箴言 知恵の泉 19 – JCB & TCB

Japanese Contemporary Bible

箴言 知恵の泉 19:1-29

19

1人をだまして金持ちになるより、

貧しくても正直に生きるほうが幸せです。

2よく調べもせずに突っ走るのは、

失敗のもとです。

3人は自分の不注意でチャンスを逃しては、

それを主のせいにします。

4金持ちには友がたくさんできますが、

貧しい人にはだれも寄りつきません。

5偽証すれば罰せられ、

うそをつけば罰を免れません。

6気前のいい人は大ぜいの人に好かれ、

だれとでも友になります。

7貧しいと、

友ばかりか兄弟にもそっぽを向かれます。

どんなに呼んでも、去った人は戻りません。

8知恵のある人は、

自分の一番大事な仕事を愛して成功します。

9偽証すれば罰せられ、

うそをつけば捕まります。

10愚か者が成功し、

使用人が主人を支配するのはふさわしくありません。

11利口な人は侮辱されても、

忍耐を働かせて信用を得ます。

12王の怒りはライオンのうなり声のように恐ろしく、

優しいことばは草に降りる露のように快いものです。

13不従順な子は、

父にとってわずらわしい存在です。

文句ばかり言う妻は、

したたり続ける雨もりのようにやっかいです。

14家や財産なら父親でも息子に残すことができます。

賢い妻は、主に与えていただくしかありません。

15怠けて眠りこけてばかりいると、

そのうち飢えることになります。

16いのちが惜しければ命令を守りなさい。

命令を無視する者は死にます。

17貧しい人に手を差し伸べるのは、

主に貸すのと同じです。

あとで主が報いてくれます。

18まだ望みのあるうちに子どもを懲らしめなさい。

放っておいて、その一生を台なしにしてはいけません。

19短気な者が失敗したら、自分で後始末をさせなさい。

一度でも助けてやると、くり返すようになります。

20忠告はできるだけ聞いて、賢く生きなさい。

21人はたくさんの計画を立てますが、

主の計画だけが成るのです。

22親切な人はだれにも好かれます。

貧しくても、うそつきよりは良いのです。

23主を恐れることは、幸せで安全な生活のかぎです。

24目の前に食べ物があるのに、

口に入れようともしない怠け者がいます。

25人をさげすむ者を罰すれば見せしめになり、

知恵のある人をしかると、ますます賢くなります。

26親に乱暴する者は辱めを受けます。

27間違っていると思う教えを聞くのはやめなさい。

28偽りの証人は正しい裁判を侮り、

こりずにまた罪を犯します。

29さばきをさげすんで守らない者は、

きびしく罰せられます。

Tagalog Contemporary Bible

Kawikaan 19:1-29

1Mas mabuti pa ang mahirap na namumuhay nang matuwid kaysa sa hangal na sinungaling.

2Maging masigasig ka man ngunit walang nalalaman, wala rin itong kabuluhan. Kapag ikaw naman ay pabigla-bigla madali kang magkakasala.

3Kamangmangan ng tao ang nagpapahamak sa kanyang sarili, at pagkatapos sa Panginoon ibinabaling ang sisi.

4Ang mayaman ay maraming kaibigan, ngunit ang mahirap namaʼy iniiwanan ng kaibigan.

5Ang saksing sinungaling ay parurusahan, at ang nagsisinungaling ay hindi makakatakas sa kaparusahan.

6Marami ang lumalapit sa pinunong mabait, at sa mapagbigay ang lahat ay nakikipagkaibigan.

7Ang mahihirap ay iniiwasan ng mga kamag-anak, at lalo na ng mga kaibigan. Kapag sila ay kailangan hindi sila matagpuan.

8Ang taong nagsisikap na magkaroon ng karunungan ay nagmamahal sa sarili, at ang nagpapahalaga sa pang-unawa ay uunlad.

9Ang hindi tapat na saksi ay parurusahan, at ang sinumang nagsisinungaling ay mapapahamak.

10Hindi bagay sa taong mangmang ang mamuhay sa karangyaan, at mas lalong hindi bagay sa isang alipin ang mamuno sa mga pinuno.

11Kung ikaw ay mahinahon, nagpapakita lang na marunong ka. At kung pinapatawad mo ang nagkasala sa iyo, makapagdudulot ito ng karangalan sa iyo.

12Ang galit ng hari ay parang atungal ng leon, ngunit ang kanyang kabutihan ay tulad ng hamog na bumabasa sa mga halaman.

13Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapahamakan sa kanyang ama. Ang bungangerang asawa ay nakakainis tulad ng tulo sa bubungan.

14Bahay at kayamanan sa magulang ay namamana, ngunit ang Panginoon lang ang nagbibigay ng matalinong asawa.

15Kung ikaw ay tamad at tulog lang nang tulog, magugutom ka.

16Mabubuhay nang matagal ang taong sumusunod sa utos ng Dios, ngunit ang hindi sumusunod ay mamamatay.

17Kapag tumutulong ka sa mahirap, para kang nagpapautang sa Panginoon, dahil ang Panginoon ang magbabayad sa iyo.

18Ituwid mo ang iyong anak habang may panahon pa. Kung hindi mo siya itutuwid, ikaw na rin ang nagpahamak sa kanya.

19Hayaan mong maparusahan ang taong magagalitin, dahil kapag tinulungan mo siya, uulit-ulitin lang niya ang kanyang ginagawa.

20Dinggin mo at sundin ang mga payo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali, at sa bandang huli ay magiging marunong ka.

21Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod.

22Ang gusto natin sa isang tao ay matapat.19:22 Ang gusto natin … matapat: o, Ang pagiging sakim ng tao ay nakakahiya. Mas mabuti pang maging mahirap kaysa maging sinungaling.

23Ang pagkatakot sa Panginoon ay magdudulot ng mahabang buhay, kasapatan, at kaligtasan sa kapahamakan.

24May mga taong sobrang batugan kahit ang kumain ay kinatatamaran.

25Ang mapanuya ay dapat parusahan para ang mga katulad niya ay matuto na maging marunong. Ang nakakaunawa ay lalong magiging marunong kapag pinagsasabihan.

26Kahiya-hiya ang anak na malupit sa kanyang ama at pinapalayas ang kanyang ina.

27Anak, kung hindi ka makikinig sa mga pangaral para maituwid ang iyong pag-uugali, tinatanggihan mo ang mga turo na nagbibigay ng karunungan.

28Ang sinungaling na saksi ay pinapawalang-kabuluhan ang katarungan, at ang bibig ng masama ay nalulugod sa pagpapahayag ng kasamaan.

29Sa mga mapanuya ay may hatol na nakalaan, at hagupit naman ang nakahanda para sa mga hangal.