Isaías 28 – NVI & TCB

Nueva Versión Internacional

Isaías 28:1-29

Ay de Efraín

1¡Ay de la altiva corona de los borrachos de Efraín,

de la flor marchita de su gloriosa hermosura,

que está sobre la cumbre de un valle fértil!

¡Ay de los abatidos por el vino!

2Miren, el Señor cuenta con alguien

que es fuerte y poderoso:

Este echará todo por tierra con violencia,

como tormenta de granizo,

como tempestad destructora,

como tormenta de aguas torrenciales,

como torrente desbordado.

3La altiva corona de los borrachos de Efraín

será pisoteada.

4Esa flor marchita de su gloriosa hermosura,

sobre la cumbre de un valle fértil,

será como higo maduro antes de la cosecha:

apenas alguien lo ve y lo tiene en la mano,

se lo traga.

5En aquel día el Señor de los Ejércitos

será una hermosa corona,

una diadema gloriosa

para el remanente de su pueblo.

6Él infundirá espíritu de justicia

al que se sienta en el tribunal,

y fortaleza a los que rechazan

los asaltos a la puerta.

7También sacerdotes y profetas

se tambalean por causa del vino,

trastabillan por causa del licor;

quedan aturdidos con el vino,

tropiezan a causa del licor.

Cuando tienen visiones, titubean;

cuando toman decisiones, vacilan.

8¡Sí, regadas de vómito están todas las mesas,

y no queda limpio ni un solo lugar!

9«¿A quién cree el Señor que enseña? —se preguntan—,

¿a quién está explicando su mensaje?

¿Cree que somos niños recién destetados,

que acaban de dejar el pecho?

10¿Por qué nos repite todo,

línea por línea,

palabra por palabra,

un poquito aquí, un poquito allá?».28:10 Versículo de difícil traducción (posiblemente imitación burlona de una lección del abecedario); también en v. 13.

11Pues bien, Dios hablará a este pueblo

con labios extranjeros y lenguas extrañas,

12pueblo al que dijo:

«Este es el lugar de descanso;

que descanse el fatigado»;

y también:

«Este es el lugar de reposo».

¡Pero no quisieron escuchar!

13Por eso el Señor les explicará con detalles,

línea por línea,

palabra por palabra,

un poquito aquí, un poquito allá.

Les hablará para que caigan de espaldas,

queden heridos, enredados y atrapados.

14Por tanto, gobernantes insolentes de este pueblo de Jerusalén,

escuchen la palabra del Señor:

15Ustedes dicen: «Hemos hecho un convenio con la muerte;

hemos hecho una alianza con el sepulcro.28:15 sepulcro. Lit. Seol.

Cuando venga una calamidad abrumadora,

no nos podrá alcanzar,

porque hemos hecho de la mentira nuestro refugio

y del engaño nuestro escondite».

16Por eso dice el Señor y Dios:

«Miren, yo pongo en Sión una piedra probada,

piedra angular y preciosa para un cimiento firme;

el que crea no se tambaleará.

17Pondré como nivel la justicia

y la rectitud como plomada.

El granizo arrasará con el refugio de la mentira

y las aguas inundarán el escondite.

18Se anulará el convenio que hicieron con la muerte;

quedará sin efecto su alianza con el sepulcro.28:18 sepulcro. Lit. Seol.

Cuando venga la calamidad abrumadora,

a ustedes los aplastará.

19Cada vez que pase, los arrebatará;

pasará mañana tras mañana, de día y de noche».

La comprensión de este mensaje

causará terror absoluto.

20La cama es demasiado estrecha para estirarse en ella;

la manta es demasiado corta para envolverse en ella.

21Sí, el Señor se levantará como en el monte Perasín,

se moverá como en el valle de Gabaón;

para llevar a cabo su extraña obra,

para realizar su insólita tarea.

22Ahora bien, dejen de burlarse,

no sea que se aprieten más sus cadenas;

porque me ha hecho saber el Señor, el Señor de los Ejércitos,

acerca de la destrucción decretada contra todo el país.

23Escuchen, oigan mi voz;

presten atención, oigan mi palabra:

24Cuando un agricultor ara para sembrar,

¿lo hace sin descanso?

¿Se pasa todo el día abriendo surcos y removiendo el terreno?

25Después de que ha emparejado la superficie,

¿no siembra eneldo y esparce comino?

¿No siembra trigo en hileras,28:25 hileras. Palabra de difícil traducción.

cebada en el lugar debido

y centeno en las orillas?

26Es Dios quien lo instruye

y le enseña cómo hacerlo.

27Porque no se trilla el eneldo con rastrillo

ni sobre el comino se pasa una rueda de carreta,

sino que el eneldo se golpea con una vara

y el comino con un palo.

28El grano se tritura, pero no demasiado

ni tampoco se trilla sin descanso.

Se le pasan las ruedas de la carreta,

pero los caballos no lo trituran.

29También esto viene del Señor de los Ejércitos,

admirable por su consejo

y magnífico por su sabiduría.

Tagalog Contemporary Bible

Isaias 28:1-29

Ang Mensahe Tungkol sa Samaria

1Nakakaawa ang Samaria, na ang katulad ay koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggong pinuno ng Israel. Ang lungsod ng Samaria ay nasa matabang lambak, pero ang kanyang kagandahan ay mawawala katulad ng bulaklak na nalalanta. 2Makinig kayo! Ang Panginoon ay may inihahandang malakas at makapangyarihang bansa na wawasak sa Samaria. Katulad ito ng mapaminsalang bagyo at rumaragasang baha. 3Tinapak-tapakan niya ang Samaria, ang koronang bulaklak na karangalan ng mga lasenggong pinuno ng Israel. 4Ang lungsod na ito ay nasa matabang lambak, pero ang kagandahan nito ay mawawala katulad ng bulaklak na nalalanta. Malalagas agad ito katulad ng unang mga bunga ng igos na kinukuha at kinakain agad ng bawat makakita.

5Sa araw na iyon, ang Panginoong Makapangyarihan ay magiging tulad ng magandang koronang bulaklak para sa nalalabi niyang mga mamamayan. 6Bibigyan niya ng hangarin ang mga hukom na pairalin ang katarungan. At bibigyan niya ng tapang ang mga tagapagbantay ng lungsod laban sa mga kaaway.

7Pero ngayon, pasuray-suray ang mga pari at mga propeta, at wala na sa tamang pag-iisip. Mali ang pagkakaunawa ng mga propeta sa mga pangitain, at hindi tama ang mga desisyon ng mga pari. 8Ang mga mesa nilaʼy puno ng mga suka nila at walang parteng malinis. 9Dumadaing sila at sinasabi, “Ano bang palagay niya sa atin, mga batang kaaawat pa lamang sa pagsuso? Bakit ganyan ang tinuturo niya sa atin? 10Tingnan mo kung magturo siya; paisa-isang letra, paisa-isang linya, at paisa-isang aralin.”

11Dahil sa ayaw nilang makinig, makikipag-usap ang Panginoon sa mga taong ito sa pamamagitan ng mga dayuhang iba ang wika. 12Ito ang sasabihin niya, “Mararanasan ninyo ang kapahingahan sa inyong lupain.” Pero ayaw pa rin nilang makinig.

13Kung kaya, tuturuan sila ng Panginoon ng paisa-isang letra, paisa-isang linya, at paisa-isang aralin. At sa paglalakad nilaʼy mabubuwal sila, masusugatan, mabibitag, at mahuhuli.

14Kaya kayong mga nangungutyang mga pinuno ng mga mamamayan ng Jerusalem, pakinggan ninyo ang Panginoon! 15Sapagkat nagmamalaki kayo at nagsasabing, “Nakipagkasundo kami sa kamatayan para hindi kami mamatay, at nakipagkasundo kami sa lugar ng mga patay para hindi kami madala roon. Kung kaya, hindi kami mapapahamak kahit na dumating ang mga sakuna na parang baha, dahil sa kami ay umaasang maliligtas sa pamamagitan ng aming pagsisinungaling at pandaraya.”

16Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Dios: “Makinig kayo! Maglalagay ako ng batong pundasyon sa Zion, batong maaasahan, matibay, at mahalaga. Ang mga sumasampalataya sa kanya ay huwag maging padalos-dalos28:16 huwag maging padalos-dalos: Sa Septuagint, hindi mapapahiya. sa kanilang mga ginagawa. 17Gagawin kong sukatan ang katarungan at katuwiran. Ipapatangay ko sa bagyo at baha ang kasinungalingan na inaasahan ninyong makakapagligtas sa inyo. 18Magiging walang kabuluhan ang pakikipagkasundo ninyo sa kamatayan at ang pakikipagkasundo ninyo sa lugar ng mga patay. Sapagkat mapapahamak kayo kapag dumating na ang mga sakuna na parang baha. 19Palagi itong darating sa inyo, araw-araw, sa umaga at sa gabi, at tiyak na mapapahamak kayo.”

Matatakot kayo kapag naunawaan ninyo ang mensaheng ito. 20Sapagkat kayoʼy matutulad sa taong maiksi ang higaan at makitid ang kumot.28:20 Sapagkat … ang kumot: Maaaring ang ibig sabihin, ang kasunduan ng Juda sa Egipto ay hindi makapagbigay ng tiyak na kaligtasan mula sa mga kaaway. 21Ang totoo, sasalakay ang Panginoon katulad ng ginawa niya sa Bundok ng Perazim at sa Lambak ng Gibeon. Gagawin niya ang hindi inaasahan ng kanyang mga mamamayan.

22Kaya ngayon, huwag na kayong mangutya, baka dagdagan pa niya ang parusa niya sa inyo. Sapagkat napakinggan ko mismo ang utos ng Panginoong Dios na Makapangyarihan na wawasakin niya ang inyong buong lupain. 23Pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. 24Ang magsasaka baʼy lagi na lamang mag-aararo at hindi na magtatanim? 25Hindi baʼt kapag handa na ang lupa, sinasabuyan niya ng sari-saring binhi ang bawat bukid, katulad halimbawa ng mga pampalasa, trigo, sebada at iba pang mga binhi? 26Alam niya ang dapat niyang gawin dahil tinuturuan siya ng Dios. 27Hindi niya ginagamitan ng mabibigat na panggiik ang mga inaning pampalasa, kundi pinapagpag niya o pinapalo ng patpat. 28Ang trigo na ginagawang tinapay ay madaling madurog kaya hindi niya ito gaanong ginigiik. Ginagamitan niya ito ng karitong panggiik, pero sinisiguro niyang hindi ito madudurog. 29Ang kaalamang ito ay mula sa Panginoong Makapangyarihan. Napakabuti ng kanyang mga payo, at kahanga-hanga ang kanyang kaalaman.