Proverbs 27 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Proverbs 27:1-27

1Don’t brag about tomorrow.

You don’t know what a day will bring.

2Let another person praise you, and not your own mouth.

Let an outsider praise you, and not your own lips.

3Stones are heavy, and sand weighs a lot.

But letting a foolish person make you angry is a heavier load than both of them.

4Anger is mean, and great anger overpowers you.

But who can face jealousy?

5Being warned openly is better

than being loved in secret.

6Wounds from a friend can be trusted.

But an enemy kisses you many times.

7When you are full, you even hate honey.

When you are hungry, even what is bitter tastes sweet.

8Anyone who runs away from home

is like a bird that flies away from its nest.

9Perfume and incense bring joy to your heart.

And the sweetness of a friend comes from their honest advice.

10Don’t desert your friend or a friend of your family.

And don’t go to your relative’s house when trouble strikes you.

A neighbor nearby is better than a relative far away.

11My son, be wise and bring joy to my heart.

Then I can answer anyone who makes fun of me.

12Wise people see danger and go to a safe place.

But childish people keep on going and suffer for it.

13Take the coat of one who puts up money for what a stranger owes.

Hold it until you get paid back if it is done for an outsider.

14Suppose you loudly bless your neighbor early in the morning.

Then you might as well be cursing him.

15A nagging wife is like the dripping

of a leaky roof in a rainstorm.

16Stopping her is like trying to stop the wind.

It’s like trying to grab olive oil with your hand.

17As iron sharpens iron,

so one person sharpens another.

18A person who guards a fig tree will eat its fruit.

And a person who protects their master will be honored.

19When you look into water, you see a likeness of your face.

When you look into your heart, you see what you are really like.

20Death and the Grave are never satisfied.

People’s eyes are never satisfied either.

21Fire tests silver, and heat tests gold.

But people are tested by the praise they receive.

22Suppose you could grind a foolish person in a mill.

Suppose you could grind them as you would grind grain with a tool.

Even then you could not remove their foolishness from them.

23Be sure you know how your flocks are doing.

Pay careful attention to your herds.

24Riches don’t last forever.

And a crown is not secure for all time to come.

25The hay is removed, and new growth appears.

The grass from the hills is gathered in.

26Then your lambs will provide you with clothes.

And the money from selling your goats will buy you a field.

27You will have plenty of goats’ milk to feed your family.

It will also feed your female servants.

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 27:1-27

1Huwag mong ipagyabang ang gagawin mo bukas, sapagkat hindi mo alam kung anong mangyayari sa araw na iyon.

2Huwag mong purihin ang iyong sarili; pabayaan mong iba ang sa iyo ay pumuri.

3Ang buhangin at bato ay mabigat, pero mas mabigat na problema ang idudulot ng taong hangal.

4Mapanganib ang taong galit, ngunit ang taong seloso ay higit na mapanganib.

5Mas mabuti ang pagsaway na hayagan, kaysa sa pag-ibig na hindi ipinapaalam.

6Ang masakit na pagsaway ng isang kaibigan ay may katuturan, ngunit ang halik ng kaaway ay hindi maaasahan.

7Kahit pulot ay tinatanggihan ng taong busog, ngunit sa taong gutom kahit pagkaing mapait ay matamis para sa kanya.

8Ang taong lumayas sa kanyang bahay ay parang ibong lumayas sa kanyang pugad.

9Ang langis at pabango ay gaya ng tapat na payo ng isang kaibigan na nagdudulot ng kaligayahan.

10Huwag mong pababayaan ang iyong kaibigan o ang kaibigan ng iyong ama. At kung nasa kagipitan ka, hindi ka na hihingi ng tulong sa kapatid mo na nasa malayo. Ang malapit na kapitbahay ay mas mabuti kaysa sa malayong kapatid.

11Anak, magpakatalino ka upang ako ay maging maligaya, at para may maisagot ako sa nagpapahiya sa akin.

12Ang taong marunong ay umiiwas sa paparating na panganib, ngunit ang taong hangal ay sumusuong sa panganib, kaya siya ay napapahamak.

13Tiyakin mong makakuha ng garantiya sa sinumang nangakong managot sa utang ng hindi mo kilala, upang matiyak mong mababayaran ka.

14Kapag ginambala mo ng pasigaw na pagbati ang iyong kaibigan sa umaga, ituturing niya iyong sumpa sa kanya.

15Ang asawang bungangera ay parang tumutulong bubungan sa panahon ng tag-ulan.

16Hindi siya mapatigil, tulad ng hanging hindi mapigilan o kaya ng langis na hindi mahawakan.

17Kung paanong pinatatalas ng bakal ang kapwa-bakal, ang tao namaʼy matututo sa kanyang kapwa-tao.

18Kapag inalagaan mo ang puno ng igos, makakakain ka ng bunga nito. Ganoon din kapag amo moʼy iyong pinagmamalasakitan, ikaw naman ay kanyang pararangalan.

19Kung paanong ang mukha ng tao ay naaaninaw sa tubig, ang pagkatao naman ay makikita sa iyong puso.

20Ang kapahamakan at kamatayan ay walang kasiyahan, gayon din ang hangarin ng tao.

21Pilak at ginto sa apoy sinusubok, ang tao naman ay nasusubok sa pamamagitan ng papuring kanyang natatanggap.

22Tadtarin mo man ng parusa ang taong hangal, ang kahangalan niya ay hindi mo pa rin maiaalis sa kanya.

23Mga hayop mo ay iyong alagaan at bantayang mabuti ang iyong kawan.

24Sapagkat ang kayamanan at kapangyarihan ay hindi mamamalagi magpakailanman.

25Putulin ang mga damo; at habang hinihintay ang muling pagtubo nito, putulin din ang mga damo sa kabundukan, upang may pagkain ang iyong kawan.

26Mula sa balahibo ng mga tupa ay makakagawa ka ng kasuotan, at maipagbibili mo ang iba mong mga kambing upang may pambili ka ng kabukiran.

27Mula sa mga kambing, makakakuha ka ng maraming gatas na sapat sa pangangailangan ng iyong pamilya at mga babaeng utusan.