레위기 17 – KLB & TCB

Korean Living Bible

레위기 17:1-16

피를 신성시함

1여호와께서는 모세를 불러 아론과 그의 아들들과 이스라엘 모든 백성

2에게 다음과 같은 명령을 전하라고 말씀하셨다.

3-4“이스라엘 사람 중에 누구든지 나 여호 와에게 제물로 바칠 소나 양이나 염소를 성막 앞이 아닌 다른 지역에서 잡는 사람은 제사법을 어기고 피를 흘린 죄로 내 백성 가운데서 제거될 것이다.

5그러므로 이스라엘 백성은 들에서 잡던 희생제물을 성막 입구로 끌어다가 제사장에게 주어 나 여호와에게 화목제물로 드려야 하며

6제사장은 그 피를 성막 입구에 있는 제단에 뿌리고 그 기름은 불로 태워 나 여호와를 기쁘게 하는 향기가 되게 해야 한다.

7이스라엘 백성은 들에서 짐승을 잡아 염소 우상에게 제사지내던 일을 버려야 할 것이다. 이것은 그들이 대대로 지켜야 할 규정이다.

8“이스라엘 사람이건 그들 가운데 사는 외국인이건 누구든지 다른 희생제물을 드릴 때

9나 여호와의 성막 입구로 가지고 와서 드리지 않는 자는 내 백성 가운데서 제거될 것이다.

10“이스라엘 사람이건 그들 가운데 사는 외국인이건 누구든지 피를 먹는 자가 있으면 17:10 히 ‘내 얼굴을 그에게 돌려’내가 그를 심판하여 내 백성 가운데서 제거하겠다.

11모든 생물체의 생명은 피에 있다. 그래서 내가 피를 너희에게 주어 이것을 단에 뿌림으로써 너희 생명을 속하게 하였다. 이와 같이 생명이 피에 있기 때문에 이 피가 죄를 속하는 것이다.

12그러므로 내가 이스라엘 백성에게 ‘너희는 아무도 피를 먹지 말고 너희 가운데 사는 외국인도 피를 먹어서는 안 된다’ 고 하였다.

13이스라엘 사람이건 그들 가운데 사는 외국인이건 누구든지 먹어도 좋은 짐승이나 새를 사냥하여 잡았을 경우에 그 피는 땅에 쏟아 흙으로 덮어야 한다.

14이것은 피가 그 생명과도 같기 때문이다. 그래서 내가 이스라엘 백성에게 피를 먹지 말라고 명령하였다. 이와 같이 모든 생물체의 생명은 피에 있으므로 누구든지 피를 먹는 자는 내 백성 가운데서 제거될 것이다.

15“본토인이든 외국인이든 저절로 죽은 것이나 맹수에게 찢겨 죽은 동물의 고기를 먹는 자는 누구든지 옷을 빨고 목욕을 해야 한다. 그래도 저녁까지는 부정할 것이며 그 후에야 깨끗해질 것이다.

16그러나 만일 그가 옷을 빨지도 않고 목욕도 하지 않으면 그는 그 죄의 대가를 받게 될 것이다.”

Tagalog Contemporary Bible

Leviticus 17:1-16

Ang mga Tuntunin Tungkol sa Tamang Lugar ng Paghahandog

1Inutusan ng Panginoon si Moises 2na sabihin ito kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki, at sa lahat ng mga taga-Israel:

3Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng baka, tupa, o kambing sa ibang lugar 4-5maliban sa Toldang Tipanan ay katulad ng taong nakapatay ng kapwa, kaya huwag ninyo siyang ituturing na kababayan ninyo. Ang tuntuning itoʼy ginawa para ang paghahandog ay gagawin ninyo malapit sa may pintuan ng Tolda at hindi sa ibang lugar. Ang inyong mga handog para sa mabuting relasyon ay ibibigay ninyo sa pari na siyang maghahandog nito sa Panginoon. 6Iwiwisik ng pari ang dugo ng handog na hayop sa altar na pinaghahandugan para sa Panginoon malapit sa may pintuan ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, susunugin niya ang taba ng mga hayop. At ang mabangong samyo nitoʼy makalulugod sa Panginoon. 7Kaya hindi na kayo dapat maghandog sa mga demonyo na mukhang kambing,17:7 demonyo na mukhang kambing: o, dios-diosang kambing. dahil ito ang maglalayo sa inyo sa Panginoon. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito, kayo at ng susunod pang mga henerasyon magpakailanman.

8Kayong mga taga-Israel at ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, tandaan ninyo ito:

Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng anumang uri ng handog sa ibang lugar 9at hindi sa may pintuan ng Tolda ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

10Ang sinuman sa inyo na kakain ng dugo ay magiging kalaban ng Panginoon at huwag na ninyong ituring na kababayan. 11Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay nasa kanyang dugo at iniutos sa inyo ng Panginoon na ang dugo ay gamitin ninyo bilang pantubos sa inyong mga kasalanan, dahil ang dugo ang nagbibigay ng buhay, ang siyang pantubos ng tao sa kanyang mga kasalanan. 12Ito ang dahilan kung bakit hindi ninyo dapat kainin ang dugo.

13Ang sinuman sa inyong huhuli ng hayop o ibon na maaaring kainin, dapat niyang patuluin ang dugo at tabunan ng lupa, 14dahil ang buhay ng bawat nilalang ay nasa kanyang dugo. Kaya nga sinabi sa inyo ng Panginoon na huwag kayong kakain ng dugo ng anumang nilalang. Ang sinuman sa inyong kakain ng dugo ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

15Ang sinuman sa inyo; katutubong Israelita man o dayuhang kumain ng hayop na namatay o pinatay ng kapwa hayop, kailangan niyang maglaba ng kanyang damit at maligo, pero ituturing pa rin siyang marumi hanggang sa paglubog ng araw. 16Kapag hindi niya nilabhan ang kanyang damit at hindi naligo, may pananagutan siya.