2 Cronica 18 – TCB & TNCV

Tagalog Contemporary Bible

2 Cronica 18:1-34

Nagsalita si Micaya Laban kay Ahab

(1 Hari 22:1-28)

1Yumaman at naging tanyag na si Jehoshafat, at naging mabuti ang kanyang relasyon kay Haring Ahab18:1 Ahab: sa Hebreo, hari ng Israel. Ganito rin sa talatang 7-9,17,25,29. ng Israel dahil sa pagpapakasal ng ilang miyembro ng kanilang mga pamilya. 2Pagkalipas ng ilang taon, dumalaw si Jehoshafat kay Ahab sa Samaria. Nagkatay si Ahab ng maraming tupa at baka para sa pagpapapiging kay Jehoshafat at sa mga tauhan niya. At hinikayat niya si Jehoshafat na lusubin ang Ramot Gilead. 3Sinabi niya kay Jehoshafat, “Sasama ka ba sa amin sa pakikipaglaban sa Ramot Gilead?” Sumagot si Jehoshafat, “Handa akong sumama sa iyo, at handa akong ipagamit sa iyo ang aking mga sundalo. Oo, sasama kami sa inyo sa pakikipaglaban. 4Pero tanungin muna natin ang Panginoon kung ano ang kanyang masasabi.”

5Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga propeta – 400 silang lahat, at tinanong, “Pupunta ba kami sa Ramot Gilead o hindi?” Sumagot sila, “Sige, lumakad kayo, dahil pagtatagumpayin kayo ng Panginoon!”

6Pero nagtanong si Jehoshafat, “Wala na bang iba pang propeta ng Panginoon na mapagtatanungan natin?” 7Sumagot si Ahab kay Jehoshafat, “May isa pang maaari nating mapagtanungan – si Micaya na anak ni Imla. Pero napopoot ako sa kanya dahil wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan.” Sumagot si Jehoshafat, “Hindi ka dapat magsalita ng ganyan.” 8Kaya ipinatawag ni Ahab ang isa sa kanyang opisyal at sinabi, “Dalhin nʼyo agad dito si Micaya na anak ni Imla.”

9Ngayon, sina Haring Ahab ng Israel at Haring Jehoshafat ng Juda, na nakasuot ng kanilang damit panghari, ay nakaupo sa kanilang trono sa harapan ng giikan na nasa bandang pintuang bayan ng Samaria, at nakikinig sa sinasabi ng mga propeta. 10Si Zedekia na isa sa mga propeta, na anak ni Kenaana ay gumawa ng sungay na bakal. Sinabi niya, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Sa pamamagitan ng sungay na ito, lilipulin mo, Haring Ahab, ang mga Arameo hanggang sa maubos sila.’ ” 11Ganito rin ang sinabi ng lahat ng propeta. Sinabi nila, “Lusubin nʼyo po ang Ramot Gilead, Haring Ahab, at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo ng Panginoon.”

12Samantala, ang mga inutusan sa pagkuha kay Micaya ay nagsabi sa kanya, “Ang lahat ng propeta ay pare-parehong nagsasabing magtatagumpay ang hari, kaya ganoon din ang iyong sabihin.” 13Pero sinabi ni Micaya, “Nanunumpa ako sa buhay na Panginoon na aking Dios na sasabihin ko lang ang ipinapasabi niya sa akin.”

14Pagdating ni Micaya kay Haring Ahab, nagtanong ang hari sa kanya, “Micaya, lulusubin ba namin ang Ramot Gilead o hindi?” Sumagot si Micaya, “Lusubin nʼyo at magtatagumpay kayo, dahil ibibigay ito sa inyo.” 15Pero sinabi ng hari kay Micaya, “Ilang beses ba kitang panunumpain na sabihin mo sa akin ang totoo sa pangalan ng Panginoon?” 16Kaya sinabi ni Micaya, “Nakita ko sa pangitain na nakakalat ang mga Israelita sa mga kabundukan gaya ng mga tupa na walang nagbabantay, at nagsabi ang Panginoon, ‘Ang mga taong itoʼy wala ng pinuno. Pauwiin sila na may kapayapaan.’ ” 17Sinabi ni Haring Ahab kay Jehoshafat, “Hindi ba sinabihan na kitang wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan lang?”

18Sinabi pa ni Micaya, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon! Nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa kanyang trono, na may nakatayo sa kanan niya at kaliwa niyang mga makalangit na nilalang. 19At sinabi ng Panginoon, ‘Sino ang hihikayat kay Haring Ahab ng Israel para lusubin ang Ramot Gilead upang mamatay siya roon?’ Iba-iba ang sagot ng mga makalangit na nilalang. 20At may espiritu na lumapit sa Panginoon at nagsabi, ‘Ako ang hihikayat sa kanya.’ Nagtanong ang Panginoon, ‘Sa paanong paraan?’ 21Sumagot siya, ‘Pupunta ako at pagsasalitain ko ng kasinungalingan ang mga propeta ni Ahab.’ Sinabi ng Panginoon, ‘Lumakad ka at gawin mo ito. Magtatagumpay ka sa paghihikayat sa kanya.’ ”

22Sinabi agad ni Micaya, “Pinadalhan ng Panginoon ang iyong mga propeta ng espiritu na nagpasalita sa kanila ng kasinungalingan. Ipinahintulot ng Panginoon na matalo ka.” 23Lumapit agad si Zedekia kay Micaya at sinampal ito. Sinabi agad ni Zedekia, “Paano mong nasabi na ang Espiritu ng Panginoon ay umalis sa akin at nakipag-usap sa iyo?” 24Sumagot si Micaya, “Malalaman mo ito sa araw na matalo kayo sa labanan at magtatago ka sa kaloob-loobang kwarto ng bahay.”

25Nag-utos agad si Haring Ahab, “Dakpin nʼyo si Micaya at dalhin pabalik kay Ammon na pinuno ng lungsod at kay Joash na aking anak. 26At sabihin nʼyo sa kanila na nag-utos ako na ikulong ang taong ito, tinapay at tubig lang ang ibigay sa kanya hanggang makabalik akong ligtas mula sa labanan.”

27Sinabi ni Micaya, “Kung makabalik ka ng walang nangyari, ang ibig sabihin hindi nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ko.” At sinabi ni Micaya sa lahat ng tao roon, “Tandaan nʼyo ang sinabi ko!”

Namatay si Ahab

(1 Hari 22:29-35)

28Kaya lumusob sa Ramot Gilead si Haring Ahab ng Israel at si Haring Jehoshafat ng Juda. 29Sinabi ni Ahab kay Jehoshafat, “Sa panahon ng labanan, hindi ako magpapakilala na ako ang hari, pero ikaw ang siyang magsusuot ng damit panghari.” Kaya nagkunwari ang hari ng Israel, at nakipaglaban sila.

30Samantala, nag-utos ang hari ng Aram sa kumander ng kanyang mga mangangarwahe, “Huwag ninyong lusubin ang kahit sino, kundi ang hari lang ng Israel.” 31Pagkakita ng mga kumander ng mga mangangarwahe kay Jehoshafat, inisip nila na siya ang hari ng Israel, kaya nilusob nila ito. Pero humingi ng tulong sa Panginoon si Jehoshafat, at tinulungan siya at inilayo sa mga kalaban niya. 32Nang mapansin ng mga kumander ng mga mangangarwahe na hindi pala siya ang hari ng Israel, huminto sila sa paghabol sa kanya.

33Pero habang namamana ang isang sundalong Arameo sa mga sundalo ng Israel, natamaan niya ang hari ng Israel sa pagitan ng kanyang panangga sa dibdib. Sinabi ni Haring Ahab sa nagdadala ng kanyang karwahe, “Ilayo mo ako sa labanan! Dahil nasugatan ako.” 34Matindi ang labanan nang araw na iyon, at ang hari ng Israel ay nakasandal lang sa kanyang karwahe na nakaharap sa mga Arameo hanggang hapon. At nang lumubog na ang araw, siyaʼy namatay.

Thai New Contemporary Bible

2พงศาวดาร 18:1-34

มีคายาห์พยากรณ์เกี่ยวกับอาหับ

(1พกษ.22:1-28)

1กษัตริย์เยโฮชาฟัททรงมั่งคั่งและมีเกียรติมาก ทรงเจริญสัมพันธไมตรีกับอาหับโดยการอภิเษกสมรส 2ต่อมาเยโฮชาฟัทเสด็จไปเยือนอาหับที่เมืองสะมาเรีย อาหับล้มแกะและวัวมากมายเพื่อรับรองเยโฮชาฟัทกับคณะ แล้วตรัสชวนเยโฮชาฟัทไปโจมตีเมืองราโมทกิเลอาด 3อาหับแห่งอิสราเอลตรัสถามเยโฮชาฟัทแห่งยูดาห์ว่า “ท่านจะช่วยข้าพเจ้ารบกับราโมทกิเลอาดไหม?”

เยโฮชาฟัทตรัสตอบว่า “เราสองเป็นพวกเดียวกัน คนของข้าพเจ้าก็เหมือนเป็นคนของท่าน เราจะออกรบร่วมกับท่าน” 4แต่เยโฮชาฟัทตรัสกับกษัตริย์อิสราเอลอีกว่า “เราควรทูลถามองค์พระผู้เป็นเจ้าก่อน”

5กษัตริย์อิสราเอลจึงทรงเรียกผู้เผยพระวจนะราวสี่ร้อยคนมาเข้าเฝ้า และตรัสถามว่า “เราควรจะไปรบกับราโมทกิเลอาดหรือเราควรจะยับยั้งไว้?”

เขาเหล่านั้นทูลว่า “ไปเลยพระเจ้าข้า เพราะพระเจ้าจะทรงมอบดินแดนนั้นไว้ในพระหัตถ์ของฝ่าพระบาท”

6แต่เยโฮชาฟัทตรัสถามว่า “ที่นี่ไม่มีผู้เผยพระวจนะขององค์พระผู้เป็นเจ้าให้ถามเลยหรือ?”

7กษัตริย์อิสราเอลตรัสตอบเยโฮชาฟัทว่า “ยังมีอยู่คนหนึ่งซึ่งเราจะทูลถามองค์พระผู้เป็นเจ้าผ่านทางเขาได้ แต่ข้าพเจ้าเกลียดเขา เพราะเขาไม่เคยพยากรณ์เรื่องดีๆ เกี่ยวกับข้าพเจ้าเลย มีแต่เรื่องร้ายๆ เขาคือมีคายาห์บุตรอิมลาห์”

เยโฮชาฟัทตรัสว่า “พระองค์อย่าตรัสเช่นนั้นเลย”

8ดังนั้นกษัตริย์อิสราเอลจึงทรงเรียกมหาดเล็กคนหนึ่งมาและสั่งว่า “จงนำตัวมีคายาห์บุตรอิมลาห์มาเดี๋ยวนี้”

9ทั้งกษัตริย์อิสราเอลและกษัตริย์เยโฮชาฟัทแห่งยูดาห์ทรงฉลองพระองค์เต็มยศประทับอยู่บนพระที่นั่งในลานนวดข้าวใกล้ประตูเมืองสะมาเรีย ในขณะที่กลุ่มผู้เผยพระวจนะก็กล่าวพยากรณ์ไปต่อหน้า 10ฝ่ายเศเดคียาห์บุตรเคนาอะนาห์ได้ทำเขาเหล็กขึ้นมาและประกาศว่า “องค์พระผู้เป็นเจ้าตรัสว่า ‘เจ้าจะขวิดพวกอารัมด้วยเขาเหล็กนี้จนพวกเขาย่อยยับไป’ ”

11ผู้เผยพระวจนะคนอื่นๆ ทั้งหมดก็กำลังพยากรณ์อย่างเดียวกันว่า “จงบุกเข้าโจมตีราโมทกิเลอาดและมีชัยชนะเถิด เพราะองค์พระผู้เป็นเจ้าจะทรงมอบเมืองนั้นไว้ในพระหัตถ์ของฝ่าพระบาท”

12คนที่ไปตามตัวมีคายาห์ได้กล่าวกับเขาว่า “ดูเถิด ผู้เผยพระวจนะคนอื่นๆ ล้วนแต่ทำนายเป็นเสียงเดียวกันว่ากษัตริย์จะชนะ ขอให้ท่านกล่าวไปในทางที่ดีเช่นเดียวกับพวกเขา”

13แต่มีคายาห์กล่าวว่า “องค์พระผู้เป็นเจ้าทรงพระชนม์อยู่แน่ฉันใด ข้าพเจ้าจะพูดแต่สิ่งที่พระเจ้าของข้าพเจ้าตรัสฉันนั้น”

14เมื่อเขามาถึง กษัตริย์ตรัสถามว่า “มีคายาห์เอ๋ย เราควรจะไปรบกับราโมทกิเลอาดหรือเราควรจะยับยั้งไว้?”

มีคายาห์ทูลว่า “จงบุกเข้าโจมตีราโมทกิเลอาดและมีชัยชนะเถิด เพราะพวกเขาจะถูกมอบไว้ในพระหัตถ์ของฝ่าพระบาท”

15กษัตริย์ตรัสว่า “เราจะต้องให้เจ้าสาบานกี่ครั้งกี่หนว่าจะบอกแต่ความจริงแก่เราในพระนามพระยาห์เวห์?”

16มีคายาห์จึงทูลตอบว่า “ข้าพเจ้าเห็นอิสราเอลทั้งปวงกระจัดกระจายไปตามภูเขาต่างๆ เหมือนแกะไม่มีคนเลี้ยง และองค์พระผู้เป็นเจ้าตรัสว่า ‘คนเหล่านี้ไม่มีนาย ให้ทุกคนกลับบ้านโดยสวัสดิภาพเถิด’ ”

17กษัตริย์อิสราเอลตรัสกับเยโฮชาฟัทว่า “ข้าพเจ้าบอกท่านแล้วไม่ใช่หรือว่า เขาไม่เคยพยากรณ์เรื่องดีๆ เกี่ยวกับข้าพเจ้าเลย มีแต่เรื่องร้ายทั้งนั้น?”

18มีคายาห์กล่าวต่อไปว่า “ฉะนั้นจงฟังพระดำรัสขององค์พระผู้เป็นเจ้า ข้าพเจ้าเห็นองค์พระผู้เป็นเจ้าประทับบนพระที่นั่งของพระองค์ ทูตสวรรค์ทั้งปวงยืนเฝ้าทั้งซ้ายและขวา 19แล้วองค์พระผู้เป็นเจ้าตรัสว่า ‘ใครจะหลอกล่อกษัตริย์อาหับแห่งอิสราเอลให้ไปโจมตีราโมทกิเลอาดและตายที่นั่น?’

“มีผู้ทูลเสนอต่างๆ นานา 20ในที่สุดมีวิญญาณดวงหนึ่งก้าวออกมายืนต่อหน้าองค์พระผู้เป็นเจ้าและกราบทูลว่า ‘ข้าพระองค์จะหลอกล่อเขา’

องค์พระผู้เป็นเจ้าตรัสถามว่า ‘ทำอย่างไร?’

21“วิญญาณนั้นทูลว่า ‘ข้าพระองค์จะไปเป็นวิญญาณมุสาในปากของผู้เผยพระวจนะทุกคนของอาหับ’

“พระองค์จึงตรัสว่า ‘เจ้าจะหลอกล่อเขาสำเร็จ ไปทำตามนั้นเถิด’

22“ดังนั้นองค์พระผู้เป็นเจ้าจึงทรงใส่วิญญาณมุสาในปากผู้เผยพระวจนะเหล่านี้ของฝ่าพระบาท องค์พระผู้เป็นเจ้าทรงมีประกาศิตให้ฝ่าพระบาทถึงแก่หายนะแล้ว”

23แล้วเศเดคียาห์บุตรเคนาอะนาห์จึงเข้ามาตบหน้ามีคายาห์และถามว่า “พระวิญญาณจาก18:23 หรือพระวิญญาณขององค์พระผู้เป็นเจ้าออกจากข้าไปพูดกับเจ้าได้อย่างไร?”

24มีคายาห์ตอบว่า “ท่านจะรู้คำตอบในวันที่ท่านไปหลบซ่อนตัวอยู่ในห้องชั้นใน”

25กษัตริย์อิสราเอลจึงตรัสสั่งว่า “จงคุมตัวมีคายาห์กลับไปหาอาโมนผู้ว่าการของเมืองนี้และโยอาชบุตรของเรา 26บอกสองคนนั้นว่า ‘กษัตริย์ตรัสดังนี้ว่าจงขังชายผู้นี้ไว้ในคุก ให้แต่ขนมปังและน้ำประทังชีวิต จนกว่าเราจะกลับมาอย่างปลอดภัย’ ”

27มีคายาห์ประกาศว่า “หากฝ่าพระบาทกลับมาอย่างปลอดภัย ก็แสดงว่าองค์พระผู้เป็นเจ้าไม่ได้ตรัสผ่านทางข้าพเจ้า” แล้วเขาก็กล่าวอีกว่า “ทุกคนจงจำคำพูดของข้าพเจ้าไว้!”

อาหับถูกสังหารที่ราโมทกิเลอาด

(1พกษ.22:29-36)

28ดังนั้นกษัตริย์อิสราเอลและกษัตริย์เยโฮชาฟัทแห่งยูดาห์จึงเสด็จไปยังราโมทกิเลอาด 29กษัตริย์อิสราเอลตรัสกับเยโฮชาฟัทว่า “ข้าพเจ้าจะปลอมตัวไปออกรบ ส่วนท่านแต่งเครื่องทรงกษัตริย์ของท่านเถิด” แล้วกษัตริย์อิสราเอลก็ทรงปลอมพระองค์และเสด็จออกรบ

30ฝ่ายกษัตริย์อารัมได้ทรงบัญชาผู้บัญชาการรถรบของพระองค์ว่า “อย่าต่อสู้กับใคร ไม่ว่าผู้ใหญ่หรือผู้น้อย แต่จงต่อสู้กับกษัตริย์อิสราเอลเพียงองค์เดียวเท่านั้น” 31เมื่อผู้บัญชาการรถรบเหล่านั้นเห็นเยโฮชาฟัท พวกเขาก็คิดว่า “นี่เป็นกษัตริย์อิสราเอล” จึงหันมาโจมตี แต่เยโฮชาฟัทร้องขึ้นมาและองค์พระผู้เป็นเจ้าทรงช่วยไว้ พระเจ้าทรงให้พวกเขาถอยห่างไปจากกษัตริย์ 32เพราะเมื่อผู้บัญชาการรถรบเหล่านั้นเห็นว่าไม่ใช่กษัตริย์อิสราเอล ก็เลิกไล่ล่าพระองค์

33แต่มีคนหนึ่งยิงธนูสุ่มไปถูกกษัตริย์อิสราเอลตรงช่วงรอยต่อของเสื้อเกราะ พระองค์จึงตรัสกับพลขับว่า “จงกลับรถพาเราออกจากสนามรบ เราบาดเจ็บแล้ว” 34สงครามดำเนินไปอย่างดุเดือดตลอดทั้งวัน กษัตริย์อิสราเอลทรงประคองพระองค์เองไว้ในรถม้าศึก ให้ประจันหน้ากับชาวอารัมจนตกเย็น เมื่อดวงอาทิตย์ตกก็สิ้นพระชนม์