1 Hari 9 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 9:1-28

Nagpakita ang Panginoon kay Solomon

(2 Cro. 7:11-22)

1Nang matapos ni Solomon ang pagpapatayo ng templo ng Panginoon at ng kanyang palasyo, at ng iba pa na binalak niyang gawin, 2nagpakitang muli ang Panginoon sa kanya katulad ng ginawa niya noon sa Gibeon. 3Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Narinig ko ang panalangin at kahilingan mo sa akin. Ang templong ipinatayo mo ang pinili kong lugar kung saan ako pararangalan magpakailanman. Palagi ko itong babantayan at iingatan. 4At ikaw, kung mamumuhay kang tapat at matuwid sa aking harapan, katulad ng iyong ama na si David, at kung gagawin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa iyo at tutuparin ang aking mga tuntunin at mga utos, 5paghahariin ko sa Israel ang iyong mga angkan magpakailanman. Ipinangako ko ito sa iyong ama na si David nang sabihin ko sa kanya, ‘Laging magmumula sa angkan mo ang maghahari sa Israel.’ 6Pero kung tatalikod kayo o ang inyong mga angkan sa akin at hindi susunod sa aking mga utos at mga tuntunin na ibinigay ko sa inyo, at kung maglilingkod at sasamba kayo sa ibang mga dios, 7paaalisin ko kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo at itatakwil ko ang templong ito na hinirang kong lugar kung saan pararangalan ang aking pangalan. Pagkatapos, kukutyain at pagtatawanan ng lahat ng tao ang Israel. 8At kahit maganda at tanyag ang templong ito, sisirain ko ito. Magugulat at mamamangha ang lahat ng dumaraan dito at painsultong sasabihin, ‘Bakit ginawa ito ng Panginoon sa lupain at templong ito?’ 9Sasagot ang iba, ‘Dahil itinakwil nila ang Panginoon na kanilang Dios na naglabas sa kanilang mga ninuno sa Egipto at naglingkod sila at sumamba sa ibang mga dios. Iyan ang dahilan kung bakit pinadalhan sila ng Panginoon ng mga kapahamakan.’ ”

Ang Iba pang Naipatayo ni Solomon

(2 Cro. 8:1-18)

10Matapos na maipatayo ni Solomon ang dalawang gusali – ang templo ng Panginoon at ang palasyo sa loob ng 20 taon, 11ibinigay niya ang 20 bayan sa Galilea kay Haring Hiram ng Tyre. Ginawa niya ito dahil tinustusan siya ni Hiram ng lahat ng kahoy na sedro at sipres9:11 sipres: o, “pine tree.” at ng ginto na kanyang kailangan. 12Pero nang pumunta si Hiram sa Galilea mula sa Tyre para tingnan ang mga bayan na ibinigay sa kanya ni Solomon, hindi siya nasiyahan dito. 13Sinabi niya kay Solomon “Aking kapatid, anong klaseng mga bayan itong ibinigay mo sa akin?” Tinawag ni Hiram ang lupaing iyon na Cabul,9:13 Cabul: Maaaring ang ibig sabihin nito sa Hebreo, walang halaga. at ganito pa rin ang tawag dito hanggang ngayon. 14Nagpadala roon si Hiram kay Solomon ng limang toneladang ginto.

15Ito ang ulat tungkol sa sapilitang pagpapatrabaho ni Haring Solomon sa mga tao para maipatayo ang templo ng Panginoon at ang kanyang palasyo, sa pagpapatibay ng lupain sa bandang silangan ng lungsod, sa pagpapatibay ng pader ng Jerusalem, at sa pagpapatayong muli ng mga lungsod ng Hazor, Megido at Gezer. 16(Nilusob ang Gezer at inagaw ito ng Faraon na hari ng Egipto. Sinunog niya ito at pinagpapatay ang mga naninirahan dito na mga Cananeo. Ibinigay niya ang lungsod na ito sa kanyang anak na babae bilang regalo sa kasal nito kay Solomon. 17At ipinatayong muli ni Solomon ang Gezer.) Ipinatayo rin niya ang ibabang bahagi ng Bet Horon, 18ang Baalat, ang Tamar9:18 Tamar: o, Tadmor. na nasa disyerto na sakop ng kanyang lupain, 19at ang lahat ng lungsod na imbakan ng kanyang mga pangangailangan, at mga karwahe at mga kabayo. Ipinatayo niya ang lahat ng ninanais niyang ipatayo sa Jerusalem, sa Lebanon at sa lahat ng lupaing sakop niya.

20-21May mga tao pa na naiwan sa Israel na hindi mga Israelita. Sila ay mga lahi ng mga Amoreo, Heteo, Perezeo, Hiveo at mga Jebuseo, na hindi nalipol ng lubusan ng mga Israelita nang sakupin nila ang lupain ng Canaan. Ginawa silang alipin ni Solomon at pinilit na magtrabaho, at nananatili silang alipin hanggang ngayon. 22Pero hindi ginawang alipin ni Solomon ang sinumang Israelita. Sa halip, ginawa niya silang kanyang mga sundalo, mga opisyal, mga kapitan ng mga sundalo, mga kumander ng kanyang mga mangangarwahe at mga mangangabayo. 23Ang 550 sa kanila ay ginawa ni Solomon na mga opisyal na mamamahala sa mga manggagawa ng kanyang mga proyekto.

24Nang matapos na ang palasyo na ipinagawa ni Solomon para sa kanyang asawa, na anak ng Faraon, inilipat niya ito roon mula sa Lungsod ni David. Pagkatapos, pinatambakan niya ng lupa ang mababang bahagi ng lungsod.

25Tatlong beses sa bawat taon, nag-aalay si Solomon ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon9:25 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. doon sa altar na ipinagawa niya para sa Panginoon. Nagsusunog din siya ng mga insenso sa presensya ng Panginoon.

Kaya natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng templo.

26Nagpagawa rin si Solomon ng mga barko sa Ezion Geber, malapit sa Elat9:26 Elat: Ito ang nasa tekstong Griego. Sa Hebreo, Elot. na sakop ng Edom, sa dalampasigan ng Dagat na Pula. 27Nagpadala si Hiram ng mga marino na bihasang mandaragat, kasama ng mga tauhan ni Solomon. 28Naglayag sila sa Ofir at bumalik sila na may dalang 15 toneladang ginto at dinala nila ito kay Haring Solomon.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

列王纪上 9:1-28

耶和华再次向所罗门显现

1所罗门建完耶和华的殿、自己的王宫和所有要建的建筑后, 2耶和华像在基遍一样再次向他显现, 3对他说:“我听了你的祷告和祈求。我已使你建的殿成为圣洁之地,让我的名永在其中,我会一直眷顾这殿。 4如果你像你父亲大卫一样存诚实正直的心事奉我,遵行我的一切吩咐,谨守我的律例和典章, 5我必使你的王位在以色列永远稳固,正如我曾向你父亲大卫应许要使他的王朝永不中断。

6“然而,如果你们及你们的子孙离弃我,不守我的诫命和律例,去供奉、祭拜别的神明, 7我必把以色列人从我赐给他们的土地上铲除,并离弃我为自己的名而使之圣洁的这殿,使以色列人在万民中成为笑柄,被人嘲讽。 8这殿虽然宏伟,但将来经过的人必惊讶,讥笑说,‘耶和华为什么这样对待这地方和这殿呢?’ 9人们会回答,‘因为他们背弃曾领他们祖先离开埃及的耶和华——他们的上帝,去追随、祭拜、供奉别的神明,所以耶和华把这一切灾祸降在他们身上。’”

所罗门的事迹

10所罗门用二十年的时间兴建了耶和华的殿和自己的王宫。 11泰尔希兰供应了所罗门所需要的一切香柏木、松木和黄金,所罗门王就把加利利一带的二十座城送给他。 12希兰泰尔去视察这些城,然后满心不悦地对所罗门说: 13“兄弟啊,你送给我的是什么城邑呀?”因此,他称这个地区为迦步勒9:13 迦步勒”希伯来文的意思为“没有价值”。,沿用至今。 14希兰供应了所罗门王约四吨金子。

15所罗门征召劳役兴建耶和华的殿、自己的王宫、米罗堡和耶路撒冷的城墙以及夏琐米吉多基色16从前埃及王法老攻陷基色,火烧全城,杀了城内的迦南人,把基色赐予女儿,即所罗门之妻作嫁妆。 17所罗门现在重建基色、下伯·和仑18巴拉和境内沙漠地区的达莫19他还建造了所有的储货城、屯车城、养马城和计划在耶路撒冷黎巴嫩及全国兴建的城邑。

20当时国中有亚摩利人、人、比利洗人、希未人和耶布斯人的后裔, 21以色列人没能灭绝这些外族人,所罗门让他们服劳役,至今如此。 22所罗门王没有让以色列人服劳役,而是让他们做战士、官长、统帅、将领、战车长和骑兵长。 23他还任命五百五十名监工负责监管工人。

24法老的女儿从大卫城迁到为她建造的宫殿以后,所罗门动工兴建米罗堡。 25耶和华的殿落成以后,所罗门每年三次在他为耶和华筑的坛上献燔祭、平安祭并在耶和华面前烧香。

26所罗门王在以东境内的红海边、靠近以禄以旬·迦别制造船只。 27希兰派有经验的水手与所罗门的水手一起出海, 28俄斐所罗门王运回了十四吨黄金。