1 Pedro 5 – TCB & NIVUK

Tagalog Contemporary Bible

1 Pedro 5:1-14

Mga Bilin sa mga Namumuno sa Iglesya at sa mga Kabataan

1Sa mga namumuno sa iglesya, may nais akong ipakiusap sa inyo bilang isa ring namumuno sa iglesya at nakasaksi sa mga paghihirap ni Cristo, at makakabahagi rin sa kaluwalhatian niya sa kanyang pagdating. 2Alagaan ninyong mabuti ang mga mananampalatayang5:2 mga mananampalataya: sa literal, kawan. kasama ninyo. Katulad sila ng mga tupa at kayo ang mga tagapag-alaga nila. Dapat taos-puso ninyo silang pangalagaan, dahil ito ang nais ng Dios. Hindi dahil sa napipilitan lang kayo, o dahil sa may hinihintay kayong kapalit, kundi dahil sa nais talaga ninyong makatulong sa kanila. 3Huwag kayong maghahari-harian sa mga mananampalatayang ipinagkatiwala sa inyo upang alagaan, kundi maging halimbawa kayo sa kanila. 4At pagdating ni Cristo na siyang Pangulong Tagapag-alaga, tatanggap kayo ng gantimpalang napakaganda at hindi kukupas kailanman.

5At kayo namang mga kabataan, magpasakop kayo sa matatanda. At kayong lahat na mga mananampalataya, magpakumbaba kayo at maglingkod sa isaʼt isa, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Kinamumuhian ng Dios ang mga mapagmataas, ngunit kinakaawaan niya ang mga mapagpakumbaba.”5:5 Kaw. 3:34. 6Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Dios, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo. 7Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo. 8Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyong si Satanas ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa. 9Patatagin ninyo ang inyong pananampalataya sa Dios at labanan ninyo si Satanas. Alalahanin ninyong hindi lang kayo ang naghihirap kundi pati ang mga kapatid nʼyo kay Cristo sa buong mundo. Nararanasan din nila ang mga paghihirap na ito. 10Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Dios para maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi rin sa walang hanggang kaluwalhatian niya sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Cristo. 11Purihin siya sa kapangyarihan niyang walang hanggan! Amen.

Mga Pangangamusta

12Isinulat ko sa inyo ang maikling sulat na ito sa tulong ni Silvanus. Kapatid natin siya kay Cristo at talagang mapagkakatiwalaan. Napalakas ko sana ang inyong loob sa pamamagitan ng sulat na ito at napatunayan ko ang kabutihan sa atin ng Dios. Manatili kayo sa kabutihan niya.

13Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa Babilonia. Katulad nʼyo, mga pinili rin sila ng Dios na maging mga anak niya. Kinukumusta rin kayo ni Marcos na itinuturing kong anak. 14Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo.5:14 bilang magkakapatid kay Cristo: sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.

Sa inyong lahat na nakay Cristo, sumainyo nawa ang kapayapaan.

New International Version – UK

1 Peter 5:1-14

To the elders and the flock

1To the elders among you, I appeal as a fellow elder and a witness of Christ’s sufferings who also will share in the glory to be revealed: 2be shepherds of God’s flock that is under your care, watching over them – not because you must, but because you are willing, as God wants you to be; not pursuing dishonest gain, but eager to serve; 3not lording it over those entrusted to you, but being examples to the flock. 4And when the Chief Shepherd appears, you will receive the crown of glory that will never fade away.

5In the same way, you who are younger, submit yourselves to your elders. All of you, clothe yourselves with humility towards one another, because,

‘God opposes the proud

but shows favour to the humble.’5:5 Prov. 3:34

6Humble yourselves, therefore, under God’s mighty hand, that he may lift you up in due time. 7Cast all your anxiety on him because he cares for you.

8Be alert and of sober mind. Your enemy the devil prowls around like a roaring lion looking for someone to devour. 9Resist him, standing firm in the faith, because you know that the family of believers throughout the world is undergoing the same kind of sufferings.

10And the God of all grace, who called you to his eternal glory in Christ, after you have suffered a little while, will himself restore you and make you strong, firm and steadfast. 11To him be the power for ever and ever. Amen.

Final greetings

12With the help of Silas,5:12 Greek Silvanus, a variant of Silas whom I regard as a faithful brother, I have written to you briefly, encouraging you and testifying that this is the true grace of God. Stand fast in it.

13She who is in Babylon, chosen together with you, sends you her greetings, and so does my son Mark.

14Greet one another with a kiss of love.

Peace to all of you who are in Christ.