خروج 3 – PCB & TCB

Persian Contemporary Bible

خروج 3:1-22

موسی به پيامبری برگزيده می‌شود

1روزی هنگامی كه موسی مشغول چرانيدن گلهٔ پدر زن خود يَترون، كاهن مديان بود، گله را به آن سوی بيابان، به طرف كوه حوريب، معروف به كوه خدا راند. 2ناگهان فرشتهٔ خداوند چون شعلهٔ آتش از ميان بوته‌ای بر او ظاهر شد. موسی ديد كه بوته شعله‌ور است، ولی نمی‌سوزد. 3با خود گفت: «عجيب است! چرا بوته نمی‌سوزد؟» پس نزديک رفت تا علتش را بفهمد.

4وقتی خداوند ديد كه موسی به بوته نزديک می‌شود، از ميان بوته ندا داد: «موسی! موسی!»

موسی جواب داد: «بلی!»

5خدا فرمود: «بيش از اين نزديک نشو! كفشهايت را از پای درآور، زيرا مكانی كه در آن ايستاده‌ای، زمين مقدسی است. 6من خدای اجداد تو ابراهيم، اسحاق و يعقوب هستم.» موسی روی خود را پوشاند، چون ترسيد به خدا نگاه كند.

7خداوند فرمود: «من رنج و مصيبت بندگان خود را در مصر ديدم و ناله‌شان را برای رهايی از بردگی شنيدم. 8حال، آمده‌ام تا آنها را از چنگ مصری‌ها آزاد كنم و ايشان را از مصر بيرون آورده، به سرزمين پهناور و حاصلخيزی كه در آن شير و عسل جاری است ببرم، سرزمينی كه اينک قبايل كنعانی، حيتّی، اموری، فرزّی، حوّی و يبوسی در آن زندگی می‌كنند. 9آری، ناله‌های بنی‌اسرائيل به گوش من رسيده است و ظلمی كه مصری‌ها به ايشان می‌كنند، از نظر من پنهان نيست. 10حال، تو را نزد فرعون می‌فرستم تا قوم مرا از مصر بيرون آوری.»

11موسی گفت: «خدايا، من كيستم كه نزد فرعون بروم و بنی‌اسرائيل را از مصر بيرون آورم؟»

12خدا فرمود: «من با تو خواهم بود و وقتی بنی‌اسرائيل را از مصر بيرون آوردی، در همين كوه مرا عبادت خواهيد كرد. اين نشانه‌ای خواهد بود كه من تو را فرستاده‌ام.»

13موسی عرض كرد: «اگر پيش بنی‌اسرائيل بروم و به ايشان بگويم كه خدای اجدادشان، مرا برای نجات ايشان فرستاده است، و آنها از من بپرسند: ”نام او چيست؟“ به آنها چه جواب دهم؟»

14خدا فرمود: «هستم آنكه هستم! به ايشان بگو ”هستم“ مرا نزد شما فرستاده است. 15بلی، به ايشان بگو: خداوند3‏:15 در زبان عبری، کلمهٔ «خداوند» شبيه کلمهٔ «هستم» می‌باشد و احتمالاً از آن اخذ شده است.‏ يعنی خدای اجداد شما، خدای ابراهيم، اسحاق و يعقوب مرا پيش شما فرستاده است. اين نام جاودانهٔ من است و تمام نسلها مرا به اين نام خواهند شناخت.»

16سپس، خدا به موسی دستور داد: «برو و تمام رهبران اسرائيل را جمع كن و به ايشان بگو: خداوند، خدای اجداد شما ابراهيم، اسحاق و يعقوب بر من ظاهر شد و فرمود كه رفتاری را كه در مصر با شما می‌شود، ديده است و به ياری شما آمده است. 17او وعده فرموده است كه شما را از سختيهايی كه در مصر می‌كشيد، آزاد كند و به سرزمينی ببرد كه در آن شير و عسل جاری است، سرزمينی كه اينک كنعانی‌ها، حيتی‌ها، اموری‌ها، فرزی‌ها، حوی‌ها و يبوسی‌ها در آن زندگی می‌كنند.

18«آنگاه بزرگان اسرائيل سخن تو را خواهند پذيرفت. تو همراه آنان به حضور پادشاه مصر برو و به او بگو: ”خداوند، خدای عبرانی‌ها، بر ما ظاهر شده و دستور داده است كه به فاصلهٔ سه روز راه، به صحرا برويم و در آنجا برای خداوند، خدای خود قربانی كنيم.“

19«ولی من می‌دانم كه پادشاه مصر اجازه نخواهد داد كه برويد، مگر اينكه زير فشار قرار بگيرد. 20پس من با قدرت و معجزات خود، مصر را به زانو درمی‌آورم، تا فرعون ناچار شود شما را رها كند. 21همچنين كاری می‌كنم كه مصری‌ها برای شما احترام قايل شوند، به طوری كه وقتی آن سرزمين را ترک می‌گوييد، تهيدست نخواهيد رفت. 22هر زن اسرائيلی از همسايه و از بانوی خود لباس و جواهرات خواهد خواست و با آن پسران و دختران خود را زينت خواهد داد. به اين ترتيب شما مصريان را غارت خواهيد نمود.»

Tagalog Contemporary Bible

Exodus 3:1-22

Ang Pagtawag kay Moises

1Isang araw, binabantayan ni Moises ang mga hayop ng biyenan niyang si Jetro3:1 Jetro: Isa pang pangalan ni Reuel. na pari ng Midian. Dinala ni Moises ang mga hayop malapit sa ilang at nakarating siya sa Horeb,3:1 Horeb: o, Sinai. ang bundok ng Dios. 2Nagpakita sa kanya roon ang anghel ng Panginoon sa anyo ng naglalagablab na apoy sa isang mababang punongkahoy. Nakita ni Moises na naglalagablab ang punongkahoy pero hindi naman nasusunog. 3Sinabi niya, “Nakapagtataka! Bakit kaya hindi iyon nasusunog? Malapitan nga at nang makita ko.”

4Nang makita ng Panginoon na papalapit si Moises para tumingin, tinawag siya ng Dios mula sa gitna ng mababang punongkahoy, “Moises, Moises!”

Sumagot si Moises, “Narito po ako.”

5Sinabi ng Dios, “Huwag ka nang lumapit pa. Tanggalin mo ang iyong sandalyas, dahil banal ang lugar na kinatatayuan mo. 6Ako ang Dios ng iyong mga ninuno, ang Dios nina Abraham, Isaac, at Jacob.” Nang marinig ito ni Moises, tinakpan niya ang kanyang mukha, dahil natatakot siyang tumingin sa Dios.

7Pagkatapos, sinabi ng Panginoon, “Nakita ko ang paghihirap ng aking mga mamamayan sa Egipto. Narinig ko ang paghingi nila ng tulong dahil sa sobrang pagmamalupit ng mga namamahala sa kanila, at naaawa ako sa kanila dahil sa kanilang mga paghihirap. 8Kaya bumaba ako para iligtas sila sa kamay ng mga Egipcio, at para dalhin sila sa mayaman, malawak at masaganang lupain3:8 masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot. Ganito rin sa talatang 17. na tinitirhan ngayon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hiveo at mga Jebuseo. 9Narinig ko ang paghingi ng tulong ng mga Israelita, at nakita ko kung paano sila inalipin ng mga Egipcio. 10Kaya ipapadala kita sa Faraon para palayain ang mga mamamayan kong Israelita sa Egipto.”

11Pero sinabi ni Moises sa Dios,

“Sino po ba ako para pumunta sa Faraon at ilabas ang mga Israelita sa Egipto?”

12Sinabi ng Dios, “Sasamahan kita, at ito ang tanda na ako ang nagpadala sa iyo: Kapag nailabas mo na ang mga Israelita sa Egipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”

13Sinabi ni Moises sa Dios, “Kung sakali pong pumunta ako ngayon sa mga Israelita at sabihin ko sa kanila na ang Dios ng kanilang mga ninuno ang nagpadala sa akin para iligtas sila, at magtanong sila sa akin, ‘Ano ang pangalan niya?’ Ano po ang isasagot ko sa kanila?”

14Sumagot ang Dios kay Moises, “Ako nga ang Dios na ganoon pa rin.3:14 Ako … ganoon pa rin: o, Ako ay si ako nga. (Sa Ingles, “I am who I am” o, “I will be what I will be”.) Ito ang isagot mo sa kanila: ‘Ang Dios na ganoon pa rin ang nagpadala sa akin.’ ”

15Sinabi pa ng Dios kay Moises, “Sabihin mo ito sa mga Israelita: ‘Ang Panginoon,3:15 Panginoon: Ang Hebreo nito ay maaaring nanggaling sa salitang “ehyeh” (“I am”) na makikita sa talatang 14. ang Dios ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob, ang nagpadala sa akin sa inyo.’ Kikilalanin ako sa pangalang Panginoon magpakailanman.”

16At sinabi pa ng Panginoon kay Moises, “Lumakad ka at tipunin ang mga tagapamahala ng Israel at sabihin mo sa kanila, ‘Ang Panginoon, ang Dios ng inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob ay nagpakita sa akin, at nagsabi na: Binabantayan ko kayo, at nakita ko ang ginagawa ng mga Egipcio sa inyo. 17Nangako ako na palalabasin ko kayo sa Egipto kung saan naghihirap kayo, at dadalhin sa maganda at masaganang lupain – ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hiveo at mga Jebuseo.’

18“Pakikinggan ka ng mga tagapamahala ng Israel. At pagkatapos, pumunta kayo ng mga tagapamahala ng Israel sa hari ng Egipto, at sabihin sa kanya, ‘Nagpakita sa amin ang Panginoon, ang Dios ng mga Hebreo. Kaya kung maaari, payagan nʼyo kaming umalis ng tatlong araw papunta sa disyerto para maghandog sa Panginoon naming Dios.’ 19Pero alam kong hindi kayo papayagan ng hari ng Egipto maliban na lang kung mapipilitan siya. 20Kaya parurusahan ko ang mga Egipcio sa pamamagitan ng mga himalang gagawin ko sa kanila. At pagkatapos noon, papayagan na niya kayong umalis.

21“Magiging mabuti sa inyo ang mga Egipcio, at pababaunan pa nila kayo sa pag-alis ninyo. 22Ang mga Israelitang babae ay manghihingi ng mga alahas na pilak at ginto at mga damit sa mga kapitbahay nila na Egipcio at sa mga babaeng bisita nito. At ipapasuot ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga anak. Sa pamamagitan nito, masasamsam ninyo ang mga ari-arian ng mga Egipcio.”