Psalm 95 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Psalm 95:1-11

Psalm 95

1Come, let us sing for joy to the Lord.

Let us give a loud shout to the Rock who saves us.

2Let us come to him and give him thanks.

Let us praise him with music and song.

3The Lord is the great God.

He is the greatest King.

He rules over all the gods.

4He owns the deepest parts of the earth.

The mountain peaks belong to him.

5The ocean is his, because he made it.

He formed the dry land with his hands.

6Come, let us bow down and worship him.

Let us fall on our knees in front of the Lord our Maker.

7He is our God.

We are the sheep belonging to his flock.

We are the people he takes good care of.

If only you would listen to his voice today.

8He says, “Don’t be stubborn as you were at Meribah.

Don’t be stubborn as you were that day at Massah in the desert.

9There your people of long ago really tested me.

They did it even though they had seen what I had done for them.

10For 40 years I was angry with them.

I said, ‘Their hearts are always going astray.

They do not know how I want them to live.’

11So when I was angry, I made a promise.

I said, ‘They will never enjoy the rest I planned for them.’ ”

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 95:1-11

Salmo 95

Awit ng Pagpupuri sa Dios

1Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan!

Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas.

2Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,

at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.

3Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios.

Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios.

4Siya ang may-ari ng kailaliman ng lupa at tuktok ng mga bundok.

5Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa.

6Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin.

7Dahil siya ang ating Dios

at tayo ang kanyang mga mamamayan na gaya ng mga tupa sa kanyang kawan na kanyang binabantayan at inaalagaan.

Kapag narinig ninyo ang tinig niya,

8huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso,

katulad ng ginawa noon ng inyong mga ninuno doon sa Meriba at sa ilang ng Masa.

9Sinabi ng Dios, “Sinubok nila ako doon, kahit na nakita nila ang mga ginawa ko.

10Sa loob ng 40 taon, lubha akong nagalit sa kanila.

At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo.

11Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.”