Mateusza 14 – SZ-PL & TCB

Słowo Życia

Mateusza 14:1-36

Ścięcie Jana Chrzciciela

1Gdy Herod, zarządca prowincji, usłyszał wieści o Jezusie, rzekł do swoich dworzan:

2—To musi być zmartwychwstały Jan Chrzciciel. Dlatego potrafi czynić takie cuda.

3Wcześniej bowiem to właśnie on kazał aresztować i uwięzić Jana. A stało się to z powodu Herodiady, żony jego brata Filipa. 4Jan bowiem ciągle mu wypominał: „Nie wolno ci żyć z żoną swojego brata!”. 5Herod postanowił zabić Jana, bał się jednak tłumów, które uważały go za proroka.

6Zdarzyło się, że podczas uczty urodzinowej Heroda wystąpiła córka Herodiady, a jej taniec bardzo mu się spodobał. 7I uroczyście przyrzekł spełnić każde jej życzenie. 8Namówiona przez matkę, dziewczyna poprosiła:

—Daj mi na tacy głowę Jana Chrzciciela.

9Zasmuciło to króla, lecz ze względu na przysięgę złożoną w obecności gości rozkazał spełnić tę prośbę. 10Ścięto więc Jana w więzieniu, 11a jego głowę przyniesiono na tacy dziewczynie, ona zaś oddała ją matce. 12Uczniowie Jana zabrali jego ciało, pogrzebali je i powiadomili o wszystkim Jezusa.

Jezus karmi pięć tysięcy mężczyzn

13Na wieść o tym Jezus odpłynął łodzią w odludne miejsce. Chciał być sam. Ludzie wypatrzyli Go jednak i z różnych miasteczek podążyli za Nim pieszo. 14Wychodząc więc z łodzi, Jezus znów zastał tłumy ludzi. Poruszony współczuciem uzdrowił wszystkich obecnych tam chorych.

15Pod wieczór uczniowie zwrócili się do Niego:

—Każ ludziom rozejść się do pobliskich wiosek i osad. Niech sobie kupią coś do jedzenia, bo na tym pustkowiu nie ma żywności, a robi się już późno.

16—Nie muszą odchodzić. —odparł Jezus—Wy dajcie im jeść!

17—Ale co?!—wykrzyknęli. —Nic nie mamy! Tylko pięć chlebów i dwie ryby!

18—Przynieście je więc tutaj—powiedział.

19Polecił ludziom usiąść na trawie, a sam wziął pięć chlebów i dwie ryby. Spojrzał w niebo, podziękował Bogu i podzielił chleb. Podał go uczniom, a oni ludziom. 20W ten sposób wszyscy najedli się do syta i zebrano jeszcze dwanaście pełnych koszy resztek, 21choć w posiłku tym brało udział około pięciu tysięcy samych tylko mężczyzn—nie licząc kobiet i dzieci.

Jezus chodzi po wodzie

22Zaraz potem Jezus nakazał uczniom, aby przeprawili się łodzią na drugą stronę jeziora, dokąd On sam miał przybyć później. Chciał bowiem pozostać na miejscu do czasu, aż ludzie rozejdą się do domów. 23Gdy wszyscy już odeszli, wszedł na wzgórze, aby się modlić. Zapadł zmrok i Jezus był zupełnie sam. 24Tymczasem łódź uczniów była już daleko od brzegu. Miotały nią fale, bo wiatr był przeciwny. 25Około trzeciej nad ranem poszedł więc do nich po wodzie. 26Przerażeni uczniowie, widząc że idzie po wodzie, krzyknęli:

—To duch!

27—Spokojnie! Nie bójcie się, to Ja!—szybko odrzekł Jezus.

28—Panie, jeśli to naprawdę Ty, każ mi przyjść do siebie po wodzie—zawołał w odpowiedzi Piotr.

29—Dobrze, chodź!—rzekł.

Piotr wyszedł z łodzi, zaczął iść po wodzie i zbliżył się do Jezusa. 30Lecz gdy poczuł silne uderzenie wiatru, przestraszył się i zaczął tonąć.

—Panie, ratuj mnie!—krzyczał.

31Jezus natychmiast wyciągnął do niego rękę i wydobył go z wody.

—Gdzie jest twoja wiara? Dlaczego zwątpiłeś?—zapytał Piotra.

32Gdy weszli do łodzi, wiatr nagle ucichł. 33Wtedy uczniowie padli przed Jezusem na twarz.

—Naprawdę jesteś Synem Boga!—wyznali.

34Niebawem przypłynęli do krainy Genezaret. 35Tamtejsi mieszkańcy rozpoznali Jezusa i po całej okolicy rozeszła się wiadomość o Jego przybyciu. Przyprowadzono do Niego wszystkich chorych 36i proszono Go, aby pozwolił im przynajmniej dotknąć swojego płaszcza. A wszyscy, którzy Go dotknęli, odzyskali zdrowie.

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 14:1-36

Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo

(Mar. 6:14-29; Luc. 9:7-9)

1Nang panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang tungkol kay Jesus. 2Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Siyaʼy si Juan na tagapagbautismo! Muli siyang nabuhay, kaya nakagagawa siya ng mga himala.”

3Ipinahuli niya noon si Juan at ipinabilanggo, dahil tinutuligsa ni Juan ang relasyon niya kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. 4Laging sinasabihan ni Juan si Herodes na hindi tamang magsama sila ni Herodias. 5Gusto sanang ipapatay ni Herodes si Juan pero natakot siya sa mga Judio dahil itinuturing nilang propeta si Juan.

6Nang dumating ang kaarawan ni Herodes, sumayaw para sa mga bisita ang dalagang anak ni Herodias na ikinatuwa naman ni Herodes. 7Kaya isinumpa niyang ibibigay sa dalaga ang anumang hingin nito.

8Sa udyok ng kanyang ina, sinabi ng dalaga, “Gusto ko pong ibigay nʼyo sa akin ang ulo ni Juan na nakalagay sa isang bandehado.” 9Nalungkot ang hari sa kahilingang iyon. Pero dahil sa pangako niyang narinig mismo ng mga bisita, iniutos niya na gawin ang kahilingan ng dalaga. 10Kaya pinugutan ng ulo si Juan sa loob ng bilangguan, 11inilagay ang ulo niya sa isang bandehado at dinala sa dalaga. At ibinigay naman ito ng dalaga sa kanyang ina. 12Ang bangkay ni Juan ay kinuha ng kanyang mga tagasunod at inilibing, at ibinalita nila kay Jesus ang nangyari.

Pinakain ni Jesus ang 5,000 Tao

(Mar. 6:30-44; Luc. 9:10-17; Juan 6:1-14)

13Nang mabalitaan iyon ni Jesus, sumakay siya sa isang bangka at pumunta sa isang tahimik na lugar. Nang malaman ng mga tao mula sa ibaʼt ibang bayan na nakaalis na si Jesus, lumakad sila patungo sa lugar na pupuntahan niya. 14Kaya nang bumaba si Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Naawa siya sa kanila at pinagaling niya ang mga may sakit sa kanila.

15Nang gumagabi na, lumapit kay Jesus ang mga tagasunod niya at sinabi, “Nasa ilang na lugar po tayo at dumidilim na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao para makapunta sila sa mga nayon at nang makabili ng pagkain nila.” 16Pero sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi na nila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila.” 17Sumagot sila, “Mayroon lang po tayong limang tinapay at dalawang isda.” 18“Dalhin ninyo ang mga ito sa akin,” ang sabi ni Jesus. 19Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya, at ibinigay naman nila ito sa mga tao. 20Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng 12 basket. 21Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga 5,000, maliban pa sa mga babae at mga bata.

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig

(Mar. 6:45-52; Juan 6:15-21)

22Pagkatapos, pinasakay agad ni Jesus sa bangka ang mga tagasunod niya at pinauna sa kabila ng lawa, habang pinapauwi niya ang mga tao. 23Nang makaalis na ang mga tao, umakyat siyang mag-isa sa isang bundok para manalangin. Inabot na siya roon ng gabi. 24Nang oras na iyon, malayo na ang bangkang sinasakyan ng mga tagasunod niya. Sinasalpok ng malalaking alon ang bangka nila dahil pasalungat ito sa hangin. 25Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. 26Pagkakita ng mga tagasunod na may naglalakad sa tubig, kinilabutan sila. At napasigaw sila ng “Multo!” dahil sa matinding takot. 27Pero agad na nagsalita si Jesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob.” 28Sumagot si Pedro sa kanya, “Panginoon, kung kayo nga iyan, papuntahin nʼyo ako riyan na naglalakad din sa tubig.” 29“Halika,” sabi ni Jesus. Kaya bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa tubig patungo kay Jesus. 30Pero nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at unti-unting lumubog. Kaya sumigaw siya, “Panginoon, iligtas nʼyo ako!” 31Agad naman siyang inabot ni Jesus at sinabi, “Kay liit ng pananampalataya mo. Bakit ka nag-alinlangan?” 32Pagkasakay nilang dalawa sa bangka, biglang tumigil ang malakas na hangin. 33At sinamba siya ng mga nasa bangka at sinabi, “Talagang kayo nga po ang Anak ng Dios.”

Pinagaling ni Jesus ang mga May Sakit sa Genesaret

(Mar. 6:53-56)

34Nang makatawid sila ng lawa, dumaong sila sa bayan ng Genesaret. 35Nakilala ng mga taga-roon si Jesus at ipinamalita nila sa mga karatig lugar na naroon siya. Kaya dinala ng mga tao kay Jesus ang mga may sakit sa kanila. 36Nakiusap sila kay Jesus na kung maaari ay pahipuin niya ang mga may sakit kahit man lang sa laylayan14:36 laylayan: sa Ingles, tassel. Tingnan sa Bil. 15:37-39 at Deu. 22:12. ng kanyang damit. At ang lahat ng nakahipo ay gumaling.