka, nilusob ni Haring Tiglat Pileser ng Asiria ang Israel at nasakop niya ang mga lungsod ng Ijon, Abel Bet Maaca, Janoa, Kedesh at Hazor. Nasakop din niya ang Gilead, Galilea at ang buong lupain ng Naftali. At dinala niya sa Asiria ang mga naninirahan dito bilang mga bihag.

30Pagkatapos, nagplano ng masama ang anak ni Elah na si Hoshea laban sa anak ni Remalia na si Peka. Pinatay niya si Peka at pinalitan bilang hari. Nangyari ito nang ika-20 taon ng paghahari ng anak ni Uzia na si Jotam sa Juda.

31Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Peka, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

Ang Paghahari ni Jotam sa Juda

(2 Cro. 27:1-9)

32Naging hari ng Juda ang anak ni Uzia na si Jotam nang ikalawang taon ng paghahari ng anak ni Remalia na si Peka sa Israel. 33Si Jotam ay 25 taong gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng 16 na taon. Ang ina niya ay si Jerusha na anak ni Zadok. 34Matuwid ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng ama niyang si Uzia. 35Pero hindi niya ipinagiba ang mga sambahan sa matataas na lugar, kaya nagpatuloy ang mga tao sa paghahandog at pagsusunog ng insenso roon. Si Jotam ang nagpatayo ng Hilagang Pintuan ng templo ng Panginoon.

36Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jotam, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. 37Nang panahon ng paghahari niya, sinimulang ipadala ng Panginoon sina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka ng Israel para lusubin ang Juda. 38Nang mamatay si Jotam, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Ahaz ang pumalit sa kanya bilang hari.

Ang Pulong Sa Dios

2 Mga Hari 15:1-38

Ang Paghari ni Azaria sa Juda

(2 Cro. 26:1-23)

1Nahimong hari sa Juda si Azaria15:1 Azaria: o, Uzia. nga anak ni Amazia sa ika-27 nga tuig sa paghari ni Jeroboam II sa Israel. 2Nagaedad si Azaria ug 16 ka tuig sa dihang nahimo siyang hari. Sa Jerusalem siya nagpuyo, ug naghari siya sulod sa 52 ka tuig. Ang iyang inahan mao si Jecolia nga taga-Jerusalem. 3Gihimo ni Azaria ang maayo atubangan sa Ginoo, sama sa gihimo sa iyang amahan nga si Amazia. 4Apan wala niya ipaguba ang mga simbahanan diha sa habog nga mga dapit, busa nagpadayon ang mga tawo sa paghalad ug sa pagsunog ug mga insenso didto.

5Gihatagan sa Ginoo ug ngilngig nga sakit sa panit si Azaria hangtod sa adlaw nga siya namatay. Nagpuyo siya sa usa ka balay nga nagainusara. Si Jotam nga iyang anak mao ang nangulo sa palasyo ug sa katawhan sa Juda. 6Ang uban pang sugilanon mahitungod sa paghari ni Azaria, ug ang tanan niyang gihimo, nahisulat sa libro sa mga sugilanon bahin sa mga hari sa Juda. 7Sa dihang namatay si Azaria, gilubong siya sa lubnganan sa iyang mga katigulangan sa Lungsod ni David. Ug si Jotam nga iyang anak mao ang mipuli kaniya ingon nga hari.

Ang Paghari ni Zacarias sa Israel

8Nahimong hari sa Israel si Zacarias nga anak ni Jeroboam II sa ika-38 nga tuig sa paghari ni Azaria sa Juda. Sa Samaria siya nagpuyo, ug naghari siya sulod sa unom ka bulan. 9Daotan ang iyang gihimo atubangan sa Ginoo, sama sa gihimo sa iyang mga katigulangan. Gisunod niya ang mga sala nga gihimo ni Jeroboam, nga anak ni Nebat, nga nahimong hinungdan sa pagpakasala sa mga taga-Israel.

10Unya, nagplano ug daotan si Shalum nga anak ni Jabes batok kang Zacarias. Gipatay niya si Zacarias atubangan sa mga tawo, ug gipulihan niya kini ingon nga hari. 11Ang uban pang sugilanon sa paghari ni Zacarias nahisulat sa libro sa mga sugilanon bahin sa mga hari sa Israel.

12Busa natuman ang giingon sa Ginoo kang Jehu: “Ang imong mga kaliwat magahari sa Israel hangtod sa ikaupat nga henerasyon.”

Ang Paghari ni Shalum sa Israel

13Nahimong hari sa Israel si Shalum nga anak ni Jabes sa ika-39 nga tuig sa paghari ni Uzia sa Juda. Sa Samaria siya nagpuyo, ug naghari siya sulod sa usa ka bulan. 14Kay gipatay siya ni Menahem nga anak ni Gadi ug gipulihan ingon nga hari sa dihang miadto si Menahem sa Samaria gikan sa Tirza.

15Ang uban pang sugilanon mahitungod sa paghari ni Shalum, apil ang iyang plano nga pagpatay kang Zacarias, nahisulat sa libro sa mga sugilanon bahin sa mga hari sa Israel.

16Niadtong higayona, gisulong ni Menahem ang Tifsa ug ang mga lugar sa palibot niini hangtod sa Tirza, kay ang mga lumulupyo niini wala mitugyan sa ilang kaugalingon ngadto kaniya. Gipamatay niya ang tanang lumulupyo sa Tifsa, ug gipangyasyasan ang tiyan sa mga babayeng mabdos.

Ang Paghari ni Menahem sa Israel

17Nahimong hari sa Israel si Menahem nga anak ni Gadi sa ika-39 nga tuig sa paghari ni Azaria sa Juda. Sa Samaria nagpuyo si Menahem, ug naghari siya sulod sa 10 ka tuig. 18Daotan ang iyang gihimo atubangan sa Ginoo. Sa tibuok niyang paghari gisunod niya ang mga sala nga gihimo ni Jeroboam nga anak ni Nebat, nga nahimong hinungdan sa pagpakasala sa mga taga-Israel.

19Unya, miadto ang hari sa Asiria nga si Tiglat Piliser15:19 Tiglat Piliser: sa Hebreo, Pul, nga usa pa ka ngalan ni Tiglat Piliser. sa Israel sa pagsulong niini. Busa gihatagan ni Menahem si Tiglat Piliser ug sobra 30 ka toneladang pilak aron tabangan siya ni Tiglat Piliser, aron nga molig-on ang paghari ni Menahem. 20Ang maong mga pilak gikuha ni Menahem gikan sa mga adunahan sa Israel pinaagi sa pagpugos sa matag usa kanila sa paghatag ug tag-50 ka buok nga pilak. Busa miundang sa pagsulong ang hari sa Asiria ug mipauli siya sa iyang nasod.

21Ang uban pang sugilanon sa paghari ni Menahem, ug ang tanan niyang gihimo, nahisulat sa libro sa mga sugilanon bahin sa mga hari sa Israel. 22Sa dihang namatay si Menahem, si Pekahia nga iyang anak mao ang mipuli kaniya ingon nga hari.

Ang Paghari ni Pekahia sa Israel

23Nahimong hari sa Israel si Pekahia nga anak ni Menahem sa ika-50 nga tuig sa paghari ni Azaria sa Juda. Sa Samaria nagpuyo si Pekahia, ug naghari siya sulod sa duha ka tuig. 24Daotan ang iyang gihimo atubangan sa Ginoo. Gisunod niya ang mga sala nga gihimo ni Jeroboam nga anak ni Nebat, nga nahimong hinungdan sa pagpakasala sa mga taga-Israel.

25Unya, si Peka nga anak ni Remalia nagplano ug daotan batok kang Pekahia. Kini si Peka mao ang komander sa mga sundalo ni Pekahia. Uban sa 50 ka mga taga-Gilead, gipatay ni Peka si Pekahia apil si Argob ug si Arieh, didto sa lig-on nga bahin sa palasyo sa Samaria. Ug gipulihan ni Peka si Pekahia ingon nga hari.

26Ang uban pang sugilanon mahitungod sa paghari ni Pekahia, ug ang tanan niyang gihimo, nahisulat sa libro sa mga sugilanon bahin sa mga hari sa Israel.

Ang Paghari ni Peka sa Israel

27Nahimong hari sa Israel si Peka nga anak ni Remalia sa ika-52 nga tuig sa paghari ni Azaria sa Juda. Sa Samaria siya nagpuyo, ug naghari siya sulod sa 20 ka tuig. 28Daotan ang iyang gihimo atubangan sa Ginoo. Gisunod niya ang mga sala nga gihimo ni Jeroboam nga anak ni Nebat, nga nahimong hinungdan sa pagpakasala sa mga taga-Israel.

29Sa panahon sa paghari ni Peka, gisulong ni Tiglat Piliser nga hari sa Asiria ang Israel, ug nailog niya ang mga lungsod sa Ion, Abel Bet Maaca, Janoa, Kedesh, ug Hazor. Nailog usab niya ang Gilead, Galilea, ug ang tibuok nga yuta sa Naftali. Unya gidala niya ang mga lumulupyo niini ngadto sa Asiria ingon nga mga bihag.

30Unya nagplano ug daotan si Hosea nga anak ni Elah batok kang Peka nga anak ni Remalia. Gipatay niya si Peka ug gipulihan ingon nga hari. Nahitabo kini sa ika-20 nga tuig sa paghari ni Jotam, nga anak ni Uzia, sa Juda.

31Ang uban pang sugilanon mahitungod sa paghari ni Peka, ug ang tanan niyang gihimo, nahisulat sa libro sa mga sugilanon bahin sa mga hari sa Israel.

Ang Paghari ni Jotam sa Juda

(2 Cro. 27:1-9)

32Nahimong hari sa Juda si Jotam nga anak ni Uzia sa ikaduhang tuig sa paghari ni Peka, nga anak ni Remalia, sa Israel. 33Nagaedad si Jotam ug 25 ka tuig sa dihang nahimo siyang hari. Sa Jerusalem siya nagpuyo, ug naghari siya sulod sa 16 ka tuig. Ang iyang inahan mao si Jerusha nga anak ni Zadok. 34Gihimo ni Jotam ang maayo atubangan sa Ginoo, sama sa gihimo sa iyang amahan nga si Uzia. 35Apan wala niya ipaguba ang mga simbahanan diha sa habog nga mga dapit, busa nagpadayon ang mga tawo sa paghalad ug sa pagsunog ug mga insenso didto. Si Jotam ang nagpahimo pag-usab sa Amihanang Pultahan sa templo sa Ginoo.

36Ang uban pang sugilanon mahitungod sa paghari ni Jotam, ug ang iyang gipanghimo, nahisulat sa libro sa mga sugilanon bahin sa mga hari sa Juda. 37Sa panahon sa iyang paghari, gipasulong sa Ginoo kang Rezin nga hari sa Aram ug kang Peka nga anak ni Remalia ang Juda. 38Sa dihang namatay si Jotam, gilubong siya sa lubnganan sa iyang mga katigulangan sa Lungsod ni David nga iya usab nga katigulangan. Ug si Ahaz nga iyang anak mao ang mipuli kaniya ingon nga hari.