1 Hari 12 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Hari 12:1-33

Nagrebelde ang Israel kay Rehoboam

(2 Cro. 10:1-19)

1Pumunta si Rehoboam sa Shekem, kung saan nagtipon ang lahat ng mga Israelita para hirangin siya na hari. 2Nang mabalitaan ito ni Jeroboam na anak ni Nebat, bumalik siya sa Israel. (Sapagkat nang panahong iyon, doon siya nakatira sa Egipto, kung saan tumakas siya kay Haring Solomon.) 3Ipinatawag ng buong mamamayan ng Israel si Jeroboam at pumunta sila kay Rehoboam at sinabi, 4“Mabigat ang mga ipinapatupad ng inyong ama sa amin. Pero kung pagagaanin nʼyo ito, paglilingkuran namin kayo.”

5Sumagot si Rehoboam, “Bigyan nʼyo muna ako ng tatlong araw para pag-isipan ito, pagkatapos, bumalik kayo sa akin.” Kaya umuwi ang mga tao. 6Nakipagkita agad si Haring Rehoboam sa mga tagapamahala na naglilingkod sa ama niyang si Solomon nang nabubuhay pa ito. Nagtanong si Rehoboam sa kanila, “Ano ba ang maipapayo ninyo na isasagot ko sa hinihiling ng mga taong iyon?” 7Sumagot sila, “Kung ipapakita mo ngayon ang iyong kabutihan sa kanila, at ibibigay ang kahilingan nila, maglilingkod sila sa iyo magpakailanman.”

8Pero hindi sinunod ni Rehoboam ang kanilang payo, sa halip nakipagkita siya sa mga kababata niya na naglilingkod sa kanya. 9Nagtanong siya sa kanila, “Ano ba ang maipapayo nʼyo na isasagot ko sa kahilingan ng mga taong iyon? Humihiling sila sa akin na pagaanin ko ang mabigat na mga ipinapatupad ng aking ama sa kanila.” 10Sumagot ang mga kababata ni Rehoboam, “Ito ang isagot mo sa mga taong iyon na humihiling sa iyo: ‘Ang kalingkingan ko ay mas malaki pa sa baywang ng aking ama. 11Ang ibig kong sabihin, mas mabigat pa ang ipapatupad ko sa inyo kaysa sa ipinapatupad ng aking ama. Kung hinampas kayo ng aking ama ng latigo, hahampasin ko kayo ng latigong may mga matalim na bakal.’ ”12:11 latigong may mga matalim na bakal: sa literal, alakdan. Ganito rin sa talatang 14.

12Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik si Jeroboam at ang mga tao kay Haring Rehoboam, ayon sa sinabi ng hari sa kanila. 13Pero hindi tinupad ni Rehoboam ang ipinayo ng mga tagapamahala. Sa halip, pinagsalitaan niya ng masasakit ang mga tao 14ayon sa ipinayo ng mga kababata niya. Sinabi niya sa kanila, “Mabigat ang ipinapatupad ng aking ama sa inyo, pero mas mabigat pa ang ipapatupad ko sa inyo. Kung pinalo kayo ng aking ama ng latigo, papaluin ko kayo ng latigong may matalim na mga bakal.”

15Hindi nga nakinig ang hari sa mga tao, niloob ito ng Dios para matupad ang kanyang sinabi kay Jeroboam na anak ni Nebat sa pamamagitan ni Ahia na taga-Shilo. 16Nang malaman ng lahat ng Israelita na hindi sila pinakinggan ng hari, sinabi nila sa hari, “Wala kaming pakialam sa iyo na mula sa lahi ni David! Bahala ka na sa iyong kaharian! Halikayo mga Israelita, umuwi na tayo!” At umuwi nga ang mga Israelita. 17Ang mga Israelita lang na nakatira sa mga bayan ng Juda ang napamahalaan ni Rehoboam.

18Ngayon, pinapunta ni Haring Rehoboam sa mga Israelita si Adoniram, ang tagapamahala ng mga tao na pinagtatrabaho ng sapilitan, para makipag-ayos sa kanila. Pero binato siya ng mga Israelita hanggang sa mamatay. Nagmamadaling sumakay si Rehoboam sa kanyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem. 19Hanggang ngayon, nagrerebelde ang mga Israelita sa mga angkan ni David.

20Nang mabalitaan ng lahat ng mga Israelita na nakauwi na si Jeroboam, ipinatawag nila siya sa isang pagtitipon at ginawa nila siyang hari sa buong Israel. Ang lahi lang ni Juda ang nanatiling tapat sa paghahari ng mga angkan ni David.

Binalaan ni Shemaya si Rehoboam

(2 Cro. 11:1-4)

21Pagdating ni Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang mahuhusay na sundalo ng mga lahi nina Juda at Benjamin. Nakapagtipon siya ng 180,000 sundalo na makikipaglaban sa mga mamamayan ng Israel at para bawiin ang kaharian niya. 22Pero sinabi ng Dios kay Shemaya na kanyang lingkod, 23“Sabihin mo kay Haring Rehoboam ng Juda, na anak ni Solomon, at sa lahat ng sambayanan ng Juda at Benjamin at sa iba pang taong naroon 24na ito ang sinasabi ko: ‘Huwag kayong makipaglaban sa mga kapwa ninyo Israelita. Umuwi kayo, dahil kalooban ko ang lahat ng ito.’ ” Sumunod nga sila sa Panginoon at umuwi ayon sa inutos ng Panginoon.

Nagpagawa si Jeroboam ng mga Gintong Baka

25Pinalibutan ni Jeroboam ng pader ang lungsod ng Shekem sa kabundukan ng Efraim at doon siya tumira. Kinalaunan, pumunta siya sa Penuel at ipinaayos niya ito. 26Sinabi niya sa kanyang sarili, “Baka maibalik ang kaharian sa angkan ni David 27kung magpapatuloy ang mga tao sa pagpunta sa Jerusalem para maghandog doon sa templo ng Panginoon. Maaaring mahulog muli ang kanilang loob kay Haring Rehoboam ng Juda. At kung mangyayari iyon, papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam.”

28Kaya pagkatapos na payuhan si Jeroboam tungkol dito, nagpagawa siya ng dalawang gintong baka. Sinabi niya sa mga tao, “Mga Israelita, mahirap na para sa inyo na makapunta pa sa Jerusalem. Narito ang inyong mga dios na naglabas sa inyo sa Egipto.” 29Ang isang gintong baka ay ipinalagay niya sa Betel at ang isa naman ay sa Dan. 30Ang ginawang ito ni Jeroboam ay naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.12:30 naging dahilan … Israelita: o, kasalanan. Pumupunta pa sila kahit sa Dan para sumamba roon.

31Nagpagawa pa si Jeroboam ng mga sambahan sa matataas na lugar12:31 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. Makikita rin sa 13:2. at pumili siya ng mga tao na maglilingkod bilang pari, kahit hindi sila mula sa pamilya ng mga Levita. 32Nagpasimula rin siya ng pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 araw ng ikawalong buwan, tulad ng pista sa Juda. Nang araw na iyon, nag-alay siya sa Betel ng mga handog sa altar para sa mga gintong baka na ipinagawa niya. At doon siya pumili ng mga pari na itinalaga niyang maglingkod sa mga sambahan sa matataas na lugar na ipinagawa niya. 33Sa araw na iyon na naghandog siya sa altar na kanyang ipinagawa sa Betel, sinimulan niya ang pista para sa mga Israelita. Siya ang pumili ng petsang ika-15 araw ng ikawalong buwan para sa ganitong pista.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

列王纪上 12:1-33

北方支派背叛罗波安

1罗波安前往示剑,因为以色列人都去了那里,要立他为王。 2尼八的儿子耶罗波安曾为了躲避所罗门王而逃往埃及,并一直住在那里。他听到消息后,便返回以色列3以色列人派人去请他,他就和以色列会众去见罗波安,说: 4“你父亲使我们负担沉重,求你减轻我们的负担吧,我们一定效忠你。”

5罗波安对他们说:“你们先回去,三天之后再来见我。”众人就离开了。

6罗波安王去征询曾服侍他父亲所罗门的老臣的意见,说:“你们认为我该怎样回复众民?” 7他们建议说:“现今王若像仆人一样服侍民众,对他们好言相待,他们会永远做王的仆人。”

8罗波安却没有采纳老臣的意见。他又去征询那些和他一起长大的青年臣僚的意见, 9说:“民众求我减轻我父亲加给他们的重担。你们认为我该怎样回复他们?”

10他们说:“民众说你父亲使他们负担沉重,请求你减轻他们的负担。你可以这样回复他们,‘我的小指头比我父亲的腰还粗。 11我父亲使你们负重担,我要使你们负更重的担子;我父亲用鞭子打你们,我要用刺鞭打你们。’”

12过了三天,耶罗波安和民众遵照罗波安王的话来见他。 13-14王没有采纳老臣的建议,而是照青年臣僚的建议,疾言厉色地对他们说:“我父亲使你们负重担,我要使你们负更重的担子!我父亲用鞭子打你们,我要用刺鞭打你们!” 15王不听民众的请求。这事是出于耶和华的旨意,为要应验祂借示罗亚希雅先知对尼八的儿子耶罗波安说的话。

16以色列人见王不听他们的请求,就说:

“我们与大卫有何相干?

我们与耶西的儿子没有关系!

以色列人啊,各自回家吧!

大卫家啊,自己照顾自己吧!”

于是,以色列人各自回家了。 17但住在犹大城邑的以色列人仍受罗波安统治。 18罗波安王派劳役总管亚多兰以色列人那里,以色列人却用石头打死了他,罗波安王连忙上车逃回耶路撒冷19从此,以色列人反叛大卫家,一直到今天。 20以色列人听说耶罗波安回来了,就请他到会众面前,拥立他做以色列人的王。只有犹大支派仍然效忠大卫家。

21罗波安回到耶路撒冷,从犹大便雅悯支派召集了十八万精兵,要攻打以色列人,收复全国。 22然而,上帝对祂的仆人示玛雅说: 23“你去告诉所罗门的儿子犹大罗波安犹大便雅悯支派的人以及其他民众, 24耶和华这样说,‘你们不要上去与以色列同胞交战,都回家吧!今日的景况是出于我的旨意。’”众人听从了耶和华的话,各自回家去了。

耶罗波安背弃上帝

25耶罗波安以法莲山区修建示剑城,住在那里。他后来又去修建毗努伊勒26他心想:“国权恐怕会重归大卫家。 27若百姓去耶路撒冷,在耶和华的殿献祭,他们的心必重新归向他们的主——犹大罗波安。他们会杀了我,然后投奔犹大罗波安。” 28他征询臣僚的意见后,就铸造了两个金牛犊,对民众说:“以色列人啊,你们上耶路撒冷敬拜太麻烦了。这两个金牛犊就是领你们出埃及的神明。” 29他把一个金牛犊安置在伯特利,另一个安置在30这使民众陷入罪中,因为他们开始到去拜金牛犊。

31耶罗波安又在高岗上修建神庙,任命各样的人做祭司,他们并非利未人。 32耶罗波安规定每年八月十五日为节期,好像犹大的节期一样。他自己在伯特利的祭坛上向金牛犊献祭烧香,又派神庙的祭司在献祭中司职。 33在八月十五日,就是他私自为以色列人定为节期的日子,他在伯特利的祭坛上烧香。