Jeremiah 31 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Jeremiah 31:1-40

1“At that time I will be the God of all the families of Israel,” announces the Lord. “And they will be my people.”

2The Lord says,

“Some of my people will live through

everything their enemies do to them.

They will find help in the desert.

I will come to give peace and rest to Israel.”

3The Lord appeared to us in the past. He said,

“I have loved you with a love that lasts forever.

I have kept on loving you with a kindness that never fails.

4I will build you up again.

Nation of Israel, you will be rebuilt.

Once again you will use your tambourines to celebrate.

You will go out and dance with joy.

5Once again you will plant vineyards

on the hills of Samaria.

Farmers will plant them.

They will enjoy their fruit.

6There will be a day when those on guard duty will cry out.

They will stand on the hills of Ephraim.

And they will shout,

‘Come! Let’s go up to Zion.

Let’s go up to where the Lord our God is.’ ”

7The Lord says,

“Sing for joy because the people of Jacob are blessed.

Shout because the Lord has made them the greatest nation.

Make your praises heard.

Say, ‘Lord, save your people.

Save the people who are left alive in Israel.’

8I will bring them from the land of the north.

I will gather them from one end of the earth to the other.

Even those who are blind and those who can’t walk

will be among them.

Pregnant women and women having their babies

will be among them also.

Many of them will return.

9Their eyes will be filled with tears as they come.

They will pray as I bring them back.

I will lead them beside streams of water.

I will lead them on a level path

where they will not trip or fall.

I am Israel’s father.

And Ephraim is my oldest son.

10“Listen to my message, you nations.

Announce it on shores far away.

Say, ‘He who scattered Israel will gather them.

He will watch over his flock like a shepherd.’

11I will set the people of Jacob free.

I will save them from those who are stronger than they are.

12They will come and shout for joy on Mount Zion.

They will be joyful because of everything I give them.

I give them grain, olive oil and fresh wine.

I give them the young animals in their flocks and herds.

Israel will be like a garden that has plenty of water.

And they will not be sad anymore.

13Then young women will dance and be glad.

And so will the men, young and old alike.

I will turn their mourning into gladness.

I will comfort them.

And I will give them joy instead of sorrow.

14I will satisfy the priests. I will give them more than enough.

And my people will be filled with the good things I give them,”

announces the Lord.

15The Lord says,

“A voice is heard in Ramah.

It is the sound of weeping and deep sadness.

Rachel is weeping for her children.

She refuses to be comforted,

because they are gone.”

16The Lord says,

“Do not weep anymore.

Do not let tears fall from your eyes.

I will reward you for your work,”

announces the Lord.

“Your children will return from the land of the enemy.

17So there is hope for your children,”

announces the Lord.

“Your children will return to their own land.

18“I have heard the groans of Ephraim’s people. They say,

‘You corrected us like a calf you were training.

And we have been trained.

Bring us back to you, and we will come back.

You are the Lord our God.

19After we wandered away from you,

we turned away from our sins.

After we learned our lesson,

we beat our chests in sorrow.

We were full of shame.

What we did when we were young brought dishonor on us.’

20Aren’t the people of Ephraim my dear children?

Aren’t they the children I take delight in?

I often speak against them.

But I still remember them.

So my heart longs for them.

I love them with a tender love,”

announces the Lord.

21The Lord says, “Put up road signs.

Set up stones to show the way.

Look carefully for the highway.

Look for the road you will take.

Return, people of Israel.

Return to your towns.

22How long will you wander,

my people Israel, who are not faithful to me?

I will create a new thing on earth.

The woman will return to the man.”

23The Lord who rules over all is the God of Israel. He says, “I will bring them back from the place where they were taken. Here is what the people in Judah and its towns will say once again. ‘May the Lord bless you, you successful city. Sacred mountain, may he bless you.’ 24People will live together in Judah and all its towns. Farmers and shepherds will live there. 25I will give rest to those who are tired. I will satisfy those who are weak.”

26When I heard this, I woke up and looked around. My sleep had been pleasant to me.

27Here is what the Lord announces. “The days are coming when I will plant the kingdoms of Israel and Judah again. I will plant them with children and young animals. 28I watched over Israel and Judah to pull them up by the roots. I tore them down. I crushed them. I destroyed them. I brought horrible trouble on them. But now I will watch over them to build them up and plant them,” announces the Lord. 29“In those days people will no longer say,

“ ‘The parents have eaten sour grapes.

But the children have a bitter taste in their mouths.’

30Instead, everyone will die for their own sin. The one who eats sour grapes will taste how bitter they are.

31“The days are coming,” announces the Lord.

“I will make a new covenant

with the people of Israel.

I will also make it with the people of Judah.

32It will not be like the covenant

I made with their people of long ago.

That was when I took them by the hand.

I led them out of Egypt.

But they broke my covenant.

They did it even though I was like a husband to them,”

announces the Lord.

33“This is the covenant I will make with Israel

after that time,” announces the Lord.

“I will put my law in their minds.

I will write it on their hearts.

I will be their God.

And they will be my people.

34They will not need to teach their neighbor anymore.

And they will not need to teach one another anymore.

They will not need to say, ‘Know the Lord.’

That’s because everyone will know me.

From the least important of them to the most important,

all of them will know me,”

announces the Lord.

“I will forgive their evil ways.

I will not remember their sins anymore.”

35The Lord speaks.

He makes the sun

shine by day.

He orders the moon and stars

to shine at night.

He stirs up the ocean.

He makes its waves roar.

His name is the Lord Who Rules Over All.

36“Suppose my orders for creation disappear from my sight,”

announces the Lord.

“Only then will the people of Israel stop being

a nation in my sight.”

37The Lord says,

“Suppose the sky above could be measured.

Suppose the foundations of the earth below could be completely discovered.

Only then would I turn away the people of Israel.

Even though they have committed many sins,

I will still accept them,”

announces the Lord.

38“The days are coming,” announces the Lord. “At that time Jerusalem will be rebuilt for me. It will be rebuilt from the Tower of Hananel to the Corner Gate. 39The measuring line will reach out from there. It will go straight to the hill of Gareb. Then it will turn and reach as far as Goah. 40There is a valley where dead bodies and ashes are thrown. That whole valley will be holy to me. The side of the Kidron Valley east of the city will be holy to me. It will be holy all the way to the corner of the Horse Gate. The city will never again be pulled up by the roots. It will never be destroyed.”

Tagalog Contemporary Bible

Jeremias 31:1-40

Ang Pagbabalik ng mga Israelita

1Sinabi pa ng Panginoon, “Sa araw na iyon, akoʼy magiging Dios ng buong Israel at magiging hinirang ko sila. 2Ako, ang Panginoon, ay nagsasabing aalagaan ko ang mga natitirang buhay sa kanila habang naglalakbay sila sa ilang. Magbabalik ako para bigyan ng kapahingahan ang Israel.”

3Noong una,31:3 Noong una: o, Mula sa malayo. ang Panginoon ay nagpakita sa mga Israelita at nagsabi, “Inibig ko kayo ng walang hanggang pag-ibig. Sa kagandahang-loob ko, pinalapit ko kayo sa akin. 4Muli ko kayong itatayo, kayong mga taga-Israel, na katulad ng isang birhen. Muli kayong sasayaw sa tuwa na tumutugtog ng inyong tamburin. 5Muli kayong magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria at pakikinabangan nʼyo ang mga bunga nito. 6Darating ang araw na ang mga nagbabantay ng lungsod ay sisigaw doon sa kabundukan ng Efraim, ‘Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem31:6 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. para sumamba sa Panginoon na ating Dios.’ ”

7Sinabi ng Panginoon, “Umawit kayo at humiyaw para sa Israel,31:7 Israel: sa Hebreo, Jacob. ang bansang pinakadakila sa lahat ng bansa. Magpuri kayo at sumigaw, ‘O Panginoon, iligtas mo ang mga mamamayan mo, ang mga natitirang buhay sa mga taga-Israel.’ 8Makinig kayo! Ako ang kukuha sa kanila at titipunin ko sila mula sa hilaga at sa alin mang bahagi ng mundo. Pati ang mga bulag at mga lumpo ay kasama, ganoon din ang mga buntis at ang mga malapit nang manganak. Napakalaking grupo ang uuwi. 9Mag-iiyakan sila sa tuwa at mananalangin habang dinadala ko sila pauwi. Dadalhin ko sila sa mga bukal, dadaan sila sa magandang daan at hindi sila matitisod. Sapagkat ako ang ama ng Israel; at si Efraim31:9 Efraim: Ang pangunahing lahi sa hilagang kaharian ng Israel. Minsan ito ang kumakatawan sa kahariang ito. ang panganay kong anak.

10“Mga bansa, pakinggan nʼyo ang mensahe ko, at ibalita nʼyo ito sa malalayong lugar: ‘Pinangalat ko ang mga taga-Israel, pero muli ko silang titipunin at aalagaan ko sila katulad ng pag-aalaga ng pastol sa mga tupa niya.’ 11Ililigtas ko ang mga lahi ni Jacob sa kamay ng mga taong higit na makapangyarihan kaysa sa kanila. 12Pupunta sila sa Bundok ng Zion at sisigaw dahil sa kagalakan. Magsasaya sila dahil sa mga pagpapala ko sa kanila. Magiging sagana ang mga trigo, ang bagong katas ng ubas, langis at mga hayop nila. Matutulad sila sa halamanang palaging dinidiligan at hindi na sila muling magdadalamhati. 13Kung magkagayon, ang kanilang mga dalagaʼt binata pati ang matatanda ay sasayaw sa tuwa. Papalitan ko ng kagalakan ang pag-iiyakan nila. At sa halip na magdalamhati sila, bibigyan ko sila ng kaaliwan. 14Bibigyan ko ng maraming handog ang mga pari. Bubusugin ko ng masaganang pagpapala ang mga mamamayan ko. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

15Sinabi pa ng Panginoon, “May narinig na malakas iyakan at panaghoy sa Rama. Iniiyakan ni Raquel ang pagkamatay ng kanyang mga anak, at ayaw niyang magpaaliw dahil patay na ang mga ito.”

16Pero sinabi ng Panginoon, “Huwag ka nang umiyak dahil gagantimpalaan kita sa mga ginawa mo. Babalik ang mga anak mo galing sa lupain ng mga kaaway. 17Kaya may pag-asa ka sa hinaharap. Sapagkat talagang babalik ang mga anak mo sa sarili nilang lupain.”

18Narinig ko ang panaghoy ng mga taga-Efraim. Sinabi nila, “Panginoon, kami po ay parang mga guya na hindi pa sanay sa pamatok, pero tinuruan nʼyo po kaming sumunod sa inyo. Kayo ang Panginoon naming Dios, kaya ibalik nʼyo na po kami sa sarili naming lupain. 19Lumayo kami sa inyo noon, pero nagsisisi na po kami ngayon. Nang malaman po namin na nagkasala kami, dinagukan po namin ang aming mga dibdib sa pagsisisi. Nahihiya po kami sa mga ginawa namin noong aming kabataan.”

20Sumagot ang Panginoon, “Kayong mga mamamayan ng Efraim ay aking minamahal na mga anak. Kahit palagi akong nagsasalita laban sa inyo, nalulugod pa rin ako sa inyo. Nananabik ako at nahahabag sa inyo.

21“Maglagay kayo ng mga tanda at tulos na magiging gabay sa inyong daan. Tandaan ninyong mabuti ang inyong dinaanan dahil diyan din kayo dadaan pagbalik ninyo. 22Kailan pa kayo babalik sa akin, mga anak kong naliligaw? Gagawa ako ng bagong bagay sa mundo – ang babae na ang magtatanggol sa lalaki.”

Ang Darating na Kasaganaan ng Israel

23Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng Israel, “Kapag naibalik ko na ang mga mamamayan ng Juda sa lupain nila mula sa pagkabihag,31:23 Tingnan ang “footnote” sa 29:14. muli nilang sasabihin, ‘Pagpalain nawa ng Panginoon ang banal na bundok ng Jerusalem na tinitirhan niya.’ 24Maninirahan ang mga tao sa Juda at sa mga bayan nito, pati na ang mga magbubukid at mga pastol ng mga hayop. 25Sapagkat pagpapahingahin ko ang mga napapagod at bubusugin ko ang mga nanghihina dahil sa gutom. Kaya sasabihin ng mga tao,31:25 Kaya sasabihin ng mga tao: o, Pagkatapos, sinabi ni Jeremias. 26‘Sa aking paggising naramdaman kong nakabuti sa akin ang aking pagtulog.’ ”

27Sinabi pa ng Panginoon, “Darating ang araw na pararamihin ko ang mga mamamayan ng Israel at Juda, pati ang mga hayop nila. 28Noong una ay winasak, giniba, at ibinuwal ko sila pero sa bandang huli, muli ko silang ibabangon at itatayo. 29Sa panahong iyoʼy hindi na sasabihin ng mga tao, ‘Kumain ng maasim na ubas ang mga magulang at ang asim ay nalasahan ng mga anak.’ 30Sa halip, kung sino ang kumain ng maasim na ubas, siya lang ang makakalasa ng asim nito. Ang taong nagkasala lang ang siyang mamamatay.”

31Sinabi pa ng Panginoon, “Darating ang panahon na gagawa ako ng bagong kasunduan sa mga taga-Israel at taga-Juda. 32At hindi ito katulad ng unang kasunduan na ginawa ko sa kanilang mga ninuno noong pinatnubayan ko sila sa paglabas sa Egipto. Kahit na akoʼy parang asawa nila, hindi nila tinupad ang una naming kasunduan.”

33Sinabi pa ng Panginoon, “Ito ang bagong kasunduan na gagawin ko sa mga mamamayan ng Israel pagdating ng araw na iyon: Itatanim ko sa isipan nila ang utos ko, at isusulat ko ito sa mga puso nila. 34Hindi na nila kailangan pang turuan ang mga kababayan o kapatid nila na kilalanin ang Panginoon. Sapagkat kikilalanin nila akong lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila. Sapagkat patatawarin ko ang kasamaan nila at lilimutin ko na ang mga kasalanan nila.” 35Sinabi pa ng Panginoon, “Ako ang nag-utos sa para magbigay-liwanag sa maghapon, at sa buwan at mga bituin na magbigay-liwanag sa magdamag. At ako ang kumakalawkaw ng dagat hanggang sa umugong ang mga alon. Makapangyarihang Panginoon ang pangalan ko. 36Habang nananatili ang langit at ang mundo, mananatili rin ang bansang Israel magpakailanman. 37Kung paanong hindi masusukat ang langit at hindi malalaman ang pundasyon ng lupa, ganoon din naman, hindi ko maitatakwil ang lahat ng angkan ng Israel kahit na marami silang nagawang kasalanan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

38Patuloy na sinabi ng Panginoon, “Darating ang panahon na ang lungsod ng Jerusalem ay muling itatayo mula sa Tore ni Hananel hanggang sa Panulukang Pintuan. 39Mula sa mga lugar na iyon, magpapatuloy ang hangganan patungo sa burol ng Gareb at saka liliko sa Goa. 40Ang buong lambak na tinatapunan ng mga bangkay at mga basura ay nakatalaga sa akin pati ang lahat ng bukirin sa Lambak ng Kidron hanggang sa pintuan na tinatawag na Kabayo sa silangan. Ang lungsod na itoʼy hindi na mawawasak o muling magigiba.”