Łukasza 21 – SZ-PL & TCB

Słowo Życia

Łukasza 21:1-38

Wdowi grosz

1Gdy stali w świątyni, Jezus zwrócił uwagę na bogatych ludzi wrzucających pieniądze do skarbony świątynnej. 2Zauważył też pewną biedną wdowę, która wrzuciła tylko dwie małe monety.

3—Posłuchajcie!—rzekł Jezus. —Ta biedna wdowa dała więcej niż wszyscy bogacze razem wzięci! 4Oni bowiem wrzucili tylko część tego, co mieli w nadmiarze, ona zaś oddała wszystko, co miała na życie.

Znaki końca czasów

5Tymczasem kilku uczniów zaczęło zachwycać się świątynią—jej pięknymi kamieniami i ornamentami zdobiącymi ściany. 6Jezus powiedział wtedy:

—Nadejdzie czas, gdy to, co teraz podziwiacie, legnie w gruzach i nie pozostanie tu nawet kamień na kamieniu.

7—Mistrzu!—zawołali. —Kiedy to się wydarzy? Po czym poznamy nadejście tego czasu?

8—Nie dajcie się nikomu oszukać!—przestrzegł ich Jezus. —Wielu bowiem będzie podawać się za Mesjasza i ogłaszać, że koniec jest już bliski. Nie wierzcie im! 9Na świecie wybuchną wojny i będą rozchodzić się wieści o rozruchach. Nie dajcie się jednak zastraszyć, to jeszcze nie będzie koniec! 10Narody i państwa będą walczyć przeciwko sobie, 11a wiele krajów nawiedzą trzęsienia ziemi, głód oraz epidemie. Będą miały miejsce przerażające zjawiska, a na niebie pojawią się cudowne znaki.

12Lecz zanim to wszystko się stanie, będziecie prześladowani. Zaciągną was do synagog i więzień oraz oskarżą przed władzami o to, że Mnie naśladujecie. 13Będzie to dla was okazja do przedstawienia im dobrej nowiny. 14Pamiętajcie, aby się wtedy nie martwić, jak odpierać stawiane wam zarzuty. 15Ja dam wam bowiem właściwe słowa i taką mądrość, że nikt z przeciwników nie zdoła odeprzeć waszych argumentów. 16A nawet najbliżsi—rodzice, bracia, krewni i przyjaciele—będą was zdradzać i wydawać w ręce prześladowców, przez co niektórzy z was zostaną zabici. 17Wszyscy znienawidzą was za to, że należycie do Mnie, 18ale bez zgody Boga nie spadnie wam nawet włos z głowy. 19Ci, którzy wytrwają i nie zaprą się Mnie, zostaną uratowani!

20Gdy jednak zobaczycie, że wojska otaczają Jerozolimę, możecie być pewni, że nadszedł czas jej zagłady. 21Wtedy ci, którzy przebywają w Judei, niech uciekają w góry. Ci, którzy będą w Jerozolimie, niech ją natychmiast opuszczą, a żyjący w okolicznych wioskach niech do niej nie wchodzą. 22Będą to bowiem dni Bożej kary, zapowiedzianej niegdyś w Piśmie przez proroków. 23Ciężko będzie wtedy kobietom w ciąży i matkom karmiącym niemowlęta. Będą to straszne dni, a gniew Boga spadnie na ten naród. 24Niektórzy zostaną zabici, inni—z powodu niewoli—rozproszą się po wszystkich krajach świata. Natomiast pokonana Jerozolima pozostanie w rękach pogan—aż upłynie czas ich dominacji.

25Oprócz tego, dziwne znaki pojawią się na słońcu, księżycu i gwiazdach. Na ziemi zaś wszystkie narody przerażą się z powodu rozszalałych mórz i nawałnic. 26W oczekiwaniu mających nawiedzić ziemię okropności, ludzi ogarnie strach, bo zachwieje się cały porządek wszechświata. 27Wtedy cała ludzkość ujrzy Mnie, Syna Człowieczego, przybywającego na obłokach w wielkiej mocy i chwale. 28Gdy więc to wszystko zacznie się dziać, nie traćcie nadziei, ponieważ wasze ocalenie będzie bliskie!

29I wyjaśnił to następującą przypowieścią:

—Spójrzcie na drzewo figowe albo na inne drzewa. 30Gdy zaczynają pączkować, mówicie, że zbliża się lato. 31Gdy więc zobaczycie wszystko, co wam zapowiedziałem, bądźcie pewni, że nadejście królestwa Bożego jest bliskie. 32Zapewniam was: Nie wymrze to pokolenie, a wszystko to się dokona. 33Niebo i ziemia przeminą, lecz moje słowa pozostaną na wieki.

34Uważajcie!—kontynuował Jezus. —Jeśli zaczniecie bawić się, pić i zajmować się tylko sprawami tego życia, to ten dzień was zaskoczy. 35Nadejdzie on bowiem nagle i jednocześnie dla wszystkich mieszkańców ziemi. 36Uważajcie więc i proście Boga o to, abyście mogli uniknąć tych okropności oraz stanąć przede Mną—Synem Człowieczym.

37-38Jezus codziennie przychodził do świątyni i nauczał tłumy, które gromadziły się tam już od rana. Każdego wieczoru wracał zaś na Górę Oliwną, gdzie spędzał noc.

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 21:1-38

Ang Kaloob ng Biyuda

(Mar. 12:41-44)

1Pinagmamasdan ni Jesus ang mayayamang naghuhulog ng pera sa lalagyan ng mga kaloob sa templo. 2Nakita rin niya ang isang mahirap na biyuda na naghulog ng dalawang pirasong barya. 3Sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, mas malaki ang ibinigay ng biyudang iyon kaysa sa kanilang lahat. 4Sapagkat silang lahat ay nagbigay galing sa sobra nilang pera, pero ang biyuda ay nagbigay sa kabila ng kanyang kahirapan. Ibinigay niya ang lahat ng ikabubuhay niya.”

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa Pagkawasak ng Templo

(Mat. 24:1-2; Mar. 13:1-2)

5May ilan doon na nag-uusap tungkol sa mga mamahaling bato ng templo at mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Sinabi sa kanila ni Jesus, 6“Darating ang araw na ang lahat ng nakikita ninyong iyan ay magigiba at walang maiiwang bato na magkapatong.”

Mga Paghihirap at Pag-uusig na Darating

(Mat. 24:3-14; Mar. 13:3-13)

7Tinanong nila si Jesus, “Guro, kailan po mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan kung malapit nang mangyari iyon?”

8Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo na hindi kayo malinlang ninuman. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihin nilang sila ang Cristo, at sasabihin din nilang dumating na ang panahon. Huwag kayong maniniwala sa kanila. 9At kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan, huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa kaagad darating ang katapusan.”

10Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. 11Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom at mga salot sa ibaʼt ibang lugar. At makakakita kayo ng mga nakakatakot at nakakamanghang palatandaan mula sa langit.

12“Ngunit bago mangyari ang lahat ng iyan ay uusigin muna kayo at dadakpin ng mga tao. Dadalhin nila kayo sa mga sambahan ng mga Judio upang akusahan at ipabilanggo. Iimbestigahan kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador dahil sa pagsunod ninyo sa akin. 13Magiging pagkakataon nʼyo ito upang magpatotoo sa kanila tungkol sa akin. 14Kaya itanim ninyo sa inyong isip na hindi kayo dapat mabalisa kung ano ang inyong isasagot. 15Sapagkat bibigyan ko kayo ng karunungan sa pagsagot para hindi makaimik ang inyong mga kalaban. 16Ibibigay kayo sa inyong mga kaaway ng sarili ninyong mga magulang, kapatid, kamag-anak at mga kaibigan, at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. 17Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. 18Ngunit hindi kayo mapapahamak.21:18 sa literal, Hindi malalagas kahit isang buhok ng inyong ulo. 19At kung magpapakatatag kayo, magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan.

Tungkol sa Pagkawasak ng Jerusalem

(Mat. 24:15-21; Mar. 13:14-19)

20“Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga sundalo ang Jerusalem, malalaman ninyong malapit na itong mawasak. 21Kaya ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, at ang mga nasa Jerusalem ay kailangang umalis agad. At ang mga nasa bukid naman ay huwag nang bumalik pa sa Jerusalem. 22Sapagkat panahon na iyon ng pagpaparusa, upang matupad ang nakasaad sa Kasulatan. 23Kawawa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil mahihirapan silang tumakas. Darating ang napakatinding paghihirap sa lupaing ito dahil sa matinding galit ng Dios sa mga tao rito. 24Ang iba sa kanilaʼy papatayin sa espada, at ang iba namaʼy dadalhing bihag sa ibang mga bansa. At ang Jerusalem ay sasakupin ng mga hindi Judio hanggang sa matapos ang panahong itinakda ng Dios sa kanila.

Ang Pagbabalik ni Jesus sa Mundo

(Mat. 24:29-31; Mar. 13:24-27)

25“May mga palatandaang makikita sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Mababagabag ang mga bansa at hindi nila malalaman kung ano ang gagawin nila dahil sa malalakas na ugong ng mga alon sa dagat. 26Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga bagay21:26 mga bagay: sa literal, mga kapangyarihan. sa kalawakan. 27At makikita nila ako na Anak ng Tao na dumarating mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.21:27 kapangyarihan at kaluwalhatian: o, kapangyarihang nagniningning. 28Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay21:28 umasa kayo at maghintay: sa literal, tumayo kayo at tumingala. dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

Ang Aral Mula sa Puno ng Igos

(Mat. 24:32-35; Mar. 13:28-31)

29Ikinuwento sa kanila ni Jesus ang paghahalintulad na ito: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ang iba pang punongkahoy. 30Kapag nagkakadahon na ang mga ito alam ninyong malapit na ang tag-init. 31Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Dios. 32Sinasabi ko sa inyo ang totoo, matutupad ang lahat ng ito bago mawala ang henerasyong ito. 33Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.”21:33 ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman: ibig sabihin, tiyak na matutupad.

Maging Handa Kayo

34“Kaya mag-ingat kayo na huwag mawili sa kalayawan, sa paglalasing, sa pagkaabala sa inyong kabuhayan, at baka biglang dumating ang araw na iyon 35nang hindi ninyo inaasahan.21:35 nang hindi ninyo inaasahan: sa literal, na parang bitag. Sapagkat darating ang araw na iyon sa lahat ng tao sa buong mundo. 36Kaya maging handa kayo sa lahat ng oras. Palagi kayong manalangin upang magkaroon kayo ng lakas na mapagtagumpayan ang lahat ng mangyayaring kahirapan, at makatayo kayo sa harap ko na Anak ng Tao nang hindi napapahiya.”

37Araw-araw, nagtuturo si Jesus sa templo. Pagsapit ng gabi, pumupunta siya sa Bundok ng mga Olibo para magpalipas ng gabi. 38At maagang pumupunta ang mga tao sa templo upang makinig sa kanya.