Psalm 48 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Psalm 48:1-14

Psalm 48

A song. A psalm of the Sons of Korah.

1The Lord is great. He is really worthy of praise.

Praise him in the city of our God, his holy mountain.

2Mount Zion is high and beautiful.

It brings joy to everyone on earth.

Mount Zion is like the highest parts of Mount Zaphon.

It is the city of the Great King.

3God is there to keep it safe.

He has shown himself to be like a fort to the city.

4Many kings joined forces.

They entered Israel together.

5But when they saw Mount Zion, they were amazed.

They ran away in terror.

6Trembling took hold of them.

They felt pain like a woman giving birth.

7Lord, you destroyed them like ships of Tarshish

that were torn apart by an east wind.

8What we heard we have also seen.

We have seen it

in the city of the Lord who rules over all.

We have seen it in the city of our God.

We have heard and seen that God makes it secure forever.

9God, inside your temple

we think about your faithful love.

10God, your fame reaches from one end of the earth to the other.

So people praise you from one end of the earth to the other.

You use your power to do what is right.

11Mount Zion is filled with joy.

The villages of Judah are glad.

That’s because you judge fairly.

12Walk all around Zion.

Count its towers.

13Think carefully about its outer walls.

Just look at how safe it is!

Then you can tell its people that God keeps them safe.

14This God is our God for ever and ever.

He will be our guide to the very end.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 48:1-14

Salmo 4848 Salmo 48 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ng mga anak ni Kora.

Ang Zion ang Bayan ng Dios

1Dakila ang Panginoon na ating Dios,

at karapat-dapat na papurihan sa kanyang bayan,

ang kanyang banal na bundok.

2Itoʼy mataas at maganda,

at nagbibigay kagalakan sa buong mundo.

Ang banal na bundok ng Zion ay ang bayan ng Makapangyarihang Hari.

3Ang Dios ay nasa mga muog ng Jerusalem,

at ipinakita niyang siya ang Tagapagligtas ng mga taga-Jerusalem.

4Nagtipon-tipon ang mga hari upang sumalakay sa Jerusalem.

5Ngunit noong nakita ng mga hari ang bayan,

nagulat, natakot at nagsitakas sila.

6Dahil sa takot, nanginig sila

gaya ng babaeng nanganganak na namimilipit sa sakit.

7Winasak sila ng Dios tulad ng mga barkong panglayag48:7 barkong panglayag: sa Hebreo, barko ng Tarshish.

na sinisira ng hanging amihan.

8Noon, nabalitaan natin ang ginawa ng ating Dios,

pero ngayon, tayo mismo ang nakakita sa ginawa niya sa kanyang bayan.

Siya ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan,

at patatatagin niya ang kanyang bayan magpakailanman.

9Sa loob ng inyong templo, O Dios,

iniisip namin ang pag-ibig nʼyong matapat.

10O Dios, dakila ang pangalan nʼyo,

at pinupuri kayo ng mga tao sa buong mundo.

Ang kapangyarihan nʼyo ay laging makatarungan.

11Nagagalak ang mga mamamayan ng Zion,48:11 mamamayan ng Zion: sa literal, Bundok ng Zion. Tinatawag ding Zion ang Jerusalem.

at ng mga bayan ng Juda,

dahil sa inyong makatarungang paghatol.

12Mga mamamayan ng Dios,

libutin ninyo ang Zion at bilangin ninyo ang mga tore nito.

13Tingnan ninyong mabuti ang mga pader at ang mga tanggulan ng bayan na ito,

upang masabi ninyo sa susunod na salinlahi,

14“Siya ang Dios, ang Dios natin magpakailanman.

Siya ang gagabay sa atin habang buhay.”