2 Samuel 18 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

2 Samuel 18:1-33

1David brought together the men with him. He appointed commanders of thousands over some of them. He appointed commanders of hundreds over the others. 2Then David sent out his troops in military groups. One group was under the command of Joab. Another was under Joab’s brother Abishai, the son of Zeruiah. The last was under Ittai, the Gittite. The king told the troops, “You can be sure that I myself will march out with you.”

3But the men said, “You must not march out. If we are forced to run away, our enemies won’t care about us. Even if half of us die, they won’t care. But you are worth 10,000 of us. So it would be better for you to stay here in the city. Then you can send us help if we need it.”

4The king said, “I’ll do what you think is best.”

So the king stood beside the city gate. His whole army marched out in groups of hundreds and groups of thousands. 5The king gave an order to Joab, Abishai and Ittai. He commanded them, “Be gentle with the young man Absalom. Do it for me.” All the troops heard the king give the commanders that order about Absalom.

6David’s army marched out of the city to fight against Israel. The battle took place in the forest of Ephraim. 7There David’s men won the battle over Israel’s army. A huge number of men were wounded or killed that day. The total number was 20,000. 8The fighting spread out over the whole countryside. But more men were killed in the forest that day than out in the open.

9Absalom happened to come across some of David’s men. He was riding his mule. The mule went under the thick branches of a large oak tree. Absalom’s hair got caught in the tree. He was left hanging in the air. The mule he was riding kept on going.

10One of David’s men saw what had happened. He told Joab, “I just saw Absalom hanging in an oak tree.”

11Joab said to the man, “What! You saw him? Why didn’t you strike him down right there? Then I would have had to give you four ounces of silver and a soldier’s belt.”

12But the man replied, “I wouldn’t do anything to hurt the king’s son. I wouldn’t do it even for 25 pounds of silver. We heard the king’s command to you and Abishai and Ittai. He said, ‘Be careful not to hurt the young man Absalom. Do it for me.’ 13Suppose I had put my life in danger by killing him. The king would have found out about it. Nothing is hidden from him. And you wouldn’t have stood up for me.”

14Joab said, “I’m not going to waste any more time on you.” So he got three javelins. Then he went over and plunged them into Absalom’s heart. He did it while Absalom was still hanging there alive in the oak tree. 15Ten of the men carrying Joab’s armor surrounded Absalom. They struck him and killed him.

16Then Joab blew his trumpet. He ordered his troops to stop chasing Israel’s army. 17Joab’s men threw Absalom into a big pit in the forest. They covered him with a large pile of rocks. While all of that was going on, all the Israelites ran back to their homes.

18Earlier in his life Absalom had set up a pillar in the King’s Valley. He had put it up as a monument to himself. He thought, “I don’t have a son to carry on the memory of my name.” So he named the pillar after himself. It is still called Absalom’s Monument to this day.

David Mourns Over Absalom

19Ahimaaz, the son of Zadok, said to Joab, “Let me run and take the news to the king. Let me tell him that the Lord has shown that David is in the right. The Lord has done this by saving David from his enemies.”

20“I don’t want you to take the news to the king today,” Joab told him. “You can do it some other time. But you must not do it today, because the king’s son is dead.”

21Then Joab said to a man from Cush, “Go. Tell the king what you have seen.” The man bowed down in front of Joab. Then he ran off.

22Ahimaaz, the son of Zadok, spoke again to Joab. He said, “I don’t care what happens to me. Please let me run behind the man from Cush.”

But Joab replied, “My son, why do you want to go? You don’t have any news that will bring you a reward.”

23He said, “I don’t care what happens. I want to run.”

So Joab said, “Run!” Then Ahimaaz ran across the plain of the Jordan River. As he ran, he passed the man from Cush.

24David was sitting in the area between the inner and outer gates of the city. The man on guard duty went up to the roof over the entrance of the gate by the wall. As he looked out, he saw someone running alone. 25The guard called out to the king and reported it.

The king said, “If the runner is alone, he must be bringing good news.” The runner came closer and closer.

26Then the man on guard duty saw another runner. He called out to the man guarding the gate. He said, “Look! There’s another man running alone!”

The king said, “He must be bringing good news too.”

27The man on guard duty said, “I can see that the first one runs like Ahimaaz, the son of Zadok.”

“He’s a good man,” the king said. “He’s bringing good news.”

28Then Ahimaaz called out to the king, “Everything’s all right!” He bowed down in front of the king with his face toward the ground. He said, “You are my king and master. Give praise to the Lord your God! He has handed over to you those who lifted their hands to kill you.”

29The king asked, “Is the young man Absalom safe?”

Ahimaaz answered, “I saw total disorder. I saw it just as Joab was about to send the king’s servant and me to you. But I don’t know what it was all about.”

30The king said, “Stand over there and wait.” So he stepped over to one side and stood there.

31Then the man from Cush arrived. He said, “You are my king and master. I’m bringing you some good news. The Lord has shown that you are in the right. He has done this by rescuing you today from all those trying to kill you.”

32The king asked the man from Cush, “Is the young man Absalom safe?”

The man replied, “King David, may your enemies be like that young man. May all those who rise up to harm you be like him.”

33The king was very upset. He went up to the room over the entrance of the gate and wept. As he went, he said, “My son Absalom! My son, my son Absalom! I wish I had died instead of you. Absalom! My son, my son!”

Tagalog Contemporary Bible

2 Samuel 18:1-33

Napatay si Absalom

1Pinaggrupo-grupo ni David ang mga tauhan niya sa tig-1,000 at tig-100 at pumili siya ng mga pinuno na mamumuno sa kanila. 2Pinalakad niya sila sa tatlong grupo. Si Joab ang pinuno ng isang grupo, si Abishai na kapatid ni Joab ang sa isang grupo, at si Itai naman na taga-Gat ang sa isa pang grupo. Sinabi ni Haring David sa kanila, “Ako mismo ang mamumuno sa inyo sa pakikipaglaban.” 3Pero sinabi ng mga tauhan niya, “Hindi po kayo dapat sumama sa amin. Wala pong halaga sa mga kalaban kung tatakas kami, o kung mapatay ang kalahati sa amin. Mas gusto nilang mapatay kayo kaysa sa 10,000 sa amin. Kaya mabuti pang maiwan na lang kayo rito sa lungsod at magpadala sa amin ng tulong kung kinakailangan.” 4Sumagot si Haring David, “Gagawin ko kung ano ang mabuti sa tingin ninyo.” Tumayo si Haring David sa gilid ng pintuan ng lungsod habang lumalabas ang lahat ng tauhan niya na nakagrupo sa tig-1,000 at tig-100. 5Nag-utos si Haring David kina Joab, Abishai at Itai, “Alang-alang sa akin, huwag nʼyong sasaktan ang binatang si Absalom.” Narinig ng lahat ng grupo ang utos na ito ni David sa mga kumander ng mga sundalo niya.

6Lumakad na ang mga sundalo ni David para makipaglaban sa mga sundalo ng Israel, at sa kagubatan ng Efraim sila naglaban. 7Natalo ng mga sundalo ni David ang mga Israelita. Maraming namatay nang araw na iyon – 20,000 tao. 8Lumaganap ang labanan sa buong kagubatan, at mas maraming namatay sa panganib sa kagubatan kaysa sa mga namatay sa espada.

9Sa panahon ng labanan, nasalubong ni Absalom ang mga tauhan ni David, at tumakas siya sakay ng mola18:9 mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo. niya. At habang nagpapasuot-suot siya sa ilalim ng malalagong sanga ng malaking puno ng ensina, sumabit ang ulo niya sa sanga. Dumiretso ng takbo ang mola at naiwan siyang nakabitin sa puno. 10Nang makita ito ng isang tauhan ni David, pinuntahan niya si Joab at sinabi, “Nakita ko si Absalom na nakabitin sa puno ng ensina.” 11Sinabi sa kanya ni Joab, “Ano? Nakita mo siya? Bakit hindi mo siya pinatay? Binigyan sana kita ng gantimpalang sampung pirasong pilak at espesyal na sinturon para sa isang opisyal.” 12Pero sumagot ang tauhan, “Kahit na bigyan mo pa ako ng 1,000 pirasong pilak, hindi ko papatayin ang anak ng hari. Narinig namin ang iniutos ng hari sa iyo, kay Abishai at kay Itai, na huwag ninyong sasaktan ang binatang si Absalom alang-alang sa kanya. 13At kahit na suwayin ko pa ang hari sa pamamagitan ng pagpatay kay Absalom, malalaman din ito ng hari, at hindi mo naman ako ipagtatanggol.” 14Sinabi ni Joab, “Nagsasayang lang ako ng oras sa iyo!” Pagkatapos, kumuha siya ng tatlong sibat at pinuntahan si Absalom na buhay pang nakasabit sa puno ng ensina. Pagkatapos, sinibat niya sa dibdib si Absalom. 15Pinalibutan pa ng sampung tagadala ng armas ni Joab si Absalom at tinuluyan siyang patayin. 16Pinatunog ni Joab ang trumpeta para itigil na ang labanan, at upang tumigil na ang mga tauhan niya sa paghabol sa mga sundalo ng Israel. 17Kinuha nila ang bangkay ni Absalom at inihulog sa malalim na hukay sa kagubatan, at tinabunan ito ng napakaraming malalaking tipak ng bato. Samantala, tumakas pauwi ang lahat ng sundalo ng Israel.

18Noong buhay pa si Absalom, nagpatayo siya ng monumento para sa sarili niya sa Lambak ng Hari, dahil wala siyang anak na lalaki na magdadala ng pangalan niya. Tinawag niya itong “Monumento ni Absalom”, at hanggang ngayon, ito pa rin ang tawag dito.

Ipinagluksa ni David ang Pagkamatay ni Absalom

19Sinabi ng anak ni Zadok na si Ahimaaz, kay Joab, “Payagan mo akong pumunta kay David para ibalita sa kanya na iniligtas siya ng Panginoon sa mga kalaban niya.” 20Sinabi ni Joab, “Hindi ka magbabalita sa hari sa araw na ito. Pwede sa ibang araw, pero hindi ngayon, dahil namatay ang anak ng hari.” 21Sinabi ni Joab sa isang tao na galing sa Etiopia,18:21 na galing sa Etiopia: sa Hebreo, na galing sa Cush. “Puntahan mo si Haring David at sabihin mo ang nakita mo.” Yumukod muna ito kay Joab bago patakbong umalis. 22Muling sinabi ni Ahimaaz kay Joab, “Kahit ano pa ang mangyari, payagan mo akong sumunod sa taong taga-Etiopia.” Sinabi ni Joab, “Anak, bakit gusto mong gawin ito? Wala ka namang makukuhang gantimpala sa pagbabalita mo.” 23Sinabi ni Ahimaaz, “Kahit anong mangyari, aalis ako.” Kaya sinabi ni Joab sa kanya, “Sige, umalis ka!” Kaya tumakbo si Ahimaaz at tinahak ang daan papuntang kapatagan ng Jordan, at naunahan pa niya ang taong taga-Etiopia.

24Habang nakaupo si David sa pagitan ng pintuan ng unang pader at pintuan ng ikalawang pader ng lungsod, umakyat sa pader ang tagapagbantay ng lungsod at tumayo sa bubong ng pintuan. Habang tumitingin-tingin siya roon, may nakita siyang isang taong tumatakbo. 25Sumigaw siya kay David na may dumarating na tao, nang mga panahong iyon ay nasa ilalim ng bubong ang hari. Sinabi ni David, “Kung mag-isa lang siya, may dala siguro siyang balita.” Habang papalapit nang papalapit ang tao, 26may nakita pa siyang isang taong tumatakbo rin. Sumigaw siya sa ibaba na may isa pang taong paparating. Sinabi ng hari, “May dala rin siguro siyang balita.” 27Sinabi ng tagapagbantay, “Para pong si Ahimaaz na anak ni Zadok ang unang paparating.” Sinabi ng hari, “Mabuti siyang tao. Magandang balita siguro ang dala niya.” 28Pagdating ni Ahimaaz, kinamusta niya ang hari at yumukod siya rito bilang paggalang. Pagkatapos, sinabi niya, “Purihin ang Panginoon na inyong Dios, Mahal na Hari! Pinagtagumpay niya po kayo laban sa mga taong naghimagsik sa inyo.” 29Nagtanong ang hari, “Kumusta ang binatang si Absalom? Ayos lang ba siya?” Sumagot si Ahimaaz, “Nang ipinatawag ako ni Joab na lingkod nʼyo, nakita ko pong nagkakagulo ang mga tao pero hindi ko alam kung ano iyon.” 30Sinabi ng hari, “Diyan ka lang.” Kaya tumayo siya sa tabi. 31Maya-maya pa, dumating ang taong taga-Etiopia at sinabi, “Mahal na Hari, may maganda po akong balita. Iniligtas po kayo ng Panginoon sa araw na ito sa lahat ng naghimagsik laban sa inyo.” 32Nagtanong sa kanya ang hari, “Kumusta ang binata kong si Absalom? Hindi ba siya nasaktan?” Sumagot ang tao, “Ang nangyari po sana sa kanya ay mangyari sa lahat ng kalaban nʼyo, Mahal na Hari.”

33Nanginig si David. Umakyat siya sa kwarto sa itaas ng pintuan ng lungsod at umiyak. Habang umaakyat siya, sinasabi niya, “O Absalom, anak ko, ako na lang sana ang namatay sa halip na ikaw. O Absalom, anak ko, anak ko!”