Proverbs 5 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Proverbs 5:1-23

A Warning Against Committing Adultery

1My son, pay attention to my wisdom.

Listen carefully to my wise sayings.

2Then you will continue to have good sense.

Your lips will keep on speaking words of knowledge.

3A woman who commits adultery has lips that drip honey.

What she says is smoother than olive oil.

4But in the end she is like bitter poison.

She cuts like a sword that has two edges.

5Her feet go down to death.

Her steps lead straight to the grave.

6She doesn’t give any thought to her way of life.

Her paths have no direction, but she doesn’t realize it.

7My sons, listen to me.

Don’t turn away from what I say.

8Stay on a path far away from that evil woman.

Don’t even go near the door of her house.

9If you do, you will lose your honor to other people.

You will give your self-respect to someone who is mean.

10Strangers will use up all your wealth.

Your hard work will make someone else rich.

11At the end of your life you will groan.

Your skin and your body will be worn out.

12You will say, “How I hated to take advice!

How my heart refused to be corrected!

13I would not obey my teachers.

I wouldn’t listen to those who taught me.

14I was soon in deep trouble.

It happened right in front of the whole assembly of God’s people.”

15Drink water from your own well.

Drink running water from your own spring.

16Should your springs pour out into the streets?

Should your streams of water pour out in public places?

17No! Let them belong to you alone.

Never share them with strangers.

18May your fountain be blessed.

May the wife you married when you were young make you happy.

19She is like a loving doe, a graceful deer.

May her breasts always satisfy you.

May you always be captured by her love.

20My son, why be captured by another man’s wife?

Why hug a woman who has gone astray?

21The Lord watches your ways.

He studies all your paths.

22Sinners are trapped by their own evil acts.

They are held tight by the ropes of their sins.

23They will die because they refused to be corrected.

Their sins will capture them because they were very foolish.

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 5:1-23

Babala Laban sa Pakikiapid

1Anak, pakinggan mong mabuti ang mga sasabihin ko na may karunungan, 2upang malaman mo ang pagpapasya ng tama at matuto ka ring magsalita nang may karunungan. 3Ang salita ng masamang babae ay kasintamis ng pulot at banayad tulad ng langis. 4Ngunit pagkatapos ay pait at sakit ang iyong makakamit. 5Kung susunod ka sa kanya, dadalhin ka niya sa kapahamakan, sapagkat ang nilalakaran niya ay patungo sa kamatayan. 6Hindi niya pinapansin ang daan patungo sa buhay. Ang dinadaanan niyaʼy liku-liko at hindi niya ito nalalaman.

7Kaya mga anak, pakinggan ninyo ako at sundin. 8Lumayo kayo sa babaeng masama ni huwag lumapit sa kanyang bahay. 9Dahil baka masira ang inyong dangal at mapunta sa iba, at mamatay kayo sa kamay ng mga taong walang awa. 10At ang lahat ng kayamanan ninyo at ang inyong mga pinagpaguran ay mapupunta sa iba, sa mga taong hindi ninyo kilala. 11Saka kayo mananangis kapag malapit na kayong mamatay, kapag butoʼt balat na lamang at wala nang lakas. 12Saka ninyo sasabihin, “Sayang hindi ko kasi pinansin ang mga pagtutuwid sa akin; nagmatigas ako at sinunod ang gusto ko. 13Hindi ako nakinig sa aking mga guro. 14Kaya ngayon, narito ako sa gitna ng kapahamakan at kahihiyan.”

15Dapat sa asawa mo lang ikaw sumiping. Kung baga sa tubig, doon ka lang sa sarili mong balon kumuha ng iyong iinumin. 16Dahil baka magtaksil din sa iyo ang iyong asawa.5:16 sa literal, Baka umawas ang iyong bukal sa mga kalsada o sa mga plasa. 17Dapat ang mag-asawa ay para lamang sa isaʼt isa at huwag makihati sa iba. 18Maging maligaya ka sa iyong asawa, na napangasawa mo noong iyong kabataan. 19Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa. Sana ay lagi kang lumigaya sa kanyang dibdib at maakit sa kanyang pag-ibig.

20Anak, huwag kang paaakit sa malaswang babae o hipuin man ang kanyang dibdib. 21Sapagkat nakikita ng Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; saan ka man naroroon tinitingnan ka niya. 22Ang masamang tao ay bihag ng kanyang kasamaan, para itong bitag na huhuli sa kanya. 23Maliligaw siya dahil sa kanyang kamangmangan, at mamamatay dahil ayaw niyang itinutuwid.