Hosea 8 – NIV & TCB

New International Version

Hosea 8:1-14

Israel to Reap the Whirlwind

1“Put the trumpet to your lips!

An eagle is over the house of the Lord

because the people have broken my covenant

and rebelled against my law.

2Israel cries out to me,

‘Our God, we acknowledge you!’

3But Israel has rejected what is good;

an enemy will pursue him.

4They set up kings without my consent;

they choose princes without my approval.

With their silver and gold

they make idols for themselves

to their own destruction.

5Samaria, throw out your calf-idol!

My anger burns against them.

How long will they be incapable of purity?

6They are from Israel!

This calf—a metalworker has made it;

it is not God.

It will be broken in pieces,

that calf of Samaria.

7“They sow the wind

and reap the whirlwind.

The stalk has no head;

it will produce no flour.

Were it to yield grain,

foreigners would swallow it up.

8Israel is swallowed up;

now she is among the nations

like something no one wants.

9For they have gone up to Assyria

like a wild donkey wandering alone.

Ephraim has sold herself to lovers.

10Although they have sold themselves among the nations,

I will now gather them together.

They will begin to waste away

under the oppression of the mighty king.

11“Though Ephraim built many altars for sin offerings,

these have become altars for sinning.

12I wrote for them the many things of my law,

but they regarded them as something foreign.

13Though they offer sacrifices as gifts to me,

and though they eat the meat,

the Lord is not pleased with them.

Now he will remember their wickedness

and punish their sins:

They will return to Egypt.

14Israel has forgotten their Maker

and built palaces;

Judah has fortified many towns.

But I will send fire on their cities

that will consume their fortresses.”

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 8:1-14

Pinarusahan ng Dios ang Israel Dahil sa Kanilang Pagsamba sa mga Dios-diosan

1“Hipan ninyo ang trumpeta upang bigyang babala ang aking mga mamamayan, ang Israel na itinuturing kong tahanan,8:1 Israel … tahanan: o, templo ko. na lulusubin sila ng kalaban na kasimbilis ng agila. Sapagkat sinira nila ang kasunduan ko sa kanila at nilabag nila ang aking Kautusan. 2Nagsusumamo sila sa akin, ‘Dios ng Israel, kinikilala ka namin.’ 3Pero itinakwil nila ang mabuti, kaya hahabulin sila ng kanilang kalaban. 4Pumili sila ng mga hari at mga opisyal na hindi ko pinili. Gumawa sila ng mga dios-diosan mula sa kanilang mga pilak at ginto, at ang mga ito ang nagdala sa kanila sa kapahamakan. 5Itinatakwil ko8:5 ko: sa Hebreo, niya. ang dios-diosang baka ng mga taga-Samaria. Galit na galit ako sa kanila. Hanggang kailan sila mananatiling marumi? 6Ang dios-diosang baka ng Samaria ay ginawa lamang ng mga platero na taga-Israel. Hindi iyon Dios! Tiyak na dudurugin iyon.

7“Para silang naghahasik ng hangin at nag-aani ng buhawi.8:7 Para … buhawi: Maaaring ang ibig sabihin nito, dahil sa kanilang mga ginagawa na walang kabuluhan, matinding parusa ang igaganti sa kanila. Para ring trigo na walang uhay, kaya walang makukuhang pagkain. At kung mamumunga man, taga-ibang bansa naman ang lalamon nito. 8Ang Israel ay parang nilamon ng ibang bansa. At ngayong nakikisalamuha na siya sa kanila, para na siyang kasangkapang walang silbi. 9Para siyang asnong-gubat na nag-iisa at naliligaw. Humingi siya ng tulong sa Asiria; binayaran niya8:9 niya: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 11. Tingnan ang “footnote” sa 4:17. ang kanyang mga kakamping bansa para ipagtanggol siya. 10Pero kahit na nagpasakop siya sa mga bansang iyon, titipunin ko ngayon ang kanyang mga mamamayan at parurusahan. At magsisimula na ang kanilang paghihirap sa pang-aapi ng isang hari at ng mga opisyal8:10 isang hari at ng mga opisyal: o, mga hari at mga opisyal; o, makapangyarihang hari. niya. 11Nagpagawa nga sila ng maraming altar para sa mga handog sa paglilinis, pero doon din sila gumawa ng kasalanan. 12Marami akong ipinasulat na kautusan para sa kanila, pero ang mga itoʼy itinuring nilang para sa iba at hindi para sa kanila. 13Naghahandog sila sa akin at kinakain nila ang karneng handog,8:13 kinakain … handog: Ayon sa Lev. 7:11-18, ang karne na inialay bilang handog para sa mabuting relasyon ay kakainin ng pamilya ng naghandog at ng mga pari. pero hindi ako nalulugod sa kanila. At ngayon aalalahanin ko ang kanilang kasamaan at parurusahan ko sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Babalik sila sa Egipto. 14Kinalimutan ng mga taga-Israel ang lumikha sa kanila. Sila at ang mga taga-Juda ay nagtayo ng mga palasyo8:14 palasyo: o, templo. at maraming napapaderang bayan. Pero susunugin ko ang kanilang mga lungsod at ang matitibay na bahagi nito.”