1 Timoteo 2 – TCB & KLB

Tagalog Contemporary Bible

1 Timoteo 2:1-15

Mga Bilin Tungkol sa Panalangin

1Una sa lahat, ipinapakiusap kong ipanalangin nʼyo ang lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Dios ang kahilingan nʼyo para sa kanila nang may pasasalamat. 2Ipanalangin nʼyo ang mga hari at mga may kapangyarihan para makapamuhay tayo nang tahimik at mapayapa na may kabanalan at tamang pag-uugali. 3Mabuti ito at nakalulugod sa Dios na ating Tagapagligtas. 4Nais niyang maligtas ang lahat ng tao at malaman ang katotohanan. 5Sapagkat iisa lang ang Dios at iisa lang ang tagapamagitan sa Dios at sa mga tao. Itoʼy walang iba kundi ang taong si Cristo Jesus. 6Ibinigay niya ang buhay niya bilang pantubos sa lahat ng tao. Ito ang nagpapatunay na nais ng Dios na maligtas ang lahat ng tao, at inihayag niya ito sa takdang panahon. 7At ito ang dahilan ng pagkahirang ko bilang apostol at tagapangaral sa mga hindi Judio tungkol sa pananampalataya at katotohanan. Totoo ang sinasabi ko, at hindi ako nagsisinungaling.

8Gusto kong sa lahat ng pagtitipon-tipon2:8 lahat ng pagtitipon-tipon: o, lahat ng lugar. ay manalangin ang mga lalaki nang may malinis na kalooban, na sa pagtaas nila ng kamay sa pananalangin ay walang galit o pakikipagtalo. 9Gusto ko rin na maging maayos at marangal ang mga babae sa pananamit nila, at iwasan ang labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit. 10Sa halip, magpakita sila ng mabubuting gawa na nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Dios. 11At kung may nagtuturo, dapat tahimik na makinig ang mga babae at lubos na magpasakop. 12Hindi ko pinahihintulutan ang mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki. Kailangang tumahimik lang sila. 13Sapagkat unang nilalang si Adan bago si Eva, 14at hindi si Adan ang nadaya, kundi si Eva ang nadaya at lumabag sa utos ng Dios. 15Ganoon pa man, maliligtas ang mga babae sa pamamagitan ng panganganak nila, kung magpapatuloy sila sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan, at tamang pag-uugali.

Korean Living Bible

디모데전서 2:1-15

기도의 향기

1나는 무엇보다도 먼저 이것을 권합니다. 그대는 모든 사람을 위하여 하나님 께 열심히 기도하며 감사하시오.

2왕들과 높은 자리에 있는 모든 사람들을 위해서도 그렇게 하시오. 그것은 안정되고 평온한 가운데서 경건하고 거룩한 생활을 하기 위한 것입니다.

3이런 생활은 아름다운 것이며 우리 구주 하나님을 기쁘게 해 드리는 일입니다.

4하나님께서는 모든 사람이 다 구원받고 진리를 알게 되기를 원하십니다.

5하나님은 한 분뿐이시며 하나님과 사람 사이의 중재자도 한 분뿐이시니 그분이 바로 사람이신 그리스도 예수님이십니다.

6그리스도 예수님은 모든 사람을 구원하시려고 자신을 바치셨습니다. 이것은 하나님께서 때가 되어 약속을 이루신 증거입니다.

7나는 이 그리스도를 전하기 위해 전도자와 사도로 임명을 받았으며 믿음과 진리 안에서 이방인의 스승이 되었습니다. 이것은 거짓말이 아닌 사실입니다.

8그러므로 남자들은 화를 내거나 다투지 말고 어디서나 거룩한 손을 들어 기도하기 바랍니다.

9여자들도 머리를 지나치게 꾸미거나 귀금속과 비싼 옷으로 단장하지 말고 정숙하고 단정한 몸가짐을 하십시오.

10하나님을 섬기는 여자는 마땅히 선한 행실로 자기를 꾸며야 합니다.

11여자는 일체 순종하며 조용히 배우도록 하십시오.

12나는 여자가 가르치거나 남자를 지배하는 것을 허락하지 않습니다. 다만 여자는 조용히 해야 합니다.

13이것은 아담이 먼저 창조된 다음에 이브가 창조되었으며

14아담이 속은 것이 아니라 여자가 속아서 죄에 빠졌기 때문입니다.

15그러나 만일 여자들이 절제함으로 계속 믿음과 사랑과 거룩함으로 살면 2:15 또는 ‘해산함으로’아이를 낳고 구원을 받을 것입니다.