Job 12 – NVI & TCB

Nueva Versión Internacional

Job 12:1-25

Cuarto discurso de Job

1A esto respondió Job:

2«¡No hay duda de que ustedes son el pueblo!

¡Muertos ustedes, morirá la sabiduría!

3Pero yo tengo tanto cerebro como ustedes;

en nada siento que me aventajen.

¿Quién no sabe todas esas cosas?

4»Yo, que llamaba a Dios y él me respondía,

me he vuelto el hazmerreír de mis amigos;

¡soy un hazmerreír, justo e íntegro!

5Dice la gente que vive tranquila:

“¡Al daño se añade la injuria!”,

“¡Al que está por caer, hay que empujarlo!”.

6Los salteadores viven tranquilos en sus tiendas de campaña;

confiados viven esos que irritan a Dios

y piensan que pueden controlarlo.

7»Pero interroga a los animales y ellos te darán una lección;

pregunta a las aves del cielo y ellas te lo contarán;

8habla con la tierra y ella te enseñará;

con los peces del mar y te lo harán saber.

9¿Quién de todos ellos no sabe

que la mano del Señor ha hecho todo esto?

10En sus manos está la vida de todo ser vivo

y el aliento que anima a todo ser humano.

11¿Acaso no comprueba el oído las palabras

como la lengua prueba la comida?

12Entre los ancianos se halla la sabiduría;

en los muchos años, el entendimiento.

13»Con Dios están la sabiduría y el poder;

suyos son el consejo y el entendimiento.

14Lo que él derriba, nadie lo levanta;

a quien él apresa, nadie puede liberarlo.

15Si él retiene las lluvias, hay sequía;

si las deja caer, se inunda la tierra.

16Suyos son el poder y el buen juicio;

suyos son los engañados y los que engañan.

17Él hace que los consejeros anden descalzos

y que los jueces pierdan la cabeza.

18Despoja de su autoridad a los reyes

y ata una soga a su cintura.

19Él hace que los sacerdotes anden descalzos

y derroca a los que tienen el poder.

20Acalla los labios de los consejeros

y deja sin discernimiento a los ancianos.

21Cubre de desprecio a los nobles

y desarma a los poderosos.

22Pone al descubierto los más oscuros abismos

y saca a la luz las sombras más profundas.

23Engrandece o destruye a las naciones;

las hace prosperar o las dispersa.

24Priva de sensatez a los líderes de la tierra

y los hace vagar por desiertos sin senderos.

25Sin luz, los hace andar a tientas en medio de la oscuridad

y los hace tambalear como borrachos.

Tagalog Contemporary Bible

Job 12:1-25

Sumagot si Job

1Sumagot si Job, 2“Ang akala nʼyo baʼy kayo lang ang marunong at wala nang matitirang marunong kapag namatay kayo? 3Ako man ay marunong din gaya ninyo; hindi kayo nakahihigit sa akin. Alam ko rin ang lahat ng sinasabi ninyo. 4Pero naging katawa-tawa ako sa aking mga kaibigan, kahit na matuwid ako at walang kapintasan, at kahit sinagot ng Dios ang mga dalangin ko noon. 5Ang mga taong naghihirap na gaya ko na tila mabubuwal ay kinukutya ng mga taong walang problema. 6Pero ang mga tulisan at ang mga taong ginagalit ang Dios ay namumuhay ng payapa gayong ang dinidios nilaʼy ang sarili nilang kakayahan.

7-8“Matututo ka sa ibaʼt ibang hayop – ang lumalakad, lumilipad, gumagapang, at ang lumalangoy. 9Sapagkat alam nila na ang Panginoon ang may gawa nito.12:9 ang may gawa nito: Siguro ang ibig sabihin nito, ang mga bagay na nangyayari sa mundo pati na ang paghihirap ay ayon sa kalooban ng Dios. 10Nasa kamay niya ang buhay o hininga ng bawat nilalang, pati na ng tao. 11Kung alam ng dila ng tao kung alin ang masarap o hindi masarap na pagkain, alam din ng tainga ng tao kung alin ang mabuti o masamang salita. 12Maraming alam sa buhay ang matatanda, dahil habang tumatagal ang buhay nila, lalong dumarami ang kanilang nalalaman.

13Pero ang Dios ay hindi lang nagtataglay ng karunungan, nasa kanya rin ang kapangyarihan, at siya lang ang nakakaunawa kung ano ang dapat gawin. 14Walang makapag-aayos ng kanyang sinisira, at walang makapagpapalaya sa kanyang ikinukulong. 15Kung pipigilin niya ang ulan, matutuyo ang lupa, at kung ibubuhos naman niya ito, babahain ang lupa. 16Makapangyarihan siyaʼt matagumpay, at nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan ang mandaraya at ang dinadaya. 17Inaalisan niya ng karunungan ang mga tagapayo, at ginagawang mangmang ang mga hukom. 18Pinaaalis niya ang mga hari sa kanilang trono at ipinabibihag. 19Tinatanggal niya sa tungkulin ang mga pari at ang mga taong may kapangyarihan. 20Pinatatahimik niya ang mga pinagkakatiwalaang tagapayo at inaalis ang karunungan ng matatanda. 21Hinahamak niya ang mga mararangal na tao at inaalisan ng kakayahan ang mga may kapangyarihan. 22Ang mga lihim ay kanyang inihahayag, at ang madilim ay pinapalitan ng liwanag. 23Pinalalakas niya ang mga bansa at pinapalawak ang kanilang teritoryo, pero ibinabagsak din niya ito at winawasak. 24Ginagawa niyang mangmang ang kanilang mga pinuno at inililigaw sila sa ilang. 25Kaya para silang bulag na kumakapa sa dilim at sumusuray-suray na parang lasing.