Revelation 15 – NIV & TCB

New International Version

Revelation 15:1-8

Seven Angels With Seven Plagues

1I saw in heaven another great and marvelous sign: seven angels with the seven last plagues—last, because with them God’s wrath is completed. 2And I saw what looked like a sea of glass glowing with fire and, standing beside the sea, those who had been victorious over the beast and its image and over the number of its name. They held harps given them by God 3and sang the song of God’s servant Moses and of the Lamb:

“Great and marvelous are your deeds,

Lord God Almighty.

Just and true are your ways,

King of the nations.15:3 Some manuscripts ages

4Who will not fear you, Lord,

and bring glory to your name?

For you alone are holy.

All nations will come

and worship before you,

for your righteous acts have been revealed.”15:3,4 Phrases in this song are drawn from Psalm 111:2,3; Deut. 32:4; Jer. 10:7; Psalms 86:9; 98:2.

5After this I looked, and I saw in heaven the temple—that is, the tabernacle of the covenant law—and it was opened. 6Out of the temple came the seven angels with the seven plagues. They were dressed in clean, shining linen and wore golden sashes around their chests. 7Then one of the four living creatures gave to the seven angels seven golden bowls filled with the wrath of God, who lives for ever and ever. 8And the temple was filled with smoke from the glory of God and from his power, and no one could enter the temple until the seven plagues of the seven angels were completed.

Tagalog Contemporary Bible

Pahayag 15:1-8

Ang Panghuling mga Salot

1Isa pang kagila-gilalas na pangitain ang nakita ko sa langit. May pitong anghel doon na may dalang pito pang salot. Iyon ang panghuling mga salot na ipapadala ng Dios bilang parusa sa mga tao.

2At nakita ko ang parang dagat na kasinglinaw ng kristal na may nagliliyab na apoy. Nakatayo roon ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa imahen nito. Hindi sila nagpatatak ng numero na simbolo ng pangalan ng halimaw na iyon. May hawak silang mga alpa na ibinigay sa kanila ng Dios. 3Umaawit sila ng awit ni Moises na lingkod ng Dios, na siya ring awit ng Tupa. Ito ang awit nila:

“Panginoong Dios na makapangyarihan sa lahat,

kahanga-hanga ang inyong mga gawa!

Hari kayo ng lahat ng bansa,

ang mga pamamaraan ninyo ay makatarungan at tama!

4Sino ang hindi matatakot at hindi magpupuri sa inyo?

Kayo lang ang banal.

Lalapit at sasamba sa inyo ang mga tao sa lahat ng bansa,

sapagkat nakita na ng lahat ang matuwid ninyong gawa.”

5Pagkatapos nito, nakita ko na bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Sambahan, kung saan nakalagay ang Kautusan. 6At mula roon sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na puting-puti at may gintong pamigkis sa kanilang dibdib. 7Ang isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng tig-iisang sisidlang ginto na puno ng mga parusa ng Dios na nabubuhay magpakailanman. 8Napuno ng usok ang templo dahil sa kadakilaan at kapangyarihan ng Dios. At walang makakapasok doon hanggaʼt hindi pa natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.