Luke 10 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Luke 10:1-42

Jesus Sends Out the Seventy-Two

1After this the Lord appointed 72 others. He sent them out two by two ahead of him. They went to every town and place where he was about to go. 2He told them, “The harvest is huge, but the workers are few. So ask the Lord of the harvest to send out workers into his harvest field. 3Go! I am sending you out like lambs among wolves. 4Do not take a purse or bag or sandals. And don’t greet anyone on the road.

5“When you enter a house, first say, ‘May this house be blessed with peace.’ 6If someone there works to bring peace, your blessing of peace will rest on them. If not, it will return to you. 7Stay there, and eat and drink anything they give you. Workers are worthy of their pay. Do not move around from house to house.

8“When you enter a town and are welcomed, eat what is given to you. 9Heal the sick people who are there. Tell them, ‘God’s kingdom has come near to you.’ 10But what if you enter a town and are not welcomed? Then go into its streets and say, 11‘We wipe from our feet even the dust of your town. We do it to warn you. But here is what you can be sure of. God’s kingdom has come near.’ 12I tell you this. On judgment day it will be easier for Sodom than for that town.

13“How terrible it will be for you, Chorazin! How terrible for you, Bethsaida! Suppose the miracles done in you had been done in Tyre and Sidon. They would have turned away from their sins long ago. They would have put on the rough clothing people wear when they’re sad. They would have sat down in ashes. 14On judgment day it will be easier for Tyre and Sidon than for you. 15And what about you, Capernaum? Will you be lifted up to the heavens? No! You will go down to the place of the dead.

16“Whoever listens to you listens to me. Whoever does not accept you does not accept me. But whoever does not accept me does not accept the one who sent me.”

17The 72 returned with joy. They said, “Lord, even the demons obey us when we speak in your name.”

18Jesus replied, “I saw Satan fall like lightning from heaven. 19I have given you authority to walk all over snakes and scorpions. You will be able to destroy all the power of the enemy. Nothing will harm you. 20But do not be glad when the evil spirits obey you. Instead, be glad that your names are written in heaven.”

21At that time Jesus was full of joy through the Holy Spirit. He said, “I praise you, Father. You are Lord of heaven and earth. You have hidden these things from wise and educated people. But you have shown them to little children. Yes, Father. This is what you wanted to do.

22“My Father has given all things to me. The Father is the only one who knows who the Son is. And the only ones who know the Father are the Son and those to whom the Son chooses to make the Father known.”

23Then Jesus turned to his disciples. He said to them in private, “Blessed are the eyes that see what you see. 24I tell you, many prophets and kings wanted to see what you see. But they didn’t see it. They wanted to hear what you hear. But they didn’t hear it.”

The Story of the Good Samaritan

25One day an authority on the law stood up to test Jesus. “Teacher,” he asked, “what must I do to receive eternal life?”

26“What is written in the Law?” Jesus replied. “How do you understand it?”

27He answered, “ ‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul. Love him with all your strength and with all your mind.’ (Deuteronomy 6:5) And, ‘Love your neighbor as you love yourself.’ ” (Leviticus 19:18)

28“You have answered correctly,” Jesus replied. “Do that, and you will live.”

29But the man wanted to make himself look good. So he asked Jesus, “And who is my neighbor?”

30Jesus replied, “A man was going down from Jerusalem to Jericho. Robbers attacked him. They stripped off his clothes and beat him. Then they went away, leaving him almost dead. 31A priest happened to be going down that same road. When he saw the man, he passed by on the other side. 32A Levite also came by. When he saw the man, he passed by on the other side too. 33But a Samaritan came to the place where the man was. When he saw the man, he felt sorry for him. 34He went to him, poured olive oil and wine on his wounds and bandaged them. Then he put the man on his own donkey. He brought him to an inn and took care of him. 35The next day he took out two silver coins. He gave them to the owner of the inn. ‘Take care of him,’ he said. ‘When I return, I will pay you back for any extra expense you may have.’

36“Which of the three do you think was a neighbor to the man who was attacked by robbers?”

37The authority on the law replied, “The one who felt sorry for him.”

Jesus told him, “Go and do as he did.”

Jesus at the Home of Martha and Mary

38Jesus and his disciples went on their way. Jesus came to a village where a woman named Martha lived. She welcomed him into her home. 39She had a sister named Mary. Mary sat at the Lord’s feet listening to what he said. 40But Martha was busy with all the things that had to be done. She came to Jesus and said, “Lord, my sister has left me to do the work by myself. Don’t you care? Tell her to help me!”

41“Martha, Martha,” the Lord answered. “You are worried and upset about many things. 42But few things are needed. Really, only one thing is needed. Mary has chosen what is better. And it will not be taken away from her.”

Tagalog Contemporary Bible

Lucas 10:1-42

Sinugo ni Jesus ang Kanyang 72 Tagasunod

1Pagkatapos nito, pumili pa ang Panginoon ng 7210:1 72: Sa ibang tekstong Griego, 70. tagasunod, at sinugo ang mga ito nang dala-dalawa sa mga bayan at sa iba pang mga lugar na pupuntahan niya. 2Sinabi niya sa kanila, “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala siya ng mga tagapag-ani. 3Sige, lumakad na kayo. Ngunit mag-ingat kayo, dahil tulad kayo ng mga tupang isinugo ko sa mga lobo. 4Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o sandalyas. At huwag kayong mag-aksaya ng panahon sa pakikipagbatian sa daan. 5Pagpasok nʼyo sa alin mang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa tahanang ito.’ 6Kung ang nakatira roon ay maibigin sa kapayapaan, mapapasakanila ang kapayapaang idinalangin ninyo. Ngunit kung hindi, hindi rin nila makakamtan iyon. 7Manatili kayo sa bahay na tinutuluyan ninyo. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay. Kainin at inumin ninyo ang anumang ihain nila sa inyo dahil ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng sahod. 8Kapag dumating kayo sa isang bayan at tinanggap kayo ng mga tao, kainin ninyo ang anumang ihain nila sa inyo. 9Pagalingin ninyo ang mga may sakit doon, at sabihin ninyo sa kanila na malapit na10:9 malapit na: o, dumating na. ang paghahari ng Dios sa kanila. 10Ngunit kung ayaw kayong tanggapin sa isang bayan, umalis kayo, at habang naglalakad kayo sa lansangan nila ay sabihin ninyo, 11‘Kahit ang alikabok ng bayan ninyo na dumidikit sa mga paa namin ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit dapat ninyong malaman na malapit na ang paghahari ng Dios.’ ” 12Sinabi pa ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin nila kaysa sa mga taga-Sodom.”

Babala sa mga Bayang Hindi Nagsisisi

(Mat. 11:20-24)

13Sinabi pa ni Jesus, “Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tyre at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo10:13 naglagay ng abo sa kanilang ulo: o, naupo sa abo. para ipakita ang pagsisisi nila. 14Kaya sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Tyre at taga-Sidon. 15At kayo namang mga taga-Capernaum, inaakala ninyong pupurihin kayo kahit sa langit. Pero ihuhulog kayo sa lugar ng mga patay!”

16Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga sinugo niya, “Ang nakikinig sa inyoʼy nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyoʼy nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”

Bumalik ang 72 Tagasunod ni Jesus

17Masayang bumalik ang 72 tagasunod ni Jesus. Sinabi nila sa kanya, “Panginoon, kahit po ang masasamang espiritu ay sumusunod sa amin kapag inutusan namin sila sa pangalan nʼyo!” 18Sinabi ni Jesus sa kanila, “Nakita kong nahulog si Satanas mula sa langit na parang kidlat. 19Binigyan ko kayo ng kapangyarihang daigin ang masasamang espiritu at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway nating si Satanas.10:19 sa literal, Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway. At walang anumang makapipinsala sa inyo. 20Ganoon pa man, huwag kayong matuwa dahil napapasunod ninyo ang masasamang espiritu kundi matuwa kayo dahil nakasulat sa langit ang pangalan ninyo.”

Napuno si Jesus ng Kagalakang Mula sa Banal na Espiritu

(Mat. 11:25-27; 13:16-17)

21Nang oras ding iyon, napuno si Jesus ng kagalakang mula sa Banal na Espiritu. At sinabi niya, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sariliʼy mga marurunong at matatalino, at inihayag mo sa mga taong tulad ng bata na kaunti lang ang nalalaman. Oo, Ama, pinupuri kita dahil iyon ang kalooban mo.”

22Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, “Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais kong makakilala sa Ama.”

23Humarap si Jesus sa mga tagasunod niya at sinabi sa kanila ng sarilinan, “Mapalad kayo dahil nakita mismo ninyo ang mga ginagawa ko. 24Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at mga hari noon ang naghangad na makakita at makarinig ng nakikita at naririnig ninyo ngayon, pero hindi ito nangyari sa panahon nila.”

Ang Mabuting Samaritano

25Lumapit kay Jesus ang isang tagapagturo ng Kautusan upang subukin siya. Nagtanong siya, “Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” 26Sumagot si Jesus, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?” 27Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip.10:27 Deu. 6:5. At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”10:27 Lev. 19:18. 28“Tama ang sagot mo,” sabi ni Jesus. “Gawin mo iyan at magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan.”

29Pero ayaw mapahiya ng tagapagturo, kaya nagtanong ulit siya, “At sino naman po ang kapwa ko?” 30Bilang sagot sa kanya, nagkwento si Jesus: “May isang taong papunta sa Jerico galing sa Jerusalem. Habang naglalakad siya, hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha nila ang mga dala niya, pati na ang suot niya. Binugbog nila siya at iniwang halos patay na sa tabi ng daan. 31Nagkataong dumaan doon ang isang pari. Nang makita niya ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. 32Napadaan din ang isang Levita10:32 Levita: Katuwang ng mga pari sa templo. at nakita niya ang tao, pero lumihis din siya sa kabilang daan at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. 33Pero may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang taong nakahandusay at naawa siya. 34Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang tao sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan doon. 35Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera10:35 pera: sa Griego, dalawang denarius. Ang isang denarius ay katumbas ng isang araw na sahod. ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa iyan sa magagastos mo ay babayaran kita pagbalik ko.’ ”

36Nagtanong ngayon si Jesus sa tagapagturo ng Kautusan, “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang nagpakita na siya ang tunay na kapwa-tao ng biktima ng mga tulisan?” 37Sumagot siya, “Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo.”

Dumalaw si Jesus kina Marta at Maria

38Nagpatuloy si Jesus at ang mga tagasunod niya sa paglalakbay at dumating sila sa isang nayon. May isang babae roon na ang pangalan ay Marta. Malugod niyang tinanggap sina Jesus sa kanyang tahanan. 39Si Marta ay may kapatid na ang pangalan ay Maria. Naupo si Maria sa paanan ng Panginoon at nakinig sa itinuturo niya. 40Pero si Marta ay abalang-abala sa paghahanda niya, kaya lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Panginoon, balewala po ba sa inyo na nakaupo lang diyan ang kapatid ko at hinahayaang ako ang gumawa ng lahat? Sabihin nʼyo naman po sa kanya na tulungan niya ako.” 41Pero sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, hindi ka mapalagay at abalang-abala ka sa maraming bagay. 42Ngunit isang bagay lang ang kailangan, at ito ang pinili ni Maria. Mas mabuti ito at walang makakakuha nito sa kanya.”