Malachi 4 – NIV & TCB

New International Version

Malachi 4:1-6

Judgment and Covenant Renewal

In Hebrew texts 4:1-6 is numbered 3:19-24. 1“Surely the day is coming; it will burn like a furnace. All the arrogant and every evildoer will be stubble, and the day that is coming will set them on fire,” says the Lord Almighty. “Not a root or a branch will be left to them. 2But for you who revere my name, the sun of righteousness will rise with healing in its rays. And you will go out and frolic like well-fed calves. 3Then you will trample on the wicked; they will be ashes under the soles of your feet on the day when I act,” says the Lord Almighty.

4“Remember the law of my servant Moses, the decrees and laws I gave him at Horeb for all Israel.

5“See, I will send the prophet Elijah to you before that great and dreadful day of the Lord comes. 6He will turn the hearts of the parents to their children, and the hearts of the children to their parents; or else I will come and strike the land with total destruction.”

Tagalog Contemporary Bible

Malakias 4:1-6

Ang Araw ng Pagpaparusa ng Panginoon

1Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Tiyak na darating ang araw ng aking pagpaparusa. Magiging tulad ito ng nagliliyab na pugon. Parurusahan kong gaya ng pagsunog sa dayami ang lahat ng mayayabang at ang gumagawa ng masama. Magiging tulad sila ng sinunog na kahoy na walang natirang sanga o ugat. 2Pero kayong may paggalang sa akin ay ililigtas ko gaya ng pagsikat ng araw4:2 ililigtas … araw: sa literal, sisikatan ng araw ng katuwiran. na ang sinag nito ay nagbibigay ng kabutihan. At lulundag kayo sa tuwa, na parang mga guyang pinakawalan sa kulungan. 3Pagdating ng araw na isakatuparan ko na ang mga bagay na ito, lilipulin ninyo ang masasama na parang alikabok na tinatapakan.

4“Sundin ninyo4:4 Sundin ninyo: sa literal, Alalahanin ninyo. ang Kautusang ibinigay ng aking lingkod na si Moises. Ang mga utos at mga tuntuning iyan ay ibinigay ko sa kanya doon sa Bundok ng Sinai4:4 Bundok ng Sinai: sa Hebreo, Horeb. upang sundin ng lahat ng mamamayan ng Israel.

5“Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng aking pagpaparusa, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. 6Ibabalik niya ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan.”