1 Thessalonians 4 – NIRV & TCB

New International Reader’s Version

1 Thessalonians 4:1-18

Living in a Way That Pleases God

1Now I want to talk about some other matters, brothers and sisters. We taught you how to live in a way that pleases God. In fact, that is how you are living. In the name of the Lord Jesus we ask and beg you to do it more and more. 2You know the directions we gave you. They were given by the authority of the Lord Jesus.

3God wants you to be made holy. He wants you to stay away from sexual sins. 4He wants all of you to learn to control your own bodies. You must live in a way that is holy. You must live with honor. 5Don’t desire to commit sexual sins like people who don’t know God. 6None of you should sin against your brother or sister by doing that. You should not take advantage of your brother or sister. The Lord will punish everyone who commits these kinds of sins. We have already told you and warned you about this. 7That’s because God chose us to live pure lives. He wants us to be holy. 8Suppose someone refuses to accept our teaching. They are not turning their back on us. They are turning their back on God. This same God gives you his Holy Spirit.

9We don’t need to write to you about your love for one another. God himself has taught you to love one another. 10In fact, you do love all God’s family all around Macedonia. Brothers and sisters, we are asking you to love one another more and more. 11And do everything you can to live a quiet life. You should mind your own business. And work with your hands, just as we told you to. 12Then unbelievers will have respect for your everyday life. And you won’t have to depend on anyone.

What Happens to Believers Who Have Died

13Brothers and sisters, we want you to know what happens to those who die. We don’t want you to mourn, as other people do. They mourn because they don’t have any hope. 14We believe that Jesus died and rose again. When he returns, many who believe in him will have died already. We believe that God will bring them back with Jesus. 15This agrees with what the Lord has said. When the Lord comes, many of us will still be alive. We tell you that we will certainly not go up before those who have died. 16The Lord himself will come down from heaven. We will hear a loud command. We will hear the voice of the leader of the angels. We will hear a blast from God’s trumpet. Many who believe in Christ will have died already. They will rise first. 17After that, we who are still alive and are left will be caught up together with them. We will be taken up in the clouds. We will meet the Lord in the air. And we will be with him forever. 18So encourage one another with these words of comfort.

Tagalog Contemporary Bible

1 Tesalonica 4:1-18

Ang Buhay na Kaaya-aya sa Dios

1Mga kapatid, natutunan nʼyo sa amin kung paano mamuhay nang kalugod-lugod sa Dios, at ito nga ang ginagawa ninyo. Hinihiling namin ngayon sa pangalan ng Panginoong Jesus na lalo nʼyo pa sana itong pag-ibayuhin. 2Sapagkat alam naman ninyo ang mga utos ng Panginoong Jesus na ibinigay namin sa inyo: 3Nais ng Dios na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa sekswal na imoralidad. 4Dapat ay matutong makitungo ang bawat isa sa asawa niya4:4 o, Dapat ay matutong magpigil ang bawat isa sa sarili niyang katawan. sa banal at marangal na pamamaraan, 5at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Dios, 6upang sa ganoon, hindi kayo makagagawa ng masama o mananamantala ng kapwa, dahil parurusahan ng Dios ang sinumang gumagawa ng mga ito, tulad ng sinabi at pinaalala namin sa inyo noon pa. 7Tinawag tayo ng Dios para mamuhay sa kabanalan, hindi sa kahalayan. 8Ang sinumang hindi sumusunod sa mga utos na ito ay hindi sa tao sumusuway kundi sa Dios na nagbibigay sa inyo ng kanyang Banal na Espiritu.

9Ngayon, tungkol sa pagmamahalan bilang magkakapatid sa Panginoon, hindi na kayo kailangang paalalahanan pa tungkol dito, dahil ang Dios na mismo ang nagturo sa inyo na magmahalan. 10At ito nga ang ginagawa nʼyo sa lahat ng kapatid sa Macedonia. Ganoon pa man, hinihiling namin na lalo pa ninyong pag-ibayuhin ang pag-ibig ninyo. 11Sikapin ninyong mamuhay nang mapayapa, at huwag kayong makikialam sa buhay ng iba. Magtrabaho ang bawat isa para sa ikabubuhay niya, tulad ng ibinilin namin sa inyo. 12Nang sa ganoon, hindi nʼyo na kailangang umasa sa iba, at igagalang kayo ng mga hindi mananampalataya.

Ang Pagbabalik ng Panginoon

13Mga kapatid, gusto naming malaman nʼyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na, para hindi kayo magdalamhati gaya ng iba na walang pag-asa. 14Naniniwala tayong si Jesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman, naniniwala tayong bubuhayin din ng Dios ang mga sumasampalataya kay Jesus, at isasama niya kay Jesus.

15Sinasabi namin sa inyo ang mismong turo ng Panginoon: Tayong mga buhay pa pagbalik ng Panginoon ay hindi mauuna sa mga namatay na. 16Sa araw na iyon, ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit kasabay ng malakas na utos. Maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Dios. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Cristo ang unang bubuhayin; 17pagkatapos, ang mga buhay pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap para salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman. 18Kaya nga, mga kapatid, pasiglahin ninyo ang isaʼt isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.