Psalms 74 – NIV & TCB

New International Version

Psalms 74:1-23

Psalm 74

A maskilTitle: Probably a literary or musical term of Asaph.

1O God, why have you rejected us forever?

Why does your anger smolder against the sheep of your pasture?

2Remember the nation you purchased long ago,

the people of your inheritance, whom you redeemed—

Mount Zion, where you dwelt.

3Turn your steps toward these everlasting ruins,

all this destruction the enemy has brought on the sanctuary.

4Your foes roared in the place where you met with us;

they set up their standards as signs.

5They behaved like men wielding axes

to cut through a thicket of trees.

6They smashed all the carved paneling

with their axes and hatchets.

7They burned your sanctuary to the ground;

they defiled the dwelling place of your Name.

8They said in their hearts, “We will crush them completely!”

They burned every place where God was worshiped in the land.

9We are given no signs from God;

no prophets are left,

and none of us knows how long this will be.

10How long will the enemy mock you, God?

Will the foe revile your name forever?

11Why do you hold back your hand, your right hand?

Take it from the folds of your garment and destroy them!

12But God is my King from long ago;

he brings salvation on the earth.

13It was you who split open the sea by your power;

you broke the heads of the monster in the waters.

14It was you who crushed the heads of Leviathan

and gave it as food to the creatures of the desert.

15It was you who opened up springs and streams;

you dried up the ever-flowing rivers.

16The day is yours, and yours also the night;

you established the sun and moon.

17It was you who set all the boundaries of the earth;

you made both summer and winter.

18Remember how the enemy has mocked you, Lord,

how foolish people have reviled your name.

19Do not hand over the life of your dove to wild beasts;

do not forget the lives of your afflicted people forever.

20Have regard for your covenant,

because haunts of violence fill the dark places of the land.

21Do not let the oppressed retreat in disgrace;

may the poor and needy praise your name.

22Rise up, O God, and defend your cause;

remember how fools mock you all day long.

23Do not ignore the clamor of your adversaries,

the uproar of your enemies, which rises continually.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 74:1-23

Salmo 7474 Salmo 74 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni Asaf.

Panalangin para sa Bansa sa Oras ng Kaguluhan

1O Dios, hanggang kailan mo kami itatakwil?

Bakit kayo nagagalit sa mga taong inyong kinakalinga?

2Alalahanin nʼyo ang mga mamamayan na inyong pinili, ang lahing tinubos nʼyo, mula pa noong una at ginawa nʼyong pinakatangi-tanging kayamanan.

Alalahanin nʼyo rin ang bundok ng Zion na inyong tahanan.

3Puntahan nʼyo ang lugar na sira pa rin hanggang ngayon;

tingnan nʼyo kung paanong sinira ng mga kaaway ang lahat sa templo.

4Sumigaw sila sa loob ng inyong templo.

Nagtaas pa sila roon ng mga bandila bilang simbolo ng kanilang tagumpay.

5Sinibak nila ang templo na parang pumuputol ng punongkahoy sa gubat gamit ang palakol.

6Winasak nila ang mga inukit na mga kagamitan sa pamamagitan ng mga palakol.

7Nilapastangan at sinunog nila ang inyong tahanan.

8Sinabi nila sa kanilang sarili, “Lipulin natin silang lahat!”

Sinunog nila ang lahat ng lugar na pinagsasambahan sa inyo, O Dios.

9Wala nang palatandaan na kasama namin kayo.

Wala nang propetang naiwan at walang nakakaalam kung hanggang kailan matatapos ang mga nangyayaring ito sa amin.

10O Dios, hanggang kailan kayo kukutyain ng aming mga kaaway?

Papayagan nʼyo ba silang lapastanganin ang inyong pangalan habang buhay?

11Bakit wala kayong ginagawa?

Kumilos na kayo!74:11 Bakit … kayo: sa literal, Bakit nʼyo itinatago ang inyong kanang kamay? Ipakita nʼyo ito!

Puksain nʼyo na sila!

12Kayo, O Dios, ang aming Hari mula pa noong una.

Paulit-ulit nʼyo nang iniligtas ang mga tao sa mundo.74:12 mundo: o, lupain ng Israel.

13Hinati nʼyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan at dinurog ang ulo ng mga dambuhalang hayop sa dagat.

14Dinurog nʼyo ang ulo ng dragon na Leviatan at ipinakain ang bangkay nito sa mga hayop sa ilang.

15Kayo ang nagpapadaloy ng mga bukal at mga batis, at ang ilog na hindi natutuyo ay pinapatuyo ninyo.

16Kayo ang gumawa ng araw at ng gabi at naglagay ng araw at ng buwan sa kanilang kinalalagyan.

17Kayo rin ang naglagay ng mga hangganan sa mundo

at lumikha ng tag-araw at taglamig.

18Alalahanin nʼyo Panginoon, kung paano kayo pinahiya at kinutya ng mga hangal na kaaway.

Kung paano nilapastangan ng mga mangmang na ito ang inyong pangalan.

19Huwag nʼyong ibigay sa kanilang mga kaaway na parang mababangis na hayop ang inyong mga mamamayan na parang kalapati.

Huwag nʼyong lubusang kalimutan ang inyong mga mamamayan na laging inaapi.

20Alalahanin nʼyo ang kasunduan ninyo sa amin,

dahil laganap ang kalupitan sa madidilim na lugar ng lupaing ito.

21Huwag nʼyong payagang mapahiya ang mga mahihirap at nangangailangan.

Purihin sana nila kayo.

22Sige na po, O Dios, ipagtanggol nʼyo ang inyong karangalan.

Alalahanin nʼyo kung paano kayo laging hinihiya ng mga hangal na ito.

23Huwag nʼyong balewalain ang walang tigil na paghiyaw ng inyong mga kaaway upang ipakita ang kanilang galit.