2 Samuel 9 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

2 Samuel 9:1-13

David and Mephibosheth

1David asked, “Is anyone left from the royal house of Saul? If there is, I want to be kind to him because of Jonathan.”

2Ziba was a servant in Saul’s family. David sent for him to come and see him. The king said to him, “Are you Ziba?”

“I’m ready to serve you,” he replied.

3The king asked, “Isn’t there anyone still alive from the royal house of Saul? God has been very kind to me. I would like to be kind to that person in the same way.”

Ziba answered the king, “A son of Jonathan is still living. Both of his feet were hurt so that he can’t walk.”

4“Where is he?” the king asked.

Ziba answered, “He’s in the town of Lo Debar. He’s staying at the house of Makir, the son of Ammiel.”

5So King David had Mephibosheth brought from Makir’s house in Lo Debar.

6Mephibosheth came to David. He was the son of Jonathan, the son of Saul. Mephibosheth bowed down to David to show him respect.

David said, “Mephibosheth!”

“I’m ready to serve you,” he replied.

7“Don’t be afraid,” David told him. “You can be sure that I will be kind to you because of your father Jonathan. I’ll give back to you all the land that belonged to your grandfather Saul. And I’ll always provide what you need.”

8Mephibosheth bowed down to David. He said, “Who am I? Why should you pay attention to me? I’m nothing but a dead dog.”

9Then the king sent for Saul’s servant Ziba. He said to him, “I’m giving your master’s grandson everything that belonged to Saul and his family. 10You and your sons and your servants must farm the land for him. You must bring in the crops. Then he’ll be taken care of. I’ll always provide what he needs.” Ziba had 15 sons and 20 servants.

11Then Ziba said to the king, “I’ll do anything you command me to do. You are my king and master.” So David provided what Mephibosheth needed. He treated him like one of the king’s sons.

12Mephibosheth had a young son named Mika. All the members of Ziba’s family became servants of Mephibosheth. 13Mephibosheth lived in Jerusalem. The king always provided what he needed. Both of his feet were hurt so that he could not walk.

Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 9:1-13

Si David at si Mefiboset

1Isang araw, nagtanong si David, “May natitira pa ba sa sambahayan ni Saul na maaari kong pakitaan ng kabutihan alang-alang kay Jonatan?” 2Ipinatawag ni David ang isang tao na nagngangalang Ziba, isang utusan mula sa sambahayan ni Saul. Pagdating niya, tinanong siya ni David, “Ikaw ba si Ziba?” Sumagot siya, “Ako nga po.” 3Muling nagtanong ang hari, “May natitira pa ba sa sambahayan ni Saul na maaari kong pakitaan ng kabutihan ng Dios?” Sumagot siya, “Mayroon po, ang lumpong anak na lalaki ni Jonatan.” 4“Nasaan siya?” tanong ng hari. Sumagot si Ziba, “Naroon po sa Lo Debar, sa bahay ni Makir na anak ni Amiel.” 5Kaya ipinasundo siya ni David mula sa bahay ni Makir.

6Ang pangalan ng anak ni Jonatan ay Mefiboset at apo siya ni Saul. Pagdating niya kay David, yumukod siya bilang paggalang dito. Sinabi ni David sa kanya, “Ikaw pala si Mefiboset.” Sumagot siya, “Ako nga po.” 7Sinabi ni David sa kanya, “Huwag kang matakot. Ipinatawag kita dahil gusto kitang pakitaan ng kabutihan dahil sa iyong amang si Jonatan. Ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ng iyong lolong si Saul, at hindi lang iyan, dito ka na palagiang kakain kasama ko.” 8Yumukod si Mefiboset at sinabi, “Sino po ako para tratuhin nʼyo ako ng ganito? Gaya lang po ako ng isang patay na aso.” 9Pagkatapos, ipinatawag ng hari si Ziba, ang dating utusan ni Saul at sinabi, “Ibinigay ko na sa apo ng amo mong si Saul ang lahat ng ari-arian ng kanyang lolo. 10Ikaw, ang mga anak mo, at ang mga utusan mo ang magsasaka ng lupain para sa kanya, at dapat mong dalhin sa kanya ang mga ani para may pagkain ang sambahayan ng amo mo.9:10 ang sambahayan ng amo mo: Ito ang nasa tekstong Septuagint. Sa Hebreo, ang apo ng amo mo. Pero si Mefiboset naman ay kakaing kasama ko.” (May 15 anak na lalaki at 20 utusan si Ziba.)

11Sumagot si Ziba sa hari, “Gagawin ko po, Mahal na Hari, ang lahat ng iniutos nʼyo sa akin na inyong lingkod.” Mula noon, palaging kumakain si Mefiboset kasama ni David na parang isa sa mga anak niya. 12May bata pang anak na lalaki si Mefiboset na nagngangalang Mica. Ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Ziba ay naging utusan ni Mefiboset. 13At si Mefiboset na lumpo ang dalawang paa ay nanirahan sa Jerusalem, at palagi siyang kumakain kasama ni Haring David.