1 Corinto 15 – TCB & CCBT

Tagalog Contemporary Bible

1 Corinto 15:1-58

Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo

1Mga kapatid, nais kong ipaalala sa inyo ang Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ito ang aral na inyong tinanggap at hanggang ngayon ay pinaninindigan ninyo. 2Sa pamamagitan nitoʼy maliligtas kayo kung panghahawakan ninyong mabuti ang ipinangaral ko, maliban na lamang kung hindi talaga tunay ang inyong pananampalataya.

3Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Cristoʼy namatay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan. 4Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan. 5Nagpakita siya kay Pedro, at sa iba pang 12 apostol. 6Pagkatapos, nagpakita rin siya sa mahigit 500 na mga kapatid na nagkakatipon. Karamihan sa kanilaʼy buhay pa hanggang ngayon, ngunit ang ilan sa kanila ay patay na. 7Nagpakita rin siya kay Santiago, at pagkatapos sa lahat ng apostol.

8At sa kahuli-hulihan ay nagpakita rin siya sa akin. Ang katulad koʼy isang sanggol na ipinanganak nang wala sa panahon dahil biglaan ang aking pagkakilala sa kanya. 9Ako ang pinakahamak sa mga apostol at hindi nga ako karapat-dapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesya ng Dios. 10Ngunit dahil sa awa ng Dios sa akin, naging apostol ako. At hindi nasayang ang biyayang ipinagkaloob niya sa akin, dahil higit akong nagpagal kung ihahambing sa ibang mga apostol, bagamaʼt itoʼy sa pamamagitan ng tulong ng Dios at hindi ng aking sarili lamang. 11Kaya nga, walang pagkakaiba kung sila o ako ang nangangaral sa inyo. Ang mahalagaʼy iisa ang aming ipinangangaral at iyon din ang inyong pinananaligan.

Ang Muling Pagkabuhay ng mga Patay

12Ngayon, kung ipinangangaral namin sa inyo na si Cristoʼy muling nabuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na walang muling pagkabuhay? 13Kung totoong walang muling pagkabuhay, nangangahulugan na maging si Cristo ay hindi rin muling nabuhay. 14At kung si Cristoʼy hindi muling nabuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring silbi ang inyong pananampalataya. 15At hindi lang iyan, lalabas din na sinungaling kami tungkol sa Dios dahil ipinapahayag namin na binuhay niyang muli si Cristo. 16Ngunit hindi siya muling nabuhay kung talagang walang muling pagkabuhay. 17At kung si Cristoʼy hindi muling nabuhay, walang silbi ang inyong pananampalataya at hindi pa kayo napapatawad sa inyong mga kasalanan. 18At nangangahulugan din na ang mga mananampalataya kay Cristo na namatay na ay hindi naligtas. 19Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo ang pinakakawawa sa lahat ng tao.

20Ngunit ang totoo, muling nabuhay si Cristo bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. 21Dahil sa isang tao na si Adan, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao na si Cristo, muling mabubuhay ang mga patay. 22Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Cristo, tayong lahat ay muling mabubuhay. 23Ngunit may kanya-kanyang takdang panahon ang muling pagkabuhay. Unang nabuhay si Cristo; pagkatapos, ang mga nakay Cristo naman ang bubuhayin pagbalik niya rito sa mundo. 24At pagkatapos nito, darating ang katapusan. Lulupigin niya ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan, at ibibigay ang paghahari sa Dios Ama. 25Sapagkat si Cristoʼy dapat maghari hanggang sa lubusan niyang malupig ang lahat ng kanyang mga kaaway. 26At ang huling kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan. 27Sinasabi sa Kasulatan na ang lahat ng bagay ay ipinasakop ng Dios kay Cristo.15:27 Isa. 22:13. Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” hindi nangangahulugan na kasama rito ang Dios na siyang nagpasakop ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. 28At kung ang lahat ay naipasakop na sa kapangyarihan ni Cristo, maging si Cristo ay magpapasakop sa Dios na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang ang Dios ang siyang maghari sa lahat.

29May mga taong nagpapabautismo para sa mga namatay. Ano ang halaga ng ginagawa nila kung hindi naman muling mabubuhay ang mga patay? 30At bakit pa namin inilalagay ang aming mga sarili sa panganib oras-oras? 31Araw-araw akong nasa bingit ng kamatayan, mga kapatid! At kung paanong totoo na ipinagmamalaki ko kayo sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus na ating Panginoon, totoo rin ang sinasabi kong ito. 32Nahihirapan ako dito sa Efeso, dahil ang mga kumakalaban sa akin ay tulad ng mababangis na hayop. Kung ang paghihirap kong itoʼy para lang sa kapakanan ng tao sa buhay na ito, ano ang kabuluhan nito? Kung totoong hindi na mabubuhay ang mga patay, mabuti pang sundin na lang natin ang kasabihang, “Kumain tayoʼt uminom, dahil baka bukas, mamamatay na tayo.”

33Huwag kayong palilinlang sa kasabihang iyan. Sa halip, ito ang inyong paniwalaan: “Ang masasamang kasamaʼy nakakasira ng mabuting ugali.” 34Magpakatino kayo at talikuran nʼyo na ang kasalanan. Sinasabi ko ito upang mahiya kayo sa inyong sarili, dahil may ilan sa inyo na mali ang pagkakakilala sa Dios.

Ang Katawan sa Muling Pagkabuhay

35Maaaring may magtanong, “Paano bubuhaying muli ang mga patay? Anong uri ng katawan ang matatanggap nila?” 36Ito ang sagot ko sa taong iyan na walang nalalaman: Ang inihahasik na binhi ay hindi mabubuhay hanggaʼt hindi ito namamatay. 37At kahit anong binhi ang itanim mo, trigo man o ibang binhi, magiging iba ang anyo nito kapag tumubo na. 38Ang Dios ang nagbibigay anyo sa binhing iyon, ayon sa kanyang kalooban. At ang bawat binhi ay may kanya-kanyang anyo kapag tumubo na.

39Ganoon din sa katawan; hindi lahat ng katawan ay pare-pareho. Iba ang katawan ng tao, ng hayop, ng ibon at ng isda.

40May mga katawang panlupa at may mga katawang panlangit, at ang bawat isaʼy may kanya-kanyang kagandahan. Iba ang kagandahan ng katawan dito sa lupa, at iba rin naman ang kagandahan ng katawan doon sa langit. 41Iba ang ningning ng araw sa ningning ng buwan, at iba rin naman ang ningning ng mga bituin. At kahit ang mga bituin ay may ibaʼt ibang ningning.

42Ganyan din sa muling pagkabuhay ng mga patay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, hindi na ito mabubulok kailanman. 43Ang katawang inilibing ay pangit at mahina, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, itoʼy maganda na at malakas. 44Ang katawang inilibing ay panlupa, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, itoʼy panlangit na. Sapagkat kung mayroong katawang panlupa ay mayroon din namang katawang panlangit. 45Sinasabi sa Kasulatan, “Ang unang tao na si Adan ay binigyan ng buhay.” Ngunit ang huling Adan na si Cristo ay espiritung nagbibigay-buhay. 46Hindi ang panlangit na katawan ang nauna kundi ang panlupa, at pagkatapos noon ay ang panlangit naman. 47Ang unang tao na si Adan ay mula sa lupa, ngunit ang pangalawang tao na si Cristo ay mula sa langit. 48Ang katawang panlupa ay katulad ng katawan ng tao na gawa sa lupa, at ang katawang panlangit ay katulad ng katawan ng nagmula sa langit. 49Kaya kung paanong ang katawan natin ngayon ay katulad ng kay Adan na nagmula sa lupa, darating ang araw na ang katawan natin ay magiging katulad ng kay Cristo na nagmula sa langit.

50Mga kapatid, ito ang gusto kong sabihin: Ang ating katawan na binubuo ng laman at dugo ay hindi magkakaroon ng bahagi sa paghahari ng Dios. Ang katawang ito na nabubulok ay hindi maaaring makatanggap ng buhay na walang hanggan.

51Ngunit makinig kayo dahil may sasabihin ako sa inyo na isang lihim: Hindi lahat sa atin ay mamamatay, ngunit tayong lahat ay bibigyan ng bagong katawan 52sa isang iglap, sa isang kisap-mata, kasabay ng pagtunog ng huling trumpeta. At sa pagtunog ng trumpetaʼy muling bubuhayin ang mga patay at bibigyan ng katawang hindi nabubulok. At tayong mga buhay pa ay bibigyan din ng bagong katawan. 53Sapagkat itong katawan nating nabubulok at namamatay ay dapat mapalitan ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay. 54At kapag ang katawang ito na nabubulok at namamatay ay napalitan na ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay, matutupad na ang sinasabi sa Kasulatan na,

“Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!”

55“Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?

Nasaan na ang iyong kapangyarihan?”

56May kapangyarihan lamang ang kamatayan sa atin dahil sa kasalanan, at may kapangyarihan ang kasalanan sa atin dahil mayroong Kautusan. 57Ngunit salamat sa Dios dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 58Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Magpakasipag kayo sa gawaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, dahil alam ninyo na hindi masasayang ang mga paghihirap ninyo para sa kanya.

Chinese Contemporary Bible (Traditional)

哥林多前書 15:1-58

基督的復活

1弟兄姊妹,我希望你們記住我傳給你們的福音,就是你們曾經領受,向來堅持的福音。 2你們若持守我傳給你們的,必因這福音而得救——除非你們沒有真正相信。

3我所領受並傳給你們的最重要的信息是:基督照聖經的記載為我們的罪死了, 4然後被埋葬了;又照聖經的記載在第三天復活了, 5並曾向彼得顯現,又向十二使徒顯現; 6後來有一次向五百多位弟兄姊妹顯現,其中有許多至今依然健在,也有些已經安息了; 7隨後,祂向雅各顯現,又向眾使徒顯現; 8到最後,竟也向我這好像未按產期出生15·8 保羅用「未按產期出生」來指自己非比尋常的蒙召經歷。的人顯現。

9在眾使徒中我最微不足道,根本不配稱為使徒,因為我曾迫害上帝的教會。 10但靠著上帝的恩典,我成了今天的我,祂賜給我的恩典沒有枉費。我比其他人更加賣力,不過我不是靠自己,而是上帝的恩典與我同在。 11不論是我傳的還是其他使徒傳的,我們怎樣傳,你們也怎樣相信了。

死人復活

12既然我們一直都在傳揚基督已經從死裡復活,怎麼你們當中卻有些人否定死人復活的事呢? 13要是沒有死人復活的事,基督也就沒有復活。 14如果基督沒有復活,我們所傳的就是虛空,你們所信的也是虛空, 15而且,我們就是在為上帝做假見證,因為我們見證上帝已經使基督復活了。如果沒有死人復活的事,上帝也就沒有叫基督復活。 16如果人死了不會復活,基督也就沒有復活。 17如果基督沒有復活,你們的信仰就是虛空,你們依舊沉淪在罪中, 18那些在基督裡安息的人也滅亡了。 19如果我們對基督的盼望只在今世,我們就是世上最可憐的人。

20然而,基督已經從死裡復活,祂是死人中第一個復活的15·20 是死人中第一個復活的」希臘文是「成為已經睡了之人初熟的果子」。21既然死亡的到來是藉著一人,復活的到來也是藉著一人。 22因為正如在亞當裡眾人都死了,同樣,在基督裡眾人也都要復活。 23然而,各人要按照先後次序復活。基督最先復活,以後祂再來時,屬祂的人也要復活。 24最後末日來臨,那時基督會廢除一切執政的、掌權的、有能力的,將國度交給父上帝。 25因為基督必執掌王權,直到上帝將所有的仇敵都放在祂腳下。 26祂最後要毀滅的仇敵就是死亡。 27因為聖經上說:「上帝使萬物降服在祂腳下。」當然,這裡說的「萬物都降服祂」不包括使萬物降服祂的上帝。 28到了萬物都歸服基督以後,聖子基督也要歸服那使萬物歸服祂的上帝,使上帝做萬物的主宰。

29否則,那些人代替死人受洗有什麼意義呢?死人如果不會復活,為什麼要代替他們受洗呢? 30我們又何必時刻身臨險境呢? 31我天天與死亡搏鬥。弟兄姊妹,我這樣說,就跟我在主基督耶穌裡以你們為榮一樣,沒有半點虛假。 32從人的角度看,我在以弗所與那些「惡獸」格鬥對我有什麼益處呢?如果死人不會復活,「讓我們吃喝吧!因為明天我們就死了。」 33你們不要上當受騙,「交壞朋友會敗壞好品德」。 34你們該醒悟了!不要繼續犯罪,因為你們當中有些人不認識上帝。我說這話是要叫你們羞愧。

復活後的身體

35或許有人會問:「死人怎樣復活呢?復活後會有怎樣的身體呢?」 36無知的人啊!你們種下的種子必須先死,然後才能生長。 37而且,你們種下的並不是那將來要長成的形體,僅僅是種子,或麥種,或其他種子。 38上帝按自己的旨意賜給種子形體,每個種子都有自己的形體。 39血肉之體各不相同,人、魚、鳥、獸都各有不同的形體。

40此外,有天上的形體,也有地上的形體,兩者的榮光各不相同。 41日有日的榮光,月有月的榮光,星有星的榮光,這顆星和那顆星的榮光也有分別。

42死人復活也是同樣的道理。種下去的會朽壞,復活的不會朽壞; 43種下去的是羞恥的,復活的是榮耀的;種下去的是軟弱的,復活的是剛強的; 44種下去的是血肉之軀,復活的是屬靈的形體。既有血肉之軀,也必有屬靈的形體。 45聖經上也說:「第一個亞當成了有生命的人」,但末後的亞當是賜人生命的靈。 46先有的不是屬靈的形體,而是血肉之軀,以後才有屬靈的形體。 47第一個人亞當來自地上,是用塵土造的,但第二個人基督來自天上。 48塵土所造的那位是什麼樣,屬地的人也是什麼樣;從天而來的那位是什麼樣,屬天的人也是什麼樣。 49我們既然有屬地的形像,將來也必有屬天的形像。

50弟兄姊妹,我告訴你們,血肉之軀不能承受上帝的國,必朽壞的身體也不能承受永不朽壞的產業。 51聽著,我要告訴你們一個奧祕:我們並不是都要死亡15·51 死亡」希臘文是「睡覺」。,乃是都要改變—— 52就在一剎那,眨眼之間,最後的號角吹響的時候。因為號角一吹響,死人就要復活成為永不朽壞的,我們也要改變。 53那時,這必朽的身體要變成不朽的,這必死的要變成不死的。 54當這一切發生的時候,就應驗了聖經上的話:

「死亡被勝利吞滅了。」

55「死亡啊!你得勝的權勢在哪裡?

死亡啊!你的毒鉤在哪裡?」

56死亡的毒鉤就是罪,罪藉著律法施展它的權勢。 57但感謝上帝,祂使我們靠著主耶穌基督得勝。

58所以,我親愛的弟兄姊妹,你們務要堅定不移,總要竭力做主的工作,因為你們知道自己在主裡面的辛勤付出不會白費。