Daniel 9 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

Daniel 9:1-27

Daniel Prays to the Lord

1It was the first year that Darius was king of Babylon. He was from Media and was the son of Xerxes. 2In that year I learned from the Scriptures that Jerusalem would remain destroyed for 70 years. That was what the Lord had told Jeremiah the prophet. 3So I prayed to the Lord God. I begged him. I made many appeals to him. I didn’t eat anything. I put on the rough clothing people wear when they’re sad. And I sat down in ashes.

4I prayed to the Lord my God. I admitted that we had sinned. I said,

“Lord, you are a great and wonderful God. You keep the covenant you made with all those who love you and obey your commandments. You show them your love. 5We have sinned and done what is wrong. We have been evil. We have refused to obey you. We have turned away from your commands and laws. 6We haven’t listened to your servants the prophets. They spoke in your name to our kings, our princes and our people of long ago. They also brought your message to all our people in the land.

7“Lord, you always do what is right. But we are covered with shame today. We are the people of Judah and Jerusalem. All of us are Israelites, no matter where we live. We are now living in many countries. You scattered us among the nations because we weren’t faithful to you. 8Lord, we are covered with shame. So are our kings and princes, and our people of long ago. We have sinned against you. 9You are the Lord our God. You show us your tender love. You forgive us. But we have turned against you. 10You are the Lord our God. But we haven’t obeyed you. We haven’t kept the laws you gave us through your servants the prophets. 11All the people of Israel have broken your law and turned away from it. They have refused to obey you.

“Curses and warnings are written down in the Law of Moses. He was your servant. Those curses have been poured out on us. That’s because we have sinned against you. 12The warnings you gave us and our rulers have come true. You have brought great trouble on us. Nothing like what has been done to Jerusalem has ever happened anywhere else on earth. 13The curses that are written in the Law of Moses have fallen on us. We have received nothing but trouble. You are the Lord our God. But we haven’t asked for your favor. We haven’t turned away from our sins. We’ve refused to pay attention to the laws you gave us. 14Lord, you didn’t hold back from bringing this trouble on us. You always do what is right. But we haven’t obeyed you.

15“Lord our God, you used your mighty hand to bring your people out of Egypt. You made a name for yourself. It is still great to this day. But we have sinned. We’ve done what is wrong. 16Lord, you saved your people before. So turn your great anger away from Jerusalem again. After all, it is your city. It’s your holy mountain. You have made those who live around us think little of Jerusalem and your people. That’s because we have sinned. Our people before us did evil things too.

17“Our God, hear my prayers. Pay attention to the appeals I make to you. Lord, have mercy on your temple that has been destroyed. Do it for your own honor. 18Our God, please listen to us. The city that belongs to you has been destroyed. Open your eyes and see it. We aren’t asking you to answer our prayers because we are godly. Instead, we’re asking you to do it because you love us so much. 19Lord, please listen! Lord, please forgive us! Lord, hear our prayers! Take action for your own honor. Our God, please don’t wait. Your city and your people belong to you.”

Gabriel Tells Daniel About Seventy “Weeks”

20I was speaking and praying. I was admitting that I and my people Israel had sinned. I was making my appeal to the Lord my God. My appeal was about his holy mountain of Zion. 21While I was still praying, Gabriel came to me. I had seen him in my earlier vision. He flew over to me very quickly. It was about the time when the evening sacrifice is offered. 22He helped me understand. He said, “Daniel, I have come now to help you know and understand these things. 23You are highly respected. So as soon as you began to pray, the Lord gave you a message. I have come to tell you what it is. Here is how you must understand the vision.

24“The Lord has appointed 70 ‘weeks’ for your people and your holy city. During that time, acts against God’s law will be stopped. Sin will come to an end. And the evil things people do will be paid for. Then everyone will always do what is right. Everything that has been made known in visions and prophecies will come true. And the Most Holy Room in the temple will be anointed.

25“Here is what I want you to know and understand. There will be seven ‘weeks.’ Then there will be 62 ‘weeks.’ The seven ‘weeks’ will begin when an order is given to rebuild Jerusalem and make it like new again. At the end of the 62 ‘weeks,’ the Anointed King will come. Jerusalem will have streets and a water system when it is rebuilt. But that will be done in times of trouble. 26After the 62 ‘weeks,’ the Anointed King will be put to death. His followers will desert him. And everything he has will be taken away from him. The army of the ruler who will come will destroy the city and the temple. The end will come like a flood. War will continue until the end. The Lord has ordered that many places be destroyed. 27A covenant will be put into effect with many people for one ‘week.’ In the middle of the ‘week’ sacrifices and offerings will come to an end. And at the temple a hated thing that destroys will be set up. It will remain until that ruler who will come is destroyed. Then he will experience what the Lord has ordered.”

Tagalog Contemporary Bible

Daniel 9:1-27

Nanalangin si Daniel para sa mga Israelita

1-2Si Darius na taga-Media na anak ni Ahasuerus9:1-2 Ahasuerus: Ibang pangalan ni Xerxes. ang hari noon sa buong Babilonia. Noong unang taon ng paghahari niya, nalaman ko sa mga Kasulatan na mananatiling giba ang Jerusalem sa loob ng 70 taon, ayon sa sinabi ng Panginoon kay Propeta Jeremias. 3Dahil dito, lumapit ako sa Panginoong Dios at nanalangin. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo.9:3 nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo: Itoʼy ginagawa ng mga Judio upang ipakita na nalulungkot sila at nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. 4Nanalangin ako sa Panginoon na aking Dios at humingi ng tawad para sa aming mga kasalanan:

“Panginoon, kayo ay makapangyarihan at kahanga-hangang Dios. Tapat po kayo sa pagtupad ng inyong pangako na mamahalin nʼyo ang mga nagmamahal sa inyo at sumusunod sa inyong mga utos. 5Nagkasala kami sa inyo. Gumawa kami ng kasamaan at sumuway sa inyong mga utos at tuntunin. 6Hindi kami nakinig sa inyong mga lingkod na propeta na inutusan nʼyong makipag-usap sa aming hari, mga pinuno, matatanda at sa lahat ng taga-Israel.

7“Panginoon, matuwid po kayo, pero kami ay kahiya-hiya pa rin hanggan ngayon. Gayon din ang lahat ng mga mamamayan ng Juda at Jerusalem, at ang lahat ng Israelita na pinangalat nʼyo sa malalapit at malalayong lugar dahil sa kanilang pagsuway sa inyo. 8Panginoon, kami ay talagang kahiya-hiya, pati ang aming hari, mga pinuno, at matatanda dahil kami ay nagkasala sa inyo. 9Pero maawain pa rin kayo, Panginoon naming Dios, at mapagpatawad kahit na sumuway kami sa inyo. 10Hindi kami sumunod sa inyo dahil hindi namin sinunod ang mga utos na ibinigay ninyo sa amin sa pamamagitan ng inyong mga lingkod na propeta. 11Ang lahat ng Israelita ay sumuway sa inyong Kautusan; ayaw nilang sundin ang mga sinabi ninyo. At dahil sa aming pagkakasala, dumating sa amin ang sumpa na nakasulat sa Kautusan ni Moises na inyong lingkod. 12Tinupad po ninyo ang inyong sinabi laban sa amin at sa aming mga pinuno na kami ay inyong parurusahan nang matindi. Kaya ang nangyari sa Jerusalem ay walang katulad sa buong mundo. 13Dumating sa amin ang parusang ito ayon sa nasusulat sa Kautusan ni Moises. Pero sa kabila nito, hindi namin sinikap na malugod kayo sa amin sa pamamagitan ng pagtalikod sa aming mga kasalanan at ang pagkilala sa inyong katotohanan. 14Kaya handa kayong parusahan kami; at ginawa nʼyo nga dahil palagi kayong tama sa inyong mga ginagawa. Pero hindi pa rin kami sumunod sa inyo.

15“Panginoon naming Dios, ipinakita nʼyo ang inyong kapangyarihan noong pinalaya ninyo ang inyong mga mamamayan sa Egipto, at dahil dito ay naging tanyag kayo hanggang ngayon. Inaamin namin na kami ay nagkasala at gumawa ng kasamaan. 16Kaya, Panginoon, ayon sa inyong ginagawang matuwid, nakikiusap ako na alisin nʼyo na ang inyong galit sa Jerusalem, ang inyong lungsod at banal9:16 banal: o, pinili. na bundok. Dahil sa aming kasalanan at sa kasalanan ng aming mga ninuno, hinamak kami at ang Jerusalem ng mga taong nakapaligid sa amin.

17“Kaya ngayon, O Dios, pakinggan nʼyo ang aking panalangin at pagsamo. Alang-alang sa inyong pangalan, muli nʼyong itayo ang inyong templong9:17 muli nʼyong itayo ang inyong templo: sa literal, paliwanagin nʼyong muli ang inyong mukha sa inyong templo. nagiba at napabayaan. 18O Dios, pakinggan nʼyo ako. Tingnan nʼyo ang nakakawa naming kalagayan at ang wasak nʼyong bayan, kung saan kinikilala ang iyong pangalan. Hindi kami dumadalangin sa dahilang kami ay matuwid, kundi dahil sa alam naming kayo ay mahabagin. 19Panginoon, dinggin nʼyo po kami at patawarin. Tulungan nʼyo kami agad alang-alang sa inyong pangalan, dahil kayo ay kinikilalang Dios sa inyong bayan at ng inyong mga mamamayan.”

Ipinaliwanag ni Gabriel ang Kahulugan ng Pangitain

20Patuloy akong nananalangin at sinasabi ang aking kasalanan at ang kasalanan ng aking mga kababayang Israelita. Nagmakaawa ako sa Panginoon kong Dios alang-alang sa kanyang banal na bundok. 21At habang nananalangin ako, mabilis na lumipad papunta sa akin si Gabriel na nakita ko noon sa aking pangitain. Oras iyon ng panghapong paghahandog.9:21 panghapong paghahandog: Ginagawa ito paglubog ng araw. 22Pinaunawa niya sa akin at sinabi, “Daniel, naparito ako para ipaliwanag sa iyo ang tungkol sa pangitain. 23Sa simula pa lamang ng iyong panalangin ay may ipinahayag na ang Dios, kung kayaʼt akoʼy pumarito para sabihin sa iyo, dahil mahal ka ng Dios. Kaya makinig ka at unawain ang sasabihin ko sa iyo.

24“490 taon9:24 490 taon: sa literal, pitong 70. ang itinakda ng Dios sa banal na lungsod at sa mga kababayan mo para tigilan nila ang pagrerebelde sa Dios, para mapatawad ang kanilang kasalanan, para mapairal ng Dios ang walang hanggang katuwiran, para matupad ang pangitain at propesiya, at para maihandog na muli ang templo sa Dios.

25“Dapat mong malaman at maintindihan na mula sa panahong iniutos na muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng pinunong hinirang ng Dios ay lilipas muna ang 49 na taon.9:25 49 na taon: sa literal, pitong pito. At sa loob ng 434 na taon9:25 434 na taon: sa literal, pitong 62. ay muling itatayo ang Jerusalem na may mga plasa at tanggulan. Magiging magulo sa panahong iyon. 26Pagkatapos ng 434 na taon,9:26 434 na taon: Tingnan ang pangalawang footnote sa talata 25. papatayin ang pinunong hinirang ng Dios at walang tutulong sa kanya.9:26 at walang tutulong sa kanya: o, walang matitira sa kanya. Darating ang isang hari at sisirain ng mga tauhan niya ang bayan at ang templo. At ayon sa itinakda ng Dios, ang pagwasak at digmaan ay magpapatuloy hanggang sa katapusan. Ang katapusan ay darating na parang baha. 27Ang haring iyon ay gagawa ng matibay na kasunduan sa napakaraming tao sa loob ng pitong taon. Pero pagkatapos ng tatlong taon at kalahati, patitigilin niya ang mga paghahandog at ilalagay niya ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pagpapabaya sa templo. Mananatili ito roon hanggang sa dumating ang katapusan ng hari na itinakda ng Dios.”