Salmos 78 – OL & TCB

O Livro

Salmos 78:1-72

Salmo 78

Cântico didático de Asafe.

1Meu povo, presta atenção ao meu ensino;

abre os ouvidos às palavras da minha boca.

2Falarei por parábolas;

explicarei mistérios desde a antiguidade.

3Os problemas que os nossos pais enfrentaram

e que servem para nos ensinar a nós;

coisas que ouvimos e sabemos,

que os nossos pais nos contaram.

4Também não deixaremos de contar

e de mostrar às gerações futuras

as coisas pelas quais o Senhor deve ser louvado,

o seu poder e todos os seus milagres.

5Deus deu o seu testemunho a Jacob,

e estabeleceu a sua Lei em Israel;

mandou que os nossos pais

os dessem a conhecer aos seus filhos.

6Para que as gerações futuras os conhecessem;

foi assim que passaram de geração em geração.

7Pois era necessário que confiassem em Deus;

não esquecessem as suas obras maravilhosas

e sempre guardassem os seus mandamentos.

8Que não fossem como os seus antepassados,

gente teimosa e rebelde,

que não soube entregar o seu coração a Deus

nem submeter-lhe fielmente o seu espírito.

9O povo de Efraim, completamente armado,

virou as costas à batalha, tomado de medo.

10Não se manteve fiel à aliança de Deus

e recusou andar na sua Lei.

11Esqueceu-se das obras

e dos milagres que fizera na sua frente.

12E também na frente dos seus pais,

lá no Egito e em Zoã.

13Dividiu o mar em dois e fê-los passar;

fez com que as águas se amontoassem e atravessaram.

14De dia guiava-os com uma nuvem branca

e de noite com um clarão de fogo.

15Fez as rochas abrirem-se para lhes dar água

que correu com a abundância de um rio.

16Fez com que fontes saíssem das rochas,

donde brotaram caudais de água.

17Mesmo assim, continuaram a pecar;

não tiveram medo de, ali no deserto,

desafiar o Altíssimo.

18Queixaram-se, exigindo que Deus lhes desse outra comida,

pois apetecia-lhes carne.

19Revoltavam-se, dizendo: “Será Deus capaz

de servir-nos à mesa no deserto?

20É verdade que ele bateu na rocha e dela saiu água;

tanta que formava um rio!

Mas poderá ele dar-nos também pão,

e preparar carne verdadeira para o seu povo?”

21Ouvindo isto, acendeu-se a ira do Senhor,

que lançou fogo

contra Jacob e também se indignou contra Israel.

22Pois não creram em Deus,

nem na sua capacidade para os salvar.

23Isto apesar do Senhor já ter ordenado

que se abrissem as janelas do céu.

24Fez chover sobre eles o maná,

que era o pão do céu, para se alimentarem.

25Assim puderam comer a comida dos anjos,

tanta quanto quiseram, até fartar!

26Contudo, Deus fez que soprasse com força

um vento de oriente e também do sul.

27Este trouxe sobre eles bandos de aves

que mais pareciam nuvens de pó ou de areia,

como quando se levanta o vento na praia.

28As aves vieram parar-lhes mesmo às mãos,

ali onde estavam, no meio das suas tendas.

29E o povo comeu até se fartar;

tiveram o que desejavam.

30Contudo, mal tinham satisfeito o seu apetite,

ainda tinham aquela comida na boca.

31A ira de Deus caiu sobre eles

e matou os mais fortes, a elite de Israel!

32Pois nem mesmo assim deixaram de pecar;

continuaram sem acreditar,

sem ligar aos milagres do Senhor.

33Por isso, reduziu as suas vidas a dias sem sentido,

a anos cheios de angústia.

34Sempre que Deus os deixava sentir o terror da morte,

voltavam-se para ele e buscavam-no com ansiedade.

35Lembravam-se que Deus era como um rochedo firme

e que o Deus altíssimo era o seu Redentor.

36No entanto, o culto que lhe prestavam era só de boca;

no fundo mentiam-lhe!

37Os seus corações não eram retos para com Deus;

não foram fiéis à sua aliança.

38Mas Deus, que é extremamente misericordioso,

perdoou-lhes a sua maldade e não os destruiu;

frequentemente suspendeu o rigor da sua justiça e indignação.

39Porque se lembrava que eram meros humanos;

mortais que desaparecem num momento,

como um vento que sopra e não volta.

40Oh! Quantas vezes ofenderam a Deus no deserto

e na solidão o provocaram!

41Quantas vezes puseram Deus à prova;

irritaram constantemente o Santo de Israel.

42Esqueceram-se da força que tem a sua mão;

de tudo o que já tinha feito para livrá-los dos adversários.

43Esqueceram-se dos milagres que fez no Egito,

e das maravilhas que fez acontecer nos campos de Zoã.

44Como transformou em sangue as águas dos rios,

de modo que ninguém podia matar a sede.

45Como mandou grandes enxames de moscas,

que cobriram a terra,

e também rãs que encheram todo o Egito!

46As lagartas comeram-lhes as plantas

e os gafanhotos levaram o produto de todo o seu trabalho.

47Destruiu-lhes as vinhas e as figueiras bravas com a saraiva.

48Também o gado foi morto pelo granizo

e os rebanhos desvastados pelos raios.

49Soltou sobre eles a intensidade

de toda a sua severidade e indignação;

mandou-lhes angústias.

50Deu livre curso à sua cólera, não lhes poupou a vida;

deixou-os entregues às doenças e às pestes.

51Tirou a vida ao filho mais velho das famílias egípcias,

aqueles que constituíam os descendentes de Cam.

52Contudo, conduziu o seu povo através do deserto,

como um pastor que leva o rebanho.

53Guiou-os com segurança,

para não terem de recear coisa alguma;

aos adversários do seu povo, porém, o mar os cobriu.

54Conduziu-os até à entrada daquela terra santa,

que lhes tinha destinado;

até ao monte que, com o seu poder, lhes tinha reservado.

55Expulsou as nações que ocupavam essa terra

e repartiu-a por cada uma das tribos de Israel.

56Contudo, continuaram a revoltar-se,

e puseram à prova o Deus altíssimo;

recusaram obedecer aos seus mandamentos.

57Desviaram-se de Deus e foram-lhe infiéis

e foram desobedientes como os seus pais;

portaram-se como um arco cuja flecha se vira contra o atirador.

58Fizeram suscitar a cólera de Deus,

levantando altares a outros deuses

e fazendo imagens para adorarem.

59Ao ouvir isto Deus ficou altamente indignado

e rejeitou Israel.

60Por isso, abandonou a sua morada em Silo,

onde habitara no meio dos homens.

61Permitiu que a sua arca,

que representava a sua força e esplendor, fosse capturada pelo inimigo.

62Deixou que o seu povo fosse chacinado,

porque estava intensamente irado.

63Os seus jovens foram mortos pelo fogo

e as raparigas calaram as canções de noivado,

antes de atingirem a idade do casamento.

64Os sacerdotes foram assassinados

e as suas viúvas não puderam chorá-los.

65Até que o Senhor se levantou,

como se despertasse dum sono,

ou como um guerreiro que recobra os sentidos,

depois de uma noite de festa.

66Dispersou os seus inimigos,

que se puseram em fuga,

entregues a um desprezo permanente.

67Depois o Senhor entendeu por bem

não considerar a família de José, a tribo de Efraim.

68Em seu lugar escolheu a tribo de Judá

e o monte Sião que ele amava.

69Ali construiu um célebre templo,

como a Terra que estabeleceu para sempre.

70Também escolheu David para o servir,

quando este era pastor de ovelhas.

71David deixou as ovelhas e os cordeirinhos,

para ser o pastor de Jacob, o povo de Deus,

e de Israel, a sua propriedade.

72Ele conduziu esse rebanho do Senhor,

com integridade de coração e mãos hábeis.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 78:1-72

Salmo 7878 Salmo 78 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang “maskil” na isinulat ni Asaf.

Ang Patnubay ng Dios sa Kanyang mga Mamamayan

1Mga kababayan,78:1 Mga kababayan: o, Mga mamamayan ko. ang mga turo koʼy inyong pakinggan.

2Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng kasaysayan.78:2 kasaysayan: o, mga talinghaga, o paghahalintulad, o kawikaan.

Sasabihin ko sa inyo ang mga lihim na katotohanan ng nakaraan.

3Napakinggan na natin ito at nalaman.

Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno.

4Huwag natin itong ilihim sa ating mga anak;

sabihin din natin ito sa mga susunod na salinlahi.

Sabihin natin sa kanila ang kapangyarihan ng Panginoon at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

5Ibinigay niya ang kanyang mga kautusan sa mga mamamayan ng Israel na mula sa lahi ni Jacob.

Iniutos niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak,

6upang malaman din ito ng mga susunod na lahi at nang ituro rin nila ito sa kanilang mga anak.

7Sa ganitong paraan, magtitiwala sila sa Dios at hindi nila makakalimutan ang kanyang ginawa, at susundin nila ang kanyang mga utos,

8upang hindi sila maging katulad ng kanilang mga ninuno na matitigas ang ulo, suwail, hindi lubos ang pagtitiwala sa Dios, at hindi tapat sa kanya.

9Tulad ng mga taga-Efraim, bagamaʼt may mga pana sila,

pero sa oras naman ng labanan ay nagsisipag-atrasan.

10Hindi nila sinunod ang kasunduan nila sa Dios,

maging ang kanyang mga utos.

11Nakalimutan na nila ang mga kahanga-hanga niyang ginawa na ipinakita niya sa kanila.

12Gumawa ang Dios ng mga himala roon sa Zoan sa lupain ng Egipto at nakita ito ng ating78:12 ating: o, kanilang. mga ninuno.

13Hinawi niya ang dagat at pinadaan sila roon;

ginawa niyang tila magkabilang pader ang tubig.

14Sa araw ay pinapatnubayan niya sila sa pamamagitan ng ulap,

at sa gabi naman ay sa pamamagitan ng liwanag ng apoy.

15Biniyak niya ang mga bato sa ilang at dumaloy ang tubig at binigyan sila ng maraming inumin mula sa kailaliman ng lupa.

16Pinalabas niya ang tubig mula sa bato at ang tubig ay umagos gaya ng ilog.

17Ngunit ang ating mga ninuno ay patuloy na nagkasala sa kanya. Naghimagsik sila sa Kataas-taasang Dios doon sa ilang.

18Sinadya nilang subukin ang Dios upang hingin ang mga pagkaing gusto nila.

19Kinutya nila ang Dios nang sabihin nilang,

“Makakapaghanda ba ang Dios ng pagkain dito sa ilang?

20Oo ngaʼt umagos ang tubig nang hampasin niya ang bato,

ngunit makapagbibigay din ba siya ng tinapay at karne sa atin?”

21Kaya nang marinig ito ng Panginoon nagalit siya sa kanila.

Nag-apoy sa galit ang Panginoon laban sa lahi ni Jacob,

22dahil wala silang pananampalataya sa kanya, at hindi sila nagtitiwala na ililigtas niya sila.

23Ganoon pa man, iniutos niyang bumukas ang langit,

24at pinaulanan sila ng pagkain na tinatawag na manna.

Ibinigay ito sa kanila upang kainin.

25Kinain nila ang pagkain ng mga anghel, at binigyan sila nito ng Dios hanggaʼt gusto nila.

26Pinaihip niya ang hangin mula sa silangan at sa timog sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

27Pinaulanan din sila ng napakaraming ibon, na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat.

28Pinadapo niya ang mga ito sa palibot ng kanilang mga tolda sa kampo.

29Kaya kumain sila hanggang sa mabusog, dahil ibinigay sa kanila ng Dios ang gusto nila.

30Ngunit habang kumakain sila at nagpapakabusog,

31nagalit ang Dios sa kanila.

Pinatay niya ang makikisig na mga kabataan ng Israel.

32Sa kabila ng lahat ng ginawa ng Dios sa kanila,

nagpatuloy pa rin sila sa pagkakasala.

Kahit na gumawa siya ng mga himala,

hindi pa rin sila naniwala.

33Kaya agad niyang winakasan ang buhay nila sa pamamagitan ng biglaang pagdating ng kapahamakan.

34Nang patayin ng Dios ang ilan sa kanila,

ang mga natira ay lumapit na sa kanya,

nagsisi at nagbalik-loob sa kanya.

35At naalala nila na ang Kataas-taasang Dios ang kanilang Bato na kanlungan at Tagapagligtas.

36Nagpuri sila sa kanya, ngunit sa bibig lang, kaya sinungaling sila.

37Hindi sila tapat sa kanya at sa kanilang kasunduan.

38Ngunit naawa pa rin ang Dios sa kanila,

pinatawad ang mga kasalanan nila at hindi sila nilipol.

Maraming beses niyang pinigil ang kanyang galit kahit napakatindi na ng kanyang poot.

39Naisip niyang mga tao lang sila,

parang hangin na dumadaan at biglang nawawala.

40Madalas silang maghimagsik sa Dios doon sa ilang at pinalungkot nila siya.

41Paulit-ulit nilang sinubok ang Dios;

ginalit nila ang Banal na Dios ng Israel.

42Kinalimutan nila ang kanyang kapangyarihan na ipinakita noong iniligtas niya sila mula sa kanilang mga kaaway,

43pati ang mga ginawa niyang mga himala at mga kahanga-hangang gawa roon sa Zoan sa lupain ng Egipto.

44Ginawa niyang dugo ang mga ilog sa Egipto, at dahil dito wala silang mainom.

45Nagpadala rin siya ng napakaraming langaw upang parusahan sila,

at mga palaka upang pinsalain sila.

46Ipinakain niya sa mga balang ang kanilang mga pananim at mga ani.

47Sinira niya ang kanilang mga tanim na ubas at mga punong sikomoro sa pamamagitan ng pagpapaulan ng yelo.

48Pinagpapatay niya ang kanilang mga hayop sa pamamagitan ng kidlat at pag-ulan ng malalaking yelo.

49Dahil sa napakatinding poot at galit niya sa kanila,

nagpadala rin siya ng mga anghel upang ipahamak sila.

50Hindi pinigilan ng Dios ang kanyang poot.

Hindi niya sila iniligtas sa kamatayan.

Sa halip ay pinatay sila sa pamamagitan ng mga salot.

51Pinatay niyang lahat ang mga panganay na lalaki sa Egipto na siyang lugar ng lahi ni Ham.

52Ngunit inilabas niya sa Egipto ang kanyang mga mamamayan na katulad ng mga tupa at pinatnubayan sila na parang kanyang kawan sa ilang.

53Pinatnubayan niya sila, kaya hindi sila natakot.

Ngunit ang mga kaaway nila ay nalunod sa dagat.

54Dinala sila ng Dios sa lupain na kanyang pinili,

doon sa kabundukan na kinuha niya sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

55Itinaboy niya ang lahat ng naninirahan doon,

at hinati-hati ang lupain sa mga lahi ng Israel para maging pag-aari nila at maging tirahan.

56Ngunit sinubok pa rin nila ang Kataas-taasang Dios,

naghimagsik sila at hindi sumunod sa kanyang mga utos.

57Tumalikod sila sa Dios kagaya ng kanilang mga ninuno.

Tulad sila ng isang sirang pana na hindi mapagkakatiwalaan.

58Pinanibugho nila ang Dios at ginalit dahil sa mga dios-diosan sa mga sambahan sa matataas na lugar.78:58 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.

59Alam78:59 Alam: sa literal, Narinig. ng Dios ang ginawa ng mga Israelita,

kaya nagalit siya at itinakwil sila nang lubusan.

60Iniwanan niya ang kanyang tolda sa Shilo, kung saan siya nananahan dito sa mundo.

61Hinayaan niyang agawin ng mga kaaway ang Kahon ng Kasunduan na simbolo ng kanyang kapangyarihan at kadakilaan.

62Nagalit siya sa kanyang mga mamamayan kaya ipinapatay niya sila sa kanilang mga kaaway.

63Sinunog ang kanilang mga binata,

kaya walang mapangasawa ang kanilang mga dalaga.

64Namatay sa labanan ang kanilang mga pari,

at ang mga naiwan nilang asawa ay hindi makapagluksa.78:64 Basahin sa 1 Sam. 4:17-22.

65Pagkatapos, parang nagising ang Panginoon mula sa kanyang pagkakahimlay;

at para siyang isang malakas na tao na pinatapang ng alak.

66Itinaboy niya at pinaatras ang kanyang mga kaaway;

inilagay niya sila sa walang hanggang kahihiyan.

67Itinakwil niya ang lahi ni Jose, hindi rin niya pinili ang lahi ni Efraim.78:67 hindi … Efraim: Maaaring ang ibig sabihin nito ay hindi niya pinili ang lugar nila para maging sentro ng pagsamba at kung saan ang pinili niyang hari ay maghahari.

68Sa halip ay pinili niya ang lahi ni Juda at ang bundok ng Zion na kanyang minamahal.

69Doon niya ipinatayo ang kanyang templo, katulad ng langit at lupa na matatag magpakailanman.

70-71Pinili ng Dios si David upang maging lingkod niya.

Kinuha siya mula sa pagpapastol ng tupa at ginawang hari ng Israel, ang mga mamamayang kanyang hinirang.

72Katulad ng isang mabuting pastol, inalagaan niya ang mga Israelita nang may katapatan at mahusay silang pinamunuan.