Daniel 10 – NIV & TCB

New International Version

Daniel 10:1-21

Daniel’s Vision of a Man

1In the third year of Cyrus king of Persia, a revelation was given to Daniel (who was called Belteshazzar). Its message was true and it concerned a great war.10:1 Or true and burdensome The understanding of the message came to him in a vision.

2At that time I, Daniel, mourned for three weeks. 3I ate no choice food; no meat or wine touched my lips; and I used no lotions at all until the three weeks were over.

4On the twenty-fourth day of the first month, as I was standing on the bank of the great river, the Tigris, 5I looked up and there before me was a man dressed in linen, with a belt of fine gold from Uphaz around his waist. 6His body was like topaz, his face like lightning, his eyes like flaming torches, his arms and legs like the gleam of burnished bronze, and his voice like the sound of a multitude.

7I, Daniel, was the only one who saw the vision; those who were with me did not see it, but such terror overwhelmed them that they fled and hid themselves. 8So I was left alone, gazing at this great vision; I had no strength left, my face turned deathly pale and I was helpless. 9Then I heard him speaking, and as I listened to him, I fell into a deep sleep, my face to the ground.

10A hand touched me and set me trembling on my hands and knees. 11He said, “Daniel, you who are highly esteemed, consider carefully the words I am about to speak to you, and stand up, for I have now been sent to you.” And when he said this to me, I stood up trembling.

12Then he continued, “Do not be afraid, Daniel. Since the first day that you set your mind to gain understanding and to humble yourself before your God, your words were heard, and I have come in response to them. 13But the prince of the Persian kingdom resisted me twenty-one days. Then Michael, one of the chief princes, came to help me, because I was detained there with the king of Persia. 14Now I have come to explain to you what will happen to your people in the future, for the vision concerns a time yet to come.”

15While he was saying this to me, I bowed with my face toward the ground and was speechless. 16Then one who looked like a man10:16 Most manuscripts of the Masoretic Text; one manuscript of the Masoretic Text, Dead Sea Scrolls and Septuagint Then something that looked like a human hand touched my lips, and I opened my mouth and began to speak. I said to the one standing before me, “I am overcome with anguish because of the vision, my lord, and I feel very weak. 17How can I, your servant, talk with you, my lord? My strength is gone and I can hardly breathe.”

18Again the one who looked like a man touched me and gave me strength. 19“Do not be afraid, you who are highly esteemed,” he said. “Peace! Be strong now; be strong.”

When he spoke to me, I was strengthened and said, “Speak, my lord, since you have given me strength.”

20So he said, “Do you know why I have come to you? Soon I will return to fight against the prince of Persia, and when I go, the prince of Greece will come; 21but first I will tell you what is written in the Book of Truth. (No one supports me against them except Michael, your prince.

Tagalog Contemporary Bible

Daniel 10:1-21

Ang Pangitain ni Daniel sa Pampang ng Ilog ng Tigris

1Nang ikatlong taon ng paghahari ni Cyrus sa Persia, may ipinahayag na mensahe kay Daniel na tinatawag ding Belteshazar. Totoo ang pahayag at tungkol ito sa malaking digmaan. Naunawaan ni Daniel ang pahayag dahil ipinaliwanag ito sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. 2Ganito ang nangyari ayon kay Daniel:

Nang panahong iyon, tatlong linggo akong nagdalamhati. 3Hindi ako kumain ng masarap na pagkain, ni tumikim ng karne o uminom ng alak, at hindi rin ako nagpabango ng katawan sa loob ng tatlong linggo.

4Nang ika-24 na araw ng unang buwan, nakatayo ako sa tabi ng malawak na Ilog ng Tigris. 5May nakita ako doon na parang tao na nakadamit ng telang linen at may tali sa baywang na puro ginto. 6Ang katawan niya ay kumikinang na parang mamahaling bato. Ang kanyang mukha ay kumikislap na parang kidlat, at ang kanyang mga mata ay nagliliyab na parang sulo. Ang kanyang mga kamay at mga paa ay kumikinang na parang makinis na tanso, at ang kanyang tinig ay parang ingay ng napakaraming tao.

7Ako lang talaga ang nakakita ng pangitaing iyon. Hindi iyon nakita ng aking mga kasama, pero nagsipagtago sila dahil sa takot. 8Kaya naiwan akong nag-iisa at ako lang ang nakakita ng kamangha-manghang pangitaing iyon. Namutla ako at nawalan ng lakas. 9Narinig kong nagsasalita ang taong iyon. At habang nagsasalita siya, nawalan ako ng malay at nasubsob sa lupa. 10Hinawakan at tinulungan niya ako habang nanginginig pa ang aking mga kamay at mga tuhod. 11Sinabi niya, “Daniel, mahal ka ng Dios. Tumayo ka at makinig nang mabuti sa sasabihin ko sa iyo, dahil isinugo ako ng Dios dito sa iyo.” Pagkasabi niya noon, nanginginig akong tumayo. 12Sinabi niya sa akin, “Daniel, huwag kang matakot. Sapagkat sa unang araw pa lamang ng iyong pagpapakumbaba sa Dios at sa hangad mong maunawaan ang pangitain, sinagot na ang iyong dalangin. Kaya pumarito ako para dalhin ang kasagutan sa iyong dalangin. 13Pero hindi ako nakarating agad dito dahil sa loob ng 21 araw ay hinadlangan ako ng pinuno10:13 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang masamang anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Persia. ng kaharian ng Persia. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Micael na pinuno ng mga anghel dahil ako lang ang nakikipaglaban sa pinuno ng Persia. 14Narito ako ngayon para ipaliwanag sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong mga kababayang Israelita sa hinaharap, dahil ang iyong pangitain ay tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap.”

15Habang nagsasalita siya sa akin, napayuko na lang ako at hindi nakapagsalita. 16Hinipo ako sa bibig nitong parang tao, at nakapagsalita akong muli. Sinabi ko sa kanya na nakatayo sa aking harapan, “Ginoo, nabagabag po ako at nawalan ng lakas dahil sa pangitaing nakita ko. 17Paano ako makikipag-usap sa inyo gayong wala na akong lakas at halos hindi na ako makahinga?”

18Kaya muli niya akong hinipo at bumalik ang aking lakas. 19Sinabi niya sa akin, “Ikaw na mahal ng Dios, huwag kang matakot o mag-alala. Magpakalakas at magpakatatag ka.” Nang masabi niya ito sa akin, muli akong lumakas. Sinabi ko sa kanya, “Ituloy nʼyo po ang pagsasalita, dahil pinalakas nʼyo na ako.” 20Sumagot siya, “Kinakailangang bumalik ako sa pakikipaglaban sa pinuno ng Persia. Pagkatapos, darating naman ang pinuno10:20 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang masamang anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Grecia. ng Grecia. Pero alam mo ba kung bakit ako pumarito sa iyo? 21Naparito ako para ipaliwanag sa iyo ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan. Sa aking pakikipaglaban, walang ibang tumulong sa akin kundi si Micael lamang, ang pinuno10:21 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang mabuting anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Israel. ng Israel.