Isaías 42 – NVI & TCB

Nueva Versión Internacional

Isaías 42:1-25

El siervo del Señor

1»Este es mi siervo, a quien sostengo,

mi escogido, en quien me deleito;

sobre él he puesto mi Espíritu

y llevará justicia a las naciones.

2No clamará, ni gritará,

ni alzará su voz en las calles.

3No acabará de romper la caña quebrada

ni apagará la mecha que apenas arde.

Con fidelidad hará justicia;

4no vacilará ni se desanimará

hasta implantar la justicia en la tierra.

En su enseñanza las costas lejanas pondrán su esperanza».

5Así dice Dios el Señor,

el que creó y desplegó los cielos;

el que expandió la tierra

y todo lo que ella produce;

el que da aliento al pueblo que la habita

y vida a los que en ella se mueven:

6«Yo, el Señor, te he llamado en justicia;

te tomaré de la mano.

Yo te preservaré, yo te constituiré

como pacto para el pueblo,

como luz para las naciones,

7para abrir los ojos de los ciegos,

para librar de la cárcel a los presos

y del calabozo a los que habitan en tinieblas.

8»Yo soy el Señor; ¡ese es mi nombre!

No entrego a otros mi gloria

ni mi alabanza a los ídolos.

9Las cosas pasadas se han cumplido

y ahora anuncio cosas nuevas;

las anuncio antes que sucedan».

Canción de alabanza al Señor

10Canten al Señor un cántico nuevo,

ustedes, que descienden al mar

y todo lo que hay en él;

canten su alabanza desde los confines de la tierra,

ustedes, costas lejanas y sus habitantes.

11Que alcen la voz el desierto, sus ciudades,

y los poblados donde Cedar habita.

Que canten de alegría los habitantes de Selá

y griten desde las cimas de las montañas.

12Den gloria al Señor

y proclamen su alabanza en las costas lejanas.

13El Señor marchará como un campeón;

como hombre de guerra despertará su celo.

Con gritos y alaridos se lanzará al combate

y triunfará sobre sus enemigos.

14«Por mucho tiempo he guardado silencio,

he estado callado y me he contenido.

Pero ahora voy a gritar como parturienta,

voy a resollar y jadear al mismo tiempo.

15Devastaré montañas y colinas

y consumiré toda su vegetación;

convertiré los ríos en islas

y secaré los estanques.

16Conduciré a los ciegos por caminos desconocidos,

los guiaré por senderos inexplorados;

ante ellos convertiré en luz las tinieblas,

y allanaré los lugares escabrosos.

Esto haré

y no los abandonaré.

17Pero retrocederán llenos de vergüenza

los que confían en las imágenes,

los que dicen a las imágenes:

“Ustedes son nuestros dioses”.

Israel ciego y sordo

18»Sordos, ¡escuchen!

Ciegos, ¡fíjense bien!

19¿Quién es más ciego que mi siervo

y más sordo que mi mensajero?

¿Quién es más ciego que mi enviado

y más ciego que el siervo del Señor?

20Tú has visto muchas cosas, pero no las has captado;

tienes abiertos los oídos, pero no oyes nada».

21Agradó al Señor,

por amor a su justicia,

hacer su ley grande y gloriosa.

22Pero este es un pueblo saqueado y despojado,

todos atrapados en cuevas

o encerrados en cárceles.

Son saqueados

y nadie los libra;

son despojados

sin que nadie reclame: ¡Devuélvanlos!

23¿Quién de ustedes escuchará esto

y prestará atención en el futuro?

24¿Quién entregó a Jacob para el despojo,

a Israel para el saqueo?

¿No es acaso el Señor

contra quien su pueblo ha pecado?

No siguieron sus caminos

ni obedecieron su Ley.

25Por eso él derramó sobre ellos

su ardiente ira y el furor de la guerra.

Los envolvió en llamas, pero no comprendieron;

los consumió, pero no lo tomaron en serio.

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 42:1-25

Ang Lingkod ng Panginoon

1Sinabi ng Panginoon, “Narito ang lingkod ko na aking pinalalakas ang loob. Pinili ko siya at nagagalak ako sa kanya. Sumasakanya ang aking Espiritu, at papairalin niya ang katarungan sa mga bansa. 2Hindi siya sisigaw o magsasalita nang malakas sa mga lansangan. 3Hindi niya pababayaan ang mahihina ang pananampalataya42:3 mahihina ang pananampalataya: o, mga inaapi. at hindi niya tatalikuran ang mga nawalan ng pag-asa. Matapat niyang papairalin ang katarungan. 4Hindi siya manghihina o mawawalan ng pag-asa hanggaʼt hindi niya lubusang napapairal ang katarungan sa buong mundo. Pati ang mga tao sa malalayong lugar42:4 malalayong lugar: o, mga isla; o, mga lugar malapit sa dagat. Ganito rin sa talatang 10 at 12. ay maghihintay sa kanyang mga turo.” 5Ito ang sinabi ng Dios, ang Panginoon na lumikha ng langit na iniladlad niyang parang tela. Nilikha niya ang mundo at ang lahat ng naroroon. Siya rin ang nagbibigay ng buhay sa mga tao at sa lahat ng nilikhang nabubuhay sa mundo. 6Sinabi niya sa kanyang lingkod, “Ako ang Panginoon na tumawag sa iyo para ipakita na akoʼy matuwid. Tutulungan at iingatan kita, at sa pamamagitan mo gagawa ako ng kasunduan sa mga tao. Gagawin kitang ilaw na magbibigay-liwanag sa mga bansa, 7para imulat ang mga mata ng mga bulag, at magpalaya sa mga binihag na ikinulong sa madilim na bilangguan. 8Ako ang Panginoon! Iyan ang aking pangalan! Hindi ko ibibigay kaninuman o sa mga dios-diosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin. 9Ang mga propesiya koʼy natupad at sasabihin ko ngayon ang mga bagong bagay bago pa ito mangyari.”

Awit ng Papuri sa Panginoon

10Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon! Umawit kayo ng mga papuri sa kanya, kayong lahat na nasa mundo. Purihin ninyo siya, kayong mga naglalayag, kayong lahat ng mga nilikha sa dagat at kayong mga nakatira sa malalayong lugar. 11Purihin ninyo siya, kayong mga bayan na nasa ilang at kayong mga taga-Kedar. Umawit kayo sa tuwa, kayong mga taga-Sela. Humiyaw kayo ng pagpupuri sa tuktok ng mga bundok. 12Parangalan ninyo at purihin ang Panginoon kayong mga nasa malalayong lugar. 13Sasalakay ang Panginoon na parang isang sundalo na handang-handa nang makipaglaban. Sisigaw siya bilang hudyat ng pagsalakay; at magtatagumpay siya laban sa kanyang mga kaaway. 14Sinabi ng Panginoon, “Sa mahabang panahon nagsawalang-kibo ako at pinigilan ko ang aking sarili. Pero ngayon, ipadarama ko ang aking galit. Sisigaw ako na parang babaeng nanganganak. 15Gigibain ko ang mga bundok at mga burol, at malalanta ang mga tanim. Patutuyuin ko ang mga ilog at mga dakong may tubig. 16Aakayin ko ang mga mamamayan kong bulag sa katotohanan, sa daan na hindi pa nila nadadaanan. Liliwanagan ko ang dinaraanan nilang madilim at papantayin ko ang mga baku-bako sa landas na kanilang dinadaanan. Gagawin ko ito at hindi ko sila pababayaan. 17Pero ang mga nagtitiwala sa mga dios-diosan, at ang mga itinuturing na dios ang kanilang mga rebulto ay tatakas dahil sa malaking kahihiyan.”

Ang Israel ay Parang Bingi at Bulag

18Sinabi ng Panginoon sa kanyang mga mamamayan, “Kayong mga bingi at bulag, makinig kayo at tumingin! 19Kayoʼy mga lingkod ko at mga pinili. Isinugo ko kayo bilang aking mga tagapagsalita, pero walang makakapantay sa inyong pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan. 20Marami na kayong nakikita pero hindi ninyo pinapansin. Nakakarinig kayo pero ayaw ninyong makinig!”

21Nais ng Panginoon na parangalan ang kanyang kautusan para ipakita na matuwid siya.42:21 ipakita na matuwid siya: o, ililigtas niya ang kanyang mga mamamayan. 22Pero ngayon, ang kanyang mga mamamayan ay ninakawan, sinamsaman ng ari-arian, inihulog sa hukay o ipinasok sa bilangguan, at walang sinumang tumulong sa kanila. 23Mayroon ba sa inyong gustong makinig o magbigay halaga mula ngayon sa inyong narinig? 24Sino ang nagbigay ng pahintulot na nakawan at samsaman ng ari-arian ang Israel? Hindi baʼt ang Panginoon, na siyang pinagkasalaan natin? Sapagkat hindi natin sinunod ang mga pamamaraan niya at mga kautusan. 25Kung kaya, ipinadama ng Panginoon ang matindi niyang galit sa atin sa pamamagitan ng pagpapahirap sa atin sa digmaan. Ang galit niyaʼy parang apoy na nakapalibot at sumusunog sa atin, pero hindi natin ito pinansin o inisip man lamang.