2 Cronica 5 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 5:1-14

1Nang matapos na ni Solomon ang lahat ng gawain para sa templo ng Panginoon, dinala niya sa bodega ng templo ang lahat ng bagay na itinalaga ng ama niyang si David pati na ang ginto, pilak at iba pang kagamitan.

Dinala sa Templo ang Kahon ng Kasunduan

(1 Hari 8:1-9)

2Ipinatawag ni Haring Solomon sa Jerusalem ang mga tagapamahala ng Israel at ang lahat ng pinuno ng mga lahi at ng mga pamilya sa Israel, para kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon mula sa Zion, ang Lungsod ni David. 3Pumunta silang lahat kay Haring Solomon noong panahon ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol, nang ikapitong buwan.

4-5Nang magkatipon na ang lahat ng tagapamahala ng Israel, kinuha ng mga pari at ng mga Levita ang Kahon, ang Toldang Tipanan at ang mga banal na gamit nito. Dinala nilang lahat ito sa templo. 6Naghandog si Haring Solomon at ang buong mamamayan ng Israel sa harapan ng Kahon ng Kasunduan. Napakaraming tupa at baka ang kanilang inihandog, hindi ito mabilang dahil sa dami.

7Pagkatapos, dinala ng mga pari ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon sa lugar nito roon sa pinakaloob ng templo, sa Pinakabanal na Lugar, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin. 8Nakalukob ang pakpak ng mga kerubin kaya natatakpan ang Kahon at ang mga hawakang pasanan nito. 9Itong mga hawakang pasanan ay mahaba, ang dulo nito ay kita sa Banal na Lugar, sa harapan ng pinakaloob ng templo, pero hindi ito makita sa labas ng Banal na Lugar. At naroon pa ito hanggang ngayon. 10Walang ibang laman ang Kahon maliban sa dalawang malalapad na bato na inilagay ni Moises noong nandoon siya sa Horeb, kung saan gumawa ng kasunduan ang Panginoon sa mga Israelita pagkatapos nilang lumabas sa Egipto.

11Pagkatapos, lumabas ang mga pari sa Banal na Lugar. Ang lahat ng pari na naroon ay nagpakalinis, oras man ng kanilang paglilingkod o hindi. 12Ang mga musikerong Levita na sina Asaf, Heman, Jedutun at ang kanilang mga anak at mga kamag-anak ay tumayo sa bandang silangan ng altar. Nakasuot sila ng pinong linen at tumutugtog ng pompyang, alpa at lira. Sinasamahan sila ng 120 pari na nagpapatunog ng trumpeta. 13Ang mga mang-aawit ay nagpuri at nagpasalamat sa Panginoon na tinutugtugan ng mga trumpeta, pompyang at iba pang mga instrumento. Ito ang kanilang inaawit:

“Ang Panginoon ay mabuti; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.”

Pagkatapos, may ulap na bumalot sa templo ng Panginoon. 14Hindi na makaganap ang mga pari ng kanilang gawain sa templo dahil sa ulap, dahil binalot ng makapangyarihang presensya ng Panginoon ang kanyang templo.

Persian Contemporary Bible

دوم تواريخ 5:1-14

1وقتی كارهای خانهٔ خداوند تمام شد، سليمان، طلا و نقره و تمام ظرفهايی را كه پدرش داوود وقف خانهٔ خدا كرده بود به خزانهٔ خانهٔ خدا آورد.

صندوق عهد به خانهٔ خدا منتقل می‌شود

(اول پادشاهان 8‏:1‏-9)

2آنگاه سليمان پادشاه، تمام سران قبايل و طوايف قوم اسرائيل را به اورشليم دعوت كرد تا صندوق عهد خداوند را كه در صهيون، شهر داوود بود به خانهٔ خدا بياورند. 3همهٔ آنها در روزهای عيد خيمه‌ها در ماه هفتم در اورشليم جمع شدند. 4‏-5آنگاه كاهنان و لاويان صندوق عهد و خيمهٔ عبادت را با تمام ظروف مقدسی كه در آن بود، به خانهٔ خدا آوردند. 6آنگاه سليمان پادشاه و تمام بنی‌اسرائيل در برابر صندوق عهد خداوند جمع شدند و آنقدر گاو و گوسفند قربانی كردند كه نمی‌شد حساب كرد!

7سپس كاهنان، صندوق عهد را به درون قدس‌الاقداس خانهٔ خداوند بردند و آن را زير بالهای مجسمهٔ فرشته‌ها قرار دادند. 8مجسمهٔ فرشته‌ها طوری ساخته شده بود كه بالهايشان روی صندوق عهد خداوند و روی چوبهای حامل صندوق پهن می‌شد و آن را می‌پوشاند. 9چوبهای حامل آنقدر دراز بودند كه از داخل اتاق دوم يعنی قدس ديده می‌شدند، اما از حياط ديده نمی‌شدند. (اين چوبها هنوز هم در آنجا هستند.) 10در صندوق عهد چيزی جز دو لوح سنگی نبود. وقتی خداوند با قوم خود، پس از بيرون آمدن از مصر، در كوه حوريب عهد و پيمان بست، موسی آن دو لوح را در صندوق عهد گذاشت.

حضور پرجلال خداوند

11در آن روز، تمام كاهنان بدون توجه به نوبت خدمتشان، خود را تقديس5‏:11 تقديس يعنی جدا کردن، اختصاص دادن و مقدس ساختن.‏ كردند. هنگامی كه كاهنان از قدس بيرون می‌آمدند 12دستهٔ سرايندگان لاوی به خواندن سرود پرداختند. سرايندگان عبارت بودند از: آساف، هيمان، يدوتون و تمام پسران و برادران ايشان كه لباس كتان بر تن داشتند و در سمت شرقی قربانگاه ايستاده بودند. صد و بيست نفر از كاهنان با نوای شيپور، و لاويان با سنج، عود و بربط، دستهٔ سرايندگان را همراهی می‌كردند. 13‏-14دستهٔ سرايندگان به همراهی نوازندگان شيپور، سنج و سازهای ديگر، خداوند را حمد و سپاس می‌گفتند. سرودی كه می‌خواندند اين بود: «خداوند نيكوست و محبتش بی‌پايان!»

در همان وقت، ناگهان ابری خانهٔ خداوند را پوشاند و حضور پرجلال خداوند آن مكان را فرا گرفت، به طوری كه كاهنان نتوانستند به خدمت خود ادامه دهند.