Kiswahili Contemporary Version (Neno: Bibilia Takatifu)

Hosea 10:1-15

110:1 Eze 15:2; 1Fal 14:23; Hos 4:7; 8:11; 12:11; 13:15Israeli alikuwa mzabibu uliostawi sana,

alijizalia matunda mwenyewe.

Kadiri matunda yake yalivyoongezeka,

alijenga madhabahu zaidi;

kadiri nchi yake ilivyostawi,

alipamba mawe yake ya ibada.

210:2 1Fal 18:21; Hos 13:16; Mik 5:13Moyo wao ni mdanganyifu,

nao sasa lazima wachukue hatia yao.

Bwana atabomoa madhabahu zao

na kuharibu mawe yao ya ibada.

310:3 Mik 4:9Kisha watasema, “Hatuna mfalme

kwa sababu hatukumheshimu Bwana.

Lakini hata kama tungelikuwa na mfalme,

angeweza kutufanyia nini?”

410:4 Hos 4:2; Eze 17:19; Amo 5:7; 6:12; Hos 4:2; Eze 17:19; Amo 5:7; 6:12Wanaweka ahadi nyingi,

huapa viapo vya uongo

wanapofanya mapatano;

kwa hiyo mashtaka huchipuka

kama magugu ya sumu

katika shamba lililolimwa.

510:5 Hos 5:8; 8:5-6; 2Fal 23:5; Sef 1:4; Amu 18:17-18; 1Fal 12:28; Kut 32:4; Isa 44:17-20Watu wanaoishi Samaria huogopa

kwa ajili ya sanamu ya ndama ya Beth-Aveni.10:5 Beth-Aveni maana yake Nyumba ya Ubatili (au Uovu), jina lingine la Betheli kwa dhihaka.

Watu wake wataiombolezea,

vivyo hivyo kuhani wake wa kuabudu sanamu,

wale waliokuwa wamefurahia fahari yake,

kwa sababu itaondolewa kutoka kwao

kwenda uhamishoni.

610:6 2Fal 16:7; Hos 4:7; 5:13; 11:5; Isa 30:3; Amu 3:15; Yer 48:13Itachukuliwa kwenda Ashuru

kama ushuru kwa mfalme mkuu.

Efraimu atafedheheshwa;

Israeli ataaibika kwa ajili ya sanamu zake za mti.

710:7 Hos 13:11; 10:15Samaria na mfalme wake wataelea

kama kijiti juu ya uso wa maji.

810:8 1Fal 12:28-30; Hos 9:6; Kum 9:21; Ufu 6:16; Isa 32:13; Amo 3:14-15; 7:9; Ay 30:6; Eze 6:6; Lk 23:30Mahali pa kuabudia sanamu pa uovu10:8 Yaani Aveni kwa Kiebrania, kumaanisha Beth-Aveni, jina lingine la Betheli kwa dhihaka. pataharibiwa:

ndiyo dhambi ya Israeli.

Miiba na mibaruti itaota

na kufunika madhabahu zao.

Kisha wataiambia milima, “Tufunikeni!”

na vilima, “Tuangukieni!”

910:9 Hos 5:8; Ay 7:11“Tangu siku za Gibea, mmetenda dhambi, ee Israeli,

huko ndiko mlikobaki.

Je, vita havikuwapata

watenda mabaya huko Gibea?

1010:10 Eze 5:13; Hos 4:9; Amo 8:14Wakati nitakapopenda, nitawaadhibu;

mataifa yatakusanywa dhidi yao

ili kuwaweka katika vifungo

kwa ajili ya dhambi zao mbili.

1110:11 Yer 15:12; 31:18Efraimu ni mtamba wa ngʼombe aliyefundishwa

ambaye hupenda kupura,

hivyo nitamfunga nira

juu ya shingo yake nzuri.

Nitamwendesha Efraimu,

Yuda lazima alime,

naye Yakobo lazima avunjavunje

mabonge ya udongo.

1210:12 Mit 11:18; Yak 3:18; Hos 12:6; Isa 19:22; 45:8; Mhu 11:1; Yer 4:3Jipandieni wenyewe haki,

vuneni matunda ya upendo usio na kikomo,

vunjeni ardhi yenu isiyolimwa;

kwa kuwa ni wakati wa kumtafuta Bwana,

mpaka atakapokuja

na kuwanyeshea juu yenu haki.

1310:13 Ay 4:8; Gal 6:7-8; Za 33:16; Mit 22:8; Hos 7:3; 8:7; 11:12Lakini mmepanda uovu,

mkavuna ubaya,

mmekula tunda la udanganyifu.

Kwa sababu mmetegemea nguvu zenu wenyewe

na wingi wa mashujaa wenu,

1410:14 Isa 13:16; 17:3; Mik 5:11; Hos 13:16; 2Fal 17:3mngurumo wa vita utainuka dhidi ya watu wako,

ili kwamba ngome zako zote zitaharibiwa:

kama Shalmani alivyoharibu Beth-Arbeli katika siku ile ya vita,

wakati mama pamoja na watoto wao

walipotupwa kwa nguvu ardhini.

1510:15 Hos 10:7Ndivyo itakavyotokea kwako, ee Betheli,

kwa sababu uovu wako ni mkuu.

Siku ile itakapopambazuka,

mfalme wa Israeli ataharibiwa kabisa.

Tagalog Contemporary Bible

Hosea 10:1-15

1“Ang mga taga-Israel noon ay parang tanim na ubas na mayabong at hitik sa bunga. Pero habang umuunlad sila, dumarami rin ang ipinapatayo nilang altar at pinapaganda nila ang alaalang bato na sinasamba nila. 2Mapanlinlang sila,10:2 Mapanlinlang sila: o, Madaling magbago ang kanilang isip. at ngayon dapat na nilang pagdusahan ang kanilang mga kasalanan. Gigibain ng Panginoon ang mga altar nila at mga alaalang bato. 3Siguradong sasabihin nila sa bandang huli, ‘Wala kaming hari dahil wala kaming takot sa Panginoon. Pero kahit na may hari kami, wala rin itong magagawang mabuti para sa amin.’ 4Puro salita lang sila10:4 sila: Ang mga dating hari o ang mga tao. pero hindi naman nila tinutupad. Nanunumpa sila ng kasinungalingan at gumagawa ng kasunduan na hindi naman nila tinutupad. Kaya ang katarungan ay parang nakakalasong damo na tumutubo sa binungkal na lupain.

5“Matatakot ang mga mamamayan ng Samaria dahil mawawala ang mga dios-diosang guya sa Bet Aven. Sila at ang kanilang mga pari na nagagalak sa kagandahan ng mga dios-diosan nila ay iiyak dahil kukunin iyon sa kanila 6at dadalhin sa Asiria at ireregalo sa dakilang hari roon. Mapapahiya ang Israel10:6 Israel: sa Hebreo, Efraim. Isa ito sa mga lahi sa kaharian ng Israel, pero sa aklat na ito ang tinutukoy ay ang buong kaharian ng Israel. sa kanyang pagtitiwala sa mga dios-diosan.10:6 sa kanyang … dios-diosan: o, sa payong sinunod niya. 7Mawawala ang kanyang10:7 kanyang: sa Hebreo, Samaria. Ito ang kabisera ng Israel at kumakatawan sa buong kaharian ng Israel. Tingnan ang “footnote” sa 4:15. hari na parang kahoy na tinangay ng agos. 8Gigibain ang mga sambahan sa mga matataas na lugar ng Aven,10:8 Aven: Ito rin ang Bet Aven o Betel. na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Matatakpan ang kanilang mga altar ng matataas na damo at mga halamang may tinik. Sasabihin nila sa mga bundok at mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ ”

Hinatulan ang Israel

9Sinabi ng Panginoon, “Kayong mga mamamayan ng Israel ay patuloy sa pagkakasala mula pa noong magkasala ang inyong mga ninuno roon sa Gibea. Hindi kayo nagbago. Kaya kayong mga lahi ng masasama ay lulusubin sa Gibea. 10Gusto ko na kayong parusahan. Kaya magsasanib ang mga bansa upang lusubin kayo10:10 upang lusubin kayo: o, upang bihagin kayo. dahil sa patuloy ninyong pagkakasala. 11Noon, para kayong dumalagang baka na sinanay na gumiik at gustong-gusto ang gawaing ito. Pero ngayon, pahihirapan ko kayong mga taga-Israel10:11 Israel: sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang footnote sa 4:17. at pati ang mga taga-Juda. Magiging tulad kayo ng dumalagang baka na sisingkawan ang makinis niyang leeg at pahihirapan sa paghila ng pang-araro. 12Sinabi ko sa inyo, ‘Palambutin ninyo ang inyong mga puso tulad ng binungkal na lupa. Magtanim kayo ng katuwiran at mag-aani kayo ng pagmamahal. Sapagkat panahon na para magbalik-loob kayo sa akin hanggang sa aking pagdating, at pauulanan ko kayo ng tagumpay.’10:12 tagumpay: o, kaligtasan.

13“Pero nagtanim kayo ng kasamaan, kaya nag-ani rin kayo ng kasamaan. Nagsinungaling kayo, at iyan ang bunga ng inyong kasamaan. At dahil sa nagtitiwala kayo sa sarili ninyong kakayahan, tulad halimbawa sa marami ninyong mga kawal, 14darating ang digmaan sa inyong mga mamamayan at magigiba ang inyong mga napapaderang lungsod. Gagawin ng mga kalaban ninyo ang ginawa ni Shalman10:14 Shalman: Maaaring isang hari ng mga Moabita. sa lungsod ng Bet Arbel nang pagluray-lurayin niya ang mga ina at ang kanilang mga anak. 15Ganyan din ang mangyayari sa inyong mga taga-Betel, dahil sukdulan na ang kasamaan ninyo. Sa pagbubukang-liwayway, siguradong mamamatay ang hari ng Israel.”