1 Corinthians 3 – NIVUK & TCB

New International Version – UK

1 Corinthians 3:1-23

The church and its leaders

1Brothers and sisters, I could not address you as people who live by the Spirit but as people who are still worldly – mere infants in Christ. 2I gave you milk, not solid food, for you were not yet ready for it. Indeed, you are still not ready. 3You are still worldly. For since there is jealousy and quarrelling among you, are you not worldly? Are you not acting like mere humans? 4For when one says, ‘I follow Paul,’ and another, ‘I follow Apollos,’ are you not mere human beings?

5What, after all, is Apollos? And what is Paul? Only servants, through whom you came to believe – as the Lord has assigned to each his task. 6I planted the seed, Apollos watered it, but God has been making it grow. 7So neither the one who plants nor the one who waters is anything, but only God, who makes things grow. 8The one who plants and the one who waters have one purpose, and they will each be rewarded according to their own labour. 9For we are fellow workers in God’s service; you are God’s field, God’s building.

10By the grace God has given me, I laid a foundation as a wise builder, and someone else is building on it. But each one should build with care. 11For no-one can lay any foundation other than the one already laid, which is Jesus Christ. 12If anyone builds on this foundation using gold, silver, costly stones, wood, hay or straw, 13their work will be shown for what it is, because the Day will bring it to light. It will be revealed with fire, and the fire will test the quality of each person’s work. 14If what has been built survives, the builder will receive a reward. 15If it is burned up, the builder will suffer loss but yet will be saved – even though only as one escaping through the flames.

16Don’t you know that you yourselves are God’s temple and that God’s Spirit lives among you? 17If anyone destroys God’s temple, God will destroy that person; for God’s temple is sacred, and you together are that temple.

18Do not deceive yourselves. If any of you think you are wise by the standards of this age, you should become ‘fools’ so that you may become wise. 19For the wisdom of this world is foolishness in God’s sight. As it is written: ‘He catches the wise in their craftiness’3:19 Job 5:13; 20and again, ‘The Lord knows that the thoughts of the wise are futile.’3:20 Psalm 94:11 21So then, no more boasting about human leaders! All things are yours, 22whether Paul or Apollos or Cephas3:22 That is, Peter or the world or life or death or the present or the future – all are yours, 23and you are of Christ, and Christ is of God.

Tagalog Contemporary Bible

1 Corinto 3:1-23

Mga Lingkod ng Dios

1Mga kapatid, hindi ko kayo makausap noon bilang mga taong ginagabayan ng Espiritu ng Dios, kundi bilang mga taong makamundo at sanggol pa sa pananampalataya kay Cristo. 2Ang mga ipinangaral ko sa inyoʼy mga simpleng aral lamang dahil sa hindi pa ninyo kayang unawain ang malalalim na pangaral. At kahit ngayon, hindi pa ninyo ito kayang unawain, 3dahil makamundo pa rin kayo. Nag-iinggitan kayo at nag-aaway-away. Hindi baʼt patunay ito na makamundo pa rin kayo at namumuhay ayon sa laman? 4Kapag sinasabi ninyong “Kay Pablo ako,” o “Kay Apolos ako,” hindi baʼt para kayong mga taong makamundo na nagkakampi-kampihan?

5Bakit, sino ba si Apolos? At sino nga ba naman akong si Pablo? Kami ay mga lingkod lamang ng Dios na ginamit niya upang sumampalataya kayo. At ang bawat isa sa amin ay gumagawa lamang ng gawaing ibinigay sa amin ng Panginoon. 6Ako ang nagtanim, at si Apolos ang nagdilig. Ngunit ang Dios ang siyang nagpatubo. 7Hindi ang nagtanim at ang nagdilig ang mahalaga, kundi ang Dios na siyang nagpapatubo nito. 8Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong mga lingkod lamang. Ang bawat isa sa kanilaʼy tatanggap ng gantimpala ayon sa kanilang ginawa. 9Kami ni Apolos ay nagtutulungan bilang mga manggagawa ng Dios, at kayoʼy katulad ng bukirin na ipinasasaka sa amin ng Dios.

Maihahalintulad din kayo sa isang gusali na kanyang itinatayo. 10At ako naman, bilang dalubhasang tagapagtayo ang siyang naglagay ng pundasyon ayon sa kakayahang ibinigay sa akin ng Dios. Pagkatapos, iba namang manggagawa ang nagpapatuloy sa pagtatayo ng gusali. Ngunit kailangang maging maingat ang bawat nagtatayo 11dahil wala nang pundasyong maaari pang ilagay maliban sa nailagay na, at itoʼy walang iba kundi si Jesu-Cristo.

12May magtatayo sa pundasyong ito na gagamit ng mabuting klase ng mga materyales gaya ng ginto, pilak at mamahaling bato. Mayroon namang gagamit lamang ng kahoy, tuyong damo at dayami. 13Ngunit sa Araw ng Paghuhukom, makikita ang kalidad ng itinayo ng bawat isa dahil susubukin ito sa apoy. 14Kung ang itinayo ay hindi masusunog, tatanggap ng gantimpala ang nagtayo. 15Ngunit kung ito namaʼy masunog, wala siyang tatanggaping gantimpala. Ganoon pa man, maliligtas siya, ngunit tulad lamang ng isang taong nakaligtas sa sunog na walang nailigtas na kagamitan.

16Hindi nʼyo ba alam na kayoʼy templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay naninirahan sa inyo? 17Ang sinumang wawasak sa templo ng Dios ay parurusahan niya, dahil banal ang templo ng Dios. At ang templong iyon ay walang iba kundi kayo.

18Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Kung mayroon man sa inyong nag-aakala na siyaʼy marunong ayon sa karunungan ng mundo, kinakailangang tigilan na niya ang ganyang pag-iisip upang maging marunong siya sa paningin ng Dios. 19Sapagkat ang karunungan ng mundo ay kamangmangan lamang sa paningin ng Dios. Ayon nga sa Kasulatan, “Hinuhuli ng Dios ang marurunong sa kanilang katusuhan,”3:19 Salmo 94:11. 20at “Alam ng Dios na ang mga pangangatwiran ng marurunong ay walang kabuluhan.” 21Kaya huwag ninyong ipagmalaki ang sinuman. Sapagkat lahat ay ibinigay ng Dios sa inyo para sa ikabubuti ninyo. 22Ako, si Apolos, at si Pedro3:22 Pedro: sa Griego, Cefas., kaming lahat ay inyo. Maging ang mundo, ang buhay at kamatayan, ang kasalukuyan at hinaharap, lahat ng itoʼy sa inyo. 23At kayo naman ay kay Cristo, at si Cristo naman ay sa Dios.