Psalm 137
1By the rivers of Babylon we sat and wept
when we remembered Zion.
2There on the poplars
we hung our harps,
3for there our captors asked us for songs,
our tormentors demanded songs of joy;
they said, “Sing us one of the songs of Zion!”
4How can we sing the songs of the Lord
while in a foreign land?
5If I forget you, Jerusalem,
may my right hand forget its skill.
6May my tongue cling to the roof of my mouth
if I do not remember you,
if I do not consider Jerusalem
my highest joy.
7Remember, Lord, what the Edomites did
on the day Jerusalem fell.
“Tear it down,” they cried,
“tear it down to its foundations!”
8Daughter Babylon, doomed to destruction,
happy is the one who repays you
according to what you have done to us.
9Happy is the one who seizes your infants
and dashes them against the rocks.
Salmo 137
Ang Panaghoy ng mga Taga-Israel nang Silaʼy Nabihag
1Nang maalala namin ang Zion, umupo kami sa pampang ng mga ilog ng Babilonia at umiyak.
2Isinabit na lang namin ang aming mga alpa sa mga sanga ng kahoy.
3Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin.
Inuutusan nila kaming sila ay aliwin.
Ang sabi nila,
“Awitan ninyo kami ng mga awit tungkol sa Zion!”
4Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng Panginoon sa lupain ng mga bumihag sa amin?
5Sanaʼy hindi na gumalaw ang kanan kong kamay kung kalilimutan ko ang Jerusalem!
6Sanaʼy maging pipi ako kung hindi ko aalalahanin at ituturing na malaking kasiyahan ang Jerusalem.
7Panginoon, alalahanin nʼyo ang ginawa ng mga taga-Edom nang lupigin ng Babilonia ang Jerusalem.
Sinabi nila,
“Sirain ninyo ito at wasakin nang lubos!”
8Kayong mga taga-Babilonia, kayoʼy wawasakin!
Mapalad ang mga taong lilipol sa inyo gaya ng ginawa ninyong paglipol sa amin.
9Mapalad silang kukuha ng inyong mga sanggol,
at ihahampas sa mga bato.