1 Cronica 20 – TCB & NIRV

Tagalog Contemporary Bible

1 Cronica 20:1-8

Inagaw ni David ang Rabba

(2 Sam. 12:26-31)

1Nang panahong pumupunta ang mga hari sa digmaan para makipaglaban, hindi sumama si David at nagpaiwan siya sa Jerusalem. Si Joab ang nanguna sa mga sundalo sa pakikipaglaban. Winasak nila ang lupain ng mga Ammonita at pinalibutan ang Rabba hanggang sa malipol ito. 2Pumunta si David sa Rabba at kinuha ang gintong korona sa ulo ng hari ng mga Ammonita,20:2 hari ng mga Ammonita: o, Milcom. Si Milcom ay dios ng mga Ammonita. at inilagay niya ito sa kanyang ulo. Ang bigat ng korona na may mamahaling bato ay 35 kilo. Marami pang bagay ang nasamsam ni David sa lungsod na iyon. 3Ginawa niyang alipin ang mga mamamayan doon at pinagtrabaho, gamit ang lagare, piko, at palakol. Ito ang ginawa ni David sa mga naninirahan sa lahat ng bayan ng mga Ammonita. Pagkatapos, umuwi si David at ang lahat ng sundalo niya sa Jerusalem.

Ang Digmaan Laban sa mga Filisteo

(2 Sam. 21:15-22)

4Makalipas ang ilang panahon, muling naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, nangyari ito sa Gezer. Sa labanang ito, pinatay ni Sibecai na taga-Husha si Sipai,20:4 Sipai: o, Saf. na isa sa mga angkan ng Rafa.20:4 Rafa: o, Refaimeo. Maaaring ang matatangkad na tao na naninirahan sa Canaan bago dumating ang mga Israelita. Tingnan sa Deu. 2:10-11. At natalo ang mga Filisteo. 5Sa isa pa nilang labanan, pinatay ni Elhanan na anak ni Jair si Lami na kapatid ni Goliat na taga-Gat. Ang sibat ni Lami ay makapal at mabigat.20:5 makapal at mabigat: sa literal, gaya ng panghabi ng manghahabi. Sa Ingles, weaverʼs rod.

6Muli pang naglaban ang mga Filisteo at mga Israelita, nangyari ito sa Gat. Sa labanang ito, may isang tao na sobrang laki, may tig-aanim na daliri sa mga kamay at paa niya. Isa rin siya sa mga angkan ng mga Rafa. 7Nang kutyain niya ang mga Israelita, pinatay siya ni Jonatan na anak ng kapatid ni David na si Shimea. 8Ang mga Filisteong iyon ay mula sa mga angkan ng Rafa na taga-Gat. Pinatay sila ni David at ng mga tauhan niya.

New International Reader’s Version

1 Chronicles 20:1-8

Joab Captures the City of Rabbah

1In the spring, Joab led Israel’s army out. It was the time when kings march out to war. Joab destroyed the land of Ammon. He went to the city of Rabbah. He surrounded it and got ready to attack it. But David remained in Jerusalem. Later, Joab attacked Rabbah and completely destroyed it. 2David took the gold crown off the head of the king of Ammon. The crown weighed 75 pounds. It had jewels in it. It was placed on David’s head. He took a huge amount of goods from the city. 3He brought out the people who were there. He made them work with saws and iron picks and axes. David did that to all the towns in Ammon. Then he and his entire army returned to Jerusalem.

Israel Goes to War Against the Philistines

4War broke out at Gezer against the Philistines. At that time Sibbekai killed Sippai. So the Philistines were brought under Israel’s control. Sibbekai was a Hushathite. Sippai was from the family line of Rapha.

5In another battle against the Philistines, Elhanan killed Lahmi. Elhanan was the son of Jair. Lahmi was the brother of Goliath. Goliath was from the city of Gath. Lahmi’s spear was as big as a weaver’s rod.

6There was still another battle. It took place at Gath. A huge man lived there. He had six fingers on each hand and six toes on each foot. So the total number of his toes and fingers was 24. He was also from the family line of Rapha. 7He made fun of Israel. So Jonathan killed him. Jonathan was the son of David’s brother Shimea.

8Those Philistine men lived in Gath. They were from the family line of Rapha. David and his men killed them.