2 Cronica 30 – TCB & PCB

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 30:1-27

Ang Paghahanda para sa Pista ng Paglampas ng Anghel

1Nagpadala si Hezekia ng mensahe sa lahat ng mamamayan ng Israel at Juda, pati na sa mga mamamayan ng Efraim at Manase. Inimbita niya sila na pumunta sa templo ng Panginoon sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel bilang pagpaparangal sa Panginoon, ang Dios ng Israel. 2Nagpasya si Haring Hezekia at ang kanyang mga opisyal, at ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem na ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel sa ikalawang buwan. 3Dapat sanaʼy gaganapin ang pistang ito sa unang buwan, pero kakaunti lang ang mga pari na naglinis ng kanilang sarili sa panahong iyon at hindi nagtipon ang mga tao sa Jerusalem.

4Nagustuhan ng hari at ng lahat ng mamamayan ang plano na pagdiriwang ng pista, 5kaya nagpadala sila ng mensahe sa buong Israel, mula sa Beersheba hanggang sa Dan, na dapat pumunta ang mga tao sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel para sa Panginoon, ang Dios ng Israel. Sa mga nagdaang pagdiriwang, kakaunti lang ang nagsidalo. Pero sinasabi ng kautusan na dapat dumalo ang lahat.

6Sa utos ng hari, pumunta nga ang mga mensahero sa buong Israel at Juda dala ang mga sulat mula sa hari at sa kanyang mga opisyal. Ito ang nakasulat:

“Mga mamamayan ng Israel, ngayong nakaligtas kayo sa kamay ng mga hari ng Asiria, panahon na para magbalik-loob kayo sa Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob,30:6 Jacob: sa Hebreo, Israel. para bumalik din siya sa inyo. 7Huwag nʼyong tularan ang inyong mga ninuno at mga kamag-anak na hindi naging tapat sa Panginoon na kanilang Dios, na dahil ditoʼy ginawa silang kasuklam-suklam ng Panginoon gaya ng nakikita ninyo ngayon. 8Kaya huwag maging matigas ang inyong ulo gaya ng inyong mga ninuno, kundi magpasakop kayo sa Panginoon. Pumunta kayo sa templo na kanyang pinabanal magpakailanman. At maglingkod kayo sa Panginoon na inyong Dios, para mawala ang matindi niyang galit sa inyo. 9Sapagkat kung manunumbalik kayo sa Panginoon, kahahabagan ng mga bumihag ang inyong mga anak at mga kamag-anak, at pababalikin sila rito sa lupain. Sapagkat matulungin at mahabagin ang Panginoon na inyong Dios. Hindi niya kayo tatalikuran kung manunumbalik kayo sa kanya.”

10Pumunta ang mga mensahero sa bawat bayan sa buong Efraim at Manase hanggang sa Zebulun, pero pinagtawanan lang sila at hinamak ng mga tao. 11Ngunit may ibang galing sa Asher, Manase at Zebulun na nagpakumbaba at pumunta sa Jerusalem. 12Kumilos din ang Panginoon sa mga taga-Juda para magkaisa sila sa pagtupad ng utos ng hari at ng mga opisyal, ayon sa utos ng Panginoon. 13Kaya nang ikalawang buwan, maraming tao ang nagtipon sa Jerusalem sa pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. 14Inalis nila ang mga altar sa Jerusalem na pinaghahandugan para sa mga dios-diosan, pati ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso, at itinapon nila ang lahat ng ito sa Lambak ng Kidron.

15Nang ika-14 na araw ng ikalawang buwan, kinatay ng mga tao ang kanilang mga tupa para sa Pista ng Paglampas ng Anghel. Ang mga pari at mga Levita na marumi ay nahiya, kaya naglinis sila at nag-alay ng mga handog na sinusunog sa templo ng Panginoon. 16Pagkatapos, pumwesto sila sa kanilang mga lugar sa templo, ayon sa mga tuntunin sa kautusan ni Moises na lingkod ng Dios. Iwinisik ng mga pari sa altar ang dugo na dinala sa kanila ng mga Levita.

17Dahil marami sa mga tao roon ang hindi naglinis ng kanilang sarili, ang mga Levita ang siyang nagkatay ng tupa para sa kanila upang maihandog sa Panginoon. 18Karamihan sa mga pumunta na nagmula sa Efraim, Manase, Isacar at Zebulun ay hindi naglinis ng kanilang sarili, pero kumain pa rin sila ng inihandog para sa Pista ng Paglampas ng Anghel, kahit labag ito sa kautusan. Ngunit nanalangin si Hezekia para sa kanila. Sinabi niya, “O Panginoon, sa inyo pong kabutihan, sanaʼy patawarin nʼyo po ang bawat tao 19na nagnanais na dumulog sa inyo, ang Dios ng kanyang ninuno, kahit na hindi po siya malinis ayon sa mga tuntunin sa templo.” 20Pinakinggan ng Panginoon si Hezekia at pinatawad30:20 pinatawad: o, pinagaling. niya ang mga tao.

21Sa loob ng pitong araw, ang mga Israelita na naroon sa Jerusalem ay nagdiwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang may malaking kagalakan. Araw-araw, umaawit ang mga Levita at ang mga pari ng mga papuri sa Panginoon, na tinutugtugan nang malalakas na instrumento na ginagamit sa pagpupuri sa Panginoon. 22Pinuri ni Hezekia ang lahat ng Levita sa mabuting gawa na ipinakita nila sa paglilingkod sa Panginoon. Kaya nagpatuloy ang pagdiriwang nila sa loob ng pitong araw. Kinain nila ang kanilang bahagi sa mga handog, at naghandog sila ng mga handog para sa mabuting relasyon, at nagpuri sa Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno.

23Pagkatapos, nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang pa sila ng pitong araw. Kaya ginawa nila ito nang may malaking kagalakan. 24Nagbigay si Haring Hezekia sa mga tao ng 1,000 toro, 7,000 tupa at kambing. Nagbigay din ang mga opisyal ng 1,000 toro at 10,000 tupaʼt kambing. Marami sa mga pari ang naglinis ng kanilang sarili. 25Masayang nagdiwang ang buong kapulungan ng Juda, ang mga pari, ang mga Levita at ang lahat ng nagtipon mula sa Israel, pati ang mga dayuhang naninirahan sa Israel at Juda. 26Labis ang kasayahan sa Jerusalem. Wala pang ganitong kasayahan na nangyari sa Jerusalem mula noong panahon na si Solomon na anak ni David ang hari sa Israel. 27Pagkatapos, nagsitayo ang mga pari at ang mga Levita, at binasbasan nila ang mga tao. At pinakinggan ito ng Dios sa langit, sa kanyang banal na tahanan.

Persian Contemporary Bible

دوم تواريخ 30:1-27

حزقيا عيد پسح را جشن می‌گيرد

1حزقيای پادشاه، نامه‌هايی به سراسر اسرائيل و يهودا و مخصوصاً قبايل افرايم و منسی فرستاد و همه را دعوت نمود تا به اورشليم بيايند و در خانهٔ خداوند عيد پسح را برای خداوند، خدای اسرائيل جشن بگيرند. 2‏-3پادشاه و مقامات مملكتی و تمام جماعت اورشليم پس از مشورت با هم تصميم گرفتند مراسم عيد پسح را به جای وقت معمول آن در ماه اول، اين بار در ماه دوم برگزار نمايند. علت اين بود كه كاهنان كافی در اين زمان تقديس نشده بودند و قوم نيز در اورشليم جمع نشده بودند. 4اين تصميم با توافق پادشاه و تمام جماعت اخذ شد. 5پس به سراسر اسرائيل، از دان تا بئرشبع پيغام فرستادند و همه را دعوت كردند تا به اورشليم بيايند و عيد پسح را برای خداوند، خدای اسرائيل جشن بگيرند. زيرا مدت زيادی بود كه آن را بر اساس شريعت، به طور دسته جمعی جشن نگرفته بودند.

6قاصدان از طرف پادشاه و مقامات مملكت با نامه‌ها به سراسر اسرائيل و يهودا اعزام شدند. متن نامه‌ها چنين بود: «ای بنی‌اسرائيل، به سوی خداوند، خدای ابراهيم و اسحاق و يعقوب بازگشت كنيد، تا او نيز به سوی شما بازماندگان قوم كه از چنگ پادشاهان آشور جان به در برده‌ايد، بازگشت نمايد. 7مانند پدران و برادران خود نباشيد كه نسبت به خداوند، خدای اجدادشان گناه كردند و به طوری كه می‌دانيد به شدت مجازات شدند. 8مثل آنها ياغی نباشيد، بلكه از خداوند اطاعت نماييد و به خانهٔ او بياييد كه آن را تا به ابد تقديس فرموده است و خداوند، خدای خود را عبادت كنيد تا خشم او از شما برگردد. 9اگر شما به سوی خداوند بازگشت نماييد، برادران و فرزندان شما مورد لطف كسانی قرار می‌گيرند كه ايشان را اسير كرده‌اند و به اين سرزمين باز خواهند گشت. زيرا خداوند، خدای شما رحيم و مهربان است و اگر شما به سوی او بازگشت نماييد او شما را خواهد پذيرفت.»

10پس قاصدان، شهر به شهر از افرايم و منسی تا زبولون رفتند. ولی در اكثر جاها با ريشخند و اهانت مردم مواجه شدند. 11اما از قبيله‌های اشير، منسی و زبولون عده‌ای اطاعت نمودند و به اورشليم آمدند. 12در سرزمين يهودا نيز خدا تمام قوم را متحد ساخت تا فرمان پادشاه و مقامات را كه از جانب خداوند بود اطاعت كنند.

13گروه عظيمی در ماه دوم در شهر اورشليم جمع شدند تا عيد پسح را جشن بگيرند. 14ايشان برخاسته، تمام قربانگاه‌های اورشليم را كه روی آنها قربانی و بخور به بتها تقديم می‌شد در هم كوبيده به درهٔ قدرون ريختند.

15در روز چهاردهم ماه دوم، بره‌های عيد پسح را سر بريدند. كاهنان و لاويانی كه برای انجام مراسم آماده نشده بودند، خجالت كشيده، فوری خود را تقديس كردند و به تقديم قربانی مشغول شدند. 16آنها با ترتيبی كه در تورات موسی، مرد خدا آمده است سر خدمت خود ايستادند و كاهنان، خونی را كه لاويان به دست ايشان دادند، بر قربانگاه پاشيدند.

17‏-19عدهٔ زيادی از قوم كه از سرزمینهای افرايم، منسی، يساكار و زبولون آمده بودند مراسم طهارت و تقديس را بجا نياورده بودند و نمی‌توانستند بره‌های خود را ذبح كنند، پس لاويان مأمور شدند اين كار را برای ايشان انجام دهند. حزقيای پادشاه نيز برای ايشان دعا كرد تا بتوانند خوراک عيد پسح را بخورند، هر چند اين برخلاف شريعت بود. حزقيا چنين دعا كرد: «ای خداوند مهربان، خدای اجداد ما، هر كسی را كه قصد دارد تو را پيروی نمايد ولی شرعاً خود را برای شركت در اين مراسم تقديس نكرده است، بيامرز.» 20خداوند دعای حزقيا را شنيد و آنها را مجازات نكرد. 21پس بنی‌اسرائيل هفت روز عيد پسح را با شادی فراوان در شهر اورشليم جشن گرفتند.

ضمناً لاويان و كاهنان هر روز با آلات موسيقی خداوند را ستايش می‌كردند. 22(حزقيای پادشاه از تمام لاويانی كه مراسم عبادتی را خوب انجام داده بودند قدردانی كرد.) هفت روز مراسم عيد برقرار بود. قوم قربانیهای سلامتی تقديم كردند و خداوند، خدای اجدادشان را ستايش نمودند.

23تمام جماعت پس از مشورت، تصميم گرفتند عيد پسح هفت روز ديگر ادامه يابد؛ پس با شادی هفت روز ديگر اين عيد را جشن گرفتند. 24حزقيا هزار گاو و هفت هزار گوسفند برای قربانی به جماعت بخشيد. مقامات مملكتی نيز هزار گاو و ده هزار گوسفند هديه كردند. در اين هنگام عدهٔ زيادی از كاهنان نيز خود را تقديس نمودند.

25تمام مردم يهودا، همراه با كاهنان و لاويان و آنانی كه از مملكت اسرائيل آمده بودند، و نيز غريبان ساكن اسرائيل و يهودا، شادی می‌كردند. 26اورشليم از زمان سليمان پسر داوود پادشاه تا آن روز، چنين روز شادی به خود نديده بود. 27در خاتمه، كاهنان و لاويان ايستاده، قوم را بركت دادند و خدا دعای آنها را از قدس خود در آسمان شنيد و اجابت فرمود.