1 Cronica 23 – TCB & CCB

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 23:1-32

Ang Gawain ng mga Levita

1Nang matandang-matanda na si David, ginawa niyang hari ng Israel ang anak niyang si Solomon. 2Ipinatipon niya ang lahat ng pinuno ng Israel, pati ang mga pari at mga Levita. 3Binilang ang mga Levita na nasa edad 30 pataas, at ang bilang nilaʼy 38,000. 4Sinabi ni David, “Ang 24,000 sa kanila ay mamamahala ng mga gawain sa templo ng Panginoon, ang 6,000 ay maglilingkod bilang mga opisyal at mga hukom, 5ang 4,000 ay maglilingkod bilang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang 4,000 ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong ipinagawa ko para sa gawaing ito.” 6Hinati ni David sa tatlong grupo ang mga Levita, ayon sa mga pamilya ng mga anak ni Levi na sina Gershon, Kohat at Merari.

Ang mga Angkan ni Gershon

7Ang mga anak ni Gershon ay sina Ladan23:7 Ladan: o, Libni. at Shimei. 8Tatlo ang anak ni Ladan: si Jehiel, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya,23:8 pinakapinuno ng kanilang pamilya: o, panganay. si Zetam at si Joel. 9Sila ang mga pinuno ng mga pamilya ni Ladan.

Si Shimei ay may tatlo ring anak na lalaki na sina Shelomot, Haziel at Haran. 10-11Nagkaroon pa ng apat na anak na lalaki si Shimei: ang pinakapinuno ng kanilang pamilya ay si Jahat, ang pangalawa ay si Zina,23:10-11 Zina: o, Ziza. at sumunod sina Jeush at Beria. Kakaunti lang ang mga anak ni Jeush at Beria, kaya binilang sila na isang pamilya lang.

Ang mga Angkan ni Kohat

12Si Kohat ay may apat na anak na lalaki na sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. 13Ang mga anak na lalaki ni Amram ay sina Aaron at Moises. Ibinukod si Aaron at ang kanyang mga angkan para sa pagtatalaga ng mga pinakabanal na bagay, sa pag-aalay ng mga handog sa Panginoon, sa paglilingkod sa kanya at sa pagbabasbas sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon. Ito ang magiging tungkulin nila magpakailanman. 14Ang mga anak na lalaki ni Moises na lingkod ng Dios ay kabilang sa mga Levita. 15Ang mga anak niyang lalaki ay sina Gershom at Eliezer. 16Ang isa sa mga anak na lalaki ni Gershom ay si Shebuel na pinakapinuno ng kanilang pamilya. 17Si Eliezer ay may kaisa-isang anak na lalaki, si Rehabia na pinakapinuno rin ng kanilang pamilya. Marami ang mga angkan ni Rehabia.

18Ang isa sa mga anak na lalaki ni Izar ay si Shelomit na pinakapinuno ng kanilang pamilya.

19Ang mga anak na lalaki ni Hebron ay sina Jeria na pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jekameam ang ikaapat.

20Ang mga anak na lalaki ni Uziel ay sina Micas na pinakapinuno ng kanilang pamilya, at Ishia ang pangalawa.

Ang mga Angkan ni Merari

21Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi. Ang mga anak na lalaki ni Mahli ay sina Eleazar at Kish. 22Namatay si Eleazar na walang anak na lalaki kundi puro babae. Silaʼy napangasawa ng kanilang mga pinsan na mga anak ni Kish.

23Si Mushi ay may tatlong anak na lalaki na sina Mahli, Eder at Jeremot.

24Sila ang lahi ni Levi ayon sa mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nakatala ang kani-kanilang mga pangalan. Ang bawat isa sa kanila ay dapat nasa edad na 20 pataas para makapaglingkod sa templo ng Panginoon. 25-26Sinabi ni David, “Binigyan tayo ng Panginoon, ang Dios ng Israel, ng kapayapaan at maninirahan siya sa Jerusalem magpakailanman. Hindi na kailangang dalhin ng mga Levita ang Tolda at ang mga kagamitan nito.”

27Ayon sa huling utos ni David, ang lahat ng Levita na nasa edad 20 pataas ay itinala para maglingkod. 28Ang tungkulin ng mga Levita ay ang pagtulong sa mga pari, na mga angkan ni Aaron sa paglilingkod sa templo ng Panginoon. Sila ang mangangalaga ng bakuran ng templo at ng mga kwarto sa gilid nito. Sila rin ang tutulong sa mga seremonya ng paglilinis at ng iba pang gawain sa templo ng Dios. 29Sila rin ang pinagkatiwalaan sa banal na tinapay na inilalagay sa mesa, sa harina para sa mga handog ng pagpaparangal sa Panginoon, sa tinapay na walang pampaalsa, at sa iba pang niluluto at minamasa. Sila rin ang pinagkatiwalaan sa pagtitimbang at sa pagtatakal ng lahat ng handog. 30Tungkulin din nila ang tumayo tuwing umaga at gabi sa templo para magpasalamat at magpuri sa Panginoon. 31Tutulong din sila sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog sa Panginoon tuwing Araw ng Pamamahinga, tuwing Pista ng Pagsisimula ng Buwan,23:31 Pista ng Pagsisimula ng Buwan: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod. at sa iba pang mga pista. May mga sinusunod silang tuntunin kung ilang mga Levita ang gagawa ng gawaing ito at kung paano nila ito gagawin.

32Kaya ginawa ng mga Levita ang tungkulin nilang alagaan ang Toldang Tipanan at ang Banal na Lugar, at sa pagtulong sa mga kamag-anak nilang pari na mula sa angkan ni Aaron sa paglilingkod sa templo ng Panginoon.

Chinese Contemporary Bible (Simplified)

历代志上 23:1-32

利未人的职务

1大卫年纪老迈,寿数将尽,就立他儿子所罗门以色列王。 2他召集了以色列的众首领、祭司和利未人。 3凡三十岁以上的利未人都在统计之列,共有三万八千男子, 4其中有两万四千人在耶和华的殿里司职,六千人做官长和审判官, 5四千人守门,四千人用大卫提供的乐器颂赞耶和华。 6大卫利未革顺哥辖米拉利的子孙分成班次。

7革顺的儿子有拉但示每8拉但有长子耶歇,还有细坦约珥,共三个儿子, 9都是拉但族的族长。示每的儿子有示罗密哈薛哈兰三人。 10示每的儿子还有雅哈细拿耶乌施比利亚四人。 11雅哈是长子,细拿是次子。耶乌施比利亚的子孙不多,所以合为一族。

12哥辖暗兰以斯哈希伯仑乌薛四个儿子。 13暗兰的儿子是亚伦摩西亚伦和他的子孙永远被分别出来事奉耶和华,向祂献至圣之物,在祂面前烧香,奉祂的名祝福,直到永远。 14上帝的仆人摩西的子孙归在利未支派的名下。 15摩西的儿子是革舜以利以谢16革舜的长子是细布业17以利以谢只有一个儿子利哈比雅,但利哈比雅子孙众多。 18以斯哈的长子是示罗密19希伯仑的长子是耶利雅,次子是亚玛利亚,三子是雅哈悉,四子是耶加缅20乌薛的长子是米迦,次子是耶西雅

21米拉利的儿子是抹利姆示抹利的儿子是以利亚撒基士22以利亚撒终生没有儿子,只有女儿,同族人基士的儿子娶了她们为妻。 23姆示的三个儿子是末力以得耶利摩24以上是利未各宗族的子孙,他们登记在各自族长的名下,凡二十岁以上的男子都在耶和华的殿里任职。 25大卫说:“以色列的上帝耶和华已使祂的子民安享太平,祂永远住在耶路撒冷26利未人再不用抬圣幕和其中的器皿了。” 27按照大卫临终时的嘱咐,二十岁以上的利未人都已被统计。 28他们的任务是帮助亚伦的子孙在耶和华的殿里司职,管理殿的院子和厢房,负责洁净圣物等事务。 29他们还负责供饼、做素祭的细面粉、无酵薄饼的调和、烤制、分量和尺寸。 30他们每天早晚要肃立、颂赞耶和华, 31每逢安息日、朔日23:31 朔日”即每月初一。或其他节期,他们要按照规定的数目将燔祭献给耶和华, 32并负责看守会幕和圣所,帮助他们的亲族——亚伦的子孙在耶和华的殿里供职。