Jeremiah 22 – NIVUK & TCB

New International Version – UK

Jeremiah 22:1-30

Judgment against wicked kings

1This is what the Lord says: ‘Go down to the palace of the king of Judah and proclaim this message there: 2“Hear the word of the Lord to you, king of Judah, you who sit on David’s throne – you, your officials and your people who come through these gates. 3This is what the Lord says: do what is just and right. Rescue from the hand of the oppressor the one who has been robbed. Do no wrong or violence to the foreigner, the fatherless or the widow, and do not shed innocent blood in this place. 4For if you are careful to carry out these commands, then kings who sit on David’s throne will come through the gates of this palace, riding in chariots and on horses, accompanied by their officials and their people. 5But if you do not obey these commands, declares the Lord, I swear by myself that this palace will become a ruin.” ’

6For this is what the Lord says about the palace of the king of Judah:

‘Though you are like Gilead to me,

like the summit of Lebanon,

I will surely make you like a wasteland,

like towns not inhabited.

7I will send destroyers against you,

each man with his weapons,

and they will cut up your fine cedar beams

and throw them into the fire.

8‘People from many nations will pass by this city and will ask one another, “Why has the Lord done such a thing to this great city?” 9And the answer will be: “Because they have forsaken the covenant of the Lord their God and have worshipped and served other gods.” ’

10Do not weep for the dead king or mourn his loss;

rather, weep bitterly for him who is exiled,

because he will never return

nor see his native land again.

11For this is what the Lord says about Shallum22:11 Also called Jehoahaz son of Josiah, who succeeded his father as king of Judah but has gone from this place: ‘He will never return. 12He will die in the place where they have led him captive; he will not see this land again.’

13‘Woe to him who builds his palace by unrighteousness,

his upper rooms by injustice,

making his own people work for nothing,

not paying them for their labour.

14He says, “I will build myself a great palace

with spacious upper rooms.”

So he makes large windows in it,

panels it with cedar

and decorates it in red.

15‘Does it make you a king

to have more and more cedar?

Did not your father have food and drink?

He did what was right and just,

so all went well with him.

16He defended the cause of the poor and needy,

and so all went well.

Is that not what it means to know me?’

declares the Lord.

17‘But your eyes and your heart

are set only on dishonest gain,

on shedding innocent blood

and on oppression and extortion.’

18Therefore this is what the Lord says about Jehoiakim son of Josiah king of Judah:

‘They will not mourn for him:

“Alas, my brother! Alas, my sister!”

They will not mourn for him:

“Alas, my master! Alas, his splendour!”

19He will have the burial of a donkey –

dragged away and thrown

outside the gates of Jerusalem.’

20‘Go up to Lebanon and cry out,

let your voice be heard in Bashan,

cry out from Abarim,

for all your allies are crushed.

21I warned you when you felt secure,

but you said, “I will not listen!”

This has been your way from your youth;

you have not obeyed me.

22The wind will drive all your shepherds away,

and your allies will go into exile.

Then you will be ashamed and disgraced

because of all your wickedness.

23You who live in “Lebanon,22:23 That is, the palace in Jerusalem (see 1 Kings 7:2)

who are nestled in cedar buildings,

how you will groan when pangs come upon you,

pain like that of a woman in labour!

24‘As surely as I live,’ declares the Lord, ‘even if you, Jehoiachin22:24 Hebrew Koniah, a variant of Jehoiachin; also in verse 28 son of Jehoiakim king of Judah, were a signet ring on my right hand, I would still pull you off. 25I will deliver you into the hands of those who want to kill you, those you fear – Nebuchadnezzar king of Babylon and the Babylonians.22:25 Or Chaldeans 26I will hurl you and the mother who gave you birth into another country, where neither of you was born, and there you both will die. 27You will never come back to the land you long to return to.’

28Is this man Jehoiachin a despised, broken pot,

an object no-one wants?

Why will he and his children be hurled out,

cast into a land they do not know?

29O land, land, land,

hear the word of the Lord!

30This is what the Lord says:

‘Record this man as if childless,

a man who will not prosper in his lifetime,

for none of his offspring will prosper,

none will sit on the throne of David

or rule anymore in Judah.’

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 22:1-30

Ang Parusa ng Panginoon sa mga Hari ng Juda

1Sinabi sa akin ng Panginoon, “Pumunta ka sa palasyo ng hari ng Juda at sabihin mo ito: 2O hari ng Juda, na angkan ni David, kayong mga namamahala at mga mamamayang dumadaan sa mga pintuan dito, pakinggan nʼyo ang mensaheng ito ng Panginoon: 3Pairalin nʼyo ang katarungan at katuwiran. Tulungan nʼyo ang mga ninakawan, iligtas nʼyo sila sa kamay ng mga taong umaapi sa kanila. Huwag nʼyong pagmamalupitan o sasaktan ang mga dayuhan, ulila at mga biyuda. Huwag din kayong papatay ng mga taong walang kasalanan. 4Kung susundin nʼyo ang mga utos kong ito, mananatiling maghahari sa Jerusalem ang angkan ni David. Ang hari, kasama ng kanyang mga pinuno at mga mamamayan ay paparada na nakasakay sa mga karwahe at kabayo na papasok sa pintuan ng palasyo. 5Pero kung hindi nʼyo susundin ang mga utos kong ito, isinusumpa ko sa sarili ko na mawawasak ang palasyong ito.”

6Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa palasyo ng hari ng Juda:

“Para sa akin, kasingganda ka ng Gilead o ng tuktok ng bundok ng Lebanon. Pero gagawin kitang parang disyerto, na tulad ng isang bayan na walang naninirahan. 7Magpapadala ako ng mga taong gigiba sa iyo. Ang bawat isa sa kanilaʼy magdadala ng mga gamit-panggiba. Puputulin nila ang iyong mga haliging sedro at ihahagis sa apoy. 8Ang mga taong galing sa ibaʼt ibang bansa na dadaan sa lungsod na ito ay magtatanungan, ‘Bakit kaya ginawa ito ng Panginoon sa dakilang lungsod na ito?’ 9At ito ang isasagot sa kanila, ‘Dahil itinakwil nila ang kasunduan nila sa Panginoon na kanilang Dios, at sumamba sila at naglingkod sa mga dios-diosan.’ ”

Ang Mensahe tungkol kay Jehoahaz

10-11Mga taga-Juda, huwag kayong umiyak sa pagpanaw ni Haring Josia. Sa halip, umiyak kayo nang lubos para sa anak niyang si Jehoahaz na pumalit sa kanya bilang hari ng Juda. Sapagkat binihag siya at hindi na siya makakabalik pa. Kaya hindi na niya makikita pang muli ang lupaing ito na sinilangan niya. Sapagkat ang Panginoon ang nagsabi na hindi na siya makakabalik. 12Mamamatay siya sa lupain kung saan siya dinalang bihag. Hindi na niya makikita pang muli ang lupaing ito.

Ang Mensahe tungkol kay Jehoyakim

13Nakakaawa ka Jehoyakim, nagtayo ka ng iyong palasyo sa pamamagitan ng masamang paraan. Pinagtrabaho mo ang iyong kapwa nang walang sweldo. 14Sinabi mo, “Magtatayo ako ng palasyong malalaki ang silid sa itaas. Palalagyan ko ito ng malalaking bintana at dingding ng tablang sedro. At pagkatapos, papipinturahan ko ng pula.”

15Akala mo ba magiging dakila kang hari kung magtatayo ka ng palasyong gawa sa sedro? Bakit ayaw mong sundin ang iyong ama? Matuwid at makatarungan ang mga ginawa niya; kaya namuhay siya nang maunlad at payapa ang kalagayan. 16Ipinagtanggol niya ang karapatan ng mga dukha at ng mga nangangailangan, kaya naging mabuti ang lahat para sa kanya. Ganyan ang tamang pagkilala sa akin. 17Pero ikaw, wala kang ibang hinahangad kundi ang makapandaya, pagpatay ng mga taong walang kasalanan, pang-aapi, at karahasan.

18Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol kay Haring Jehoyakim ng Juda, na anak ni Josia, “Walang magluluksa para sa kanya kapag namatay siya. Ang sambahayan niya, ang mga pinuno niya at ang ibang mga tao ay hindi magluluksa para sa kanya. 19Ililibing siya katulad ng paglilibing sa patay na asno; kakaladkarin ang bangkay niya at itatapon sa labas ng pintuan ng Jerusalem.

20Mga taga-Juda, umiyak kayo dahil wala na kayong mga kakamping bansa. Hanapin nʼyo sila sa Lebanon. Tawagin nʼyo sila sa Bashan at Abarim. 21Binigyan ko kayo ng babala noong nasa mabuti pa kayong kalagayan, pero hindi kayo nakinig. Talagang ganyan na ang ugali nʼyo mula noong bata pa kayo; hindi kayo sumusunod sa akin. 22Kaya pangangalatin ko ang mga pinuno nʼyo na parang ipa na tinatangay ng hangin, at bibihagin din ang mga kakampi nʼyong bansa. Talagang mapapahiya kayo dahil sa kasamaan ninyo.

23“Kayong mga nakatira sa palasyo ng Jerusalem na gawa sa kahoy na sedro mula sa Lebanon, kahabag-habag kayo kapag dumating na sa inyo ang paghihirap, na parang babaeng naghihirap sa panganganak.

Ang Mensahe tungkol kay Jehoyakin

24“Ako, ang buhay na Panginoon, ay sumusumpa na itatakwil kita, Haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoyakim. Kahit para kang singsing sa aking kanang kamay22:24 singsing … kanang kamay: Ito ang tanda na ang hari ang kinatawan ng Dios. na tanda ng kapangyarihan ko, tatanggalin kita sa daliri ko. 25Ibibigay kita sa mga nais pumatay sa iyo na kinatatakutan mo. Ibibigay kita kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga kawal22:25 mga kawal: sa literal, mga Caldeo. niya. 26Ikaw at ang iyong ina ay ipapatapon ko sa ibang bansa at doon kayo mamamatay. 27At hindi na kayo makakabalik sa lupaing ninanais nʼyong balikan. 28Jehoyakin, para kang basag na palayok na hindi na mapapakinabangan. Kaya itatapon ko kayo ng mga anak mo sa bansang hindi nʼyo alam.”

29O lupain ng Juda, pakinggan mo ang salita ng Panginoon. 30Sapagkat ito ang sinasabi niya, “Isulat nʼyo na ang taong ito na si Jehoyakin na parang walang anak, sapagkat wala ni isa man sa kanyang mga anak ang luluklok sa trono ni David bilang hari ng Juda. At hindi rin siya magtatagumpay sa pamumuhay niya.”