詩篇 96 – JCB & TCB

Japanese Contemporary Bible

詩篇 96:1-13

96

1世界中どこででも、

主に新しい歌をささげましょう。

2賛美の声を上げましょう。

日ごと、だれかに、神の救いを人々に知らせましょう。

3栄光に輝く主を世界中に伝え、

神のお働きを話して聞かせましょう。

4主は、ことばで言い表せないほど偉大で、

大いにほめたたえられるべきお方です。

他の神々には目もくれず、

このお方だけを礼拝しなさい。

5他国の神々は、人が作った偶像にすぎません。

しかし私たちの主は、天を造られたお方です。

6栄誉と威光が神を包み、

力と美が宮に立ちこめています。

7世界の国々よ、

主だけに栄光と力があることを認めなさい。

8主にふさわしい栄誉をささげ、

供え物を携えて来て礼拝しなさい。

9きよい生活を守ることによって主を礼拝しなさい。

全地は神の前で震えおののきなさい。

10諸国民に、主の支配が行き渡ると告げなさい。

神の権威はいつまでも落ちることなく、

主はすべての国を公平にさばかれるのです。

11天は喜び、地は小躍りしなさい。

見渡す限りの海は、

鳴りとどろいて神の栄光を伝えなさい。

12青々とした野原を見て、ほめたたえなさい。

草の一本一本が、主の偉大さを物語っているのです。

森の木々も、こずえを鳴らして賛美しなさい。

13主は世界をさばくために来てくださり、

公平で真実なさばきを下されます。

Tagalog Contemporary Bible

Salmo 96:1-13

Salmo 96

Ang Dios ang Pinakamakapangyarihang Hari

(1 Cro. 16:23-33)

1Kayong mga tao sa buong mundo,

umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!

2Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan.

Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.

3Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.

4Dahil dakila ang Panginoon, at karapat-dapat papurihan.

Dapat siyang igalang ng higit sa lahat ng mga dios,

5dahil ang lahat ng dios ng ibang mga bansa ay hindi tunay na mga dios.

Ang Panginoon ang lumikha ng langit.

6Nasa kanya ang kapangyarihan at karangalan;

at nasa templo niya ang kalakasan at kagandahan.

7Purihin ninyo ang Panginoon,

kayong lahat ng tao sa mundo.

Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.

8Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya.

Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa templo.

9Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon.

Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan.

10Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!”

Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag.

Hahatulan niya ang mga tao ng walang kinikilingan.

11-12Magalak ang kalangitan at mundo,

pati ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila.

Lahat ng mga puno sa gubat ay umawit sa tuwa

13sa presensya ng Panginoon.

Dahil tiyak na darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo batay sa kanyang katuwiran at katotohanan.