Mark 4 – KJV & TCB

King James Version

Mark 4:1-41

1And he began again to teach by the sea side: and there was gathered unto him a great multitude, so that he entered into a ship, and sat in the sea; and the whole multitude was by the sea on the land. 2And he taught them many things by parables, and said unto them in his doctrine, 3Hearken; Behold, there went out a sower to sow: 4And it came to pass, as he sowed, some fell by the way side, and the fowls of the air came and devoured it up. 5And some fell on stony ground, where it had not much earth; and immediately it sprang up, because it had no depth of earth: 6But when the sun was up, it was scorched; and because it had no root, it withered away. 7And some fell among thorns, and the thorns grew up, and choked it, and it yielded no fruit. 8And other fell on good ground, and did yield fruit that sprang up and increased; and brought forth, some thirty, and some sixty, and some an hundred. 9And he said unto them, He that hath ears to hear, let him hear. 10And when he was alone, they that were about him with the twelve asked of him the parable. 11And he said unto them, Unto you it is given to know the mystery of the kingdom of God: but unto them that are without, all these things are done in parables: 12That seeing they may see, and not perceive; and hearing they may hear, and not understand; lest at any time they should be converted, and their sins should be forgiven them. 13And he said unto them, Know ye not this parable? and how then will ye know all parables?

14¶ The sower soweth the word. 15And these are they by the way side, where the word is sown; but when they have heard, Satan cometh immediately, and taketh away the word that was sown in their hearts. 16And these are they likewise which are sown on stony ground; who, when they have heard the word, immediately receive it with gladness; 17And have no root in themselves, and so endure but for a time: afterward, when affliction or persecution ariseth for the word’s sake, immediately they are offended. 18And these are they which are sown among thorns; such as hear the word, 19And the cares of this world, and the deceitfulness of riches, and the lusts of other things entering in, choke the word, and it becometh unfruitful. 20And these are they which are sown on good ground; such as hear the word, and receive it, and bring forth fruit, some thirtyfold, some sixty, and some an hundred.

21¶ And he said unto them, Is a candle brought to be put under a bushel, or under a bed? and not to be set on a candlestick? 22For there is nothing hid, which shall not be manifested; neither was any thing kept secret, but that it should come abroad. 23If any man have ears to hear, let him hear. 24And he said unto them, Take heed what ye hear: with what measure ye mete, it shall be measured to you: and unto you that hear shall more be given. 25For he that hath, to him shall be given: and he that hath not, from him shall be taken even that which he hath.

26¶ And he said, So is the kingdom of God, as if a man should cast seed into the ground; 27And should sleep, and rise night and day, and the seed should spring and grow up, he knoweth not how. 28For the earth bringeth forth fruit of herself; first the blade, then the ear, after that the full corn in the ear. 29But when the fruit is brought forth, immediately he putteth in the sickle, because the harvest is come.

30¶ And he said, Whereunto shall we liken the kingdom of God? or with what comparison shall we compare it? 31It is like a grain of mustard seed, which, when it is sown in the earth, is less than all the seeds that be in the earth: 32But when it is sown, it groweth up, and becometh greater than all herbs, and shooteth out great branches; so that the fowls of the air may lodge under the shadow of it. 33And with many such parables spake he the word unto them, as they were able to hear it. 34But without a parable spake he not unto them: and when they were alone, he expounded all things to his disciples. 35And the same day, when the even was come, he saith unto them, Let us pass over unto the other side. 36And when they had sent away the multitude, they took him even as he was in the ship. And there were also with him other little ships. 37And there arose a great storm of wind, and the waves beat into the ship, so that it was now full. 38And he was in the hinder part of the ship, asleep on a pillow: and they awake him, and say unto him, Master, carest thou not that we perish? 39And he arose, and rebuked the wind, and said unto the sea, Peace, be still. And the wind ceased, and there was a great calm. 40And he said unto them, Why are ye so fearful? how is it that ye have no faith? 41And they feared exceedingly, and said one to another, What manner of man is this, that even the wind and the sea obey him?

Tagalog Contemporary Bible

Marcos 4:1-41

Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik

(Mat. 13:1-9; Luc. 8:4-8)

1Muling nagturo si Jesus sa tabi ng lawa ng Galilea. At dahil sa dami ng taong nakapalibot sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon umupo, habang ang mga tao namaʼy nasa dalampasigan. 2Marami siyang itinuro sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, 3“Makinig kayo! May isang magsasakang naghasik ng binhi. 4Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga binhing iyon. 5May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar, kung saan walang gaanong lupa. Mabilis na tumubo ang binhi dahil mababaw ang lupa. 6Ngunit natuyo rin ito nang masikatan ng araw, at dahil hindi malalim ang ugat, namatay ito. 7May mga binhi namang nahulog sa lupang may matitinik na damo. Lumago ang mga damo at natakpan ang mga tumubong binhi kaya hindi namunga. 8Ang iba namaʼy nahulog sa mabuting lupa. Tumubo at lumago ang mga ito, at namunga. Ang ibaʼy katamtaman lang ang bunga; ang ibaʼy marami, at ang iba namaʼy napakarami.”4:8 Ang ibaʼy … napakarami: sa literal, Ang ibaʼy 30, ang ibaʼy 60, at ang iba namaʼy 100. 9Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan.”4:9 Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan: sa literal, Ang may taingang nakakarinig ay dapat makinig.

Ang Layunin ng mga Talinghaga

(Mat. 13:10-17; Luc. 8:9-10)

10Nang nakauwi na ang mga tao, tinanong siya ng 12 apostol at ng iba pang mga tagasunod niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon. 11Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios, ngunit sa iba4:11 sa iba: sa literal, sa mga nasa labas. Maaaring ang mga tinutukoy dito ay ang mga nasa labas ng kanilang grupo o ang mga hindi sumasampalataya kay Jesus. ay ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, 12upang matupad ang nakasulat sa Kasulatan,

‘Tumingin man sila nang tumingin, hindi sila makakakita.

Makinig man sila nang makinig, hindi sila makakaunawa.

Dahil kung makakaunawa sila, magsisisi sila sa kanilang kasalanan at patatawarin sila ng Dios.’4:12 Isa. 6:9-10.

Ang Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa Manghahasik

(Mat. 13:18-23; Luc. 8:11-15)

13Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung hindi ninyo nauunawaan ang talinghaga na ito, paano ninyo mauunawaan ang iba ko pang mga talinghaga? 14Ang inihahasik ng manghahasik ay ang salita ng Dios. 15Ang tabi ng daan, kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakinig sa salita ng Dios. Ngunit dumating agad si Satanas at inagaw ang salita ng Dios na narinig nila. 16Ang mabatong lugar, kung saan nahulog ang ibang binhi, ay ang mga taong nakinig sa salita ng Dios at masaya itong tinanggap kaagad. 17Ngunit hindi taimtim sa puso ang pagtanggap nila, kaya hindi tumatagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng kahirapan o pag-uusig dahil sa salita ng Dios na tinanggap nila, tumatalikod sila kaagad sa kanilang pananampalataya. 18Ang lupang may matitinik na damo, kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakinig sa salita ng Dios. 19Ngunit dahil sa mga alalahanin dito sa mundo, paghahangad na yumaman, at paghahabol sa marami pang mga bagay, nakakalimutan nila ang salita ng Dios, kaya hindi namumunga ang salita sa kanilang buhay. 20Ngunit ang mabuting lupa na hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig ng salita ng Dios at tumanggap nito. Kaya namumunga ito sa kanilang buhay. Ang ibaʼy katamtaman lang ang bunga; ang ibaʼy marami, at ang iba namaʼy napakarami.”4:20 Ang ibaʼy … napakarami: sa literal, Ang ibaʼy 30, ang ibaʼy 60, at ang iba namaʼy 100.

Ang Talinghaga tungkol sa Ilaw

(Luc. 8:16-18)

21Sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Walang taong nagsindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng takalan o ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan. 22Ganoon din naman, walang nakatagong hindi malalantad, at walang lihim na hindi mabubunyag.4:22 Maaaring ang lihim na tinutukoy dito ay ang tungkol sa paghahari ng Dios na kailangang ihayag. 23Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan.”4:23 Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan: sa literal, Ang may taingang nakakarinig ay dapat makinig. 24Sinabi pa niya, “Makinig kayong mabuti sa sinasabi ko. Bibigyan kayo ng Dios ng pang-unawa ayon sa inyong pakikinig,4:24 Bibigyan … pakikinig: sa literal, Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo. at dadagdagan pa niya ito. 25Sapagkat ang taong sumusunod sa narinig niyang katotohanan ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi sumusunod sa katotohanan, kahit ang kaunti niyang naunawaan ay kukunin pa sa kanya.”

Ang Paghahalintulad sa Binhing Tumutubo

26Sinabi pa ni Jesus, “Ang paghahari ng Dios ay maitutulad sa kwentong ito: May isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. 27Habang nagtatrabaho siya sa araw at natutulog sa gabi, ang mga binhing inihasik niya ay tumutubo at lumalago kahit na hindi niya alam kung paano. 28Ang lupa ang nagpapatubo at nagpapabunga sa tanim. Sisibol muna ang mga dahon, saka ang uhay, at pagkatapos ay ang mga butil. 29At kapag hinog na, inaani ito ng may-ari, dahil panahon na para anihin.”

Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa

(Mat. 13:31-32, 34; Luc. 13:18-19)

30Sinabi pa ni Jesus, “Sa ano kaya maitutulad ang paghahari ng Dios? Sa ano ko kaya ito maihahambing? 31Katulad ito ng isang buto ng mustasa4:31 mustasa: Itoʼy isang uri ng mustasa na mataas. na siyang pinakamaliit sa lahat ng buto. 32Ngunit kapag naitanim na at tumubo, nagiging mas mataas ito kaysa sa ibang mga halaman, at kahit ang mga ibon ay nakakapamugad sa lilim ng mga sanga nito.”

33Marami pang mga talinghaga o mga paghahalintulad na gaya ng mga ito ang ginamit ni Jesus sa pagtuturo sa mga tao ayon sa makakaya ng kanilang pang-unawa. 34Hindi siya nangangaral sa mga tao nang hindi gumagamit ng talinghaga, pero ipinapaliwanag naman niya sa mga tagasunod niya kapag sila-sila na lang.

Pinatigil ni Jesus ang Malakas na Hangin at Alon

(Mat. 8:23-27; Luc. 8:22-25)

35Kinagabihan, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.” 36Kaya iniwan ng mga tagasunod niya ang mga tao at sumakay na rin sila sa bangkang sinasakyan ni Jesus. May mga bangka ring sumunod sa kanila. 37Habang naglalayag sila, biglang lumakas ang hangin. Hinampas ng malalaking alon ang bangka nila at halos mapuno na ito ng tubig. 38Si Jesus ay nasa hulihan ng bangka at natutulog ng nakaunan. Ginising siya ng mga tagasunod niya, “Guro, malulunod na tayo! Balewala lang ba ito sa inyo?” 39Kaya bumangon si Jesus at pinatigil ang hangin at mga alon. Sinabi niya, “Tigil! Kumalma kayo!” Tumigil nga ang hangin at kumalma ang dagat. 40Tinanong niya ang mga tagasunod niya, “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananampalataya sa akin?” 41Takot na takot sila at nag-usap-usap, “Sino kaya ang taong ito na kahit ang hangin at ang dagat ay sumusunod sa kanya?”