Zechariah 12 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Zechariah 12:1-14

The Lord Will Destroy Jerusalem’s Enemies

1This is a prophecy. It is the Lord’s message about Israel.

The Lord spreads out the heavens. He lays the foundation of the earth. He creates the human spirit within a person. He says, 2“Jerusalem will be like a cup in my hand. It will make all the surrounding nations drunk from the wine of my anger. Judah will be attacked by its enemies. So will Jerusalem. 3At that time all the nations on earth will gather together against Jerusalem. Then it will become like a rock that can’t be moved. All the nations that try to move it will only hurt themselves. 4On that day I will fill every horse with panic. I will make every rider crazy,” announces the Lord. “I will watch over the people of Judah. But I will make all the horses of the nations blind. 5Then the family groups of Judah will say in their hearts, ‘The people of Jerusalem are strong. That’s because the Lord who rules over all is their God.’

6“At that time Judah’s family groups will be like a fire pot in a pile of wood. They will be like a burning torch among bundles of grain. They will destroy all the surrounding nations on every side. But Jerusalem will remain unharmed in its place.

7“I will save the houses in Judah first. The honor of David’s family line is great. So is the honor of those who live in Jerusalem. But their honor will not be greater than the honor of the rest of Judah. 8At that time I will be like a shield to those who live in Jerusalem. Then even the weakest among them will be great warriors like David. And David’s family line will be like the angel of the Lord who leads them. 9On that day I will begin to destroy all the nations that attack Jerusalem.

Israel’s People Will Mourn Over the One They Pierced

10“I will pour out a spirit of grace and prayer on David’s family line. I will also send it on those who live in Jerusalem. They will look to me. I am the one they have pierced. They will mourn over me as someone mourns over an only child who has died. They will be full of sorrow over me. Their sorrow will be just like someone’s sorrow over an oldest son. 11At that time there will be a lot of weeping in Jerusalem. It will be as great as the weeping of the people at Hadad Rimmon. Hadad Rimmon is in the valley of Megiddo. They were weeping over Josiah’s death. 12Everyone in the land will mourn. Each family will mourn by themselves and their wives by themselves. That will include the family lines of David, Nathan, 13Levi, Shimei and 14all the others.

Tagalog Contemporary Bible

Zacarias 12:1-14

Lilipulin ang mga Kalaban ng Jerusalem

1Ito ang sinabi ng Panginoon tungkol sa Israel: “Ako ang Panginoon na gumawa ng langit at ng lupa. At ako ang nagbibigay ng buhay sa tao. 2Ang Jerusalem ay gagawin kong parang alak na magpapalasing sa mga bansang nakapalibot dito. At kapag sinalakay nila ang Jerusalem, sasalakayin din nila ang ibang lungsod ng Juda. 3Sa araw na iyon, gagawin kong parang mabigat na bato ang Jerusalem, at ang alinmang bansa na gagalaw dito ay masasaktan. Ang lahat ng bansa sa buong mundo ay magtitipon para salakayin ang Jerusalem. 4Ngunit tatakutin ko ang lahat ng kanilang mga kabayo at lilituhin ang mga sakay nito. Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing babantayan ko ang mga mamamayan ng Juda, ngunit bubulagin ko ang mga kabayo ng mga bansa. 5At sasabihin ng mga pinuno ng Juda sa kanilang sarili, ‘Matatag ang mga mamamayan ng Jerusalem dahil ang Panginoong Makapangyarihan ang kanilang Dios.’

6“Sa araw na iyon, ang mga pinuno ng Juda ay gagawin kong tulad ng naglalagablab na baga sa nakabuntong mga kahoy o tulad ng naglalagablab na sulo sa nakabigkis na mga uhay. Lilipulin nila ang mga bansa sa palibot nila. Pero ang mga taga-Jerusalem ay hindi mapapahamak. 7Una kong pagtatagumpayin ang ibang mga lungsod ng Juda upang ang karangalan ng mga angkan ni David at ng mga taga-Jerusalem ay hindi hihigit sa ibang mga lungsod ng Juda. 8Sa araw na iyon, iingatan ng Panginoon ang mga nakatira sa Jerusalem upang kahit na ang pinakamahina sa kanila ay magiging kasinlakas ni David. Ang mga angkan ni David ay magiging parang Dios,12:8 Dios: o, dios. parang anghel ng Panginoon na nangunguna sa kanila. 9Sa araw na iyon, lilipulin ko ang lahat ng bansang sasalakay sa Jerusalem.

10“Bibigyan ko ang mga angkan ni David at ang mga taga-Jerusalem ng espiritung maawain at mapanalanginin. Pagmamasdan nila ako12:10 ako: o, siya. na kanilang sinibat, at iiyak sila katulad ng magulang na umiiyak sa pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak o anak na panganay. 11Sa araw na iyon, ang iyakan sa Jerusalem ay magiging kasintindi ng iyakan para kay Hadad Rimon sa kapatagan ng Megido. 12-14Iiyak ang bawat pamilya sa lupain ng Israel: ang mga pamilya ng angkan nina David, Natan, Levi, Shimei, at ang iba pang mga pamilya. Magkahiwalay na mag-iiyakan ang mga lalaki at mga babae.”