2 Cronica 35 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 35:1-27

Ipinagdiwang ni Josia ang Pista ng Paglampas ng Anghel

(2 Hari 23:21-23)

1Nang ika-14 na araw ng unang buwan, nagdiwang si Haring Josia ng Pista ng Paglampas ng Anghel sa Jerusalem bilang pagpaparangal sa Panginoon. Nagkatay sila ng tupa para sa pistang ito. 2Binigyan ni Josia ang mga pari ng kanilang tungkulin sa templo ng Panginoon, at pinatatag niya sila sa kanilang paglilingkod. 3Binigyan din niya ng mga tungkulin ang mga Levita na tagapagturo sa Israel, na itinalaga sa paglilingkod sa Panginoon. Sinabi niya sa kanila, “Nailagay na ang banal na kahon sa templo na ipinatayo ni Solomon na anak ni David, at hindi nʼyo na kailangang dalhin ito palagi. Kaya gamitin nʼyo ang inyong panahon sa paglilingkod sa Panginoon na inyong Dios at sa mga mamamayan niyang Israelita. 4Gawin nʼyo ang mga tungkulin ninyo sa templo ayon sa grupo ng inyong mga pamilya. Sundin nʼyo ang nakasulat na mga tuntunin ni Haring David ng Israel, at ng anak niyang si Solomon. 5Pumwesto kayo sa templo ayon sa inyong grupo, at tumulong sa mga pamilya na naghahandog, na ipinagkatiwala sa inyo. 6Maglinis kayo at maghanda ng inyong sarili sa paglilingkod sa inyong mga kababayan. Pagkatapos, katayin nʼyo ang mga tupa para sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Sundin nʼyo ang mga utos ng Panginoon sa inyo sa pamamagitan ni Moises.”

7Personal na nagbigay si Josia ng 30,000 tupa at kambing, at 3,000 baka, para sa handog ng mga tao sa panahon ng Pista ng Paglampas ng Anghel. 8Kusa ding nagbigay ang mga opisyal ni Josia sa mga tao, mga pari, at mga Levita. Ang mga tagapamahala ng templo na sina Hilkia, Zacarias, at Jehiel ay nagbigay sa kapwa nila pari ng 2,600 tupa at kambing, at 300 baka bilang handog sa pista. 9Ang mga pinuno ng mga Levita na si Conania, ang kanyang mga kapatid na sina Shemaya at Netanel, si Hashabia, Jeyel, at Jozabad ay nagbigay sa kapwa nila Levita ng 5,000 tupa at kambing, at 500 baka bilang handog sa pista.

10Nang handa na ang lahat para sa pista, pumwesto ang mga pari at mga Levita sa templo, ayon sa gawain ng kani-kanilang grupo, dahil sa utos ng hari. 11Kinatay ng mga Levita ang mga tupaʼt kambing, at ibinigay ang dugo sa mga pari. Iwinisik ito ng mga pari sa altar habang binabalatan ng mga Levita ang mga hayop. 12Pagkatapos, ipinamahagi nila sa mga tao, ayon sa grupo ng kanilang mga pamilya, ang mga handog na sinusunog para ihandog sa Panginoon, ayon sa nakasulat sa Aklat ni Moises. Ganoon din ang ginawa nila sa mga baka. 13At nilitson nila ang mga hayop na pampista, ayon sa nakasulat sa kautusan, at inilaga ang banal na mga handog sa mga palayok, mga kaldero, at mga kawali, at ipinamahagi agad nila sa mga tao.

14Pagkatapos nito, naghanda ang mga Levita ng pagkain para sa kanilang sarili at sa mga pari, dahil ang mga paring mula sa angkan ni Aaron ay abala sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog at ng mga taba ng hayop hanggang magtakip-silim. 15Ang mga musikero na mula sa angkan ni Asaf ay naroon sa kanilang pwesto sa templo, ayon sa tuntunin na ibinigay nina David, Asaf, Heman at Jedutun na propeta ng hari. Ang mga guwardya ng pintuan ay hindi na umalis sa kinalalagyan nila dahil ang kapwa nila Levita ang siyang naghanda ng kanilang pagkain.

16Nang araw ding iyon, natapos ang buong seremonya para sa Pista ng Paglampas ng Anghel na ipinagdiwang para sa Panginoon, pati ang pag-aalay ng mga handog na sinusunog na iniutos ni Haring Josia. 17Ipinagdiwang ng mga Israelitang dumalo sa pistang ito at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa sa loob ng pitong araw. 18Mula nang panahon ni Samuel, hindi naipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel na tulad nito. Hindi nakapagdiwang ang mga nakalipas na mga hari gaya ng pagdiriwang ni Haring Josia at ng mga pari, mga Levita, mga mamamayan ng Jerusalem, at ng mga mamamayan ng Juda at Israel. 19Ipinagdiwang ang pista noong ika-18 taon ng paghahari ni Josia.

Ang Pagkamatay ni Josia

(2 Hari 23:28-30)

20Pagkatapos ng mga ginawa ni Josia para sa templo, pinangunahan ni Haring Neco ng Egipto ang kanyang mga sundalo sa pakikipaglaban doon sa Carkemish, sa may Ilog ng Eufrates. Pumunta roon si Josia at ang kanyang mga sundalo para makipaglaban kay Neco. 21Pero nagsugo si Neco ng mga mensahero kay Josia at sinabi, “Ano ang pakialam mo, Haring Josia? Hindi ikaw ang nilulusob ko kundi ang bansang nakikipaglaban sa akin. At sinabi ng Dios sa akin na bilisan ko ang paglusob. Kasama ko ang Dios, kaya huwag mo akong kalabanin, dahil baka wasakin ka niya.”

22Ngunit hindi nagbago ng isip si Josia. Ipinasya niyang lumaban. Hindi siya naniwala sa sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Neco. Sa halip, nagbalat-kayo siya at umalis para labanan si Neco sa kapatagan ng Megido. 23Pinana si Josia at nasugatan siya. Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Ilayo nʼyo ako rito, dahil malubha ang sugat ko.” 24Kaya kinuha nila siya sa kanyang karwahe at dinala sa Jerusalem. Namatay siya roon at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya. Nagluksa para sa kanya ang lahat ng mamamayan ng Juda at Jerusalem. 25Gumawa si Jeremias ng mga awit ng pagluluksa para kay Josia, at hanggang ngayon inaawit ito ng mga mang-aawit sa pag-alaala sa kanya. Ang mga awit ng pagluluksa ay palaging inaawit sa Israel, at nakasulat sa Aklat ng mga Pagluluksa. 26-27Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Josia, mula sa simula hanggang sa wakas ay nakasulat sa kasulatan ng kasaysayan ng mga hari ng Israel at Juda. Nakasulat din dito ang tungkol sa pagmamahal ni Josia sa Panginoon na ipinakita niya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ng Panginoon.

Persian Contemporary Bible

دوم تواريخ 35:1-27

يوشيا عيد پِسَح را جشن می‌گيرد

(دوم پادشاهان 23‏:21‏-23)

1يوشيای پادشاه دستور داد كه عيد پِسَح، روز چهاردهم ماه اول در اورشليم برگزار شود. بره‌های عيد پسح را همان روز سر بريدند. 2او همچنين كاهنان را بر سر كارهايشان گماشت و ايشان را تشويق نمود كه دوباره خدمت خود را در خانهٔ خداوند شروع كنند. 3يوشيا به لاويانی كه تقديس35‏:3 تقديس يعنی جدا کردن، مقدس ساختن و اختصاص دادن.‏ شده بودند و در سراسر اسرائيل تعليم می‌دادند اين دستور را داد:

«اكنون صندوق عهد در خانه‌ای است كه سليمان، پسر داوود، پادشاه اسرائيل، برای خدا ساخته است و ديگر لازم نيست شما آن را بر دوش خود بگذاريد و از جايی به جايی ديگر ببريد، پس وقت خود را صرف خدمت خداوند، خدايتان و قوم او بنماييد. 4‏-5مطابق مقرراتی كه داوود، پادشاه اسرائيل و پسرش سليمان وضع نموده‌اند، برای خدمت به دسته‌های تقسيم شويد. هر دسته در جای خود در خانه خدا بايستد و به يكی از طايفه‌های قوم اسرائيل كمک كند. 6بره‌های عيد پسح را سر ببريد، خود را تقديس نماييد و آماده شويد تا به قوم خود خدمت كنيد. از دستورات خداوند كه بوسيلهٔ موسی داده شده، پيروی نماييد.»

7سپس پادشاه سی هزار بره و بزغاله و سه هزار گاو جوان از اموال خود برای قربانی در عيد پسح به بنی‌اسرائيل داد. 8مقامات دربار نيز به طور داوطلبانه به قوم و به كاهنان و لاويان هدايايی دادند. حلقيا و زكريا و يحی‌ئيل كه ناظران خانهٔ خدا بودند، دو هزار و ششصد بره و بزغاله و سيصد گاو برای قربانی در عيد پسح به كاهنان دادند. 9كننيا، شمعيا، نتن‌ئيل و برادران او حشبيا، يعی‌ئيل و يوزاباد كه رهبران لاويان بودند پنج هزار بره و بزغاله و پانصد گاو برای قربانی در عيد پسح به لاويان دادند.

10وقتی ترتيبات لازم داده شد و كاهنان در جاهای خود قرار گرفتند و لاويان مطابق دستور پادشاه برای خدمت به گروه‌های مختلف تقسيم شدند، 11آنگاه لاويان بره‌های عيد پسح را سر بريده، پوستشان را از گوشت جدا كردند و كاهنان خون آن بره‌ها را روی قربانگاه پاشيدند. 12آنها قربانیهای سوختنی هر قبيله را جدا كردند تا مطابق نوشتهٔ تورات موسی آنها را به حضور خداوند تقديم نمايند. 13سپس طبق مقررات، گوشت بره‌های قربانی را بريان كردند و قربانیهای ديگر را در ديگها و تابه‌ها پختند و به سرعت بين قوم تقسيم كردند تا بخورند. 14كاهنان تا شب مشغول تقديم قربانیهای سوختنی و سوزاندن پيه قربانیها بودند و فرصت نداشتند برای خود خوراک پسح را تهيه كنند؛ پس لاويان، هم برای خود و هم برای كاهنان خوراک پسح را تهيه كردند.

15دستهٔ سرايندگان كه از نسل آساف بودند به سر كار خود بازگشتند و مطابق دستوراتی كه بوسيلهٔ داوود پادشاه، آساف، هيمان و يدوتون نبی پادشاه صادر شده بود، عمل كردند. نگهبانان دروازه‌ها پست خود را ترک نكردند زيرا برادران لاوی ايشان برای آنها خوراک آوردند. 16مراسم عيد پسح در آن روز انجام شد و همهٔ قربانیهای سوختنی، همانطور كه يوشيا دستور داده بود، بر روی قربانگاه خداوند تقديم شد.

17تمام حاضرين، عيد پسح و عيد فطير را تا هفت روز جشن گرفتند. 18از زمان سموئيل نبی تا آن زمان هيچ عيد پسحی مثل عيدی كه يوشيا برگزار نمود، برگزار نشده بود و هيچ پادشاهی در اسرائيل نتوانسته بود به اين تعداد كاهن و لاوی و شركت كننده از سراسر يهودا و اورشليم و اسرائيل در عيد پسح جمع كند. 19اين عيد پسح در سال هجدهم سلطنت يوشيا برگزار شد.

پايان سلطنت يوشيا

(دوم پادشاهان 23‏:28‏-30)

20هنگامی كه يوشيا كارهای مربوط به خانهٔ خدا را به انجام رسانيده بود، نكو، پادشاه مصر، با قشون خود به كركميش واقع در كنار رود فرات آمد و يوشيا به مقابلهٔ او رفت. 21اما نكو قاصدانی با اين پيام نزد يوشيا فرستاد: «ای پادشاه يهودا، من با تو قصد جنگ ندارم، من آمده‌ام با دشمن35‏:21 در اينجا منظور از «دشمن»، آشور است. نگاه کنيد به دوم پادشاهان 23‏:29.‏ خود بجنگم، و خدا به من گفته است كه بشتابم. در كار خدا مداخله نكن والا تو را از بين خواهد برد، زيرا خدا با من است.» 22ولی يوشيا از تصميم خود منصرف نشد، بلكه سپاه خود را به قصد جنگ به درهٔ مجدو هدايت كرد. او لباس شاهانهٔ خود را عوض كرد تا دشمن او را نشناسد. يوشيا به پيام نكو، پادشاه مصر كه از جانب خدا بود، توجه نكرد.

23در جنگ، تيراندازان دشمن با تيرهای خود يوشيا را زدند و او به شدت مجروح شد. يوشيا به افرادش دستور داد كه او را از ميدان جنگ بيرون ببرند. 24پس او را از عرابه‌اش پائين آورده، بر عرابهٔ دومش نهادند و به اورشليم بازگرداندند و او در آنجا درگذشت. وی را در آرامگاه سلطنتی دفن كردند و تمام يهودا و اورشليم برای او عزا گرفتند. 25ارميای نبی برای يوشيا مرثيه‌ای ساخت. خواندن اين مرثيه در اسرائيل به صورت رسم درآمد، به طوری كه تا به امروز نيز اين مرثيه را مردان و زنان به ياد يوشيا می‌خوانند. اين مرثيه در كتاب «مراثی» نوشته شده است.

26‏-27شرح كامل رويدادهای دوران سلطنت يوشيا، اعمال خوب او و اطاعتش از كتاب شريعت خداوند در كتاب «تاريخ پادشاهان يهودا و اسرائيل» نوشته شده است.