Matthew 27 – KJV & TCB

King James Version

Matthew 27:1-66

1When the morning was come, all the chief priests and elders of the people took counsel against Jesus to put him to death: 2And when they had bound him, they led him away, and delivered him to Pontius Pilate the governor.

3¶ Then Judas, which had betrayed him, when he saw that he was condemned, repented himself, and brought again the thirty pieces of silver to the chief priests and elders, 4Saying, I have sinned in that I have betrayed the innocent blood. And they said, What is that to us? see thou to that. 5And he cast down the pieces of silver in the temple, and departed, and went and hanged himself. 6And the chief priests took the silver pieces, and said, It is not lawful for to put them into the treasury, because it is the price of blood. 7And they took counsel, and bought with them the potter’s field, to bury strangers in. 8Wherefore that field was called, The field of blood, unto this day. 9Then was fulfilled that which was spoken by Jeremy the prophet, saying, And they took the thirty pieces of silver, the price of him that was valued, whom they of the children of Israel did value; 10And gave them for the potter’s field, as the Lord appointed me. 11And Jesus stood before the governor: and the governor asked him, saying, Art thou the King of the Jews? And Jesus said unto him, Thou sayest. 12And when he was accused of the chief priests and elders, he answered nothing. 13Then said Pilate unto him, Hearest thou not how many things they witness against thee? 14And he answered him to never a word; insomuch that the governor marvelled greatly. 15Now at that feast the governor was wont to release unto the people a prisoner, whom they would. 16And they had then a notable prisoner, called Barabbas. 17Therefore when they were gathered together, Pilate said unto them, Whom will ye that I release unto you? Barabbas, or Jesus which is called Christ? 18For he knew that for envy they had delivered him.

19¶ When he was set down on the judgment seat, his wife sent unto him, saying, Have thou nothing to do with that just man: for I have suffered many things this day in a dream because of him. 20But the chief priests and elders persuaded the multitude that they should ask Barabbas, and destroy Jesus. 21The governor answered and said unto them, Whether of the twain will ye that I release unto you? They said, Barabbas. 22Pilate saith unto them, What shall I do then with Jesus which is called Christ? They all say unto him, Let him be crucified. 23And the governor said, Why, what evil hath he done? But they cried out the more, saying, Let him be crucified.

24¶ When Pilate saw that he could prevail nothing, but that rather a tumult was made, he took water, and washed his hands before the multitude, saying, I am innocent of the blood of this just person: see ye to it. 25Then answered all the people, and said, His blood be on us, and on our children.

26¶ Then released he Barabbas unto them: and when he had scourged Jesus, he delivered him to be crucified. 27Then the soldiers of the governor took Jesus into the common hall, and gathered unto him the whole band of soldiers. 28And they stripped him, and put on him a scarlet robe.

29¶ And when they had platted a crown of thorns, they put it upon his head, and a reed in his right hand: and they bowed the knee before him, and mocked him, saying, Hail, King of the Jews! 30And they spit upon him, and took the reed, and smote him on the head. 31And after that they had mocked him, they took the robe off from him, and put his own raiment on him, and led him away to crucify him. 32And as they came out, they found a man of Cyrene, Simon by name: him they compelled to bear his cross. 33And when they were come unto a place called Golgotha, that is to say, a place of a skull,

34¶ They gave him vinegar to drink mingled with gall: and when he had tasted thereof, he would not drink. 35And they crucified him, and parted his garments, casting lots: that it might be fulfilled which was spoken by the prophet, They parted my garments among them, and upon my vesture did they cast lots. 36And sitting down they watched him there; 37And set up over his head his accusation written, THIS IS JESUS THE KING OF THE JEWS. 38Then were there two thieves crucified with him, one on the right hand, and another on the left.

39¶ And they that passed by reviled him, wagging their heads, 40And saying, Thou that destroyest the temple, and buildest it in three days, save thyself. If thou be the Son of God, come down from the cross. 41Likewise also the chief priests mocking him, with the scribes and elders, said, 42He saved others; himself he cannot save. If he be the King of Israel, let him now come down from the cross, and we will believe him. 43He trusted in God; let him deliver him now, if he will have him: for he said, I am the Son of God. 44The thieves also, which were crucified with him, cast the same in his teeth. 45Now from the sixth hour there was darkness over all the land unto the ninth hour. 46And about the ninth hour Jesus cried with a loud voice, saying, Eli, Eli, lama sabachthani? that is to say, My God, my God, why hast thou forsaken me? 47Some of them that stood there, when they heard that, said, This man calleth for Elias. 48And straightway one of them ran, and took a spunge, and filled it with vinegar, and put it on a reed, and gave him to drink. 49The rest said, Let be, let us see whether Elias will come to save him.

50¶ Jesus, when he had cried again with a loud voice, yielded up the ghost. 51And, behold, the veil of the temple was rent in twain from the top to the bottom; and the earth did quake, and the rocks rent; 52And the graves were opened; and many bodies of the saints which slept arose, 53And came out of the graves after his resurrection, and went into the holy city, and appeared unto many. 54Now when the centurion, and they that were with him, watching Jesus, saw the earthquake, and those things that were done, they feared greatly, saying, Truly this was the Son of God. 55And many women were there beholding afar off, which followed Jesus from Galilee, ministering unto him: 56Among which was Mary Magdalene, and Mary the mother of James and Joses, and the mother of Zebedee’s children. 57When the even was come, there came a rich man of Arimathæa, named Joseph, who also himself was Jesus’ disciple: 58He went to Pilate, and begged the body of Jesus. Then Pilate commanded the body to be delivered. 59And when Joseph had taken the body, he wrapped it in a clean linen cloth, 60And laid it in his own new tomb, which he had hewn out in the rock: and he rolled a great stone to the door of the sepulchre, and departed. 61And there was Mary Magdalene, and the other Mary, sitting over against the sepulchre.

62¶ Now the next day, that followed the day of the preparation, the chief priests and Pharisees came together unto Pilate, 63Saying, Sir, we remember that that deceiver said, while he was yet alive, After three days I will rise again. 64Command therefore that the sepulchre be made sure until the third day, lest his disciples come by night, and steal him away, and say unto the people, He is risen from the dead: so the last error shall be worse than the first. 65Pilate said unto them, Ye have a watch: go your way, make it as sure as ye can. 66So they went, and made the sepulchre sure, sealing the stone, and setting a watch.

Tagalog Contemporary Bible

Mateo 27:1-66

Dinala si Jesus kay Pilato

(Mar. 15:1; Luc. 23:1-2; Juan 18:28-32)

1Kinaumagahan, nagplano ang lahat ng namamahalang pari at ang pinuno ng mga Judio kung ano ang gagawin nila para maipapatay si Jesus. 2Ginapos nila si Jesus at dinala kay Gobernador Pilato.

Ang Pagkamatay ni Judas

(Mga Gawa 1:18-19)

3Nang malaman ng traydor na si Judas na hinatulan ng kamatayan si Jesus, nagsisi siya sa kanyang ginawa at isinauli ang 30 pirasong pilak sa mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Judio. 4Sinabi niya sa kanila, “Nagkasala ako dahil ibinigay ko sa inyo ang isang taong walang kasalanan.” Pero sumagot sila, “Ano ang pakialam namin diyan? Problema mo na iyan.” 5Itinapon ni Judas sa templo ang salapi. Pagkatapos ay umalis siya at nagbigti.

6Pinulot ng mga namamahalang pari ang salapi at sinabi, “Hindi natin maaaring ilagay ang salaping ito sa kabang-yaman ng templo, dahil ibinayad ito upang maipapatay ang isang tao. Labag ito sa ating Kautusan.” 7Kaya napagkasunduan nilang gamitin ang salapi para bilhin ang bukid ng magpapalayok at gawing libingan ng mga dayuhan. 8Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay tinatawag pa rin ang lugar na iyon na “Bukid ng Dugo.”

9Sa pangyayaring iyon, natupad ang ipinahayag ni Propeta Jeremias nang sabihin niya, “Kinuha nila ang 30 pirasong pilak, ang halagang napagkasunduan ng mga taga-Israel na ipambili sa kanya, 10at ginamit nila ang pera bilang pambili ng bukid ng magpapalayok, ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.”27:10 Zac. 11:12-13.

Inimbestigahan ni Pilato si Jesus

(Mar. 15:2-5; Luc. 23:3-5; Juan 18:33-38)

11Nang madala na si Jesus kay Pilato, tinanong siya nito, “Ikaw nga ba ang hari ng mga Judio?” Sumagot si Jesus, “Ikaw na ang nagsabi.” 12Pero hindi sumagot si Jesus sa mga paratang ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Judio. 13Kaya tinanong siyang muli ni Pilato, “Bakit ayaw mong sagutin ang mga paratang nila sa iyo?” 14Pero hindi pa rin sumagot si Jesus, kaya nagtaka ang gobernador.

Hinatulan si Jesus ng Kamatayan

(Mar. 15:6-15; Luc. 23:13-25; Juan 18:39–19:16)

15Tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel, nakaugalian na ng Gobernador na magpalaya ng isang bilanggo na gustong palayain ng mga tao. 16Nang panahong iyon, may isang kilalang bilanggo na ang pangalan ay Barabas. 17Nang magtipon ang mga tao, tinanong sila ni Pilato, “Sino ang gusto ninyong palayain ko? Si Barabas o si Jesus na tinatawag na Cristo?” 18Alam ni Pilato na pagkainggit ang nagtulak sa pamunuan ng mga Judio na dalhin sa kanya si Jesus.

19Habang nakaupo si Pilato sa hukuman, nagpadala ang kanyang asawa ng ganitong mensahe: “Huwag mong pakialaman ang taong iyan na walang kasalanan, sapagkat nabagabag ako nang husto dahil sa panaginip ko tungkol sa kanya.”

20Pero sinulsulan ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Judio ang mga tao na hilingin kay Pilato na si Barabas ang palayain, at si Jesus ang ipapatay. 21Kaya nagtanong ulit si Pilato sa mga tao, “Sino sa dalawa ang gusto ninyong palayain ko?” Sumigaw sila, “Si Barabas!” 22Nagtanong pa ulit si Pilato, “Ano ngayon ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Cristo?” Sumagot ang mga tao, “Ipako siya sa krus!” 23Tinanong sila ni Pilato, “Bakit, ano ba ang ginawa niyang kasalanan?” Pero lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!” 24Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa dahil nagsisimula nang magkagulo ang mga tao, nagpakuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao at sinabi, “Wala akong pananagutan sa kamatayan ng taong ito. Kayo ang dapat managot. Malinis ang kamay ko sa bagay na ito.” 25Sumagot ang mga tao, “Kami at ang mga anak namin ang mananagot sa kanyang kamatayan!” 26Pagkatapos, pinalaya ni Pilato si Barabas. Pero si Jesus ay ipinahagupit niya at saka ibinigay sa mga sundalo upang ipako sa krus.

Pinahirapan ng mga Sundalo si Jesus

(Mar. 15:16-20; Juan 19:2-3)

27Dinala ng mga sundalo si Jesus sa loob ng palasyo ng gobernador, at nagtipon ang buong batalyon ng mga sundalo sa paligid niya. 28Hinubaran nila siya at sinuotan ng pulang kapa. 29Gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya, at ipinahawak ang tungkod sa kanyang kanang kamay bilang setro27:29 setro: sa Ingles, “scepter,” na sumisimbolo ng kapangyarihan ng isang hari. niya. Lumuhod sila sa harap niya at pakutyang sinabi, “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” 30Dinuraan nila si Jesus at kinuha ang tungkod sa kanyang kamay at paulit-ulit nilang inihampas sa kanyang ulo. 31Matapos nilang kutyain si Jesus, hinubad nila sa kanya ang kapa at isinuot muli sa kanya ang damit niya. Pagkatapos, dinala nila siya sa labas ng lungsod upang ipako sa krus.

Ipinako sa Krus si Jesus

(Mar. 15:21-32; Luc. 23:26-43; Juan 19:17-27)

32Nang nasa labas na sila ng lungsod, nakita nila ang isang lalaking taga-Cyrene na ang pangalan ay Simon. Sapilitan nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Jesus. 33Pagdating nila sa lugar na tinatawag na Golgota, na ang ibig sabihin ay “lugar ng bungo,” 34pinainom nila si Jesus ng alak na hinaluan ng apdo, pero nang matikman ito ni Jesus ay hindi niya ininom.

35Ipinako nila si Jesus sa krus, at pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit sa pamamagitan ng palabunutan. 36Pagkatapos, naupo sila at binantayan si Jesus. 37Naglagay sila ng karatula sa ulunan ni Jesus, at ganito ang nakasulat na paratang laban sa kanya: “Ito si Jesus, ang Hari ng mga Judio.” 38May dalawa ring tulisan na ipinako sa krus kasabay ni Jesus, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

39Ininsulto si Jesus ng mga taong napapadaan doon. Napapailing sila 40at sinasabi, “Hindi baʼt sinasabi mong gigibain mo ang templo at muli mong itatayo sa loob ng tatlong araw? Bakit hindi mo iligtas ang iyong sarili? Kung ikaw nga ang Anak ng Dios, bumaba ka sa krus!” 41Ganoon din ang pangungutya ng mga namamahalang pari, ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng mga Judio. Sinabi nila, 42“Iniligtas niya ang iba, pero hindi niya mailigtas ang kanyang sarili. Hindi baʼt siya ang Hari ng Israel? Kung bababa siya sa krus, maniniwala na kami sa kanya. 43Nagtitiwala siya sa Dios at sinasabi niyang siya ang Anak ng Dios. Ngayon, tingnan natin kung talagang ililigtas siya ng Dios!” 44Maging ang mga tulisang ipinakong kasama niya ay nang-insulto rin sa kanya.

Ang Pagkamatay ni Jesus

(Mar. 15:33-41; Luc. 23:44-49; Juan 19:28-30)

45Nang mag-alas dose na ng tanghali, dumilim ang buong lupain sa loob ng tatlong oras. 46Nang mag-alas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus nang malakas, “Eloi, Eloi, lema sabachtani?” na ang ibig sabihin ay “Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?”27:46 Salmo 22:1. 47Nang marinig iyon ng mga nakatayo roon, sinabi nila, “Tinatawag niya si Elias.” 48Agad namang tumakbo ang isang tao at kumuha ng espongha at isinawsaw sa maasim na alak. Ikinabit niya ito sa dulo ng isang patpat at idinampi sa bibig ni Jesus upang sipsipin niya. 49Pero sinabi naman ng iba, “Hayaan mo siya. Tingnan natin kung darating nga si Elias para iligtas siya.” 50Muling sumigaw nang malakas si Jesus at nalagutan ng hininga.

51Nang sandali ring iyon, nahati mula sa itaas hanggang sa ibaba ang kurtina sa loob ng templo. Lumindol sa buong lupain at nagkabitak-bitak ang mga bato. 52Nabuksan ang mga libingan at maraming banal27:52 banal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya. ang muling nabuhay. 53Lumabas sila ng libingan, at nang muling mabuhay si Jesus, pumunta sila sa Jerusalem27:53 Jerusalem: sa literal, banal na lungsod. at marami ang nakakita sa kanila.

54Ang kapitan at ang kanyang mga sundalo na nagbabantay kay Jesus ay nasindak nang mayanig ang lupa at nang makita ang mga pangyayari. Sinabi nila, “Totoo ngang siya ang Anak ng Dios!” 55Sa di-kalayuan ay maraming babae na nanonood sa mga pangyayari. Noong umalis si Jesus sa Galilea, sumunod ang mga babaeng ito sa kanya at tinulungan siya sa kanyang mga pangangailangan. 56Kabilang sa kanila si Maria na taga-Magdala,27:56 Maria na taga-Magdala: Sa ibang salin ng Biblia, Maria Magdalena. si Maria na ina nina Santiago at Jose, at ang asawa ni Zebedee.

Ang Paglilibing kay Jesus

(Mar. 15:42-47; Luc. 23:50-56; Juan 19:38-42)

57Nang magtakip-silim, isang mayamang lalaki na taga-Arimatea ang dumating. Siya ay si Jose na isa ring tagasunod ni Jesus. 58Pumunta siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. At iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya. 59Kaya kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng malinis na telang linen. 60Inilagay niya ito sa bagong libingang hinukay sa gilid ng burol, na ipinagawa niya para sana sa sarili. Pagkatapos, pinagulong niya ang isang malaking bato upang takpan ang pintuan ng libingan, at saka siya umalis. 61Si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay naroong nakaupo sa harap ng libingan.

Naglagay ng mga Guwardya sa Libingan

62Kinabukasan, Araw ng Pamamahinga, pumunta ang mga namamahalang pari at ang mga Pariseo kay Pilato. 63Sinabi nila, “Natatandaan po namin na noong buhay pa ang mapagpanggap na iyon, sinabi niya na mabubuhay daw siyang muli pagkatapos ng tatlong araw. 64Kaya mabuti sigurong pabantayan po ninyo ang kanyang libingan sa mga susunod na araw, dahil baka nakawin ng mga tagasunod niya ang kanyang bangkay at ipamalitang nabuhay siya. Kapag nangyari ito, mas magiging masahol pa ang pandarayang ito kaysa sa noong una.” 65Sumagot si Pilato sa kanila, “May mga guwardya kayo. Kayo na ang magpabantay ayon sa nalalaman ninyo.” 66Kaya pumunta sila sa libingan, at tinatakan nila ang bato na nakatakip sa libingan upang malaman nila kung may nagbukas, at nag-iwan sila roon ng ilang mga bantay.