1 Samuel 1 – TCB & NIV

Tagalog Contemporary Bible

1 Samuel 1:1-28

Ang Kapanganakan ni Samuel

1May isang lalaking mula sa angkan ni Zuf na ang pangalan ay Elkana. Nakatira siya sa Rama, sa maburol na lupain ng Efraim. Anak siya ni Jeroham na anak ni Elihu. Si Elihu ay anak naman ni Tohu na anak ni Zuf, na mula sa lahi ni Efraim. 2Si Elkana ay may dalawang asawa. Sila ay sina Hanna at Penina. May mga anak si Penina pero si Hanna ay wala.

3Taun-taon, pumupunta si Elkana at ang sambahayan niya sa Shilo upang sumamba at maghandog sa Panginoong Makapangyarihan. Ang dalawang anak ni Eli na sina Hofni at Finehas ang mga pari ng Panginoon sa Shilo. 4Sa tuwing maghahandog si Elkana, hinahati niya ang ibang bahagi ng kanyang handog para kay Penina at sa mga anak niya. 5Pero doble ang bahagi na ibinibigay niya kay Hanna dahil mahal niya ito kahit hindi siya nagkakaanak, dahil ginawa siyang baog ng Dios. 6At dahil hindi nga siya magkaanak, lagi siyang iniinis at hinihiya ni Penina na kanyang karibal. 7Ganito ang laging nangyayari taun-taon. Sa tuwing pupunta si Hanna sa bahay ng Panginoon, iniinis siya ni Penina hanggang sa umiyak na lang siya at hindi na kumain. 8Sinasabi ni Elkana sa kanya, “Bakit ka umiiyak? Bakit ayaw mong kumain? Bakit ka malungkot? Mas mahalaga ba para sa iyo ang sampung anak kaysa sa akin?”

9-10Minsan, pagkatapos nilang kumain sa bahay ng Panginoon sa Shilo, tumayo si Hanna at nanalangin nang umiiyak dahil sa labis na kalungkutan. Nakaupo noon ang pari na si Eli sa may pintuan ng bahay ng Panginoon.1:9-10 bahay ng Panginoon: sa Hebreo, templo ng Panginoon. 11Nangako si Hanna sa Panginoon. Sinabi niya, “O Panginoong Makapangyarihan, tingnan po ninyo ang aking paghihirap. Alalahanin ninyo ang inyong lingkod at huwag ninyo akong kalimutan. Kung bibigyan nʼyo po ako ng isang anak na lalaki, ihahandog ko siya sa inyo para maglingkod sa inyo sa buong buhay niya. At bilang tanda nang lubos niyang pagsunod sa inyo, hindi ko po pagugupitan ang kanyang buhok.”

12-13Habang patuloy siyang nananalangin sa Panginoon, nakita ni Eli na bumubuka ang bibig ni Hanna pero hindi naririnig ang kanyang boses. Inakala ni Eli na lasing si Hanna, 14kaya sinabi niya sa kanya, “Hanggang kailan ka maglalasing? Tigilan mo na ang pag-inom!” 15Sumagot si Hanna, “Hindi po ako lasing, at hindi po ako nakainom ng kahit anong klase ng inumin. Ibinubuhos ko lang po sa Panginoon ang paghihirap na aking nararamdaman. 16Huwag po ninyong isipin na masama akong babae. Nananalangin po ako rito dahil sa labis na kalungkutan.”

17Sinabi ni Eli, “Sige, umuwi kang mapayapa. Sanaʼy ipagkaloob ng Dios ng Israel ang hinihiling mo sa kanya.” 18Sumagot si Hanna, “Salamat po sa kabutihan ninyo sa akin.” Pagkatapos ay umalis na siya at kumain, at nawala na ang lungkot sa kanyang mukha.

19Kinabukasan, maagang bumangon si Elkana at ang kanyang pamilya, at silaʼy sumamba sa Panginoon. Pagkatapos ay umuwi sila sa bahay nila sa Rama. Sinipingan ni Elkana si Hanna at sinagot ng Panginoon ang panalangin ni Hanna na bigyan siya ng anak. 20At dumating ang panahon na nagbuntis siya at nanganak ng isang lalaki. Pinangalanan niya itong Samuel,1:20 Samuel: Maaaring ang ibig sabihin, dininig ng Dios. dahil sinabi niya, “Hiningi ko siya sa Panginoon.”

Inihandog ni Hanna si Samuel

21Muling dumating ang panahon na si Elkana at ang buo niyang pamilya ay maghahandog sa Panginoon gaya ng ginagawa nila taun-taon. Ito rin ang panahon na maghahandog siya bilang pagtupad sa panata niya sa Panginoon. 22Pero hindi sumama si Hanna. Sinabi niya sa kanyang asawa, “Kapag naawat na ang sanggol sa pagsuso sa akin, dadalhin ko siya sa bahay ng Panginoon para ihandog sa kanya. Doon na siya titira sa buong buhay niya.” 23Sumagot si Elkana, “Gawin mo kung ano ang sa tingin moʼy mabuti. Dito ka na lang muna hanggang sa maawat mo na ang sanggol. Tulungan ka sana ng Panginoon na matupad ang ipinangako mo sa kanya.” Kaya nagpaiwan si Hanna at inalagaan ang kanyang anak.

24Nang maawat na ang bata, dinala siya ni Hanna sa bahay ng Panginoon sa Shilo. Nagdala rin siya ng tatlong taong gulang na toro, kalahating sako ng harina at katas ng ubas na nakalagay sa balat na sisidlan. 25Matapos katayin ang toro, dinala nila si Samuel kay Eli. 26Sinabi ni Hanna kay Eli, “Kung natatandaan nʼyo po, ako ang babaeng tumayo rito noon na nanalangin sa Panginoon. 27Hiningi ko po ang batang ito sa Panginoon at ibinigay niya ang kahilingan ko. 28Kaya ngayon, ihahandog ko po siya sa Panginoon. Maglilingkod po ang batang ito sa Panginoon sa buong buhay niya.” Pagkatapos ay sumamba sila sa1:28 sila sa: o, siya sa. Panginoon.

New International Version

1 Samuel 1:1-28

The Birth of Samuel

1There was a certain man from Ramathaim, a Zuphite1:1 See Septuagint and 1 Chron. 6:26-27,33-35; or from Ramathaim Zuphim. from the hill country of Ephraim, whose name was Elkanah son of Jeroham, the son of Elihu, the son of Tohu, the son of Zuph, an Ephraimite. 2He had two wives; one was called Hannah and the other Peninnah. Peninnah had children, but Hannah had none.

3Year after year this man went up from his town to worship and sacrifice to the Lord Almighty at Shiloh, where Hophni and Phinehas, the two sons of Eli, were priests of the Lord. 4Whenever the day came for Elkanah to sacrifice, he would give portions of the meat to his wife Peninnah and to all her sons and daughters. 5But to Hannah he gave a double portion because he loved her, and the Lord had closed her womb. 6Because the Lord had closed Hannah’s womb, her rival kept provoking her in order to irritate her. 7This went on year after year. Whenever Hannah went up to the house of the Lord, her rival provoked her till she wept and would not eat. 8Her husband Elkanah would say to her, “Hannah, why are you weeping? Why don’t you eat? Why are you downhearted? Don’t I mean more to you than ten sons?”

9Once when they had finished eating and drinking in Shiloh, Hannah stood up. Now Eli the priest was sitting on his chair by the doorpost of the Lord’s house. 10In her deep anguish Hannah prayed to the Lord, weeping bitterly. 11And she made a vow, saying, “Lord Almighty, if you will only look on your servant’s misery and remember me, and not forget your servant but give her a son, then I will give him to the Lord for all the days of his life, and no razor will ever be used on his head.”

12As she kept on praying to the Lord, Eli observed her mouth. 13Hannah was praying in her heart, and her lips were moving but her voice was not heard. Eli thought she was drunk 14and said to her, “How long are you going to stay drunk? Put away your wine.”

15“Not so, my lord,” Hannah replied, “I am a woman who is deeply troubled. I have not been drinking wine or beer; I was pouring out my soul to the Lord. 16Do not take your servant for a wicked woman; I have been praying here out of my great anguish and grief.”

17Eli answered, “Go in peace, and may the God of Israel grant you what you have asked of him.”

18She said, “May your servant find favor in your eyes.” Then she went her way and ate something, and her face was no longer downcast.

19Early the next morning they arose and worshiped before the Lord and then went back to their home at Ramah. Elkanah made love to his wife Hannah, and the Lord remembered her. 20So in the course of time Hannah became pregnant and gave birth to a son. She named him Samuel,1:20 Samuel sounds like the Hebrew for heard by God. saying, “Because I asked the Lord for him.”

Hannah Dedicates Samuel

21When her husband Elkanah went up with all his family to offer the annual sacrifice to the Lord and to fulfill his vow, 22Hannah did not go. She said to her husband, “After the boy is weaned, I will take him and present him before the Lord, and he will live there always.”1:22 Masoretic Text; Dead Sea Scrolls always. I have dedicated him as a Nazirite—all the days of his life.”

23“Do what seems best to you,” her husband Elkanah told her. “Stay here until you have weaned him; only may the Lord make good his1:23 Masoretic Text; Dead Sea Scrolls, Septuagint and Syriac your word.” So the woman stayed at home and nursed her son until she had weaned him.

24After he was weaned, she took the boy with her, young as he was, along with a three-year-old bull,1:24 Dead Sea Scrolls, Septuagint and Syriac; Masoretic Text with three bulls an ephah1:24 That is, probably about 36 pounds or about 16 kilograms of flour and a skin of wine, and brought him to the house of the Lord at Shiloh. 25When the bull had been sacrificed, they brought the boy to Eli, 26and she said to him, “Pardon me, my lord. As surely as you live, I am the woman who stood here beside you praying to the Lord. 27I prayed for this child, and the Lord has granted me what I asked of him. 28So now I give him to the Lord. For his whole life he will be given over to the Lord.” And he worshiped the Lord there.