Psalm 18 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Psalm 18:1-50

Psalm 18

For the director of music. A psalm of David, the servant of the Lord. He sang the words of this song to the Lord. He sang them when the Lord saved him. He saved him from the power of all his enemies and of Saul. David said,

1I love you, Lord.

You give me strength.

2The Lord is my rock and my place of safety. He is the God who saves me.

My God is my rock. I go to him for safety.

He is like a shield to me. He’s the power that saves me. He’s my place of safety.

3I called out to the Lord. He is worthy of praise.

He saved me from my enemies.

4The ropes of death were almost wrapped around me.

A destroying flood swept over me.

5The ropes of the grave were tight around me.

Death set its trap in front of me.

6When I was in trouble, I called out to the Lord.

I cried to my God for help.

From his temple he heard my voice.

My cry for help reached his ears.

7The earth trembled and shook.

The base of the mountains rocked back and forth.

It trembled because the Lord was angry.

8Smoke came out of his nose.

Flames of fire came out of his mouth.

Burning coals blazed out of it.

9He opened the heavens and came down.

Dark clouds were under his feet.

10He stood on the cherubim and flew.

The wings of the wind lifted him up.

11He covered himself with darkness.

The dark rain clouds of the sky were like a tent around him.

12Clouds came out of the brightness that was all around him.

They came with hailstones and flashes of lightning.

13The Lord thundered from heaven.

The voice of the Most High God was heard.

14He shot his arrows and scattered our enemies.

He sent great flashes of lightning and chased the enemies away.

15The bottom of the sea could be seen.

The foundations of the earth were uncovered.

Lord, it happened when your anger blazed out.

It came like a blast of breath from your nose.

16He reached down from heaven. He took hold of me.

He lifted me out of deep waters.

17He saved me from my powerful enemies.

He set me free from those who were too strong for me.

18They opposed me when I was in trouble.

But the Lord helped me.

19He brought me out into a wide and safe place.

He saved me because he was pleased with me.

20The Lord has been good to me because I do what is right.

He has rewarded me because I lead a pure life.

21I have lived the way the Lord wanted me to.

I am not guilty of turning away from my God.

22I keep all his laws in mind.

I haven’t turned away from his commands.

23He knows that I am without blame.

He knows I’ve kept myself from sinning.

24The Lord has rewarded me for doing what is right.

He has rewarded me because I haven’t done anything wrong.

25Lord, to those who are faithful you show that you are faithful.

To those who are without blame you show that you are without blame.

26To those who are pure you show that you are pure.

But to those whose paths are crooked you show that you are clever.

27You save those who aren’t proud.

But you bring down those whose eyes are proud.

28Lord, you keep the lamp of my life burning brightly.

You are my God. You bring light into my darkness.

29With your help I can attack a troop of soldiers.

With the help of my God I can climb over a wall.

30God’s way is perfect.

The Lord’s word doesn’t have any flaws.

He is like a shield

to all who go to him for safety.

31Who is God except the Lord?

Who is the Rock except our God?

32God gives me strength for the battle.

He keeps my way secure.

33He makes my feet like the feet of a deer.

He causes me to stand on the highest places.

34He trains my hands to fight every battle.

My arms can bend a bow of bronze.

35Lord, you are like a shield that keeps me safe.

Your strong right hand keeps me going.

Your help has made me great.

36You give me a wide path to walk on

so that I don’t twist my ankles.

37I chased my enemies and caught them.

I didn’t turn back until they were destroyed.

38I crushed them so that they couldn’t get up.

They fell under my feet.

39Lord, you gave me strength to fight the battle.

You made my enemies humble in front of me.

40You made them turn their backs and run away.

So I destroyed my enemies.

41They cried out for help. But there was no one to save them.

They called out to the Lord. But he didn’t answer them.

42I beat them as fine as dust blown by the wind.

I stomped on them like mud in the streets.

43You saved me when my own people attacked me.

You made me the ruler over nations.

People I didn’t know serve me now.

44People from other lands bow down to me in fear.

As soon as they hear me, they obey me.

45All of them give up hope.

They come trembling out of their hiding places.

46The Lord lives! Give praise to my Rock!

Give honor to God my Savior!

47He is the God who pays back my enemies.

He brings the nations under my control.

48He saves me from my enemies.

You have honored me more than them.

You have saved me from a man who wanted to hurt me.

49Lord, I will praise you among the nations.

I will sing the praises of your name.

50The Lord helps his king win great battles.

He shows his faithful love to his anointed king.

He shows it to David and to his family forever.

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 18:1-50

Salmo 1818 Salmo 18 Ang unang mga salita sa Hebreo: Para sa direktor ng mga mang-aawit. Ang awit na isinulat ni David na lingkod ng Panginoon. Inawit niya ito noong iniligtas siya ng Panginoon mula kay Saul at sa iba pa niyang mga kalaban.

Awit ng Tagumpay ni David

(2 Sam. 22:1-51)

1Iniibig ko kayo Panginoon. Kayo ang aking kalakasan.

2Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang.

Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.

3Karapat-dapat kayong purihin, Panginoon,

dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.

4-5Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking dadaanan,

na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin.

6Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa inyo, Panginoon kong Dios,

at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko sa inyong templo.

7Nagalit kayo, at lumindol, maging ang pundasyon ng mga bundok ay nayanig.

8Umusok din ang inyong ilong,

at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.

9Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumaba,

at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.

10Kayoʼy sumakay sa isang kerubin,

at mabilis na lumipad na dala ng hangin.

11Ginawa nʼyong talukbong ang kadiliman,

at nagtago kayo sa maitim na ulap.

12Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan,

at mula rooʼy bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.

13Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Dios na aming Panginoon, ay dumadagundong mula sa langit.

14Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalaban

at nataranta silang nagsitakas.

15Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito,

pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.

16At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo

at inahon mula sa malalim na tubig.

17Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.

18Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan.

Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.

19Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.

20Pinagpala nʼyo ako dahil akoʼy namumuhay sa katuwiran.

Sa kalinisan ng aking kamay akoʼy inyong ginantimpalaan.

21Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban,

at hindi ko kayo tinalikuran, Panginoon na aking Dios.

22Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos.

Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway.

23Alam nʼyong namumuhay ako ng walang kapintasan,

at iniiwasan ko ang kasamaan.

24Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan,

dahil nakita nʼyong matuwid ang aking pamumuhay.

25Tapat kayo sa mga tapat sa inyo,

at mabuti kayo sa mabubuting tao.

26Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo,

ngunit tuso kayo sa mga taong masama.

27Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba,

ngunit ang nagmamataas ay inyong ibinababa.

28Panginoon kong Dios, kayo ang nagbibigay sa akin ng liwanag.

Sa gitna ng kadiliman kayo ang aking tanglaw.

29Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo,

at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.

30Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian.

Ang inyong mga salita ay maaasahan.

Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan18:30 naghahanap ng kaligtasan: sa Hebreo, nanganganlong. sa inyo.

31Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba.

At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan.

32Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan,

at nagbabantay sa aking daraanan.

33Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa,

upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.

34Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana.

35Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin.

Inaakay nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan,

at dahil sa tulong nʼyo, naging tanyag ako.

36Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan,

kaya hindi ako natitisod.

37Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila,

at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.

38Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak,

at hindi na makabangon sa aking paanan.

39Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban,

kaya natalo ko ang aking mga kalaban.

40Dahil sa inyo, umatras ang aking mga kaaway na may galit sa akin,

at silaʼy pinatay ko.

41Humingi sila ng tulong, ngunit walang sinumang tumulong.

Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.

42Dinurog ko sila hanggang sa naging alikabok na lang na inililipad ng hangin,

at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.

43Akoʼy iniligtas nʼyo sa mga rebelde,

at ginawa nʼyo akong pinuno ng maraming bansa.

Kahit akoʼy hindi nila kilala, pinaglingkuran nila ako.

44Yumuyukod sila sa aking harapan.

Naririnig pa lang nila ang tungkol sa akin, sumusunod agad sila sa utos ko.

45Nawawalan sila ng lakas ng loob,

kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.

46Buhay kayo, Panginoon!

Karapat-dapat kayong purihin at dakilain,

O Dios na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!

47Pinaghigantihan nʼyo ang aking mga kaaway,

at ipinasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan.

48Inililigtas nʼyo ako sa mararahas kong kalaban,

at pinagtagumpay nʼyo ako sa kanila.

49Kaya pararangalan ko kayo sa mga bansa.

O Panginoon, aawitan ko kayo ng mga papuri.

50Sa hinirang nʼyong hari ay nagbigay kayo ng maraming tagumpay.

Ang inyong pagmamahal ay ipinadama nʼyo kay David at sa kanyang lahi magpakailanman.