Psalms 45 – NIV & TCB

New International Version

Psalms 45:1-17

Psalm 45In Hebrew texts 45:1-17 is numbered 45:2-18.

For the director of music. To the tune of “Lilies.” Of the Sons of Korah. A maskil.Title: Probably a literary or musical term A wedding song.

1My heart is stirred by a noble theme

as I recite my verses for the king;

my tongue is the pen of a skillful writer.

2You are the most excellent of men

and your lips have been anointed with grace,

since God has blessed you forever.

3Gird your sword on your side, you mighty one;

clothe yourself with splendor and majesty.

4In your majesty ride forth victoriously

in the cause of truth, humility and justice;

let your right hand achieve awesome deeds.

5Let your sharp arrows pierce the hearts of the king’s enemies;

let the nations fall beneath your feet.

6Your throne, O God,45:6 Here the king is addressed as God’s representative. will last for ever and ever;

a scepter of justice will be the scepter of your kingdom.

7You love righteousness and hate wickedness;

therefore God, your God, has set you above your companions

by anointing you with the oil of joy.

8All your robes are fragrant with myrrh and aloes and cassia;

from palaces adorned with ivory

the music of the strings makes you glad.

9Daughters of kings are among your honored women;

at your right hand is the royal bride in gold of Ophir.

10Listen, daughter, and pay careful attention:

Forget your people and your father’s house.

11Let the king be enthralled by your beauty;

honor him, for he is your lord.

12The city of Tyre will come with a gift,45:12 Or A Tyrian robe is among the gifts

people of wealth will seek your favor.

13All glorious is the princess within her chamber;

her gown is interwoven with gold.

14In embroidered garments she is led to the king;

her virgin companions follow her—

those brought to be with her.

15Led in with joy and gladness,

they enter the palace of the king.

16Your sons will take the place of your fathers;

you will make them princes throughout the land.

17I will perpetuate your memory through all generations;

therefore the nations will praise you for ever and ever.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 45:1-17

Salmo 4545 Salmo 45 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang “maskil” na isinulat ng mga anak ni Kora. Itoʼy awit para sa kasal. Sa direktor ng mga mang-aawit: Awitin ninyo ito sa tono ng awiting “Mga Lily.”

Ang Kasal ng Hari

1Ang aking puso ay punong-puno ng magagandang paksa

habang akoʼy nagsasalita ng mga tula para sa hari.

Ang aking kakayahan sa pagsasalita ay katulad ng kakayahan ng isang magaling na makata.

2Mahal na Hari, kayo ang pinakamagandang lalaki sa lahat.

At ang mga salita nʼyo ay nakabubuti sa iba.

Kaya lagi kayong pinagpapala ng Dios.

3Marangal na hari na dakilang mandirigma!

Isukbit nʼyo sa inyong tagiliran ang inyong espada.

4Ipahayag na ang inyong kadakilaan!

Maging matagumpay kayo na may katotohanan, kapakumbabaan at katuwiran.

Gumawa kayo ng mga kahanga-hangang bagay sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

5Patamaan nʼyo ng matatalim nʼyong palaso ang puso ng inyong mga kaaway.

Babagsak ang mga bansa sa inyong paanan.

6O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman

at ang paghahari moʼy makatuwiran.

7Kinalulugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamumuhian mo ang gumagawa ng masama.

Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.

8Ang mga damit nʼyo ay pinabanguhan ng mira, aloe at kasia.

Sa inyong palasyo na nakakasilaw sa ganda,45:8 nakakasilaw sa ganda: sa literal, nilagyan ng palamuti.

nililibang kayo ng mga tugtugin ng alpa.

9Ang ilan sa inyong mga kagalang-galang na babae ay mga prinsesa.

At sa inyong kanan ay nakatayo ang reyna

na nakasuot ng mga alahas na purong ginto mula sa Ofir.

10O kasintahan ng hari, pakinggan mo ang sasabihin ko:

Kalimutan mo ang iyong mga kamag-anak at mga kababayan.

11Nabihag mo ang hari ng iyong kagandahan.

Siyaʼy iyong amo na dapat igalang.

12Ang mga taga-Tyre ay magdadala sa iyo ng kaloob;

pati ang mga mayayaman ay hihingi ng pabor sa iyo.

13Nagniningning ang kagandahan ng prinsesa sa loob ng kanyang silid.

Ang kanyang suot na trahe de boda ay may mga burdang ginto.

14Sa ganitong kasuotan ay dadalhin siya sa hari,

kasama ng mga dalagang abay.

15Masayang-masaya silang papasok sa palasyo ng hari.

16Mahal na Hari, ang inyong mga anak na lalaki

ay magiging hari rin, katulad ng kanilang mga ninuno.

Gagawin nʼyo silang mga pinuno sa buong daigdig.

17Ipapaalala kita sa lahat ng salinlahi.

Kaya pupurihin ka ng mga tao magpakailanman.